Share

Chapter 1- ENCOUNTER

"Trish, this weekend, I will be traveling on business with your father. Your Ate Lota will look after you while we are away." Mom glanced at Ate Lota as she gave us instructions during breakfast while we were eating.

I am the youngest sibling of three. And

I am the only child living with my parents. Ate Jade works in the United States, whereas Kuya Tyron is on a ship, so we can only meet once.

Because Mom and Dad are busy with their business, I am frequently left alone at home, so Ate Lota is the one who stays with me when Mom and Dad leave. Ate Lota, our maid, is like a mother and a sister to me. Palagi kong katabi si Ate Lota sa pagkain. Siya na ang kinalakihan ko na palaging kasama kaya nasanay na rin sina Dad na magkakasabay kaming kumain. Kalog kasi siyang kasama, hindi halata sa edad niyang singkwenta.

Hindi naman ako mahilig gumala kung saan saan kaya tiwala naman sila sa mga ginagawa ko sa buhay dahil ako ang tipo ng anak na palaging updated ang magulang kung saan ako pumupunta at kung ano ang ginagawa ko. Maliban na lang talaga sa hindi ko paggamit sa sasakyan na regalo sa akin ni Ate Jade noong grumaduate ako ng elementary.

“Ma, aalis na po ako. Baka ma-late po ako, dadaan na rin po ang service ko.” Hinalikan ko sa pisngi si Mama at Papa na hindi pa tapos mag-agahan.

"I told you, just let our driver take you. Hayaan mong magamit mo naman ang kotse mo, bakit kailangan na mag-service ka pa?” Papa said, not even looking at me. His focus was on a folder stuffed with documents that were likely business-related.

Kaya bago pa man ako matalo sa usapan ay hinalikan ko na silang dalawa ni Mama para makatakas na ako.

“Napag-usapan na po natin ito, Papa. Aalis na po ako, late na.” Maaga pa naman talaga ako, iniiwasan ko lang talaga na ipilit nila sa akin ang sasakyan na iyon. Nahihiya kasi ako na may naghahatid sa akin sa school na naka kotse kaya tinatanggihan ko sila.

Pagbaba ko sa service ko ay napahinga ako nang malalim bago pumasok sa maroon na gate. Maingat akong naglakad, palinga-linga sa paligid.

First day ko lang ngayon sa school na papasukan ko. Kadarating ko lang pero ito kaagad ang pa-welcome sa akin ng school na ito. Ako si Trishia Alcantara, bagong lipat lang kami dito sa Manila. Sa probinsya ako dati nag-aaral pero dahil abala sa negosyo ang mga magulang ko ay napagdesisyonan nilang lumipat dito sa Manila. Nakabili kasi si Ate Jade ng bahay rito at dahil mas malapit din sa negosyo ng mga magulang ko kaya minabuti nilang dito na kami tumira.

“Aray!” Hawak ko ang aking ulo. Umiikot ang paningin ko dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama ng bola sa ulo ko.

“I’m sorry, Miss. Ikaw naman kasi bakit hindi ka umilag?” His eyes sparkled kaya mas lalo pa akong nainis.

Magkasalubong ang kilay kong tiningnan ang lalaking nagsalita.

Malayo ako sa gym at hindi ko alam kung paano ako naabot ng bolang ito na ngayon ay nasa may paanan ko.

Nakaupo pa rin ako sa lupa dahil medyo nahihilo pa rin ako.

Lumakad ito nang pagkapresko-presko. Lakad pa lang mayabang na. Habang papalapit siya sa akin ay inilabas pa nito ang mapuputi niyang ngipin.

"Next time, titingin ka sa dinadaanan mo, ha? Para naman hindi ka nadidisgrasiya." Inilapit niya ang mukha sa mukha ko, pero ako na ang umiwas. "Maganda ka pa naman." sabay kindat at hinawakan pa ang baba ko.

"Guwapo nga, ubod naman ng yabang!" bulong ko sa sarili.

“Hoy! Lalaking guwapong-guwapo sa sarili, huwag mong bilugin ang ulo ko, hindi ako tanga!” Mariin ko siyang tiningnan at mabilis na tumayo.

Tss! Hindi man lamang ako inalalayan makatayo kahit pakitang tao lang. Nakakainis!

“Ang sabihin mo sinadya mo talaga iyon!”

Padabog akong lumakad palayo. Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy sa paglakad upang hanapin ang room ko.

Agang-aga naman ganito kaagad ang bumungad sa akin. Nakakaiinis!

Maya maya ay nakita ko na rin ang room ko. Pumasok ako at humanap ng bakanteng upuan, sakto naman at may magandang puwesto, bakante sa gitna kaya mabilis akong kumilos ngunit may biglang tumulak sa likuran ko kaya muntik na akong mapasubsob sa isang upuan. Mabuti na lamang at nahawakan ako ng isang lalaki kaya hindi ako natumba. Nilingon ko kung sino ang tumulak sa akin, nagsalubong ang kilay ko nang makita ko kung sino ito.

"Ikaw na naman?! Nananadya ka ba?"

"Ako? Nananadya? Baka naman isa ka sa mga stalkers ko, at sinusundan mo ako."

Kapal ng mukha nito!

Napabuga ako ng hangin at napapikit ng bahagya sa pagpiligil sa sarili. Ikinuyom ko ang aking kamao dahil inis na inis na talaga ako. Pero hindi ko na siya pinatulan.

Inis kong kinuha ang bag ko sa armchair ng upuan na iyon at naghanap ng bakante pang upuan.

"Dito ka na baks! Iyon ay kung gusto mo lang naman akong seatmate."

Napatingin ako sa lalaking sumalo sa akin kanina. At natigilan sa narinig ko. Hindi ko akalain na sa guwapong iyon ay pusong babae pala siya.

Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong baks?

"Hoy! Natulala ka na riyan. Ano ayaw mo?"

"Hindi. Siyempre gusto. P-Pero..."

"Pero ano? Nagulat ka? Oo na. Beki ako, and I'm proud. I'm Clyde, ikaw, ano ang pangalan mo?" Nakangising tanong niya.

"Ahm... hello, I'm Trish." Nakipag-shake hands ako sa kaniya at umupo sa katabing upuan.

"Alam mo, mayabang talaga iyang si Ivan. Guwapo, pero medyo bastos," aniya na may pamimilog pa ang mga mata.

"Hindi lang medyo. Ah, Ivan pala ang pangalan niya. Ubod ng bastos talaga, nahihilo pa nga ako dahil sa lalaking iyon." Nanggigigil na sagot ko.

"Ha? Bakit tara sa clinic."

"Huwag na. Pawala na rin naman siguro ito, baks!"

"Alam mo kasi, famous siya rito kahit noong bagong salta pa lang. Balita ko, valedictorian daw iyan sa pinasukan niya sa probinsiya nila, hindi halata sa kilos 'di ba?" dagdag pa ni Clyde.

"Ah kaya naman pala." Tumahimik na ako at kinuha ang phone ko sa bulsa ng bag ko.

Habang nag-scroll ako ay naramdaman ko na may umupo sa upuan sa bandang likuran ko. Hindi ko pinansin pero parang may nararamdaman akong mainit na hangin sa may tainga ko kaya kaagad akong lumingon.

Laking gulat ko na si Ivan pala iyon at halos dalawang dangkal lamang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa kaya naitulak ko ang ulo niya.

"Aray! Masakit iyon, ha? Bakit mo ako itinulak? Muntik nang mabali ang buto ko sa leeg ah!"

"Bakit ka ba kasi nandiyan? At isa pa, ayaw ko mapadikit sa'yo 'no? Mahawaan pa ako ng kayabangan mo!"

Tinalikuran ko siya at niyaya si Clyde na lumabas. Maaga pa naman kaya nakalabas pa kami. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin sa labas dahil simula pa kanina ay nagpipigil na talaga ako ng hinga dahil sa Ivan na iyon.

Habang nakaupo kami sa may kubo sa labas ng room namin ay nagkwentuhan pa kami ni Clyde. Maya maya ay lumapit ang isang babae at umupo sa tabi ni Clyde.

"Hi, Clyde! Sino ang kasama mo?"

Ngumiti si Clyde sa babae. "Si Trish, new classmate natin. Hindi mo nakita kanina?"

"Hindi. Nasa canteen kasi ako, nakita ko lang kayo rito. Hi, Trish, ako nga pala si Lea." nakangiting sabi nito.

Ngumiti ako at tinaggap ang kamay niya. "Hello, Lea, nice to meet you."

Simula noon palagi na kaming magkakasamang tatlo nina Clyde. Si Ivan naman, palagi ko siyang iniiwasan pero dahil nga honor student siya, tulad ko ay madalas pa rin kaming magkasama sa faculty kapag nire-review kami ng teacher namin. Kaming dalawa ang madalas na ipanlaban sa mga contest sa school namin kaya kahit iwasan ko siya, wala akong magawa.

Active kami sa school, kahit sports man iyan. Varsity ako ng volleyball at cheerleader. Wala akong pinapalampas sa mga school activities, sinasalihan kong lahat kasi alam kong sa ganitong paraan, matutuwa si Ate. Si Ivan naman ay varsity ng basketball team. Siya ang ace player ng team nila kaya naman siguro may ipinagyayabang.

Points lang ang pagitan ng grades naming dalawa kaya pinagbubutihan ko talaga ang lahat. Mataas kasi ang expectation sa akin ni Ate Jade ko. Kina na Mama at Papa okay lang kung ano ang kaya ko. Pero kay Ate Jade, hindi. Reported sa kaniya lahat ng achievements ko, siya kasi ang nagpapaaral sa akin.

Simple lang ako, walang luho sa katawan, pero ang ate ko, ayaw pakabog. Gusto niya, palagi akong nakakaangat sa iba. Siya ang ate na, kahit na ayaw mo ang isang bagay, dahil uso ibibigay niya sa iyo. At ang ugaling iyon ay namana na rin ng parents namin pagtatagal. Baligtad ano? Namana ng parents namin sa ate ko ang pagkamaluho.

Tulad na lamang ng kotse na ibinigay niya sa akin. Bata pa lang ako, may sarili na akong sasakyan. Kung sa ibang kasing edad ko cellphone, ang sa akin, sasakyan at kung ano ano pang properties.

Kung minsan nga hindi ko siya maintindihan, siya ang nasusunod sa mga desisyon pagdating sa akin. Sina Mama at Papa, naka-support lang sa akin. Kumbaga, sila lang ang nag-aalaga sa akin. Pero kahit ganoon, masaya naman.

Lumaki akong masaya at kontento sa buhay. Mabait ang pamilya ko at sobra ang paghanga ko sa mga magulang ko. Sila ang iniidolo kong couple, kasi kahit minsan, hindi ko sila nakitang nag-away.

Ang perfect nilang dalawa, nagkakatampuhan kung minsan, pero hindi tumatagal ng isang oras, at nagkakaayos rin kaagad.

Simula bata pa lamang ako, paborito kong panoorin ang album nila noong sila ay ikinasal. Tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko iyon.

Kaya sinabi ko sa sarili ko, one day, ganitong kasal din ang gusto ko. At kung ano ang parents ko ngayon, tutularan ko. Tuwang-tuwa ako manood ng mga couples na nangangako sa isa't isa sa harap ng Diyos. Kaya nga siguro, pinangarap ko rin ang magkaroon ng business, ang mag-handle ng mga events, especially weddings. Tutol sina Papa sa pangarap ko, pero ito talaga ang gusto ko e. At walang makakapigil.

Tatlong taon na rin ang lumipas simula nang makatungtong ako sa eskwelahan na ito. Ngayon na ang huling taon ko sa highschool.

“Ma, aalis na po ako. Baka ma-late po ako, dadaan na po ang service ko.” Hinalikan ko sa pisngi si Mama at Papa na hindi pa tapos mag-agahan.

"Magpaha-" naputol na wika ni Papa. Tumakbo na ako palabas kasi totoong late na ako. Napagod kasi ako sa training namin sa volleyball kahapon.

Pagdating ko sa school ay panay ang panunukso sa akin ng mga classmates ko.

“Sana all, Trish!”

“Ang guwapo naman ng manliligaw mo, Trish!”

“Uy! Nandiyan si Ivan kanina ka pang hinihintay.”

Sunod sunod na panunukso ng bawat madaanan kong kaklase.

“Ewan ko sa inyo, tigilan ninyo ako sa mga gan’yan ninyo. Sa inyo na ang Ivan ninyo. I don’t care! Ang yabang yabang kaya noon.” Inirapan ko sila ng mata.

“Wow! Attitude si Ate girl. Pero alam mo ba kanina pa siya riyan sa may pinto,” nakangising sabi ni Clyde.

“E, ano naman kung kanina pa siya riyan. Tigil-tigilan mo na nga ako, Clyde! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasasabi mo! Halika na nga, ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa faculty.”

Hinila ko sa kamay si Clyde at kaagad naman itong sumama.

Pagdating ko sa pintuan ng room namin ay naroon nga ang preskong-presko sa yabang na si Ivan.

“Trish, can we talk?”

Iniharang niya ang kaniyang kamay sa pinto kaya hindi ako makapasok.

“No. Kausapin mo ang sarili mo.”

Ayaw ko na pinipilit ako at isa pa ay wala pa sa isip ko ang magpaligaw dahil bata pa ako. Wala pa sa isip ko ang magpaligaw kaya lahat ng mga nanliligaw sa akin, bina-busted ko.

Pero dahil araw-araw akong sinusundan ni Ivan na may pabulaklak, pagkakatapos ng klase namin, nakulitan na rin ako sa kaniya kaya pumayag na rin ako sa huli. Hindi niya ako tinitigilan kahit paulit-ulit ko siyang busted-in.

Hindi nagtagal, hinayaan ko na lang siya na ligawan ako. Since patapos na rin naman ako sa highschool, gusto kong subukan kung ano ang pakiramdam ng nililigawan.

Dahil NBSB nga ako, wala akong idea sa feelings na mayroon sa mga couples. Puro sabi lang kasi ang alam ko, sabi ni ganito, at sabi ni gan'yan. Hanggang sa dumating na ang punto na gusto ko nang ma-feel kung ano nga ba talaga ang pakiramdam noon kahit bawal. Naging curious ako sa mga may jowa, naging matanong sa mga friends ko.

Nasa library ako ngayon, nagre-review dahil may exam kami mamaya. Habang hinihintay ko sina Clyde, nagsimula na akong mag-review. Tinitiyak kong nagtatakaw pa ang mga iyon sa canteen at mamaya pa ako sisiputin.

Habang nagme-memorize ako, napatutok ang paningin ko sa isang libro na kumuha ng atensyon ko.

Pocket book? May pocketbook sa library?

Natawa ako. Tumayo ako para kuhanin iyon. Makapal ang libro, at maganda ang book cover. Color purple pa, favorite color ko.

Broken vows? Ang sakit naman ng title... bakit kaya ganito ang title nito?

Sinilip ko ang paligid. Dahil wala naman ibang tao, kinuha ko ang libro. Bumalik sa kaninang upuan ko. Isinara ko ang book na binbasa ko kanina at sinimulan basahin ang pocketbook. Blurb pa lang ay na-hooked na kaagad ako sa story. Sinilip ko ang author, Miss Robin pala ang name ng author.

Habang nagbabasa ako ay biglang may nagtakip sa mata ko.

"Sino ka?"

"Hindi ako sinuka. Iniire ako." Sabay tawa.

Nakilala ko kaagad ang boses niya.

"Ivan?"

Inalis niya ang kaniyang kamay at umupo sa tabi ko.

"Nagbabasa ka pala ng pocket book?" kuryosong tanong niya.

Simula nang ligawan ako ni Ivan ay unti-unti siyang nagbago. Iniwan na niya ang mayayabang niyang barkada kaya naging maayos na rin ang pakitungo namin sa kaniya.

"Ngayon lang. Nakita ko lang ito dito, na-curious ako kaya sinubukan kong basahin."

"Kasi, purple?" natatawang sabi ni Ivan.

Natawa ako, sabay tango. Iniyuko ko ulit ang ulo ko at nagbasa muli. Pero iniangat niya iyon. Hinawakan ang aking baba at malagkit akong tinitigan sa mga mata.

Unti unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin, at pinaglapat ang tungki ng aming mga ilong. Bumilis ang tibok ng dibdib ko dahil sa kilig.

"Look who's here... Lea, magkasama ang lovebirds!" ani Clyde. Napalakas ang pagsasalita niya kaya nilapitan siya ng librarian sabay mustra na quiet.

Itinulak ko si Ivan palayo sa akin at mabilis kaming naghiwalay na dalawa.

"Aray... nagiging hobby mo na yata ang pagtulak," simpleng sabi habang nakangiti siya kina Clyde.

Napayuko ako dahil napahiya ako kay Lea at Clyde dahil tiyak na aalaskahin na naman ako ng mga ito.

Natawa kami sa hitsura ni Clyde nang sawayin siya ng librarian. Nakatakip pa sa bibig sabay sabi. "Sabi ko nga po, tatahimik na." Pero pinanlakihan niya ako ng mata.

"At bakit may tukaan na nagaganap, aber?"

"Wala. Namamalik-mata ka lang," ani Ivan.

Nang maka-usap ko siya ay na-realized kong mabait din naman pala ito. Kaya sa paglipas ng mga buwan ay nahulog na rin ang loob ko kay Ivan at nakakasama na rin namin siya ng mga friends ko.

Ilang linggo na lamang ay ga-graduate na kami. At dahil na rin sa udyok ng mga kaibigan ko ay sinagot ko na rin si Ivan.

Habang nagpa-practice kami para sa graduation, naisipan kong dito siya sagutin.

Magkatabi kami sa upuan habang nakain. Kaming dalawa lamang ang naroon sa may tree house.

Sinadya ko talaga na hindi isama ang mga friends namin dahil nahihiya naman ako na malaman nila na sasagutin ko na si Ivan. At kapag kasama namin sila ay natitiyak kong mag-iingay lamang si Clyde.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na hindi siya nagtatanong, siya ang first love ko kaya hindi ko alam kung paano mag-express ng sasabihin sa mga ganitong eksena.

“Ano ba iyan, Trish! Paano mo sasabihin sa kaniya na sinasagot mo na siya, e hindi naman siya nagtatanong?”

“Okay. Inhale, exhale…” bulong ko sa sarili na kinakabahan sa gagawin.

“Ivan…”

Pagpukaw ko sa atensyon niya. Kaagad naman itong tumingin sa akin habang s********p sa straw ng hawak niyang softdriks.

“Ano iyon?” matipid niyang tugon.

“A-Ano kasi…”

Parang nabaluktot ang aking dila nang sasabihin ko na sa kaniya kaya nautal tuloy ako.

Hindi ko naipagpatuloy ang aking sasabihin kaya seryoso niya akong tiningnan.

“May problema ba?” Inayos pa niya ang hibla ng buhok kong humaharang sa aking mukha dahil sa malakas na hangin.

“Alam ko na. Aminin mo na kasi, Trish. Gwapong-gwapo ka talaga sa akin?” natatawang sabi ni Ivan na ikinapula ko.

“Uy, namumula siya, oh! Sinasagot mo na ba ko? Aminin mo na, gwapo ako ano?” Sinundot niya ako sa tagiliran kaya napatawa ako.

“Oo na.” matipid kong sagot. Wala akong ibang nasabi kun’di iyon kaya medyo natigilan si Ivan.

“Wait, dalawa ang tanong ko. Alin doon ang sinagot mo ng oo?” makahulugan niya akong tiningnan Kaya napangiti ako sa kaniya.

“You mean, tayo na? S-Sinasagot mo na ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Ivan. Nakita ko ang kislap sa mga mata niya habang nagtatanong sa akin kaya napatango na lamang ako rito.

“Ikaw, ako, tayo? Tayo na??” Hinawakan niya ang aking kamay at tinitigan ako sa mata.

"Yes, tayo na." mahinahon kong tugon na may pagtango ng ulo. I smiled at him sweetly as I said these words.

Mabilis siyang tumayo at kaagad akong binuhat. Hindi ako makapaniwala na ganito pala ang pakiramdam na may boyfriend ka na, parang wala kang ibang iniisip kun’di kayo lamang dalawa.

Halos sa anim na buwan niyang panliligaw ay ngayon ko lamang siya sinagot. Hindi naman siya mahirap mahalin. May pagkamayabang nga siya kung minsan, pero may mga good side din naman siya na nagustuhan ko sa kaniya. Masaya ako kapag kasama ko siya at hindi naman siguro masama kung sinagot ko na siya.

Habang pauwi ako sa aming bahay ay doon lamang nag-sync in sa akin na may boyfriend na ako, at nasuway ko ang parents ko. I felt guilty for what I did, but deep in my heart. I just want to try it, bago pa kami magkahiwalay ng school ni Ivan.

“Nakauwi ka na pala, anak. Pumunta ka sa kusina pagkatapos mo magbihis at nakahanda na roon ang meryenda mo.”

Lumapit ako kay Mama at hinalikan siya sa pisngi bago ako pumasok sa kwarto ko habang si Mama naman ay bumalik na sa panonood ng paborito niyang drama sa TV.

Tahimik akong pumunta sa kwarto ko na iniisip kung dapat ko ba sabihin kay Mama at Papa na may boyfriend na ako, pero mas nangibabaw ang kaba kaya hindi ko na lamang sasabihin.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay tiningnan ko ang phone ko at nakita ko ang message ni Ivan.

“Babe, nakauwi ka na ba?”

“I love you!”

Napangiti ako nang aking mabasa ang message niya.

“Ganito pala talaga ang feeling ng may boyfriend.”

Humiga ako sa aking kama at muling tiningnan ang message na, napapikit ako sa kilig.

Tumipa ako sa keyboard ng aking cellphone upang sagutin ang message niya.

“Oo, kararating ko lang. Ikaw?”

“I love you too.”

Habang binabasa ko ang mga messages ni Ivan ay hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng aking mukha.

Ini-lock ko na ang phone ko at ipinatong ito sa bedside table. Pagkatapos kong magbihis ay sinilip ko muli ang aking phone at may message na naman mula kay Ivan.

“Can I call you babe?" Namilog ang aking mga mata na parang may mga paru-parong lumilipad sa aking tiyan. Hindi ko namalayan na kusa na pala na pumindot ang aking daliri sa keyboard.

“Yes, Babe.”

Simula noon ay palagi na kaming magkausap sa phone chat ‘man o call. Pasimple akong tumatago kapag narito sina Mama at Ate Lota.

Maya maya ay dumating na rin sina Mama at Papa. Nasa kwarto na ako nang sila ay dumating. Kailangan ko pa kasi mag-review para sa exam ko bukas.

Graduating na ako ng highschool kaya gusto kong masuklian ang paghihirap ng parents at mga kapatid ko sa akin kaya pinagbubutihan ko ang pag-aaral.

Madalas ay umaalis ang parents ko kapag weekends at kung minsan ay ilang araw silang nawawala kaya kami lang palagi ng kasambahay namin na si Ate Lota ang magkasama. Bata pa lamang ako ay siya na ang nakagisnan kong kasama sa bahay kaya parang pangalawang ina ko na rin siya.

“Lota, natutulog na ba si Trish?”

Narinig kong tanong ni Mama.

Mabilis akong lumabas sa kwarto ko upang salubungin sila ng halik.

“Ma,” nakangiting bati ko kay Mama pagkatapos ay pinuntahan ko naman si Papa.

“Papa...” Niyakap ko si Papa at pati na rin si Mama.

Sa tuwing darating sila galing sa trabaho ay palagi ko silang nilalambing ni Papa kaya nasanay na rin sila na kahit dalaga na ako ay para pa rin akong batang palaging naglalambing sa kanila.

Kaya kapag dumating sila na hindi ko ito ginagawa ay hinahanap nila ako kaagad.

Hindi rin ako nagtagal sa labas at bumalik na akong muli sa aking silid para mag-review.

“Ma, Pa, babalik na po ako sa room ko, mag-aaral pa po ako.”

Pagpasok ko sa kwarto ko ay biglang nag-vibrate ang phone ko. Nang tiningnan ko ang notification ay nakita ko ang mga missed calls ni Ivan. Kaya nag-message ako sa kaniya.

“Bakit, Babe?”

“Grabe naman itong si Ivan, saglit lang ako nawala tinadtad na ako ng missed calls,” natatawang bulong ko sa sarili habang hinihintay ang reply niya.

“Babe, wala ka ba’ng pa-good night kiss?” napangiti ako sa message niya kaya nag-send na lang ako sa kaniya ng kiss emoji.

“Gusto ko bukas may pa-good morning kiss ka rin.” Nanlaki ang mga mata ko sa another request niya.

“Ibang klase rin nga ang kalokohan nito, kabago-bago pa lang namin, kiss agad? No, way!” mahina kong sabi.

“Kiss your ass!” Napanguso tuloy ako sa kawalan habang nagrereply.

“P’wede ba akong dumalaw diyan sa inyo?” Biglang naging seryoso ang mood ko nang mabasa ko ang message niya.

Ayaw kong malaman ng parents ko na may boyfriend na ako kaagad dahil baka masira ang tiwala nila sa akin.

Nag-offline na ako, pero maya maya ay tumawag naman siya sa number ko.

"Hay, ang kulit!"

Hindi ko na sinagot dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan na iyon.

“Bukas na lang tayo mag-usap sa library.”

Binalewala ko lamang ang last message niya at binuksan ko muli ang aking libro para mag-aral.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa mesa.

Naalimpungatan na lamang ako kay Mama, na tinatapik ako sa balikat.

“Anak, humiga ka na sa kama mo para makatulog ka nang maayos. Good night!” Hinalikan ako ni Mama sa aking noo bago siya lumabas.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Pagdating ko sa room ay nakita ko si Ivan sa may pintuan ng aming room. Inaabangan ako nito roon kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

“Trish, sandali!” sigaw niya habang hinahabol ako.

“Mamaya na lang tayo mag-usap. May gagawin pa ako.”

Buong araw akong kinulit ni Ivan. Gusto niyang maging legal kaming dalawa sa mga magulang ko pero tinanggihan ko iyon. Ayaw pumayag ni Ivan na itago namin ang relationship namin, pero ipinaliwanag ko sa kaniya na kailangan naming gawin iyon dahil iyon ang dapat.

Kinabukasan…

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Ivan kagabi at idagdag mo pa ang napag-usapan namin kanina. Alam kong darating ang araw na hihingin na rin niya sa akin ang mga bagay na iyon.

Mahal ko siya pero hindi ko kayang ibigay ang lahat ng mga gusto niya. Tama na siguro ang maranasan ko kung paano at ano ang feeling ng may boyfriend.

Ayaw kong ma-disappoint ang parents ko nang dahil sa kapusukan naming dalawa. At isa pa ay napakabata ko pa para mangyari ang mga bagay na iyon.

Pumasok ako sa bathroom para maligo. Pero sandaling napahinto ako sa harapan ng salamin. Kinausap ko ang aking sarili habang nakatitig dito.

“Hindi porket mahal mo ay ibibigay mo kaagad ang sarili mo sa kaniya. Tama lang ang iyan, Trish. Hindi p’wedeng masira ang tiwala ng parents mo, okay?”

Hindi ko napigilan na mapabuntong-hininga habang kinakausap ko ang aking sarili sa harap ng salamin.

“Ano ba naman itong mga naiiisip ko, masiyadong advance. Makaligo na nga lang.”

Binuksan ko ang shower para mawala ang masamang espiritung sumasapi sa akin.

“Gusto ko pang maikasal muna bago ko ibigay ang bataan ko, ano? No way!”

Napailing ako sa aking naisip.

“Ewan ko sa’yo, Trish! Natanong ka lang ng tungkol sa kiss kung ano na pumasok sa isip mo.”

Pagkatapos kong maligo ay narinig ko si Ate Lota na tinatawag ako. Kakain na pala kami kaya nagmadali ako lumabas sa kwarto. Pero paglabas ko ay napatingin ako sa may bintana ay napansin kong naroon si Ivan na nakasandal pa sa harapan ng gate namin.

“Patay! Anong ginagawa nang lalaking ito rito?”

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa katawan nang makita kong pipindutin na niya ang doorbell, kaya inilakas ako ang aking boses para marinig niya sa labas.

“Ate Lota, may kukunin lang ako sa gate! Mauna ka na kumain at susunod na ako!” Binuksan ko kaagad ang pinto at mabilis na tumakbo patungo sa gate.

Mabuti na lamang at wala rito si Mama at Papa dahil kung narito sila, siguradong mabubuking na nila ako. Hindi nila puwedeng malaman na may boyfriend na ako.

“Ano ka ba naman, Ivan! Ano ba ang ginagawa mo rito? Gusto mo ba talagang magkahiwalay tayo?” paanas kong tanong habang pasulyap-sulyap sa loob ng bahay.

“Babe, bakit ba ayaw mo akong ipakilala sa parents mo? Ikinahihiya mo ba ako dahil mahirap lang ako?” sunud-sunod na tanong ni Ivan.

Nanggigilid na ang luha nito kaya bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya.

“Basta. Pupunta ako rito sa bahay ninyo at haharapin ko ang Mama at Papa mo, para maging legal na tayo!”

Bakas sa baritonong boses ni Ivan kung gaano siya kasigurado sa sinabi niya sa akin kaya nakaramdam ako ng takot.

“Hindi nga kasi puwede! Napag-usapan na natin ito ‘di ba?!”

Napalakas ang boses ko kaya napatingin ako sa paligid ko kung may nakarinig sa akin.

“Bakit ba hindi mo ako maintindihan?” paanas kong sabi na may pamimilog ng mata.

Hindi ako mapakali dahil baka may makakita sa aming dalawa. Kaya para matahimik si Ivan ay sinang-ayunan ko na lamang ang sinasabi niya. Bahala na kung anong mangyari basta hindi malaman ni Papa na may boyfriend na ako.

“Trish!” narinig kong sigaw ni Ate Lota.

“Nasaan ka, kakain na tayo...”

Nanlalaki ang mga mata kong itinataboy siya palayo.

Lumabas si Ate Lota sa bahay at sumilip sa may terrace, kaya sa takot ko ay naitulak ko si Ivan sa may halaman namin sa may gate.

“Aray! Gan’yan mo na ba ako ikinakahiya, Trish?”

Magkasalubong ang mga kilay nito at tila nasaktan sa ginawa ko kaya nakaramdam ako ng awa sa kaniya.

“I’m sorry,” bulong ko. Pasimpleng napa-peace sign ako ng daliri.

“Sino ba ang kausap mo riyan, at natabunan ka na yata ng kinukuha mo?” kuryosong tanong ni Ate Lota na naglalakad na palapit sa amin kaya pinandilatan ko na nang mata si Ivan.

Tumalikod ako kay Ivan at sinesenyasan ko siya habang nakatalikod para lumayo. Pilit akong ngumiti kay Ate Lota para maagaw ko ang atensyon niya dahil sinisilip niya ang kausap ko sa labas.

“Sino ba ang kausap mo rito?”

“Ha? Kausap? Wala naman akong kausap dito, Ate. Namamalik-mata ka lang siguro. Tara na nga sa loob, nagugutom na ako.” Hinila ko siya sa kamay pero panay pa rin ang lingon nito sa labas.

Nang makapasok kami sa bahay ay hindi na nagtanong pa si Ate Lota kaya nagpatuloy na lamang kami sa pagkain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status