Share

Chapter 7

Penulis: Aila tan
last update Terakhir Diperbarui: 2024-02-04 19:00:58

Halos maalog ang utak ko sa bilis ng pag lingon ko nang magulat ako sa pagtikhim ng estrangherong lalaki.

What's this estranged man doing here?

Agad kong pinahid ang mga luha ko kahit na hindi ko alam kung mahahalata ba niyang luha iyon gayong nasa tubig naman ako.

"Anong ginagawa mo rito? Are you spying on me?!" Mataray na tanong ko nang kalmahin ko ang sarili ko.

Inilublob ko ng mas malalim ang sarili ko hanggang sa ulo ko nalang ang litaw sa tubig... Para naman hindi niya makitang wala ako halos saplot sa katawan.

Mahirap na lalo't hindi ko siya ganun kakilala.

"pftt... of course not! I just wanted to apologize about earlier. Is this a bad time?" he said in a calm tone.

Para siyang maamong tupa na wala ni bakas ng magaspang na pag uugali na ipinakita niya kanina at nang nagdaang araw!

Kaya naman pala niyang maging mahinahon pero bakit siya sumigaw kanina?

kaya naman pala niyang maging magalang pero bakit kailangan pa niyang maging bastos?!

"You think?" Mataray na balik ko sa kanya habang nakataas ang kilay, "turn around," utos ko na ikinakunot ng noo niya niya.

"Why?" Nagtatakang tanong niya na mas ikinairap ko pa.

Wala talagang common sense!

"Well kasi pumunta ka rito at inistorbo ako habang naliligo ako so I'm basically naked... Turn around so I can get my clothes," sagot ko sabay turo ng damit kong nakasampay sa sanga ng puno.

Sinundan naman niya ng tingin ang daliri ko kaya napatango nalang siya nang marealize ang ibig kong sabihin.

"Oh right," usal niya at agad din namang tumalikod siya kaya dali dali akong umahon sa tubig at nagtungo sa kinalalagyan ng damit ko sabay dali dali akong nag bihis.

"You better not be peaking!!" babala ko sa kanya habang isinusuot ko ang damit ko.

"I'm not and I don't need to... Marami na akong nakitang ganyan kanya wag kang mag alala, tsaka kahit may damit ka madali namang hulaan ang sukat niyan dahil hindi naman kalakihan," sagot niya na nag pasamid sa akin.

Dinig ko ang mahinang pag tawa niya at kahit nakatalikod siya ay alam kong nakangisi siya.

Ang gunggong nato! Hindi lang walang hiya! arogante at bastos pa!

Ano raw? Hindi kalakihan?!

"You pervert!" Akusa ko sa kanya sabay bato sa kanya ng maliit na batong nakuha ko sa kinatatayuan ko.

Ilang araw palang siya rito pero tinignan niya na agad ang dibdib ko at inistima ang sukat?!

Akalain mong hindi lang pala walang utang na loob ang taong ito! Manyak rin pala!

"OW! I'm just joking," daing niya habang hinihimas ang batok niyang tinamaan ng bato.

Pakiramdam ko ay nanginit ang pisngi ko at hindi ko alam kung dahil sa pagkapahiya o dahil sa inis sa kanya!

"Wow! Hindi naman ako nainform na close pala tayo para mag joke ka ng ganyan and infact I didn't know that someone who's ungrateful like you is capable of making a joke," nakapamaywang na sabi ko sa kanya habang nanlalaki ang mata sa pagtataray.

May kung anong malungkot na ekspresyon ang dumaan sa mga mata niya at napawi ang ngisi niya kanina pero hindi siya nag salita kaya sinamantala ko iyon para tanungin ang pakay niya.

"So ano ngang kailangan mo at inistorbo mo ang pag langoy ko? Hindi ka naman siguro pumunta rito para lang silipan ang hindi kalakihang hinarap ko hindi ba?" Sarkastikong tanong ko kaya mapakamot nalang siya sa ulo niya.

Napangiwi nalang siya at halatang napapahiya ng kaunti dahil napapakamot siya sa batok niya.

By now, he must have realized already that he shouldn't have made that joke.

Hindi naman kami close at tsaka oo nga't hindi to kalakihan pero hindi din naman to maliit!

Bigla tuloy akong naconscious sa sarili ko!

"Ah," he cleared his throat and looked at my eyes directly, which gave me the chill.

Why the hell does he have to look at me like that?!

Hindi naman nasama ang tingin na iyon pero nangilabot ako ng gusto!

His eyes... There's something in it I can't explain, but I just shrugged it off.

"I'm sorry for the way I acted earlier... And the other day, I didn't mean to be rude, it's just that..." Nabitin siya sa pag hingi niya ng paumanhin dahil hindi niya magawang ituloy ang gusto niyang sabihin.

Para bang nag aalangan siyang sabihin ang nasasaisip niyang dahilan kung bakit siya nag kakaganun.

"It's just what? You're just a jerk?" Balik ko sa kanya kasabay ng pag ismid.

"Yeah... Siguro nga tama ka, pero marami lang kasing nangyari," pag papaliwanag niya pero hindi pa rin ako kumbinsido.

Alam ko naman na maraming nangyari sa kanya kahit hindi niya sabihin... kita ko naman iyon sa kalagayan niya nang dumating siya rito!

But whatever it is that happened to him, it's not an excuse for him to be rude.

"And what it is exactly that happened to you that made you a total jackass?" Tanong ko pero mabilis kong itinaas ang kamay ko para pigilan siyang sagutin iyon, "ah! Never mind, wag ka nang sumagot, dahil kahit ano pang dahilan mo hindi nun pwedeng ijustify ang pagiging magaspang ng ugali mo, wala na akong pakialam sa dahilan mo, basta bilisan mo nalang ang magpagaling nang makaalis ka na rito! nakakaabala kana kasi!" pag kasabi nun sa kanya ay agad ko na rin siyang tinalikuran.

I know I should at least give him a chance to explain himself, but I was offended.

Mahirap para sa akin ang tulungan siya pero ginagawa ko pa rin... Kahit na masakit sakin ang maalala ang nangyari kay Enzo ay pumayag pa rin akong tulungan siya.

Marami rin naman akong pinagdaanan kaya hindi niya pwedeng idahilan iyon sa akin para makalusot sa kagaspangan ng ugali niya!

Siguro nga napaka babaw ng rason ko pero anong magagawa ko kung sa tuwing makakakita ako ng mga bagay na may kinalaman sa baril ay nawawala ako sa sarili ko.

Anong magagawa ko kung sa tuwing makakakita ako ng dugo ay si Enzo agad ang maalala ko? ang katawan niyang walang buhay?

Mababaw lang siguro yun para sa iba but that night changed everything!

It changed my life in a way you could never imagine!

It turns my life upside down, and I don't know how to bring it all back to the way it was!

That night still hunts me, so I'm sorry if I'm being a bitch.

Sorry kung hindi ko siya kayang bigyan ng pag kakataong mag paliwanag.

Ang mapaglarong gabing iyon ay nag dulot sa akin ng sobrang takot dahilan para mawalan ako ng gana sa mga tao... Mawalan ako ng kakayahang mag tiwala sa lahat.

Alam kong hindi lahat ng tao ay kagaya ng mga pumatay kaya Enzo pero mahirap na... mahirap na mag tiwala dahil kahit pinakamalalapit sayo ay kaya kang biguin!

Dinig kong mag sasalita pa sana siya pero hindi na iyon natuloy nang talikuran ko siya.

Wala akong panahon na makinig sa mga lame excuses niya...at isa pa nilalamig na rin ako!

Mabilis na nag lakad ako pabalik sa loob ng bahay para makapag bihis ako.

Akala ko pa naman ay magagawa kong makapagrelax ngayon pero dahil sa mokong na iyon ay nasira nanaman ang mood ko!

Malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ko binuksan ang cabinet ko at kumuha ng damit doon.

Isang manipis na sando at panjama lamang ang napag pasyahan kong suoutin pagkatapos ay lumabas na rin ako ng silid.

Narinig kong nag tawag si mang Nolan kaya naman nag tungo na rin ako sa kusina habang tinutuyo ko ng tuwalya ang buhok ko.

"Oh kung tapos kana sa ginagawa mo ay umupo kana at kumain na habang mainit pa itong sabaw na ginawa ko," nakangiting sabi ni mang Nolan sabay lapag ng mangkok na may sabaw sa mesa.

Napataas naman ang kilay ko nang makita kong nakatingin sa akin ang lalaki na nakaupo na ngayon sa hapag kainan.

Hindi siya nag salita at nag iwas lang ng tingin kaya naman naupo nalang din ako pag katapos kong ibalot ang buhok ko sa tuwalya.

Malalim akong huminga habang sinasamyo ang mabangong singaw ng sabaw na inihain sa akin ni mang Nolan.

Perfect ito lalo na sa ganitong malamig na panahon!

Nang matapos na ni mang Nolan ang pag hahain ay nag simula na rin kaming kumain.

Naging tahimik ang buong panahon ng pagkain namin at tanging palitan lang ng tingin ni mang Nolan at nang lalaki ang umaagaw ng pansin ko.

Panay ang sulyap nila sa akin at sa isa't isa na tila ba may gusto silang sabihin pero walang gustong mag salita.

"What is it?!" Yamot na pag basag ko sa katamikan.

Sabay silang gulat na napatingin sa akin ng ibagsak ko ang kubyertos sa mesa.

"Nadidistract ako sa pag papalitan ninyong dalawa ng tingin kaya kung may gusto kayong sabihin ay sabihin na ninyo!" Maawtoridad na utos ko sa kanila habang pinipigil ang pag kainis.

Halatang kinabahan naman silang dalawa sa inasal ko kaya napatuwid sila ng upo.

"Ah may gusto raw kasing sabihin itong si Seb," sa wakas ay sabi ni mang Nolan sabay siko sa lalaki sa tabi niya.

"Seb?" Taas kilay na pag uulit ko.

Who the f is Seb?

"Uhmm that's me..." Sagot naman ng lalaki na naiilang na itinaas ng bahagya ang kamay niya na tila ba isang estudyante na sasagot sa guro.

"Your name is seb?" Kunot noo na tanong ko ulit at mabilis naman siyang tumango.

"Yeah," napairap ako nang sumagot siya.

"Ugh, lame! What kind of name is seb anyway? You know what never mind, I'm tired kaya matutulog na ako," malamig na sabi ko sa kanila sabay tayo.

Nag lakad na sana ako palayo sa kanila nang mag salita ulit ang lalaking nag ngangalang seb daw.

"May gusto sana akong sabihin sayo, pwede ka bang makausap?" Tanong niya habang nag lalakad ako pabalik sa kwarto ko.

"I said i'm tired kaya kung gusto mo nang umalis eh di umalis ka nalang, hindi mo na kailangan mag paalam," sambit ko sa kanya sabay hikab.

Well hindi naman niya sinabing aalis na siya pero dahil kating kati naman siyang umalis nang nakaraang araw I assume na yun ang gusto niyang sabihin and he's more than welcome to do so!

wala namang may pake kung umalis siya o hindi!

kung mas maaga siya aalis eh di mas maaga rin akong makakabalik na lunurin sa lungkot ang sarili ko nang walang istorbo!

"Actually I-" nag sasalita pa sana siya pero hindi ko na iyon narinig dahil mabilis kong isinara ang pinto ng kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa malambot na higaan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Elizabeth Cabanilla
thank you more please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Coincidentally Fated   EPILOGUE

    "Guilty!" Yan ang huling sinambit ng judge sa korte na naging dahilan ng malakas na ugong ng hiyawan at at iyakan sa kabuan ng silid.Ito ang huling araw ng hearing ng mga Luciano at walang pag sidlan ng tuwa ang puso ko nang malaman na lahat ng kasabwat sa mga krimen ay makukulong na rin sa wakas! Ang lahat ng ilegal na negosyo at operasyon ng mga Luciano ay naisara na sa wakas.Hindi ko maiwasang maluha sa sobrang saya habang tinitignan ko kung paano kaladkarin ng mga pulis ang mga Luciano pabalik sa kani-kanilang selda kung saan sila mabubulok at pag babayaran ang mga kasalanan nila."It's all gonna be okay love...wala nang manggugulo pang muli sa atin," Marahang sambit ni seb sa tabi ko sabay h******n ako sa tuktok ng ulo.Hindi ko pa rin maiwasang hindi maluha lalo na nang ilibot ko ang paningin ko sa loob ng korte. Napakaraming pamilya rito na kagaya ko ay nag luluksa rin at nag bubunyi kahit papaano.Naparami pala talagang nabiktima ng mga Luciano...kagaya ko ay hindi rin nila m

  • Coincidentally Fated   Chapter 62

    "Well Well! Finally!" baling ni Kristy sa kagigising lang na si Seb.Kahit halata sa kanya ang panghihina ay pinilit pa rin niyang tumayo at lumapit sa akin. Kagaya ko ay nakagapos rin ang mga kamay niya kaya hindi niya ako magawang hawakan ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala at awa. Guilt was written all over his face, kaya mas lalo akong nahabag sa kalagayan namin ngayon.All we ever wanted was to live a happy and quiet life! Was that too much to ask?!"Pasensya na! wala akong magawa...I promise, everything will be okay hmm?" may luhang tumutulo sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya, judging by our situation right now pero ngumiti pa rin ako ng pilit sa kanya at tumango.Alam kong walang kasiguraduhan ang kalagayan namin ngayon pero ayaw ko nang dumagdag pa sa bigat ng kalooban niya."Oh aren't you sweet! but don't make promises that you cannot keep Seb! dahil ngayong gabi ay siguraduhin kong mabubura na sa mundong

  • Coincidentally Fated   Chapter 61

    "Maraming salamat ho," sambit ko sa tindera na pinag bilhan ko ng tubig na maiinom sa di kalayuan. Isang buwan na rin ata kaming nandito kaya kahit papaano ay nakakabisado ko na rin ang lugar at ang kaunting tao na naninirahan malapit sa amin. Liblib ang lugar na pinaglalagian namin ni Ezrah pero kapag lumabas ka ng kagubatan ay mayroon din namang mga nakatira. Pagkatapos kong bumili ng isang galon ng malinis na tubig ay namili na rin ako ng kaunting pagkain na sapat para sa aming dalawa. Sa loob ng isang buwan naming pamamalagi dito at naging payak ang pamumuhay namin ngunit hindi maikakaila na mas masaya kami ngayon. Kahit papaano ay nawala ang mga isipin namin dahil tahimik naman ang lahat. Walang unexpected bwisita na darating nalang bigla, wala nang tampuhan dahil sa mga lihim ng nakaraan at wala nang mga Luciano na nagdadala ng kapahamakan.I know it's too early to tell pero sana ay naiwan na talaga sa nakaraan namin ang lahat.Maging si Ezrah ay hindi ko na nakikitang umiy

  • Coincidentally Fated   Chapter 60

    "Well, you remember how my family died, right?" panimula ko na siya namang tinanguan niya kaya naman tumikhim ako bago nag patuloy sa pagkukwento, "It's true that she's my ex Fiance but we broke up because she's one of the main reason bakit nawalan ako ng pamilya," saglit na tumigil ako dahil masakit pa rin sa akin na alalahanin ang pagkawala ng pamilya ko."Wait- I thought the Luciano killed them?" Naguguluhang tanong niya kaya tumango ako."Yes pero kasabwat siya...Noong mga panahon na nasa amin ka pa at inaalagaan nila mom ay nag karoon kami ng malaking pag tatalo, Nalaman kasi ng mga Luciano na kami ang witness ni dad sa pag kamatay ni Enzo ...They tried to bribe us not to testify, they tried to buy our silence, but of course, we said no. She wanted me to accept the money, but I refused. At first, I thought she understood, but weeks later, I found out that she's having an affair with one of the detectives," Huminga ako ng malalim bago nag patuloy."Noong araw na namatay ang pamily

  • Coincidentally Fated   Chapter 59

    SEBMatapos mamili ng kaunting supplies na gagamitin namin sa pag alis ay muli akong bumalik sa kotse at nag handa na bumalik sa farm.Malalim akong bumuntong hininga para klaruhin ang isip ko bago ko muling kausapin si Ezrah. Batid kong hindi maganda ang inasal ko kanina sa kanya...dala ng labis na pagkabalisa ay hindi ko nanaman nagawang isa-alang alang ang nararamdaman niya.Napakasakit sa aking marinig ang mga sinabi niya kanina pero naiintindihan ko siya. Nasasaktan ako hindi para sa akin kundi para sa kaniya dahil ilang beses na akong nangangako sa kanya pero palagi ko siyang binibigo. Tama naman siya sa sinabi niya...napakahirap ko ngang mahalin pero hindi ko magagawang iwanan siya kahit kailan. Naiintindihan ko kung bakit niya ako itinataboy ngunit matagal tagal na rin kaming nag sama para malaman ko kung ano talaga akong laman ng puso niya.Alam kong naninibugho lang siya kay Kristy pero wala naman siyang kailangang ipag alala dahil kung ano mang meron sa amin ni Kristy ay wa

  • Coincidentally Fated   Chapter 58

    "This isn't just about her Seb," Saglit akong tumigil sa pag sasalita para humigit ng malalim na paghinga bago nag patuloy, "I'm tired Seb...Mahal na mahal kita pero sobrang sakit mong mahalin! ang makasama ka? yan ang tunay na depinisyon ng kapit sa patalim! The more I hold onto you, the more it hurts. The deeper it cuts! The harder it bleeds! At ang tanging paraan lang para hindi na ako masaktan ay ang bitawan ka ng sapilitan!" puno ng emosyong sumbat ko sa kanya habang nag lalandas ang malayelong butil ng luha ko sa aking pisngi Maging ang mga luha ko ay nanlamig na rin dahil sa sakit. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang binigkas ko sa kanya pero pareho namin iyong ikinatulala. Maging ako ay nabigla na ganun na pala kalalim para sa akin ang sakit sa dibdib ko.Kaya ba ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon? kaya ba mas pinipili ko nalang siyang itaboy? dahil ba sobra na? dahil ba hindi ko na talaga kayang magtiis pa? Ganito na ba talaga kalalim ang sakit para ma

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status