Share

Cold-hearted Wife (Philia Love Series #3)
Cold-hearted Wife (Philia Love Series #3)
Author: Golden Bloom

Prologue

Naalimpungatan ako sa paglangitngit ng pintuan sa kwarto. Kinusot ko ang aking mata at napatingin sa wall clock, pasado alas dos na pala ng madaling araw at ngayon lamang siya dumating. “Sorry I fell asleep, Babe.” Bahagya akong bumangon sa kama upang maharap siya nang maayos. “May pagkain sa baba, gusto mo ba na ipaghain kita?”

Akmang babangon ako nang umupo siya sa gilid ng kama upang kalagin ang necktie niya. “Hindi na. Kumain na ako sa opisina, matulog na tayo. Pagod na ako.” Dumeretso na siya kaagad sa pagtulog na hindi man lamang ako hinaharap.

Hindi ko na lamang pinansin, baka kasi napagod lang siya sa trabaho sa office o baka naman stressed talaga siya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kaagad akong bumangon upang ihanda ang mga gagamitin niya sa pagpasok sa trabaho.

“Aalis na ako. Hindi na ako kakain, late na ako sa meeting.”

Nawala ang ngiti at sigla ko at napanguso na lamang ako sa kawalan sa narinig ko.

Hay naku! Nakalimutan na naman  niya siguro na anniversary namin ngayon…

Hindi na ako nag-isip ng kung ano ano sa halip ay pinaliguan ko na lamang si Irish bago ko ibaba sa crib niya. Pagkatapos ay inayos ko ang mga gamit niya para mamaya. Balak ko kasing ihabilin ang anak ko kay Manang Lydia para sa dinner date namin ng asawa ko mamaya.

Saktong pasok naman ng matandang kapitbahay namin na halos ituring na akong parang tunay na anak.

“Tamang-tama pala ang dating ko, bagong ligo na ang baby namin. Akin na muna si Irish, para makakilos ka nang maayos,” aniya bago pinaliguan ng halik sa mukha si Irish.

“Ah… M-Manang Lydia, puwede ko po bang ihabilin muna si Irish sa inyo?” nahihiyang tanong ko habang inilalagay ko ang gamit ng baby ko sa bag.

Madalas siyang pumupunta sa bahay para laruin ang anak ko. Mag-isa lamang kasi siya sa bahay niya dahil wala naman siyang asawa kaya nasanay na rin kami na palagi siyang kasama. Today is our wedding anniversary and I want to surprise my husband. At ngayon ay maghahanda ako ng special dinner for us.

Maliit lamang ang bahay namin ni Ivan. Kaunting kilos mo lang nasa kusina ka na kaagad.

“Oo naman. Sino ba ang makakatanggi sa cute na cute na baby na ito?” Sabay halik sa pisngi ng anak ko. Ngumiti pa siya sa akin bago muling nagsalita. “Kahit bukas o kaya ay huwag mo na balikan. Joke lang! Ako ang bahala kay baby, basta mag-enjoy kayong mag-asawa mamayang gabi,” nakangiting biro pa ni Manang Lydia.

Tinanggal ko ang apron na soot ko at nilapitan si Manang upang yakapin. “Thank you po talaga, Manang. Promise po, babalik din kami kaagad.”

“Ikaw talagang bata ka, para na kitang anak. Basta i-enjoy n’yo lang ang unang gabi na wala si Irish at sundan na ninyo kaagad para naman hindi lamang ako ang kalaro nito,” aniya habang pinupunsan ng lampin ang labi ni Irish. “At isa pa, napapansin ko, madalang na lang kayong lumabas ng asawa mo kaya ngayon na ang pagkakataon ninyo," dagdag pa niya.

Sa sinabi ni Manang Lydia ay napaisip ako. Medyo matagal-tagal na rin nang huli niya akong niyayang lumabas. Simula kasi nang lumipat kami ng bahay ay madalang na siyang umuwi nang maaga. Madalas tulog na ako kapag umuuwi siya at kinabukasan naman maaga rin siyang umaalis kaya madalang na kaming makapag-usap.

Napabuntong-hininga ako, pero kaagad ako rin naman binawi ang nasa isip ko.

Nakangiti kong sinagot ang matanda. “Oo nga po, Manang e. Malay po ninyo baka sa isang araw may magandang balita na kami sa inyo,” biro ko pa bago balikan ang ginagawa ko.

“O, siya. Bilisan mo na riyan at baka mamaya ay makaalis na iyon sa office. Mapurnada pa ang date ninyong dalawa.”

Mabuti na lang talaga at may mabait kaming kapitbahay at mapagkakatiwalaan pa. Nagmamadali akong pumunta sa kuwarto para ihanda ang isusoot ko bago ako maligo. Maya maya pa ay lumabas na ako sa kuwarto na nakabihis na. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at binuksan iyon para ilagay ang niluto kong pagkain. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Noong isang araw ay bumili ako ng red wine para sa talaga rito. Hapon na rin kaya naisipan kong magpaalam na kay Manang. Humalik muna ako kay baby bago sila iniwan sa bahay.

Habang nasa biyahe ay pinatugtog ko pa ang stereo ng sasakyan. First time ko lang gagawin ito kaya gusto kong maging maayos ang lahat. Kanina ay tinawagan ko pa ang ka-office mate niya at sinabing wala na silang gagawin ng alas cinco ng hapon kaya nagmamadali ako dahil baka makaalis ito doon.

Mabuti na lamang at hindi ako naipit ng traffic at nakarating ako sa tamang oras. Pagka-park ko sa parking lot ay nag-retouch lang ako ng kaunti at kinuha na ang paper bag na ma lamang pagkain, sa isang kamay ang red wine na binili ko noong isang araw. Habang naglalakad ako papunta sa office ni Ivan ay nakasalubong ko pa ang ka-office mate niya.

“Hi, nariyan pa ba si Ivan?”

“Ah, oo. Pasok ka na lang sa office niya. O, paano mauna na ako ha, ako naman ang babawi sa asawa ko,” biro pa ni Carlo.

Huminga muna ako ng malalim bago ko dahan-dahan na pinihit ang door knob. Nakangiti pa ako na nakatingin sa may table niya pero mabilis itong napalitan ng biglaang panunubig ng mata nang makita ko si Ivan.

“I love you, hon!” Narinig kong sabi pa nito sa babae na halos ikinabingi ko. Namanhid ang kamay ko kaya nabitiwan ko ang bote ng wine at ang paper bag na hawak ko. Ni hindi man lamang nila napansin ang pagdating ko dahil abala si Ivan sa pag-ulos sa ibabaw ng babae. Samantalang ang babae naman ay kitang-kita ko ang pagtirik ng mata sa ginagawa ni Ivan.

“Oh, shit!” Nanlalaking mga mata ni Ivan nang mapagawi ang tingin sa akin.

Kaagad niyang kinuha ang white longsleeve niya na nakakalat sa sahig. Sinundan ko pa ito nang tingin at nakita ko kung paano siya nagmamadaling nagsoot ng pantalon. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil nanghihina pa ang mga tuhod ko. Ang babae niya ay parang walang pakialam at tinaasan pa ako ng kilay na mas lalong ikinainis ko.

"Babe, sandali, mag-usap tayo.

My vision blurred as my throat thickened with sobs. Nanginginig ang aking mga labi at nanghihina ang mga tuhod ko nang harapin ko siya. “Buong buhay ko ibinigay ko sa’yo. Kinalimutan ko ang sarili ko, ibinuhos ko ang pagmamahal at panahon ko, pero ano, ha?! Putragis na kakatihan ‘yan. Paulit-ulit na lang!” nanggigigil na sigaw ko. Niyakap niya ako pero pinilit kong makawala pagkatapos ay sinampal siya nang paulit ulit.

Nakatayo pa rin sa harapan ko, nanggigilid ang luhang nakatitig sa mga mata ko. “Sorry, babe.”

“Sorry??” Ano ba ang sorry sa’yo, ha?” Hinila ko ang longsleeve niya kulang na lang ay mapunit ito sa sobrang higpit at saka nanggigigil na itinulak palayo sa akin. “Kapag nag-sorry ka ba sa palagay mo, mabubura na noon ang lahat ng sakit na ginawa mo? Hindi unlimited ang pagpapatawad ko, Ivan, ubos na ubos na ako. Pagod na pagod na ako sa paulit-ulit na pagpapatawad!”

"Sa bahay na tayo mag-usap baka pagsisihan lang natin ang mga masasabi natin sa isa't isa."

Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Bakit parang sa narinig ko ay may nagawa pa akong mali? Ako na itong ginago pero parang may gana pa siya na sumbatan ako.

"Wow!" Napasabunot ako sa buhok ko at kinagat ang ibabang labi ko bago ko siya itinulak.

“Anong sinabi mo? Pagsisihan? Sa ating dalawa walang ibang dapat sisihin kun’di ikaw! Dahil makati ka, wala ka nang pag-asang magbago dahil tumiim na ang kati d’yan sa mga ugat mo!" Buong puwersa ko siyang pinaghahampas kahit hindi ko na alam kung saan ito tumatama. Hindi siya gumagalaw, hinayaan niya lang akong saktan ko siya pero lumapit ang babaeng kalandian niya kanina.

"How dare you! Don't hit him." Itinulak ako ng babae kaya napaupo ako sa sahig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status