Share

CHAPTER 2: Delicious

Zephraime Point Of View

“Your Aunt Frin misses you so much, so she told me to bring you along.”

I’m just sitting at the backseat while dad is on the front seat. Our driver is ninong Alfred who’s managing the grapes farm.

“Zephraime, don't use that attitude of yours infront of your Aunt Frin okay?”

Once again, hindi ba siya napapagod magsalita? O di kaya naman ay si ninong nalang ang kausapin niya kesa ginugulo niya ang pananahimik ko dito sa likod.

Nagsalpak nalang ako ng earphone at nakinig ng music, sinigurado ko’ng naka full volume para hindi ko marinig ang nakakairitang boses ng nasa unahan. Naglagay din ako ng neck pillow at ipinikit ang mga mata.

•••

Mag a-alas syete na nang dumating kami sa Tralan Province. Sinalubong kami ng isang may edad na lalaki at masayang bumati sa amin.

“Magandang gabi ho Heneral! Sayo din sir Alfred at sir Zephraime!”

Bahagyang tumango lamang ako kahit pa hindi ko siya nakikilala. 3 years old palang ako ng huli ako’ng bumisita sa Tralan kasama si. . . Mommy.

“Magandang gabi din sayo Sio, mabuti naman at nakikilala mo pa ang anak ko na panganay.”

“Aba oo naman ho, ke’ gwapong bata nito ah.”

Nag umpisa nang maglakad si Dad kasabay ang matandang lalaki habang nag kukwentuhan. Nasa kanang gilid ko naman si Ninong Alfred na pangiti ngiti lamang.

“Merong ampon si Sio at ang asawa niya, siguro magkaedad lang kayo. Hindi ka naman maboboring dito sa loob ng isang buwan kasi may makaka—”

Napahinto ako sa paglalakad kaya naman napahinto din sa pagsasalita si Ninong. 

“What do you mean?”

Tanong ko sa kaniya. Tumingin ito sa akin ng naguguluhan at kalaunan ay napatango-tango na animo’y may naalala.

“Hindi pala sinabi sayo ng Daddy mo? Mananatili ka dito ng isang buwan sa kahilingan ng Aunt Frin mo.”

Kumuyom ang kamao ko dahil sa narinig at mabilis na naglakad para makahabol sa medyo nakakalayo nang bulto ng dalawang tao. 

Matapos ang mahaba-habang lakaran ay nakarating kami sa isang hindi kaliitan at hindi kalakihan na bahay. Gawa ito sa kawayan at yari sa anahaw ang bubong. Simple lang ang bahay pero mahahalata mo na matibay at malinis.

“Pasok ho kayo mga sir at makapag hapunan. Ihahatid ho namin kayo ng aking anak sa Banaan para doon makapagpahinga.”

“Maraming salamat Sio at pasensya na sa abala.”

“Naku Sir wala ho iyon. Kulang pa ho ito sa mga naitulong niyo sa amin.”

Nakaupo kami sa harap ng square na lamesa habang ng uusap ang dalawa. Palinga-linga lamang ako sa paligid nang mamataan ko ang isang picture ng batang lalaki.

“Andito na ang hapunan, naku siguradong magugustuhan ninyo ang luto ng asawa at anak ko mga sir.” saad ni Mang Sio. 

“Sigurado yan Sio ha!”

Saad ni Ninong Alfred. Sa Lamesa ay inilapag ng sa tingin ko ay asawa ni Mang Sio ang mga putaheng hindi ko kilala at tanging kanin at pritong itlog lamang ang pamilyar sa akin.

“What’s this?”

Tanong ko habang nakaturo sa isang putahe na may kulay puting sabaw.

“Ginataang tahong yan sir, tapos ito naman ay paksiw na tainga ng baboy, ito naman ay ginisang puso ng saging na may hipon at pang huli ay ang paborito ng daddy mo ang goto at tortang talong!”

Napakurap-kurap na lamang ako habang sinusuri ang mga pagkain.

“It’s look edible, aren't we going to eat now?”

Nagtawanan naman ang matatanda kaya napakunot ang noo ko. 

“Naku ang sir mukhang nagutom sa biyahe sandali at tatawagin ko lamang ang mag ina ko.”

Tumayo si Mang Sio at pumunta sa marahil ay kusina. Maya-maya lamang ay lumabas na ito kasama ang asawa.

“Oh? Na’san ang anak niyo? Hindi ba siya sasabay?” tanong ni Dad sa mag asawa. 

“Naku sir eh may pagka mahiyain ho kasi iyon, kaya—”

“Okay let me call him.” pagputol ni Dad sa sasabihin ng asawa ni Mang Sio. Tumayo si Daddy at pumasok sa kusina. 

“Ah sir Zephraime, ito nga pala ang asawa ko si Rosa, pwede mo siyang tawaging Nanay Rosa at ako naman ay Tatay Sio.” Nakangiting saad ni Tatay Sio. 

“Andito na sila! Naku mabuti at napapayag ni sir na sumabay sa atin hahaha itong bata na ito talaga.”

Tumingin ako sa gilid at nakita si Daddy na nakaakbay sa isang lalaki. Napatitig ako dito at agad namang napaiwas nang magtama ang mga paningin namin. I can feel my heartbeat so d-mn loud. 

‘Why the f-ck I am feeling this?’ tanong ko sa isip ko. 

Nag umpisa nang kumain ang lahat, ipinag babalat ako ng hipon ni Ninong Alfred dahil muntik ko nang kainin ng may balat kanina.

“Masarap ba ijo?”

Tanong ni Nanay Rosa. Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago tumingin sa kaniya. Katabi nito ang anak kaya naman napabaling dito ang tingin ko bago nagsalita

“Delicious, it's really good.”

Saad ko bago muling ibinaling ang tingin kay Nanay Rosa nang makitang titingin sa gawi ko ang anak niya.

‘I think may mas masarap pa sa putahe na kinakain ko ngayon.’ saad ko sa isip ko.

Nang matapos na kaming kumain ay inihatid na kami ni Tatay Sio sa Banaan. Hindi sumama ang anak nito dahil magpapakain pa daw ito ng mga baboy. Wala sa sariling napangiti ako habang iniisip ang pagkakaabalahan sa mga susunod na araw.

‘I guess I will stay here.’ saad ko sa isip ko at sinabayan sa paglalakad si Daddy bago inakbayan.

“You look happy huh?” saad nito.

Wala sa sariling napangisi ako sa sinabi niya.

“I thinks it's good to stay here.” saad ko sa kaniya.

“Why didn't you invite your friend here?” tanong ni Dad sa akin.

“I tried to call them last night but they're busy.” saad ko.

Hindi naman siguro niya malalaman na nagsisinungaling ako. Alangan namang sabihin ko na sinubukan kong tawagan pero nagkamali ako ng one digit number kaya iba ang sumagot. Siguradong pagtatawanan ako ng matandang ito.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang magsalita siya, “Be good to your Aunt Frin please? She loves you like you're her own son.” 

Inalis ko ang pagkakaakbay sa kaniya bago namulsa at dumeretso ng tingin.

“I never forbid her to treat me the way she likes. But don't expect that I'll treat her the way she wants.” I said.

“Yaszer—”

“My mom is the only one who can call me that.” pagputol ko sa sasabihin niya.

“Haven’t you moved on?” he asked.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa langit na puno ng bituin.

“I already accepted that she's gone. But you cant force me to accept someone to be my mom.” I said and continue to walk.

I don't care if she will feel bad about it. But I also can't force myself. Sa pag iisip ko ay hindi sinasadyang maalala ang maamong mukha ng lalaki kanina kaya wala sa sariling napangiti na naman ako.

“I’ll see you again.” saad ko habang may planong namumuo sa utak ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status