Nanlaki ang kanyang mga mata. “At ano naman idadahilan natin?”
“Simple lang, hindi na natin gusto ang isa’t isa,” sagot nito, waring walang alinlangan. “Ano ang desisyon mo?” agad na tanong nito kasunod. Saglit siyang natahimik, ilang segundo bago sumagot. “Pag-iisipan ko muna.” “Sige, bibigyan kita ng tatlong araw para pag-isipan,” aniya, bago tuluyang tumahimik. Dalawang araw ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap nila ni Axel. Tahimik siyang nagtatrabaho sa kanyang cubicle nang muling maramdaman ang pananakit ng tiyan. Ilang araw na rin niyang nararanasan ito at napapansin niyang mabilis siyang mapagod kahit na maikling distansya pa lang ang kanyang nalalakad. Sa sandaling iyon, bigla siyang nakaramdam ng matinding pagduduwal. Agad siyang tumayo at nagmamadaling tumakbo papuntang banyo. Mabuti na lang at walang tao sa banyo ng oras na iyon nang siya ay masuka. Hindi na niya alam kung gaano siya katagal doon, naubos ang kanyang lakas matapos mailabas ang lahat. Nanghihina man, nagpunta siya sa opisina ng kanyang boss para magpaalam. “Puwede ba ‘ko mag half-day ngayon, Mr. Palmer?” mahina niyang sabi. Tinitigan siya nito at pinagmasdan. “Namumutla ka, Selena. Mukhang hindi maganda pakiramdam mo.” Bahagya siyang tumango. “Napakabigat talaga ng pakiramdam ko, Mr. Palmer.” “O sige, pagbibigyan kita ngayon. Magpahinga ka pagkatapos mo magpatingin sa ospital,” anito bago siya tuluyang pinayagan umalis ng maaga. Nagpasalamat siya at agad na nagtungo sa ospital. Pagdating niya roon, nagpa-full body check-up siya at kinuhanan ng sample para sa pagsusuri. Mahigit tatlungpung minuto siyang naghintay bago siya tinawag ng nurse at inihatid sa opisina ng doktor. Pinaupo siya at binati ng nito. “Magandang araw, Ms. Payne. Ako si Dr. Valeza, isang OB-GYN dito sa ospital,” pagpapakilala ng doktor. Nanlaki ang mga mata niya. “O-OB-GYN?” dahil sa narinig, kinutuban na siya. Tumango ang doktor. “Base sa resulta ng pregnancy test mula sa iyong urine sample, lumabas na positibo ito, na nangangahulugang buntis ka. Kung gusto mong makasigurado pa, maaari tayong magsagawa ng ultrasound.” Nanlumo siya sa narinig. “Huwag na. Naniniwala na ‘ko,” mahina niyang sambit. Humingi na lang siya ng reseta para sa mga gamot na makakatulong sa kanyang nararamdaman bago umalis. Pagkalabas niya ng opisina ng doktor, hindi niya napansin na nasa likuran niya si Axel. Tahimik siyang pinagmasdan nito hanggang sa makaalis siya ng ospital. Tiningnan ni Axel ang pinanggalingan ni Selena at nabasa ang salitang OB-GYN. Agad siyang pumasok. Nakaupo pa rin si Dr. Valeza sa kanyang desk nang dumating si Axel. Tumingala ang doktor. “Mr. Strathmore, nandito ka. Kamusta ang pag-iinspeksyon mo sa ospital?” Tanong ng doktor. “Dr. Valeza, bakit nasa opisina mo si Selena?” direktang tanong nito, hindi sinagot ang tanong ng doktor. “Selena?” ulit nito, nag-isip sandali bago nagsalita muli. “Si Ms. Payne ba tinutukoy mo?” Tumango lamang siya. “Pumunta siya rito dahil sa pananakit ng kanyang ulo at tiyan. Panay din daw ang pagduduwal niya, kaya nagsagawa kami ng full body check-up pati pagkuha ng sample mula sa kanya,” detalyadong paliwanag nito. Sa puntong iyon, isang hinala ang sumagi sa isip niya. “At ano ang naging resulta?” “Kagaya ng suspetsa ko, nagpositibo siya sa pregnancy test. Dalawang buwan mahigit na siyang buntis,” sagot nito. Hindi makapaniwala si Axel sa narinig. Bigla niyang naisip ang gabing pinagsaluhan nila. Nagbunga ang gabing iyon. Napansin ng doktor ang reaksyon niya kaya muling nagsalita. “Sa totoo lang, Mr. Strathmore, may isang bagay akong hindi sinabi kay Ms. Payne,” pag-amin ng doktor. Napatingin si Axel, bakas sa mukha ang kaba. “At ano naman ‘yon?” “Hindi ko pa masisiguro pero sa tingin ko, base sa resulta ng test niya, may posibilidad na kambal ang ipinagbubuntis niya,” sagot nito. Nanlaki ang mga mata ni Axel. Para siyang nablangko ng ilang segundo. Kambal? Kung totoo ang sinabi ng doktor, hindi na siya mag-aalala pa sa susunod na tagapagmana ng Strathmore family. Nagpasalamat siya kay Dr. Valeza at sinabing huwag ipaalam kay Selena ang kanilang pag-uusap o kahit na kanino. Samantala, kahit nanlulumo si Selena sa nalaman, pinilit niyang maging matatag. Kinuha niya si Silas sa bahay ni Aling Ferliza at umuwi silang magkasama. Masaya ang kapatid niyang si Silas dahil bihira lang siyang umuwi ng maaga. Pero hindi niya ipinaalam sa kapatid ang bigat na dinadala niya. Habang papalapit na sila sa kanilang apartment, napansin niyang may kumakalampag sa pintuan ng mismong apartment nila. Napatigil siya. Mabilis siyang kinabahan. Habang papalapit sila ay nakilala niya ang mga lalaking nanggugulo. “Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?” galit niyang tanong, humigpit ang hawak niya sa kanyang kapatid. Isa sa mga lalaki ang lumapit sa kanya. “Aba, Selena, buti naman nagpakita ka na. Kanina pa kami naghihintay sa’yo.” Nakasimangot siya. “Ano’ng kailangan niyo?” “Nandito kami para singilin ka sa inutang ng iyong ama,’’ nakangising sagot nito. Napakuyom siya ng kamao. “Binayaran ko na ang inutang niya. Tapos na ‘ko.” Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Mula sa mapanuksong ngiti, naging seryoso ang mukha nito. “Yung unang inutang niya, oo, pero umutang ulit siya. Kaya ka namin sinisingil.’’ Napatigil siya. Umutang ulit ang kanyang ama? Galit siyang sumagot. “Wala na akong pakialam kung umutang ulit ang taong ‘yon sa inyo! Basta ako, tapos na ako magbayad. Siya ang singilin niyo, hindi ako!’’ Hinatak niya si Silas papasok ng kanilang apartment. Pero bago pa siya makapasok, biglang may humablot sa kanyang buhok at tinulak siya pabagsak sa lupa. “Agh!” Nabigla siya sa nangyari, pero bago pa siya makagalaw, idinuldol ng lalaki ang kanyang mukha sa lupa. “Kung hindi mo babayaran ang utang ng iyong ama, mapipilitan kaming gumamit ng dahas,” malamig na sabi nito. “Hindi pa sapat kahit ibenta mo ang lamang-loob mo.” Napasinghap siya sa takot. Hinila nito ang kanyang buhok upang tingnan siya sa mata. “Puwede ka rin naming ibenta. Marami kaming kilalang may interes sa mga babaeng kagaya mong magaganda.” Kasabay nito ang mapanuksong humagikgik ng mga kasamahan ng lalaki. Nanlamig ang kanyang katawan.Sandali siyang napatingin sa loob ng silid bago muling nagsalita. “Kamusta naman kayo habang wala ako? Lalo na ‘yung kambal?”“Mabait sila,” tugon ni Neera na may ngiti. “Umiiyak lang kapag nagugutom.”Tumango-tango si Selena, gumaan ang loob sa narinig.“Oo, wala namang nangyaring kakaiba habang wala ka rito, Mrs. Strathmore,” dagdag pa ni Lucas na tila nag-uulat.Napanatag ang loob ni Selena, nagalak siyang malaman na walang sumunod na nangyaring masama sa mga anak niya habang wala siya.Bigla niyang naalala si Silas.“Ah, oo nga pala. Asan si Silas? Sabi ng kasambahay narito raw siya kasama ninyo magbantay sa kambal.”“Narito nga kanina ‘yong batang pasaway na ‘yon,” sagot ni Neera. “Pero bigla na lang tumakbo pabalik sa kwarto niya.”Nagtaas ng kilay si Selena. “Bakit naman?” puno ng pagtataka ang mukha.“Ang sabi ni Silas, tumawag daw si Mr. Strathmore sa kanya. Siguro natuwa ng husto kaya doon na sila nag-usap sa kwarto niya,” paliwanag ni Lucas.“Ano naman kaya ang pinag-usapan
Pero matigas ang puso ni Veronica. Mariin siyang umiling at nanatiling nakapulupot ang kamay kay Selena, halatang ayaw pang bumalik sa bahay.Tahimik lamang na nakaupo si Selena, pinagmamasdan ang palitan ng mag-lola. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon.Naawa siya kay Deric, na paulit-ulit nang sumusubok makiusap ngunit hindi pa rin natinag ang matanda.Halatang gusto lamang ni Veronica na makaramdam ng kalayaan, kahit pansamantala, mula sa pagkakakulong sa kanilang bahay at buryong.Nakisabat na si Selena sa usapan ng mag-lola nang makita niyang nauubusan na ng palusot si Deric para makumbinsi si Veronica na sumama na sa kaniya pauwi.“Uhm… mas mabuti siguro kung sumama ka na sa kaniya,” mahinahon niyang sabi habang nakatingin kay Veronica.Nawala ang simangot sa mukha ng matanda at napalitan ng tuwa nang lingunin siya nito. “Siguro nga. At isa pa, gutom at inaantok na rin ako. Kanina pa tayo daldal nang daldal,” sagot nito, tanda na sa wakas ay nakumbinsi na rin siya.Nakahinga nang
Mukhang may Alzheimer’s si Veronica.Naawa si Selena. Magulo at paiba-iba ang isip ng matanda. Nagkahalo-halo na sa kanya ang katotohanan at imahinasyon.“Nga pala, mom, may dala ka bang gamit bago ka lumabas papunta sa mall? Siguro naman mayroon,” bigla niyang tanong.“Ang galing mo talaga, anak! Pinaalala mo na naman sa akin ang isa pang importanteng bagay! Teka lang!” ani Veronica, sabay bukas ng dala niyang shoulder bag na halatang mamahalin at mukhang isang luxury brand pa.Tahimik na napailing si Selena, bahagyang natatawa sa inaasta ng matanda.Magulo ang laman ng bag kaya naghalughog muna si Veronica bago sa wakas ay may nailabas itong cellphone mula roon.“Ngayon ko lang naalala na may dala pala akong cellphone,” ani Veronica. Kinuha niya iyon mula sa bag at agad na nag-dial ng numerong naaalala niya.Maya-maya, sinagot na rin ang tawag. “Puwede ba? Matanda na ako. Kaya ko naman mag-isa, hindi ko na kailangan ng tulong n’yo sa tuwing lalabas ako. Maayos lang ako, wala namang
Umiling-iling ang matandang babae. “Wala! Wala akong kasama. Ako lang mag-isa ang pumunta rito.”“Ganoon ba… mabuti siguro ay umuwi ka na. Baka mapahamak ka pa sa daan,” aniya, may pag-aalala ang tono ng boses.Biglang ngumiti ng malapad ang matanda. “Ay! Oo! Uuwi na talaga ako kasi nahanap na kita, anak! Tara na, umuwi na tayo! Isasama na kita sa akin!” sabay hawak nito sa braso niya at hatak-hatak siya palayo.Sinubukan ni Selena na alisin ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ng matanda ngunit nag-alinlangan siyang gumamit ng puwersa dahil baka masaktan niya ito ng hindi sinasadya. Kaya naman tumayo lamang siya, nanatiling hindi gumagalaw.“Hindi ako puwedeng sumama sa ‘yo umuwi,” mahinahong sabi niya rito.Biglang nalungkot ang matanda sa kanyang sinabi. “Bakit naman hindi puwede? Anak kita! Kaya dapat lang na sumama ka sa akin pauwi!” pagpupumilit pa rin nito.“Mrs. Strathmore!” mabilis na lumapit si Barry at agad siyang hinawakan dahil nagwawala na ang matanda. Lumalakas ang pa
Ngunit mas lalo lamang humigpit ang kapit nito, waring ayaw siyang pakawalan.“Long time no see, Selena. Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?” anito na may mapang-asar at pakunwaring ngiti sa labi.Nabalot ng pandidiri si Selena sa presensiya ni Klyde, para bang bawat paghinga nito ay nakakasulasok sa kanya. “Hindi na kailangan. Mukha namang maayos ka kahit hindi na tanungin,” sarkastiko niyang tugon habang matalim ang tingin.Akala niya’y ma-o-offend si Klyde sa sinabi niya, pero halatang nagpanggap lang itong nasaktan. “Grabe ka naman, Selena. Ni hindi ka man lang nag-alala sa akin? Lalo na noong ipadala ako ni Axel sa malayong branch company ng Strathmore Group.”“Hindi,” mabilis at diretso ang naging sagot ni Selena saka niya pwersahang hinatak ang braso mula sa pagkakahawak ni Klyde.“Kung makapagsalita ka, para bang wala tayong pinagsamahan noon,” may bahid ng hinanakit na sambit ni Klyde.“Noon… oo. Pero wala na ngayon,” malamig at walang pag-aalinlangang tugon niya.Matapos
Sa loob, sinalubong siya ng isang marangyang chandelier at mga disenyong simple ngunit elegante, na pinaghalong light gray at gold.Mahaba ang hanay ng mga racks na puno ng iba’t ibang klase ng dresses at gowns, habang nakapwesto naman ang ilang standing displays sa harap ng salamin na nagtatampok ng mga kasuotang pawang haute couture, mula sa mga formal wear gaya ng business suits, hanggang sa mga ball gowns at evening dresses na tunay na kumakatawan sa karangyaan at gilas.Agad na lumapit ang mga saleslady sa kanya, bahagyang yumuko saka sinimulan siyang i-assist. Mabait ang mga ito sa kanya kaya naman naging komportable siya sa pamimili niya.Sa pag-iikot niya sa loob ng boutique ay nakapukaw ng atensyon niya ang isang simple pero eleganteng dress na naka-display sa loob ng isang glass display.Light pink ang strapless dress na ito, pinalamutian ng lace sa itaas na bahagi at napapalamutian ng mga piling rhinestones, hindi man sagana ngunit sapat upang makatawag-pansin.Ang disenyo