Share

Chapter 6

Author: Aila tan
last update Last Updated: 2024-02-03 05:02:20

"Haaahhh morning," nag hihikab na bati ko kay mang Nolan nang maabutan ko siyang nag hahain ng almusal sa kusina.

Maaga pa pero hindi na naman ako makatulog kaya nag pasya na akong bumangon at maghanap nalang ng pag kakaabalahan para magpalipas ng maghapon.

Malamang ay magiging boring nanaman ang araw na ito, like always!

"Oh sumabay kana sa aming mag agahan," yaya naman sa akin ni mang Nolan at ipinaghila ako ng upuan.

Sa Amin?

Doon ko lang napansin ang estrangherong lalaking ginamot namin na prenteng nakaupo sa hapag kainan.

At home lang ang peg?

It's been 3 days already simula noong umalis siya at ibinalik ulit siya ni mang Nolan dito... He looks significantly better now compared to when he first arrived.

"Hmmm feeling better already?" Tanong ko sa lalaki habang nag hahalo ako ng kapeng tinimpla ni mang nolan para sa akin.

Hindi ako komportableng nandun siya pero kailangan kong mag initiate ng small talk para hindi naman nakakailang na kumain kasama siya!

Isa pa gusto ko ring pagbigyan si mang Nolan nang makiusap siya sa akin maging mabait sa bisita niya!

But boy, he just looked at me like I'm some kind of freak there! I almost rolled my eyes trying so hard not to stab him with a spoon!

Ni hindi man lang siya tumango o umiling!

"Ah oo...mabilis na nag hihilom ang sugat niya kaya medyo maayos na ang pakiramdam niya," sa halip ay si mang Nolan ang sumagot.

Is he deaf?

O mentally challenged?

Hindi ba niya ako narinig kaya hindi siya nag sasalita? O maattitude lang talaga siya?

O baka naman foreigner siya o alien kaya kailangan pa niya ng personal speaker o translator?

"Good! You can leave now," I said coldly as I took a sip of my coffee dahilan para maubo si mang Nolan nang masamid siya sa kinakain niya.

"Ezrah..." Malumanay ngunit tila nananaway na usal ni mang Nolan kaya tinignan ko siya na tila nag tatanong.

"What? Maayos na siya kaya wala nang dahilan para manatili pa siya rito," Mataray na sabi ko habang nakatingin ng matalim sa lalaki.

Hindi man lang niya ako tinignan bagkus ay nakatitig lang siya ng blangko sa mesa.

Parang wala siyang pakialam na nakakaabala siya ng ibang tao rito!

"Pero hindi pa siya ganun kalakas... Baka mamaya mapano pa siya riyan sa labas," nag aalalang sabi ni mang Nolan pero pinaikot ko lang ang mata ko sa pag kainis.

"That's not our problem anymore mang Nolan, maraming trabaho dito sa farm na dapat pag tuunan ninyo ng pansin kesa mag alaga ng ibang taong hindi naman pinapahalagahan ang pag tulong natin," pag lalabas ko ng saloobin ko nang maalala ko kung paano niya ako tabigin nang nag daang araw, "plus he is so ungrateful! he's not even worth helping!" bulong na dagdag ko pero mukhang malakas iyon sa pandinig ng lalaki dahil sa umalma agad siya.

Gulat na napapitlag ako ng ihampas niya ang kamao sa mesa dahilan para matapon ng kaunti ang kapeng iniinom ko.

"Hey! I'm not ungrateful! No one asked you to help me, so it's not my fault that you wasted your time nursing me!" Sigaw niya na ikinagulat ko.

So he can speak, huh?

Agad na nag init ang gilid ng mga mata ko na tila ba ano mang sandali ay iiyak na ako... Simula ng araw na mamatay si Enzo ay takot na takot na akong makarinig ng sigaw ng iba.

Everytime someone shouts, I easily gets scared...pakiramdam ko ay lagi akong nasa panganib.

"Don't yell at me you jerk!" Balik na sigaw ko kahit na nangangatal sa takot ang tuhod ko, "If it weren't for me you would be dead by now! At hindi totoong walang nag sabi sa aking tulungan ka dahil ikaw mismo ang humingi ng tulong sa akin! You begged for my help and you're lucky I didn't let you bleed to death so yeah you are ungrateful!" Buong tapang na sigaw ko sa kanya pabalik habang si mang Nolan ay nasa tabi ko na na handa nang umawat kung sakaling mas lumaki pa ang tensyon sa pagitan namin.

I'm not asking him for anything, you know?

Labag man sa loob kong tulungan at kupkupin siya rito ay ginawa ko pa rin at hindi ako umaasa sa ano mang kapalit, but considering how reckless he is, it makes me wonder if he's really worthy of our help.

A little appreciation wouldn't hurt, you know?

Ni hindi man lang nga niya nagawang mag pasalamat at wala rin siyang pakialam kung mapano siya sa labas noong basta nalang siya umalis kaya bakit ako hindi maiinis hindi ba?

Parang balewala lang sa kanya ang hirap ng iba... Parang wala lang sa kaniya na ginugulan namin siya ng pagod at panahon! Not to mention money na pinambili ng mga gamot niya!

I know mang Nolan did most of the work, but still!

"I begged?" Pag uulit niya sa sinabi ko sa sarkastikong tono kasabay ng pag ismid na parang hindi siya naniniwala.

"Yes!" Sagot ko, "Yes you beg...Para kang tutang nanginginig at takot na takot kang mamatay kaya tinulungan ka namin, ilang araw kang walang malay at inalagaan ka namin dito tapos basta ka lang aalis ng ganun nalang?! Tapos ngayon sisigaw ka? Wow! You're a real piece of work you know that?" Galit na sabi ko sa kanya pag tapos ay ibinagsak ko ang tasang hawak ko at nag walk out.

Kita ko na medyo nag bago ang ekspresyon niya pero hindi ko na maatim na tignan pa siya kaya umalis nalang ako.

Alam kong hindi ko na makokontrol ang bunganga ko sa inis kapag hindi pa ako umalis.

Akala ba niya ganun lang kadali ang alagaan siya?

Hindi ba niya alam kung gaano nakakatakot ang presensya niya?

Kung alam lang niya kung anong lungkot ang dala niya nang bumungad siya sa pintuan ko.

Kung alam lang niya kung paano niya pinahirapan ang damdamin ko nang lumitaw siyang bigla rito sa ganung kalagayan!

Lahat ng alaala ng malagim na gabing iyon ay bumalik lahat sa akin dahil sa kanya!

Seeing him bleed like that reminds me of Enzo that night, lying in his own pool of blood!

Ang alagaan siya sa araw araw at gamutin ang mga sugat na iyon ay parang pumililas sa puso ko.

It should be Enzo, you know?

Habang ginagamot ko siya ay iniisip ko na sana siya nalang si enzo... Sana kahit marami siyang natamong pinsala, sana ay buhay pa rin siya!

Baka nga hindi naman talaga sa ayaw kong tumulong... Baka nga naiinggit lang ako sa lalaking ito.

Kasi siya nabigyan ng pag kakataon na mabuhay pa.

Hindi ko alam kung tama bang kainggitan ko ang naging kalagayan niya.

Pero kumpara sa nangyari kay Enzo mas okay naman yun hindi ba?

Kaya hindi ko maiwasang mainis eh... Kasi napakareckless niya gayong sinikap naming mabuhay siya, bagay na hindi na magagawa ni Enzo!

Matapos kong iwanan sila ni mang Nolan na nakatanga roon ay dumiretso nalang ako sa likod bahay para linisin at isalansan ang mga bote at lata na nakakalat roon.

Marami rami na kasi ang tambak na bote at lata roon pero hindi ko magawang itapon o ibenta dahil alam kong may mapag gagamitan ako nito sooner or later.

Kung hindi nga lang ako nanghihinayang sa mga boteng ito ay binasag ko na dahil sa pag kainis sa lalaking iyon eh!

Sarap ipukpok isa isa sa ulo niya para matauhan siya!

At ano raw?

No one asked me to help him?

Kahit pa walang nag sabi sa akin na tulungan siya, the fact na may tumulong sa kanya ay dapat ipinagpapasalamat niya!

Tapos magagalit siyang tawagin ko siyang ungrateful? Ano ba sa tingin niya ang pinapakita niya?!

Wala akong maisip na ibang salita para ilarawan ang kawalan niya ng utang ng loob!

Hmp!

Buong mag hapon ang iginugol ko sa pag lilinis sa likod bahay pero hindi ko naalis sa isip ko ang pagkayamot sa taong iyon!

Hindi ko alam kung umalis na ba siya ng tuluyan o ano dahil hindi ko siya nakita mag hapon...but who cares?

Nang mapuno ko na ang huling sako ng mga inipon kong lata ay isinandal ko ito sa iba pang sakong napuno ko at iniwan nalang muna ang mga yun roon...iisipin ko pa kung anong gagawin ko sa kanila.

Nag pasya akong mag tungo sa ilog na ilang hakbang lang ang layo mula sa bahay para naman makapaglinis ako ng katawan.

May tubig naman sa loob ng bahay pero mukhang masarap ngayon ang mag lublob at mag babad ng katawan sa malamig na ilog.

Nang marating ko ang ilog ay mabilis kong hinubad ang suot kong shorts at T-shirt dahilan para panty at bra nalang ang tanging matirang saplot na bumabalot sa katawan ko.

Wala namang ibang tao roon kaya ayos lang na ganito ang suot ko.

Isinampay ko ang mga damit ko sa puno na malapit roon at nakangiting sumuong ako sa tubig.

Agad na naramdaman ko ang malamig na tubig na bumabasa sa katawan ko kaya napahinga ako ng malalim.

Wow!

This feels great!

Kulay kahel na kalangitan tanda na magdidilim na kaya't mas lalong malamig na ang tubig pero hindi ko iyon pinansin...bastang inilubog ko lang ang sarili ko sa tubig ng ilang minuto.

Enzo and I used to bathe here sa tuwing pupunta kami rito... Enzo love the river, pareho kaming gusto ang pakiramdam na hatid ng kalmadong tubig.

Sa tuwing ilulubog mo ang sarili mo ay wala kang ibang maririnig kundi katahimikan.

Kapag nasa ilalim ka ng tubig ay parang sabay noong nalulunod ang lahat sa paligid mo.

Your fears, your problems, everything seems to just disappear when you're under.

It's nice and peaceful.

Nag sisimula nanamang mamumuo ang lungkot at pangungulila sa puso ko nang umangat ako mula sa pagkakalubog sa tubig... Gusto ko lang mag relax ngayon pero hindi ko pa rin magawa.

Silence saddens me now... Sobrang daming memories ang bumabalik sa isipan ko.

Happy yet painful memories.

Mga memory na hindi ko alam kung dapat ko pa bang alalahanin o kalimutan na.

I know that Enzo is not coming back anymore... I love him and his memories, pero nasasaktan lang ako sa tuwing maaalala ko ang mga iyon.

Masasayang alaala lahat ng meron kami pero nasasaktan ako dahil alam kong hindi ko na mararanasan uli iyon ng kasama siya.

Nasasaktan ako kasi hindi ko alam kung mararanasan ko bang muli ang maging masaya nang wala siya!

I mean how am I suppose to start all over again kung lahat ng plano ko ay kasama siya?

Paano ako mag sisimula ulit kung mag isa nalang ako?

"Eherm... " Gulat at mabilis na napalingon ako sa likuran ko nang makarinig ako ng marahang pag tikhim.

It's the strange man!

What's he doing here?!

Gaano na siya katagal roon?!

Is he spying on me?

So he isn't just ungrateful? He's also a pervert!

What a jerk!

Aila tan

kung ganito rin ang tutulungan mo tutulong kapa ba? 😒 Nagugustuhan nyo ba ang story natin? Comment your thoughts 😘😘

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Coincidentally Fated   EPILOGUE

    "Guilty!" Yan ang huling sinambit ng judge sa korte na naging dahilan ng malakas na ugong ng hiyawan at at iyakan sa kabuan ng silid.Ito ang huling araw ng hearing ng mga Luciano at walang pag sidlan ng tuwa ang puso ko nang malaman na lahat ng kasabwat sa mga krimen ay makukulong na rin sa wakas! Ang lahat ng ilegal na negosyo at operasyon ng mga Luciano ay naisara na sa wakas.Hindi ko maiwasang maluha sa sobrang saya habang tinitignan ko kung paano kaladkarin ng mga pulis ang mga Luciano pabalik sa kani-kanilang selda kung saan sila mabubulok at pag babayaran ang mga kasalanan nila."It's all gonna be okay love...wala nang manggugulo pang muli sa atin," Marahang sambit ni seb sa tabi ko sabay h******n ako sa tuktok ng ulo.Hindi ko pa rin maiwasang hindi maluha lalo na nang ilibot ko ang paningin ko sa loob ng korte. Napakaraming pamilya rito na kagaya ko ay nag luluksa rin at nag bubunyi kahit papaano.Naparami pala talagang nabiktima ng mga Luciano...kagaya ko ay hindi rin nila m

  • Coincidentally Fated   Chapter 62

    "Well Well! Finally!" baling ni Kristy sa kagigising lang na si Seb.Kahit halata sa kanya ang panghihina ay pinilit pa rin niyang tumayo at lumapit sa akin. Kagaya ko ay nakagapos rin ang mga kamay niya kaya hindi niya ako magawang hawakan ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala at awa. Guilt was written all over his face, kaya mas lalo akong nahabag sa kalagayan namin ngayon.All we ever wanted was to live a happy and quiet life! Was that too much to ask?!"Pasensya na! wala akong magawa...I promise, everything will be okay hmm?" may luhang tumutulo sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya, judging by our situation right now pero ngumiti pa rin ako ng pilit sa kanya at tumango.Alam kong walang kasiguraduhan ang kalagayan namin ngayon pero ayaw ko nang dumagdag pa sa bigat ng kalooban niya."Oh aren't you sweet! but don't make promises that you cannot keep Seb! dahil ngayong gabi ay siguraduhin kong mabubura na sa mundong

  • Coincidentally Fated   Chapter 61

    "Maraming salamat ho," sambit ko sa tindera na pinag bilhan ko ng tubig na maiinom sa di kalayuan. Isang buwan na rin ata kaming nandito kaya kahit papaano ay nakakabisado ko na rin ang lugar at ang kaunting tao na naninirahan malapit sa amin. Liblib ang lugar na pinaglalagian namin ni Ezrah pero kapag lumabas ka ng kagubatan ay mayroon din namang mga nakatira. Pagkatapos kong bumili ng isang galon ng malinis na tubig ay namili na rin ako ng kaunting pagkain na sapat para sa aming dalawa. Sa loob ng isang buwan naming pamamalagi dito at naging payak ang pamumuhay namin ngunit hindi maikakaila na mas masaya kami ngayon. Kahit papaano ay nawala ang mga isipin namin dahil tahimik naman ang lahat. Walang unexpected bwisita na darating nalang bigla, wala nang tampuhan dahil sa mga lihim ng nakaraan at wala nang mga Luciano na nagdadala ng kapahamakan.I know it's too early to tell pero sana ay naiwan na talaga sa nakaraan namin ang lahat.Maging si Ezrah ay hindi ko na nakikitang umiy

  • Coincidentally Fated   Chapter 60

    "Well, you remember how my family died, right?" panimula ko na siya namang tinanguan niya kaya naman tumikhim ako bago nag patuloy sa pagkukwento, "It's true that she's my ex Fiance but we broke up because she's one of the main reason bakit nawalan ako ng pamilya," saglit na tumigil ako dahil masakit pa rin sa akin na alalahanin ang pagkawala ng pamilya ko."Wait- I thought the Luciano killed them?" Naguguluhang tanong niya kaya tumango ako."Yes pero kasabwat siya...Noong mga panahon na nasa amin ka pa at inaalagaan nila mom ay nag karoon kami ng malaking pag tatalo, Nalaman kasi ng mga Luciano na kami ang witness ni dad sa pag kamatay ni Enzo ...They tried to bribe us not to testify, they tried to buy our silence, but of course, we said no. She wanted me to accept the money, but I refused. At first, I thought she understood, but weeks later, I found out that she's having an affair with one of the detectives," Huminga ako ng malalim bago nag patuloy."Noong araw na namatay ang pamily

  • Coincidentally Fated   Chapter 59

    SEBMatapos mamili ng kaunting supplies na gagamitin namin sa pag alis ay muli akong bumalik sa kotse at nag handa na bumalik sa farm.Malalim akong bumuntong hininga para klaruhin ang isip ko bago ko muling kausapin si Ezrah. Batid kong hindi maganda ang inasal ko kanina sa kanya...dala ng labis na pagkabalisa ay hindi ko nanaman nagawang isa-alang alang ang nararamdaman niya.Napakasakit sa aking marinig ang mga sinabi niya kanina pero naiintindihan ko siya. Nasasaktan ako hindi para sa akin kundi para sa kaniya dahil ilang beses na akong nangangako sa kanya pero palagi ko siyang binibigo. Tama naman siya sa sinabi niya...napakahirap ko ngang mahalin pero hindi ko magagawang iwanan siya kahit kailan. Naiintindihan ko kung bakit niya ako itinataboy ngunit matagal tagal na rin kaming nag sama para malaman ko kung ano talaga akong laman ng puso niya.Alam kong naninibugho lang siya kay Kristy pero wala naman siyang kailangang ipag alala dahil kung ano mang meron sa amin ni Kristy ay wa

  • Coincidentally Fated   Chapter 58

    "This isn't just about her Seb," Saglit akong tumigil sa pag sasalita para humigit ng malalim na paghinga bago nag patuloy, "I'm tired Seb...Mahal na mahal kita pero sobrang sakit mong mahalin! ang makasama ka? yan ang tunay na depinisyon ng kapit sa patalim! The more I hold onto you, the more it hurts. The deeper it cuts! The harder it bleeds! At ang tanging paraan lang para hindi na ako masaktan ay ang bitawan ka ng sapilitan!" puno ng emosyong sumbat ko sa kanya habang nag lalandas ang malayelong butil ng luha ko sa aking pisngi Maging ang mga luha ko ay nanlamig na rin dahil sa sakit. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang binigkas ko sa kanya pero pareho namin iyong ikinatulala. Maging ako ay nabigla na ganun na pala kalalim para sa akin ang sakit sa dibdib ko.Kaya ba ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon? kaya ba mas pinipili ko nalang siyang itaboy? dahil ba sobra na? dahil ba hindi ko na talaga kayang magtiis pa? Ganito na ba talaga kalalim ang sakit para ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status