Share

CHAPTER 3: Knowing Him

Zephraime Point Of View

Kinaumagahan ay maaga akong ginisingni dad upang kaagad na pumunta sa grapes farm. Nabitin mg husto amg tulog ko kaya naman bad mood na bad mood ako. Pagkarating sa farm ay naabutan namin doon si Tatay Sio at ang anak nito kaya naman ang kaninang masamang gising ko ay biglang nagbago dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

“Ah, oo nga pala mga sir, hindi ko pa pormal na naiipakilala ang anak ko. Siguro ay nakita niyo na siya dati pero hindi na matandaan sa sobrang katagalan.” saad ni Tatay Sio.

“Siya siguro ang batang nakikita ko dito noon ngunit hindi ko alam na siya ang anak ninyo ni Rosa.” saad naman ni Dad.

“Lucas anak siya si sir Giovanni ang nag mamay-ari nitong lupain at ito naman ang anak niyang si sir Zephraime. Mga sir ito ho si Xenon Lucas ang anak namin ni Rosa.” pagpapakilala ni Tatay Sio sa amin. 

Bahagya namang yumukod si Xenon at nakipag kamay kay Dad. Matapos ay bumaling ito sa akin na ikinataranta ng puso ko.

“M-magandang umaga po sir.”

Tiningnan ko ang kamay nito’ng nakalahad bago humakbang palapit sa kaniya na ikinagulat naman nito. 

“Zephraime.” pagtawag si dad sa akin na animo’y pinapaalalahanan ako na huwag gagawa ng maling kilos.

“Nice to meet you, Xen.” saad ko dito bago nakipag kamay. Bahagya ko’ng pinisil ang kamay nito na agad naman niyang binawi.

“Ay sigurado ako’ng magkakasundo kayo ng anak ko sir, mabait ho ito at matalino!”

Nakangiti akong nakatingin kay Xenon at masasabi kong naiilang at nagtataka na ito sa akin. Bahagya kong naramdaman ang pagsiko ni Dad sa akin kaya naman napabaling ang atensyon ko dito.

“Stop looking at him like that.” bulong nito sa akin. 

“Like what?”

“Like you're ready to attack him!”

Inirapan ko na lamang ito at lumapit kay Xenon.

“Let’s go ^-^”

Nakangiti kong wika dito. Nagtataka itong tumingin sa akin kaya naman inakbayan ko ito at kinabig palapit sa akin.

“Lets tour around the farm.”

I said at naglakad kaya naman nahila siya. 

“S-sandali, sir…. SIR!”

Nagulat ako sa pagsigaw nito kaya naman napahinto ako. Agad naman itong napatakip sa bibig at luminga-linga sa paligid.

“Sinisigawan mo ba ako?” tanong ko dito na agad naman nitong ikinailing.

“H-hindi… s-sorry po, kasi n-naman anlayo na natin kina tatay.” Namumulang paliwanag nito. Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kaniya.

‘F-ck I’m doomed.’ I said to my mind. 

“I want to know you more.” biglang saad ko. 

Hindi ko alam pero kusa iyo’ng lumabas sa bibig ko. This guy infront of me has a huge impact to my heart.

“Huh?”

“I want to know you more Xen.” seryosong saad ko dito. 

“Bakit?”

Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa tanong niya. 

“I’m interested in you.” nakita ko kung paano kumunot ang noo nito at muling nagtanong. 

“Bakit?”

“D-mn it! I said I want to know you more because I'm f-cking interested in you!” frustrated na saad ko dito.

Hindi ba alam ng lalaki’ng ito kung gaano kahirap ang ginagawa ko? For f-cking sake! I'm not suppose to do this but here I am, looks like a desperate id-ot!

“Bahala ka nga diyan sir, nababaliw ka na yata.” saad nito bago naglakad palayo sa akin. 

Naiwan nalang akong naka tayo sa gitna ng ubasan habang nakanganga.

‘Did he f-cking rejected me? Did he?’

I clenched my fist and gritted my teeth. 

“You can't do this to me.”

Nanggagalaiting saad ko at sinundan ang papalayo na niyang bulto. 

Xenon’s Point Of View

“Nasan si Sir Zephraime?”

Tanong ni tatay sa akin. Napangiwi ako at lumingon kung saan ako lumabas, agad naman akong nagtago sa likod ni tatay nang makita ang madilim na awra nang papalapit na bulto ni Sir Zephraime.

“Naku! Sir Zephraime pasensya ka na sa anak ko ha? Talagang medyo pasaway din kasi ito’ng batang ito.” saad ni tatay. 

“It’s okay.” seryosong saad nito

Napalunok ako at lumabas mula sa likuran ni tatay. 

“Sorry po sir, kayo kasi kung anu-ano sinasabi niyo.”

Nakita kong ngumiti ito kaya naman bahagya akong nakahinga ng maluwag.

“How old are you Xen?”

“Twenty-Five sir.” sagot nito. 

Napatango-tango naman ito at nakita ko kung paano niya ako tingnan mula ulo hanggang paa.

“You look small at your age.”

Napanganga nalang ako sa tinuran niya. Aminado ako’ng hindi ako katangkaran sa height na 175 cm lalo na kung ipagtatabi kaming dalawa.

“Naku sir, talagang matanggkad lang ho kayo! Ay oo nga pala kung hindi ako nagkakamali ay 28 years old na ho kayo?” saad naman ni Tatay Sio.

‘Yes Tay, tama ipagtanggol mo ako.’ saad ko sa isip ko. 

Napatingin ako sa postura ni Sir Zephraime. Matangkad siya, hanggang balikat niya lang ako eh. Maputi siya at mukhang alaga sa ehersisyo base sa pangangatawan niya. 

“Your figure is looks like a girl’s body.” turan pa nito. 

Namula ako ng husto dahil sa sinabi niya. 

‘Kung pwede ka lang sapakin sir ginawa ko na.’ saad ko sa isip ko.

Hindi ako nagsasalita at nakasimangot na nakatingin lamang sa kaniya.

‘Ito ba ang matatanggap ko dahil sa pang iiwan sa kaniya?’

“You look pretty if you were a girl.” dagdag pa nito. 

‘That’s it!’

“Ano’ng—”

“I like it.” wika niya. 

Nabitin ang tangkang pagpoprotesta ko dahil sa sinabi niya.

“H-ha?” saad ko.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinoproseso ng utak ko ang mga pinagsasasabi niya.

“Sio! Sio! Halina kayo at mag aalmusal na!!”

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang sigaw ni Nanay mula sa hindi kalayuan. Hinanap ng paningin ko si Tatay at nakitang pumipitas ito ng ilang ubas at inilalagay sa basket.

“Halina na kayo, nga pala Xenon anak ipasyal mo sa ibaba itong si sir Zephraime. Sigurado ako’ng magugustuhan niya doon.”

Wala na akong nagawa kundi ang sumang ayon at naglakad na pauwi sa bahay.

Zephraime Point Of View

‘This is great. This is so f-cking great.’

Kahit yata hindi na ako kumain ng almusal ay busog na ako sa tanawin. Alam kong napapansin niya ang pagtitig na ginagawa ko sa kaniya dahil nahuhuli kong sumusulyap siya sa akin habang si Dad naman ay paminsan-minsang tumitighim bago titingin sa akin na parang binabalaan ako.

‘Why Dad? Nababasa mo ba ang iniisip ko?’ saad ko sa isip ko.

“May problema ho ba sir Gio? Masakit ho ba ang lalamunan ninyo?” tanong ni Tatay Sio.

“Naku hindi, okay lang ako Sio.” sagot naman ni Daddy.

“Zephraime, kumain ka na jan.” wika nito kaya naman nakangiting nag-umpisa na akong kumain at paminsanang tumitingin kay Xenon na kaharap ko.

‘I will surely get to know you soon. And when that time comes, be prepared.’ saad ko sa isip ko at nagpatuloy na sa pagkain. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status