Share

Kabanata 22

Author: Annewrites
last update Last Updated: 2025-07-23 23:42:18

Kabanata 22

"Ayos na ako ngayon!" Medyo balisa na sabi ni Daisy. Bali lang naman ang buto niya, kailangan pa ba talaga niyang magpahinga? Pero hindi siya pinakinggan ni Nick, bagkus ay binuhat siya nito at dahan-dahang inihiga sa kama.

"Alagaan mo ang sarili mo nang maayos." Bagamat malamig ang pagkasabi ni Nick, ay ramdam pa rin ang lambing sa boses at kilos niya, tulad ng dati, pero may kaunting pagkakaiba.

Hindi rin maintindihan ni Daisy kung bakit, pero kahit ilang taon na sila na hindi nagkita, parang hindi sila naging magkahiwalay. Yung koneksyon nila, parang hindi kailanman nawala, hindi niyamaipaliwanag pero andun pa rin.

"Magpahinga ka muna. Kukuhanin kita ng makakain." Nginitian siya ni Nick, saka ito lumakad palabas ng kwarto.

Habang nakatingin sa papalayong likod nito, unti-unting bumalot ang init sa puso ni Daisy.

Sa mga sandaling iyon, bumukas ang pinto at pumasok si Shawn. Tumayo ito sa harapan ni Daisy, litaw sa mukha ang galit at pandidiri.

"Daisy, wala pa akong nakit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 32

    Kabanata 32Sa isang iglap lang, nagdulot siya ng matinding kaguluhan sa buong lugar. Ito ang unang beses na may gumawa ng ganitong klase ng pagbubunyag sa publiko, kaya’t nagkagulo ang mga reporter, halos masira na ang mga camera sa sobrang pagpindot ng shutter!Si Kent, na kanina’y puno ng kumpiyansa, hindi na maitago ang bahagyang pagkabigla sa mukha. Totoo nga, gumagalaw lang siya kapag ang sarili niyang interes ang nakasalalay. Wala siyang pakialam sa buhay o kamatayan ng iba!"Daisy, baliw ka na," bulong ni Kent sa malalim na tinig habang mahigpit na hinawakan ang pulso niya.Pero si Daisy, ay nanatiling walang emosyon, at pinagpag lang ang kamay niya. Pagkatapos ay isinapubliko na niya ang lahat ng matagal niyang inihanda."Pagkatapos naming ikasal, nagkaroon kami ng anak—si Sydney Hernandez. Ilang araw pa lang ang nakalipas, ng pumanaw ang anak namin. Habang naghihingalo ang mahal kong anak sa ospital, niyakap ni Mr. Hernandez si Miss Valdez at nagpaputok ng P600,000 halaga ng

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 31

    Kabanata 31Kahit na nailibing na si Sydney, hindi pa rin matanggap ni Daisy na wala na ang anak niya. Pakiramdam niya, nandoon pa rin si Sydney at laging nasa tabi niya, hindi umaalis.Hindi niya alam kung narinig ba ni Sydney ang masasakit na sinabi ng kanyang ama kanina. Dahan-dahang niyang pinunasan ang larawan ni Sydney at mahinang binulong,“Sdyney, anak, huwag kang malungkot. Huwag mong pakinggan ang sinabi niya. Hindi totoo ’yon. Para kay Mama, ikaw ang pinakamagandang bata sa buong mundo. Sobrang saya at swerte ko dahil ikaw na naging anak ko.”“Sydney, miss na miss ka na ni Mommy. Galit ka rin ba kay Mommy? Bakit hindi ka man lang nagpapakita sa panaginip ko? Gusto kitang makita anak ko… miss na miss na talaga kita...” Bumuhos ang luha niya habang yakap yakap ang larawan ng kanyang anak. Sabi ng iba, ang oras ay gamot.Pero para sa kanya, ang oras ay isang huwad na manggagamot. Kahit gaano pa katagal ang lumipas, hinding-hindi niya kayang limutin ang kanyang anak.Mahaba ang

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 30

    Kabanata 30“Gago ka talaga!” Hindi napigilan ni Daisy ang sarili at napamura siya nang malakas.Hindi niya inakalang may tao pa palang mas makapal ang mukha sa mundo. Grabe! Sobrang kapal at walang hiya!Noon, pinipili ni Daisy na magtimpi, pero hindi na ngayon. Ngayon, ay lalaban na siya. Hindi lang sa salita, kundi sa pati sa aksyon.Pak!Malakas niyang sinampal si Kent, sabay hawak sa kwelyo nito. Buong lakas niya itong hinila papunta sa harap ng larawan ni Sydney.“Tingnan mo ‘yan, si Sydney! Ulitin mo nga ang sinabi mo kanina kung may konsensiya ka!”Hindi inaasahan ni Kent ang lakas ng babae. Pero habang tinititigan niya ang inosenteng ngiti ni Sydney sa litrato, at kalmado pa rin niyang sinabi:“Kahit gamutin siya noon, hindi rin siya gagaling. Pahihirapan lang siya sa mundong ‘to.”“Oo, nahirapan nga siya, pero hindi dahil sa sakit! Dahil sa’yo! Dahil sa isang amang walang puso na katulad mo!”“Anong karapatan mong magdesisyon para sa kanya? Ha? Sabihin mo!”Hindi na niya bin

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 29

    Kabanata 29Pagkaharap ni Pearl sa malamig na tingin ni Kent, bigla siyang kinabahan. Hindi niya maiwasang mag-isip: “May nalaman na kaya siya?”“Kent… bakit di ka nagsasalita?” Maingat niyang hinawakan ang manggas ng damit ni Kent.“Pearl, sumobra ka na,” sagot nito.Wala man siyang ekspresyon sa mukha, kalmado pa rin ang boses ni Kent, pero ang laman ng sinabi niya'y tila isang matinding sampal kay Pearl. Lalo siyang naiyak habang sinasabi:“Alam ko, kasalanan ko… pero hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang tumulong sa'yo… kay Daisy.”“Wag mo nang pakialaman ang mga bagay namin,” sagot ni Kent, ngayon ay wala nang kahit kapirasong lambing sa boses nito. Isa itong malinaw na babala at posibleng ang huli na.Ang totoo, sarili lang ang mahal ni Kent. Oo, iba si Pearl, pero hindi siya sapat para ituring na pinakamahalaga.Doon lang napagtanto ni Pearl ang katotohanan: Akala niya, siya ang pinakaimportanteng babae sa puso ni Kent, pero malinaw na ang mahalaga ay ang sarili lang nito mi

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 28

    Kabanata 28“Daisy, kailanman hindi ka naging mahalaga kay Kent. Kahit anong gawin mo, hindi mo makukuha ang puso niya. Bakit ka pa nagpapagod?” Pilit na pangungumbinsi ni Pearl sa kanya.Nang marinig niya iyon, natatawa na lang siya.“Kahit ibenta ko ang shares na hawak ko, hindi bababa sa 3 bilyon ang halaga nun! Tapos pupunta ka dito dala-dala ang 30 milyon para makipag-usap sa akin? Akala mo ba hindi ako marunong magbilang?”“Pearl Valdez, wala nang halaga sa akin si Kent. Noon, baka iniisip ko pa siya para sa anak namin, pero ngayon, wala na si Sydney. Sa mga mata ko, wala siyang kwenta!”“Hawak ko ang 51% na shares ng Hernandez Group. Kung gugustuhin ko ng lalaki, kahit sino pwede kong piliin!” Pagkatapos magising sa katotohanan, ramdam ni Daisy na magiging mas maganda ang kinabukasan niya.“Ano… ano?”Hindi makapaniwala si Pearl na ang dati’y mahinhing si Daisy ay kaya nang magsalita ng ganito katapang sa kanya kaya hindi siya makapaniwala.Doon niya napagtanto, na dati, kaya n

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 27

    Kabanata 27Alam na ni Kent ang posibilidad nito noon pa, pero hindi niya akalaing magiging ganito kalaki ang problema. Hindi rin niya inaasahan na ang babaeng iyon ay ganun kagaling na kaya nitong lokohin ang matanda at makakuha pa ng ganitong kalaking kapangyarihan?“Pwede bang ipasuri kung tunay ang testamento na ito?” Napasinghal si Kent. Hindi pa rin siya makapaniwala. Totoo bang ganoon katanga ang lolo niya? Napa katuso ng babaeng iyon, kaya niyang gawin ang kahit ano pati pekein ang isang testamento.Tiningnan siya ng manager at sinabing,“Ang ganitong klaseng testamento ay karaniwang ginagawa sa presensya ng ikatlong tao, at ang buong proseso ay may recording at video. Halos imposibleng mapeke ito.”Tuluyan nang nawala ang mga opsyon ni Kent. Dumilim ang mukha niya, pero wala na siyang sinabi na iba. Kumaway lang siya at nagsabing,“Alam ko na.” Nag-empake ng mga gamit ang mga taga-Legal Department at lumabas na, halatang kabado. Sino ba naman ang mag-aakalang makakarinig sila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status