Share

Chapter 8

"EZRAHHHH!!! E!! EZRAH!!!" gulat na naibaba ko ang paa kong nakapatong sa center table at agad na napatayo nang makarinig ako ng malakas na tinig na isinisigaw ang pangalan ko.

Abala ako sa pag gagantsilyo para magpalipas ng mag hapon pero nasira ang ginagawa ko dahil sa gulat!

I admit, I'm a little jumpy this past few months... Pakiramdam ko kasi ay laging may mga taong handang manakit sa akin kaya palagi nalang akong magugulatin at alerto.

kaunting kaluskos lang ay napapabalikwas na agad ako para tignan iyon.

Agad na inilapag ko ang ginagantsilyo ko sa mesa para sumilip sa labas ng bintana.

Hinawi ko ang kurtinang nakalagay doon para makita ko kung sino ang taong tumawag sakin at nakahinga ako ng maluwag nang makita na ang madaldal na anak lang pala iyon ni mang Nolan...Nora.

"Hoy loka pag buksan mo ako!" Utos niya sa akin na akala mo ay siya ang may ari ng bahay tsaka namaywang pa sa tapat ng bintana kung saan ako nakasilip kaya naman mabilis kong isinara iyon para magtungo sa p
Aila tan

Hihihi sana all nag liliguanšŸ˜‚šŸ‘…

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status