Hindi sinagot ni Axel si Heather. Sa halip, sumimangot siya at lumingon sa direksyon ni Selena.
Sa sandaling iyon, muling nakadama ng takot si Selena nang mapansing nakatitig sa kanya ang binata. Hindi niya kinayang salubungin ang titig nito, kaya agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang magpadala ng mensahe kay Abigail at humingi ng paliwanag. Habang abala si Selena sa kanyang cellphone, patuloy naman sa pangungulit si Heather kay Axel. Muling nagsalita ang dalaga. “Axel, hindi mo ba ‘ko na-miss? Dalawang taon din tayong hindi nagkita,” aniya, hindi nawawala ang ngiti sa labi. Tahimik lamang na nakatingin si Axel sa kanya, malamig at walang emosyon. Kahit nakakailang man, pinilit ni Heather na maging positibo. “Sabi sa ’kin ni Tita Abigail na sumali ka raw sa isang matchmaking agency. Hindi mo ba naisip na baka masaktan ako?” tanong niya sa malambing na tinig. Hindi pa rin sumagot si Axel sa kanya, ngunit habang tumatagal, lalong dumidilim ang ekspresyon ng mukha nito. Sa ilalim nang mesa, lihim na nakakuyom ang kamao ni Heather dahil sa malamig na trato ni Axel, malayong-malayo sa kung paano siya nito tinatrato noon. Samantala, marahang lumapit si Selena at nagpaalam na aalis sandali. Ngunit bago pa siya makalayo, hinawakan ni Axel ang kanyang kamay at mabilis siyang hinila pabalik. Saglit siyang tinitigan ng binata bago lumingon kay Heather. “Heather, noong magdesisyon kang umalis ng bansa, doon ko na rin tinapos ang anumang koneksyon o nararamdaman ko para sa ’yo,” diretsong sabi ni Axel, walang pag-aalinlangan sa kanyang tinig. Nang marinig ni Heather ang sinabi nito, nadurog ang kanyang puso. Hindi siya makapaniwala na dahil lamang sa nangyari noon ay magagawa na siya nitong hiwalayan. Pinilit niyang pigilan ang pagtulo ng kanyang luha. “Pero Axel… sinabi ko naman sa ’yo na dalawang taon lang ako sa abroad para—” hindi na niya naituloy ang paliwanag dahil agad siyang pinutol ni Axel. “Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Malinaw na pinili mo ang pangarap mong mag-aral sa ibang bansa kaysa tanggapin ang alok kong magpakasal noon. Pinili mo ang gusto mo, kaya panindigan mo,” mariing sabi ni Axel, bakas sa kanyang tinig ang galit at hinanakit. Natahimik si Heather. Sinubukan niyang magsalita ngunit hindi niya alam kung paano sasagot. Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha. “Mahal na mahal pa rin kita, Axel.” Naningkit ang mata ng binata bago marahang umiling. “Heather, wala na akong nararamdaman para sa ’yo. Lalo na nang matagpuan ko na ang babaeng gusto kong pakasalan.” Nadurog ang puso ni Heather sa narinig. Napakasakit. Hindi niya akalaing maririnig niya kay Axel ang mga salitang iyon. Nanginginig ang kanyang labi nang magtanong siya, pilit na inihahanda ang sarili sa sagot na maaaring lalong dumurog sa kanya. “Sino siya? Ano ang pangalan niya?” Walang sinabi si Axel. Sa halip, tahimik siyang lumingon kay Selena. Nanlaki ang mga mata ni Heather at agad ding napatingin kay Selena. Hindi makapaniwala si Selena. Palipat-palit ang kanyang tingin sa dalawa habang nakaturo ang daliri sa sarili niya. “A-ako?” Narinig nila ang malakas na sigaw ng isang may-edad na babae na papalapit sa kanila, walang iba kundi si Abigail, ang ina ni Axel. “Anong ibig sabihin nito, Axel?!” bulyaw niya sa anak. “Gaya ng narinig mo, Mom. Matagal nang nakaplano ang kasal namin ni Selena na mangyayari tatlong araw mula ngayon.” Nanlaki ang mata ni Selena sa narinig niya. “Teka, kailan—” sinubukan niyang magsalita, ngunit agad siyang pinutol ni Abigail. “Walang hiya ka! Ikaw ang matchmaker nila tapos nagawa mong akitin ang anak ko?!” sigaw ng ginang, dahilan upang pagtinginan sila ng iba pang mga taong kumakain sa rooftop ng restaurant. “Mom, gusto mo man o hindi, kahit tutulan mo pa, nagpasya na ako. Pakakasalan ko si Selena,” pagkatapos magsalita ay hinatak na siya ng binata palabas ng restaurant. Gulat pa rin siya sa nangyari. Paano siya napasok sa ganitong sitwasyon? Binitawan na lamang siya ni Axel nang pareho silang sumakay sa kotse nito. Pagkaupo pa lang, hindi na niya napigilan ang sarili at agad siyang nagsalita. “Nababaliw ka na ba?!” halos hysterical niyang tanong rito. Sa halip na sumagot kaagad, pinaandar muna ni Axel ang kotse at dahan-dahang umandar palayo ng restaurant. “Baka puwede mong ipaliwanag kung bakit si Heather ang date ko ngayong gabi?” tanong ng binata, mababa ang tono ngunit may bahid ng galit. Napatalon siya bigla nang maramdaman na lumamig ang loob ng kotse. Kanina lang, gusto niyang ibuhos lahat ng galit kay Axel dahil idinawit siya nito sa sariling problema. Pero ngayon, hindi na niya magawang titigan ito. May kung anong takot ang lumukob sa kanya. Kinuwento niya ang buong pag-uusap nila ni Abigail noong umaga. Tahimik lang na nagmamaneho si Axel habang nakikinig sa kanyang paliwanag. Pagkatapos niyang magpaliwanag, humigpit ang hawak ni Axel sa manibela. Bakas sa reaksyon nito ang pagkadismaya sa ginawa ng kanyang ina. “Pasensiya na, Mr. Strathmore. Hindi ko naman kasi alam na si Ms. Faulkner pala ang darating,” aniya, may halong lungkot at inis. Hindi man lang siya binigyan ni Abigail ng paliwanag o sinabihan ng totoo bago siya utusan. “Hayaan na. Nangyari na,” tanging tugon ni Axel. Nababalot sila ng katahimikan nang ilang minuto hanggang sa hindi niya na mapigilan magtanong. “Mr. Strathmore, bakit ka naman nagsinungaling kanina?” tanong niya, puno ng pagtataka. Sa halip na sagutin ang tanong, iba ang sinabi ni Axel. “Ms. Payne, dahil dinamay na kita sa sitwasyon ko. May iaalok akong isang kasunduan. Yun ay kung interesado ka,” aniya habang bahagyang tumingin sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. Naguguluhan ngunit naiintriga, tinanong niya. “Anong klaseng kontrata?” “Ang kasinungalingang sinabi ko, gagawin nating totoo. Sa loob ng isang taon, ikaw ay magiging “Mrs. Strathmore”. Pagkatapos n’on, maghihiwalay tayo nang maayos,” paliwanag nito.Sandali siyang napatingin sa loob ng silid bago muling nagsalita. “Kamusta naman kayo habang wala ako? Lalo na ‘yung kambal?”“Mabait sila,” tugon ni Neera na may ngiti. “Umiiyak lang kapag nagugutom.”Tumango-tango si Selena, gumaan ang loob sa narinig.“Oo, wala namang nangyaring kakaiba habang wala ka rito, Mrs. Strathmore,” dagdag pa ni Lucas na tila nag-uulat.Napanatag ang loob ni Selena, nagalak siyang malaman na walang sumunod na nangyaring masama sa mga anak niya habang wala siya.Bigla niyang naalala si Silas.“Ah, oo nga pala. Asan si Silas? Sabi ng kasambahay narito raw siya kasama ninyo magbantay sa kambal.”“Narito nga kanina ‘yong batang pasaway na ‘yon,” sagot ni Neera. “Pero bigla na lang tumakbo pabalik sa kwarto niya.”Nagtaas ng kilay si Selena. “Bakit naman?” puno ng pagtataka ang mukha.“Ang sabi ni Silas, tumawag daw si Mr. Strathmore sa kanya. Siguro natuwa ng husto kaya doon na sila nag-usap sa kwarto niya,” paliwanag ni Lucas.“Ano naman kaya ang pinag-usapan
Pero matigas ang puso ni Veronica. Mariin siyang umiling at nanatiling nakapulupot ang kamay kay Selena, halatang ayaw pang bumalik sa bahay.Tahimik lamang na nakaupo si Selena, pinagmamasdan ang palitan ng mag-lola. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon.Naawa siya kay Deric, na paulit-ulit nang sumusubok makiusap ngunit hindi pa rin natinag ang matanda.Halatang gusto lamang ni Veronica na makaramdam ng kalayaan, kahit pansamantala, mula sa pagkakakulong sa kanilang bahay at buryong.Nakisabat na si Selena sa usapan ng mag-lola nang makita niyang nauubusan na ng palusot si Deric para makumbinsi si Veronica na sumama na sa kaniya pauwi.“Uhm… mas mabuti siguro kung sumama ka na sa kaniya,” mahinahon niyang sabi habang nakatingin kay Veronica.Nawala ang simangot sa mukha ng matanda at napalitan ng tuwa nang lingunin siya nito. “Siguro nga. At isa pa, gutom at inaantok na rin ako. Kanina pa tayo daldal nang daldal,” sagot nito, tanda na sa wakas ay nakumbinsi na rin siya.Nakahinga nang
Mukhang may Alzheimer’s si Veronica.Naawa si Selena. Magulo at paiba-iba ang isip ng matanda. Nagkahalo-halo na sa kanya ang katotohanan at imahinasyon.“Nga pala, mom, may dala ka bang gamit bago ka lumabas papunta sa mall? Siguro naman mayroon,” bigla niyang tanong.“Ang galing mo talaga, anak! Pinaalala mo na naman sa akin ang isa pang importanteng bagay! Teka lang!” ani Veronica, sabay bukas ng dala niyang shoulder bag na halatang mamahalin at mukhang isang luxury brand pa.Tahimik na napailing si Selena, bahagyang natatawa sa inaasta ng matanda.Magulo ang laman ng bag kaya naghalughog muna si Veronica bago sa wakas ay may nailabas itong cellphone mula roon.“Ngayon ko lang naalala na may dala pala akong cellphone,” ani Veronica. Kinuha niya iyon mula sa bag at agad na nag-dial ng numerong naaalala niya.Maya-maya, sinagot na rin ang tawag. “Puwede ba? Matanda na ako. Kaya ko naman mag-isa, hindi ko na kailangan ng tulong n’yo sa tuwing lalabas ako. Maayos lang ako, wala namang
Umiling-iling ang matandang babae. “Wala! Wala akong kasama. Ako lang mag-isa ang pumunta rito.”“Ganoon ba… mabuti siguro ay umuwi ka na. Baka mapahamak ka pa sa daan,” aniya, may pag-aalala ang tono ng boses.Biglang ngumiti ng malapad ang matanda. “Ay! Oo! Uuwi na talaga ako kasi nahanap na kita, anak! Tara na, umuwi na tayo! Isasama na kita sa akin!” sabay hawak nito sa braso niya at hatak-hatak siya palayo.Sinubukan ni Selena na alisin ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ng matanda ngunit nag-alinlangan siyang gumamit ng puwersa dahil baka masaktan niya ito ng hindi sinasadya. Kaya naman tumayo lamang siya, nanatiling hindi gumagalaw.“Hindi ako puwedeng sumama sa ‘yo umuwi,” mahinahong sabi niya rito.Biglang nalungkot ang matanda sa kanyang sinabi. “Bakit naman hindi puwede? Anak kita! Kaya dapat lang na sumama ka sa akin pauwi!” pagpupumilit pa rin nito.“Mrs. Strathmore!” mabilis na lumapit si Barry at agad siyang hinawakan dahil nagwawala na ang matanda. Lumalakas ang pa
Ngunit mas lalo lamang humigpit ang kapit nito, waring ayaw siyang pakawalan.“Long time no see, Selena. Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?” anito na may mapang-asar at pakunwaring ngiti sa labi.Nabalot ng pandidiri si Selena sa presensiya ni Klyde, para bang bawat paghinga nito ay nakakasulasok sa kanya. “Hindi na kailangan. Mukha namang maayos ka kahit hindi na tanungin,” sarkastiko niyang tugon habang matalim ang tingin.Akala niya’y ma-o-offend si Klyde sa sinabi niya, pero halatang nagpanggap lang itong nasaktan. “Grabe ka naman, Selena. Ni hindi ka man lang nag-alala sa akin? Lalo na noong ipadala ako ni Axel sa malayong branch company ng Strathmore Group.”“Hindi,” mabilis at diretso ang naging sagot ni Selena saka niya pwersahang hinatak ang braso mula sa pagkakahawak ni Klyde.“Kung makapagsalita ka, para bang wala tayong pinagsamahan noon,” may bahid ng hinanakit na sambit ni Klyde.“Noon… oo. Pero wala na ngayon,” malamig at walang pag-aalinlangang tugon niya.Matapos
Sa loob, sinalubong siya ng isang marangyang chandelier at mga disenyong simple ngunit elegante, na pinaghalong light gray at gold.Mahaba ang hanay ng mga racks na puno ng iba’t ibang klase ng dresses at gowns, habang nakapwesto naman ang ilang standing displays sa harap ng salamin na nagtatampok ng mga kasuotang pawang haute couture, mula sa mga formal wear gaya ng business suits, hanggang sa mga ball gowns at evening dresses na tunay na kumakatawan sa karangyaan at gilas.Agad na lumapit ang mga saleslady sa kanya, bahagyang yumuko saka sinimulan siyang i-assist. Mabait ang mga ito sa kanya kaya naman naging komportable siya sa pamimili niya.Sa pag-iikot niya sa loob ng boutique ay nakapukaw ng atensyon niya ang isang simple pero eleganteng dress na naka-display sa loob ng isang glass display.Light pink ang strapless dress na ito, pinalamutian ng lace sa itaas na bahagi at napapalamutian ng mga piling rhinestones, hindi man sagana ngunit sapat upang makatawag-pansin.Ang disenyo