Share

 Compass Series 1: Midnight Pleasure (Callan Lexus Griffin)
Compass Series 1: Midnight Pleasure (Callan Lexus Griffin)
Author: Auroscent Writes

PROLOGUE

Prologue

YOUNG FANTASSIA'S POV

Past

TAHIMIK ko lang na pinagmamasdan ang mga kapwa kong bata na naglalaro dito sa Park habang hinihintay ko si Callan na dumating, kahit gusto kong makipaglaro sa mga bata dito ay hindi ko magawa dahil baka biglang siyang dumating at hindi ko mapansin dahil sa paglalaro kaya magtitiis na lang ako dito na hintayin siya.

Kahit mga bata pa lang kami ay alam kong gusto ko na si Callan, bukod sa cute ay mabait at malambing pa siya sa akin at sa family niya pati kina Mommy at Daddy ay malambing din siya. Callan is half-Irish and half- Filipino-American that's why he has a good looks. 11 years old lang ako at 13 years old naman si Callan pero kahit dalawang taon lang ang tanda niya sa akin ay nakikipaglaro at naging magkaibigan pa rin kami.

Alam kong may gusto na din siya sa akin pero hindi niya lang siguro masabi kaya uunahan ko na siyang magtapat para magkalakas siya ng loob na umamin na din hihihi.

May usapan kami na magkikita kami dito sa paborito naming park at may sasabihin daw siya sa akin, na-eexcite na tuloy ako.

Makalipas ang ilang minuto pero hindi pa din siya dumadating kaya nang may makita akong nagtitindang Ice Cream ay dali-dali akong tumakbo patungo dito at bumili ako para mawala ang pagkabagot ko sa paghihintay kay Callan.

"Kuya pabili po ako ng Ice Cream 10 pesos po." Sabi ko habang nakangiti kay Kuyang Tindero.

"Ano bang gusto mong flavor ija? Meron ako ditong Chocolate, Ube at Vanilla." Pagkarinig ko sa lahat ng binanggit ni Kuyang Tindero na mga flavors ay patalon-talon akong sumagot habang hindi pa din nawawala ang ngiti ko.

"Pwede po lahat ng flavors Kuya?" Nagpapacute kong saad para dagdagan ni Kuyang Tindero ang Ice Cream ko.

"Nakuu ija ah dinadaan mo ako sa pangiti-ngiti mo, pasalamat ka cute at maganda ka. Oh siya heto na ang Ice Cream mo dinagdagan ko na ng isang scoop gaya ng gusto mo." Napapailing pero nakangiting sabi ni Kuyang Tindero.

"Thank you po ng marami!" Nakangiti kong inabot ang Ice Cream at ang sukli ko, dahil 20 pesos ang binigay ko.

"Walang anuman ija, haayst naalala ko tuloy ang anak ko sayo gustong-gusto din niya ang Ice Cream." Nalungkot ako para kay Kuyang Tindero kaya tinanong ko siya.

"Bakit po? Wala na po ba siya? Kailan po siya namatay?" Malapit na akong maiyak nang biglang natawa ang Tindero dahilan para mapakunot-noo ako, nagtataka.

"Ikaw talagang bata ka palabiro ka din," ginulo niya ang buhok ko na parang nasisiyahan siyang pagmasdan ako "hindi pa siya patay o kung ano man, andoon lang siya sa bahay namin at sigurado akong gumagawa iyon ng takdang aralin niya." Sagot ni Kuyang Tindero at ako naman ang tinanong kung nag-aaral daw ba ako.

"Opo, nag-aaral po ako pero dalawang araw po kaming walang pasok." Sagot ko habang dinidilaan ang hawak kong Ice Cream at natigilan ako nang maalala ko si Callan kaya dali-dali na akong nagpaalam kay Kuyang Tindero.

***********

PAGBALIK ko sa inuupuan kong bench ay wala akong naabutan na Callan, naubos ko na lang ang Ice Cream ko ay hindi pa siya dumadating kaya tiningnan ko ang Pink Watch ko na gift pa sa akin ni Daddy noong nakaraang birthday ko.

Pinagtitinginan na ako ng ibang mga bata dito, marahil ay nagtataka sila kung bakit wala akong kalaro at kanina pa ako nandito kaya napayuko na lang ako dahil nagsisimula na akong mahiya at nagmumukha na akong tanga dito mag-isa.

5:30 PM na pero wala pa rin si Callan at halos nakauwi na din yung mga batang kanina lang ay naglalaro at ang nagtitinda ng Ice Cream kanina ay wala na din sa pwesto niya. Hindi naman ako natatakot na may mangkidnap sa akin dito dahil nasa loob naman ng subdivision itong kinalalagyan ng park na ito kaya kampante ako.

Nagsisimula nang tumulo ang luha ko at may namumuo na ding inis sa puso ko nang pagtingin ko sa Watch na suot ko ay 6:15 PM na pero wala pa din si Callan.

"Callan nasaan kana ba?! Tatlong oras na akong naghihintay dito pero bakit wala ka pa din?!"

Gusto kong isigaw ang mga salita na yan pero pinanghihinaan na ako ng loob. Sa sobrang galit ko sa kaniya ay hindi ko na napigilan ang mapahikbi, at maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Mommy sa hindi kalayuan may dala pa siyang flash light.

"Honey what are you doing here?! Oh my god! What happened to you?" Nag-aalalang tanong ni Mommy nang maabutan niya akong umiiyak dito sa bench. Pero hindi ko pinansin ang tanong niya at tinanong ko siya kung nakita niya ba si Callan.

"M-mommy h-have you seen Callan?" I asked her while sobbing and sniffing.

"Callan? Ahmm kanina pa sila umalis I think 2:00 pm, why?" She asked that made me confused. Umalis? Bakit hindi ko alam?

"What do you mean, umalis? Sila? Sinong kasama niya?" Naguguluhang tanong ko.

"Oh I think you don't have an idea. They left the country, his Mom told me that they're leaving the country and hindi ko alam kung kailan sila babalik. Bakit nagkatampuhan ba kayo ni Callan kaya hindi ka sumama sa paghatid sa kanila sa Airport? Hinatid namin sila ng Daddy mo, aayain sana kita kaya lang hindi kita mahanap----." Hindi na natapos ni Mommy ang lahat ng sasabihin niya nang bigla na lang akong umiyak ng sobrang lakas kaya bigla siyang nataranta.

"M-mommy wala akong alam! Wala din sinasabi si Callan sa akin na aalis sila ng bansa! At hindi kami nag-away or something dahil may usapan kami na magkikita kami dito at may sasabihin siya sa akin. I know that he would confess to me that he likes me too, that's why I'm still waiting for him here Mommy what are you talking about?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magburst-out dahil sa nararamdaman kong galit para kay Callan.

How dare him to do this to me?! He made me feel stupid!

"Oh Honey stop crying, I didn't know that you two has a plan. Oh god I'm sorry to tell you this but what you are feeling right now for him is just a purely puppy love, Honey. Makaka-move on ka rin." Pag-aalo ni Mommy sa akin pero mas lalo lang tumindi ang galit ko kay Callan, I hate him!

"No Mommy! From now on I will hate him! He made me feel stupid in front of those children awhile ago while I was waiting for him. They almost laughed at me!" Pagsusumbong ko kay Mommy kaya niyakap niya na lang ako.

"Oh don't hate him anak, maybe he has a reason----." I cut her off before she speak nonsense.

"No! I don't care to his reasons. I wish he won't find his greatest love in the future!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong tumakbo palayo kay Mommy at palayo sa lugar na iyon, ito na ang huli kong tapak sa lugar na ito at itatapon ko na lahat ng magagandang ala-ala namin dito ni Callan. Hinding-hindi na ako babalik sa lugar na ito, at kalilimutan ko na lahat ng mga naging pangako ko sa kaniya.

Maybe Mom was right, it's just a puppy love mga bata pa kami at may makikilala pa kaming ibang tao in the future.

After the heart-break scene I ran away from that place at nagkulong ako sa kwarto ng isang linggo. Mom was so worried to me, so she would visit me to my room and bring some foods.

Isang linggo akong nagmukmok sa loob ng kwarto ko at naghihintay na tumawag si Callan kina Mommy, alam kong gagawa siya ng paraan para magkausap kami dahil alam niya ang mararamdaman ko dahil sa ginawa niya pero lumipas na lang ang isang linggo ay hindi pa din siya nagpaparamdam.

**********

ARAW, linggo, at buwan na ang nakalipas pero wala talagang paramdam sa akin si Callan, kahit ang parents niya ay hindi man lang tumatawag kina Mommy pero mukhang ayos lang naman sa kanila na hindi tumawag ang parents ni Callan. Pero ako dinadamdam ko ang bawat araw na lumilipas na hindi man lang gumawa ng paraan si Callan para makausap ako.

Isang umaga habang nag-aalmusal ay biglang nagtanong si Daddy, "Hindi pa din ba tumatawag ang Bestfriend mo, anak?" Natigilan ako sa tanong ni Daddy. Ilang buwan na ba simula ng umalis siya nang walang paalam?

Umiling lang ako bilang sagot at napabuntong hininga na lang si Mommy at Daddy dahil sa ikinikilos ko.

"Are you okay, Honey?" Tanong ni Mommy, binitawan ko ang kutsara't tinidor at tumingin sa kanilang gamit ang walang kabuhay-buhay na mata.

"Do I look okay, Mom? Can you please stop asking question to me regarding to him? You said I should move on and I'm doing it so don't you ever mention his name in front of me." After saying that ay tumayo na ako at nagdadabog na lumabas, tinawag pa ako ni Mommy pero hindi ko na siya pinansin at dire-diretsong sumakay sa kotseng naghihintay sa akin para maghatid sa School.

15 minutes na lang at malelate na ako sa School kaya sinabihan ko na ang driver na umalis na kami. Bago tuluyang makaalis ang kotseng sinasakyan ko ay nakita ko pa si Mommy na may malungkot na expression habang nakatingin sa akin, napabuntong-hininga na lang ako at napayuko tsaka nilaro-laro ang mga daliri ko sa kamay.

Pagdating sa School ay matamlay akong bumaba ng kotse, akmang aalis na ako nang marinig ko ang boses ni Mommy mula sa di kalayuan may dala-dala siyang paper bag.

"You forgot your lunch box, Honey." Sabi niya at inabot sa akin ang paper bag na ang laman pala ay ang lunch box ko.

"Thanks Mom." Maikling saad ko at tumalikod na hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Mommy.

Pagdating ko sa Classroom ay dumukdok na lang ako sa desk dahil wala pa ang Teacher namin, akala ko late na ako.

"Good Morning Class!" Napabangon ako nang marinig ko ang boses ng Teacher namin, pagtingin ko sa harapan ay may dalawa siyang bata na kasama, siguro kasing edad ko lang yung dalawa, isang babae at isang lalaki.

"Okay Class starting this day ay magkakaroon kayo ng bagong Classmate. Kids introduce yourselves na." Nakangiting saad ni Teacher sa dalawang bata.

"Hi everyone! Good morning my name is Tashina Shinoda, I hope we can be friends!" Masiglang pagpapakilala naman ng batang babae.

I'm sure they're not Filipino.

"How adorable, okay ikaw naman ijo." Nakangiti pa din na saad ni Mom sa batang lalaki.

"Hello everyone! Good morning my name is Yukio Shinoda. If you are wondering why my name sounds Japanese, well my Dad is a Japanese while my Mom is a Filipina and this girl is my cousin, she's also a half Japanese like me. And ohh I hope we can be friends too!" Mas masiglang pagpapakilala ng batang lalaki at ngumiti ng matamis dahilan para mawala ang kaniyang mga mata.

"Ang cute-cute niyo naman." Halatang nasisiyahan si Teacher sa dalawa pati na din ang iba kong classmate meron pang isang nagtanong.

"Bakit nawawala ang eyes niyo kapag ngumingiti kayo, like this oh." Pinasingkit din niya ang mga mata dahilan para matawa ang iba naming classmate, napasimangot naman ang batang lalaki habang hindi pa din nawawala ang ngiti ng batang babae.

"Kasi nga diba Half-Japanese kami kaya singkit ang eyes namin, at wag mo ngang nigagaya ang mata namin hindi mo naman kasi bagay." Nakasimangot na sagot ng batang lalaki, oh I mean ni Yukio.

"I'm just asking lang naman eh, hindi mo naman kailangan maging mean sa akin." Naiiyak na sabi ng nagtanong kanina.

Napatingin naman si Yukio sa Teacher na parang nanghihingi ng tulong dahilan para matawa ito, "Okay Class tama na yan baka magkagulo pa kayo. Be nice to them ha?" Tumango naman ang mga Classmate namin. Samantalang ako ay itinuon ko na lang sa bintana ang atensyon ko.

Hindi ko maikakaila na namimiss ko din si Callan sa kabila ng ginawa niya sa akin, napabuntong hininga na lang ako sa naiisip. Siguro dapat ko na nga talaga siyang kalimutan.

"Hi! May naka-upo ba diyan sa chair na yan?" Isang boses ang pumukaw sa pag-iisip ko dahilan para lingonin ko ito.

"May nakikita kabang naka-upo diyan?" Pagtataray ko sa batang babae, pero imbes na mapikon sa akin ay ngumiti lang siya.

"Sige dito na lang ako uupo tutal mukhang wala namang naka-upo dito," Sabi niya at umupo sa katabing upuan ko, umupo naman sa katabi niyang upuan ang cousin niya. "Hello, ahmm what's your name? I'm Tashina nga pala." Nakangiti siya ng malapad habang nakalahad sa harapan ko ang kanang kamay niya.

"Fantassia." Maikling sagot ko at hindi tinanggap ang pakikipagkamay niya, balewala naman niyang ibinaba ang kamay at kinalabit ang katabing pinsan para magpakilala din.

"Uyy Kio magpakilala ka din kay Fantassia para friends na din kayo." Kahit bulong lang 'yon ay naririnig ko pa din siya dahil medyo malapit ang pwesto ng upuan niya.

"Hello Fantassia, I'm Yukio but you can call me Kio." Inilahad din niya ang kaliwang kamay pero hindi ko pa din tinanggap.

"I'm Fantassia and I don't do handshakes." Masungit kong sagot pero mukhang wala lang sa kanila 'yon.

"Okay sige, pero friends na tayo ha?" Bakit ba hindi mawala-wala ang ngiting ng babaeng 'to? Hindi ko na lang siya pinansin at muling tumingin sa bintana.

Friends? Should I make friends with them? What if they will leave me like what Callan did?

"Uyy friend, ano ba tinitingnan mo diyan sa labas?" Pang-uusisa pa rin nitong katabi ko, kaya nilingon ko na siya at tiningnan ng masama pero ngumiti lang ito.

"Pwede ba wag kang maingay? Mahuhuli tayo ni Teacher eh, kapag tayo napagalitan." Pagsusungit ko pa rin sa kaniya.

"Makipag-friends kana kasi sa amin." Ngumuso pa ito na tila nagpapacute kaya inirapan ko ito at salubong ang kilay na sumagot.

"Fine! We're friends na! Happy?" Tumango naman ito ng paulit-ulit habang nakanguso pa din pero unti-unti naman itong ngumingiti na parang binigyan ng candy.

********

Natapos ang maghapon na puro ingay ng katabi ko ang naririnig ko, pero kahit ganun ay pansamantalang nawala sa isip ko si Callan at ang ginawa niya.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot para maghintay sa sundo ko ay may narinig akong tumatawag sa akin di kalayuan sa pwesto ko kaya may ibang napapatingin sa akin.

"Fantassia! Friend! Wait for me sabay na tayo!" Paglingon ko sa sumisigaw ay si Tashina ang nakita ko tumatakbo palapit sa akin kasama si Yukio.

"Uuwi kana ba?" Si Kio ang nagtanong habang hinihingal dahil sa pagtakbo.

"Obvious ba?" Masungit kong sabi at nagsimula na ulit maglakad.

"Friend naman ang sungit-sungit mo." Sabi naman ni Tashina sabay palupot ng braso niya sa braso ko at akmang tatanggalin ko na ito nang magsalita si Kio.

"Akala ko ba friend kana namin?" Nakasimangot na tanong ni Kio habang sumasabay sa paglalakad papuntang gate ng school.

"Yeah we're friends na pero ang ingay-ingay niyo ang sakit niyo sa ears." Nakakunot-noong sagot ko.

"Oh sige hindi na kami mag-iingay pero smile kana sa amin, hindi ka pa namin nakikita na mag-smile simula kaninang umaga tapos puro pagsusungit at pagtataray ka pa sa amin." Nakasimangot na din si Tashina.

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Did I went too far? Am I being mean to them? I know I'm not like this before.

Napabuntong hininga naman ako at nakayukong humingi ng pasensya.

"I'm sorry for being mean, I'm just having a hard time to trust people around me. I didn't mean to do that, I'm sorry." Pahina nang pahina ang boses ko habang humihingi ng sorry.

"Ohh lagot ka Tashi iiyak na siya oh." Pang-aasar ni Kio kay Tashina.

"Hala! Joke-joke lang naman 'yun friend, wag kang iiyak ha? Sorry din sa sinabi namin ni Yuki gusto lang naman makipag-friend sayo."

"Hindi naman ako iiyak ehh," Ako naman ang sumimangot, "sige, hindi na ako magsusungit at magtataray, friends na din tayo." Inangat ko ang ulo ko at tiningnan sila.

"Talaga?! Friends na tayo?! Yehey! Narinig mo 'yon Kio? Friends na natin si Fantassia. Yey!" Hinawakan ni Tashina ang isa kong kamay at nagtatalon sa tuwa, sumali din si Kio sa pagtalon at hinawakan ang isa ko pang kamay kaya pati ako ay napapatalon na din.

Napatawa na lang ako nang sumabay sila sa akin sa paglalakad palabas ng School habang hawak-hawak ang magkabila kong kamay at nagkukwento ng kung anu-ano sa buhay nila, ang daldal nilang dalawa grabe!

"Tassia anak!" Napalingon ako sa tumawag sa akin and there I saw my Mom waving her left hand while smiling widely at me.

"Is that your Mom?" Magiliw na tanong sa akin ni Tashina.

"Yeah, she's my Mom." Sagot ko habang nakangiting tumatango-tango.

"Oh my! Friend she's so pretty like you!" She exclaimed in excitement and then she pulled my hand and ran towards to my Mom.

"Hello po! Good Afternoon po!" Magalang na pagbati ni Tashina kay Mommy.

"Oh hello pretty girl good afternoon too, what's your name?" Magiliw na tanong ni Mommy kay Tashina habang pinupunasan ang pisngi kong may pawis dahil sa pagtalon kanina.

"My name is Tashina and this is my cousin Yukio and we are Fantassia's new friend po." Nakangiting pagpapakilala ni Tashina.

"Opo! And we are the new student here po, and then we are Fantassia's classmate also." Masiglang sabi din ni Yukio.

Bakit ba ang hyper nilang dalawa? Simula pa kaninang umaga hanggang ngayong hapon ang hyper nila, hindi ba sila nauubusan ng energy?

"Oh really? That's great! I'm glad my daughter found a new friends again, right Honey?" She looked at me while waiting for me to answer her question.

"Yeah." Maikling sagot ko.

"Uuwi na din ba kayo Kids?" Pagtatanong ni Mommy sa kanilang dalawa. Sabay naman silang tumango.

"Opo, ayun nga po ang sundo namin oh!" Tinuro ni Yukio ang isang van di kalayuan sa pwesto ng kotse ni Mommy.

"Alright ingat sa pag-uwi kids, we're going home na din kasi." Pagpapaalam ni Mommy sa kanila.

"Bye-bye po ingat din po sa pag-uwi!" Sabay na paalam nilang dalawa.

"Bye kids, glad to meet you two." Sabi pa ni Mommy bago buksan ang backdoor ng kotse.

"We're also glad to meet you and Fantassia po, bye-bye friend bukas ulit." Pagpapaalam din sa akin ni Tashina.

"Bye-bye Tassia!" Yukio waved his right arm at me.

"Bye-bye see you tomorrow!" Sabi ko habang nakangiti at tumalikod naman na sila para pumunta at sumakay sa van nila.

"They are so adorable and energetic." Mom said while chuckling.

"They're also loud Mom." Bored kong sabi.

"Honestly speaking, I'm really glad that you found a friend again Honey," Mom said, " I thought you're having a hard time to find a new friend again because of----." I cut her off before she say something that will ruin my mood.

"They're so loud and they keep insisting to make a friend with me." I said cutting her off.

Since that day, the three of us became friends, I was with them in all the silly things, in my miserable state and in my happiness. They keep their promise that they would never leave me no matter what and because of them I forgot the reason why I became a cold and difficult person to deal with. And I'm different person now and the sweet, energetic and cheerful Fantassia before is gone.

And just like Mom, I'm also glad that I found a new friends again despite of what had happened between me and Callan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status