Pagkatapos siyang bantaan ay umalis na ang mga ito at sinabing babalik ulit para kolektahin ang bayad mula sa kanya.
Bumangon siya, nanginginig ang binti. Lumapit sa kanya si Silas at mahigpit siyang niyakap. “Ate, natatakot ako,” bulong ni Silas. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. Marahan niyang hinaplos ang ulo ng kanyang kapatid. “Huwag kang mag-alala, Silas,” mahinahon siyang sabi, pilit na pinatatag ang boses. “Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa atin.” Pero sa loob niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang tanging sigurado ay hindi siya papayag na may mangyari sa kanila, lalo pa at may dinadala siyang bata sa kanyang sinapupunan. “Tara, Silas. May pupuntahan tayo sandali,’ aniya, sabay buhat sa kanyang kapatid at tumawag ng taxi. Samantala, kasalukuyang nasa gitna ng isang meeting si Axel. Pagkaraan ng mahigit isang oras, tinapos niya ito at lumabas ng meeting room, saka bumalik sa kanyang opisina. Sa labas, naghihintay ang kanyang assistant na si Russell Vale. “Mr. Strathmore…” tawag nito. “Bakit?” tanong niya rito. “Nasa opisina mo ngayon si Ms. Payne. Gusto raw niyang makipag-usap sa’yo,” sagot ni Russel habang pinagbuksan siya ng pinto. Sa loob, nakaupo nang komportable si Selena sa malambot na sofa, habang masayang kumakain nang biskwit at donut si Silas. Hindi sila nainip sa paghihintay dahil naging magiliw sa kanila si Russell. Napalingon siya ng bumukas ang pintuan ng opisina. Pumasok si Axel, kasunod si Russell. Sinundan lamang niya ito ng tingin hanggang sa maupo ito sa kanyang harapan. Siya ang unang nagsalita. “Mr. Strathmore, tungkol doon sa inaalok mo…” aniya, tila nag-aalangan. Bago siya sagutin, inutusan ni Axel ang kanyang assistant na dalhin si Silas sa resting lounge. Nang silang dalawa na lamang ang naiwan, muling nagsalita si Axel. “Nakapagdesisyon ka na ba?” Tumango siya. “Payag na ako. Isa lang sana ang hihilingin ko.” “At ano naman ‘yon?” tanong nito. Sagot siyang natahimik bago magsalita. “Gusto kong bayaran mo ang utang ng ama ko sa isang loan shark. Huwag ka mag-alala, Mr. Strathmore. Paunti-unti, babayaran ko rin ‘yon sayo,” aniya habang iniiwasan ang tingin ng lalaki. Kinapalan na lang niya ang kanyang mukha kahit pa isipin na pera lang nito ang habol niya. Ang mahalaga ay ang kaligtasan ng kanyang kapatid at ng batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Napahawak siya sa kanyang tiyan, at hindi ito nakaligtas sa paningin ni Axel. Tahimik siyang tinitigan nito. Nagulat siya nang biglang tumayo ang lalaki. Sinundan niya ito ng tingin habang may kinuha ito sa drawer ng kanyang mesa, isang dokumento. Iniabot ito sa kanya. “Ako na bahala sa utang na pinoproblema mo. Basahin mo ang nilalaman, tapos pirmahan mo,” walang emosyon sa tinig nito. Umiling siya. “Hindi na kailangan, pipirmahan ko na agad,’’ sagot niya bago kinuha ang ballpen sa coffee table at mabilis na lumagda. Sa bawat guhit ng ballpen sa papel, pakiramdam niya ay unti-unting bumibigat ang kanyang dibdib. Ito na iyon. Wala nang atrasan. “Simula ngayon, sa mansyon ko na kayo titira ng kapatid mo. Ihahatid na kayo roon ni Russell,’ aniya. Tinawagan nito ang assistant upang ipaalam na tapos na ang kanilang pag-uusap. Maya-maya pa, lumabas sa resting lounge si Silas, kasama si Russell. Sa parking lot, sumakay sila sa isa sa mga sasakyan ni Axel at dinala sa engrandeng mansyon nito. Pagdating nila, pumasok sila sa loob. Sumalubong sa kanila ang butler at iba pang mga kasambahay. Binati sila ng mga ito. Habang naglalakad papasok, hindi maiwasan ni Selena ang mamangha. Malalaki ang kristal na chandelier sa kisame, at ang marmol na sahig ay napakakinis na tila sumasalamin sa kanilang imahe. Ang bawat sulok ng mansyon ay sumisigaw ng kayamanan, malayo sa buhay na nakasanayan niya. Lumapit sa kanila ang butler. “Mr. Vale, sino sila?” tanong ni Lucas, ang may edad ngunit matikas na butler. “Mr. Gardner, sila si Selena at Silas. Simula ngayon, dito na sila titira,” tugon ni Russell bago lumingon sa mga kasambahay. “Bukas ang kasal ni Ms. Payne at Mr. Strathmore. Pagkatapos n’on, opisyal na siyang magiging si Mrs. Strathmore. Maliwanag ba?” Ang boses nito ay naging matigas at awtoritatibo. Natahimik ang lahat. Isang maliit na boses ang pumukaw sa katahimikan. “Talaga? Dito na kami titira?” Tanong ni Silas habang yakap ang binti ni Russell. Lumambot ang ekspresyon ng lalaki, bahagyang ngumiti. “Oo. Simula ngayon, dito na kayo maninirahan sa Crystal Lake Mansion.” Natuwa ito. Nagpaalam na si Russell upang bumalik sa opisina, iniwan sila kay Lucas. “Ms. Payne, ako si Lucas Gardner ang butler dito. Sumunod kayo sa ‘kin, ihahatid ko kayo sa inyong mga silid,” aniya habang inaakay sila sa ikalawang palapag. Binuksan ni Lucas ang pinto sa kanang bahagi ng mansyon. “Dito ang silid ng iyong kapatid. Sa ngayon, hindi pa naaayos ayon sa disenyong angkop sa edad niya pero sisimulan din ang pag-aayos bukas,” paliwanag nito. Pumasok si Silas at namangha sa maluwag at maaliwalas na silid. May malaking kama, sariling balkonahe, at malalaking bintana. “Talaga? Kwarto ko ‘to?” tanong nito kay Lucas. Tumango ang matanda bago sila dinala sa kabilang silid, ang silid ni Axel. Pagbukas ng pinto, bumungad ang isang mas malawak at eleganteng silid. Kaunti lamang ang kasangkapan, ngunit bawat piraso ay may kalidad. Napansin niyang amoy sa buong silid ang pabango ni Axel. May halong woody scent, citrus at earthy notes. Presko at ang gaan sa ilong. Nagbalik siya sa katinuan nang marinig ang boses ni Lucas. “Malapit ng magtakip-silim,” tumingin ito sa relo. “Ipapahanda ko na sa kusinero ang hapunan ninyo. May gusto ba kayong ipaluto? May allergy ba kayo o pagkain na ayaw ninyo?” Umiling si Selena. “Wala naman. Kahit ano ay ayos na sa ’min, Mr. Gardner.” “Kung ga’non, tatawagin ko na lamang kayo kapag handa na ang pagkain,” aniya bago umalis, iniwan silang dalawa sa loob ng silid.Mag-isa niyang ikinuwento ang mga nangyari, kung paanong nagsimula sila sa hirap, kung paano nila kinaya ang lahat pagkatapos mawala si Sofia, at kung paano nagbago ang takbo ng kanilang buhay nang dumating si Axel.“Alam mo, mom, kahit walang feelings sa pagitan namin… napakabuti pa rin niya sa ’kin. Pati kay Silas. Sa tuwing uuwi siya, hindi niya nakakalimutang uwian si Silas ng laruan. Hinahayaan lang niya ang pasaway na ’yon na magtatakbo sa loob ng mansyon. At pagdating sa pag-aaral ni Silas, hindi ko na kailangang mag-alala.”Ikinuwento rin niya kung paanong simula nang tumuntong ng tatlong taong gulang si Silas ay napansin niyang iba ito sa ibang bata. Madaling matuto, masunurin, at higit sa lahat, may puso para sa kapwa.“May mga panahon, mom, na sobrang down na down ako. Iyakin ako noon kasi ang hirap ng buhay. Pero laging may eksenang lalapit si Silas, yayakapin ako ng mahigpit at sasabihang, ‘Tahan na, ate. Magtatrabaho agad ako kapag lumaki ako. Tutulungan kita. Kahit ako
“Hindi kami naglalandian. Pinalayas ko siya sa kwarto namin ng ate mo at pinalayas ng tuluyan sa pamamahay natin,” malamig at diretsong tugon ni Axel. “Bukas, sumama ka sa ‘kin sa opisina ko. Tutal wala ka namang pasok sa eskwelahan.”Walang dagdag o bawas. Ayon lamang at umalis siya, bitbit ang laptop ni Silas, at lumabas ng kwarto.Biglang nataranta si Silas.“Yung laptop ko! Kuya Axel, akin na ‘yan!”Bago pa niya maabot ang laptop ay mabilis na iniangat ni Axel ang kamay, lampas sa abot ni Silas.“Bukas mo na ito makukuha. Matulog ka na. Maaga tayong aalis papunta sa opisina ko,” aniya, saka tuloy-tuloy na lumakad palayo at bumalik sa kanyang silid.Naiwang nagtataka si Lucas. Tiningnan ang pintong isinara ni Axel at saka muling tinapik ang likod ni Silas.Hindi niya inasahan ang naging reaksyon ni Axel. Noong una niyang makita ang ekspresyon nito, matigas, matalim ang mga mata, parang papasabog, akala niya talagang sasabog ito sa galit. Pero nang magsalita si Silas at inilabas ang
Ikinuwento ni Selena ang bawat salitang narinig niya mula kay Klyde habang ito’y nakikipag-usap, ang pagbabanta, ang hacker, ang planong pag-atake sa Strathmore Group.Naging seryoso ang ekspresyon ni Neera. “Ipaalam agad natin ‘yan sa asawa mo bukas,” aniya habang nakatutok sa kalsada, mahigpit ang hawak sa manibela.“Ikaw na lang magpunta sa opisina niya para mag-report. May pupuntahan lang ako bukas,” sagot ni Selena.“Saan ka naman pupunta?” saglit na napalingon si Neera sa kanya.“Sa sementeryo,” sagot niya ng diretso. “Dadalawin ko lang ang puntod ng mom ko.”Ilang buwan na rin siyang hindi nakakadalaw simula nang maikasal sila ni Axel. Hinahanap-hanap na rin niya ang tahimik na sandali kasama ang kanyang ina.“O sige,” tanging sagot ni Neera at naging tahimik muli ang biyahe nila pauwi.Samantala, sa Crystal Lake Mansion…Biglang naalimpungatan si Axel.Basa ng pawis ang kanyang noo, at parang pagod ang kanyang katawan sa kabila ng pagkakatulog. Umupo siya sa kama at napahawak
Naramdaman ni Selena ang pagkabog ng dibdib niya, pero hindi siya nagpahalata. Bahagyang ngumiti. “Sige, walang problema.”Tumigil siya at pinanatili ang natural na kilos habang binubuksan ng lalaki ang unang timba kung saan naroon ang mga gamit panglinis, floor mop, dustpan, basahan, at iba pa. Saglit lang itong sinilip ng lalaki.Sumunod ay binuksan nito ang isa pang timba. Lihim na kinabahan si Selena. Nanlamig ang kanyang batok habang tinititigan ang bawat galaw ng kamay ng lalaki.Nang maangat ang takip, bigla itong napaatras.“Put—ang baho!” halos masuka ito habang kasunod ang ilang lalaking lumapit na rin, na agad din umatras sa amoy.Tumambad ang isang mabahong halo ng basang basahan, pinaghalong bleach, sabong panlaba, at sirang pagkain na sinadyang ilagay ni Selena bilang panangga.Napangiwi ang lalaki at agad sinara ang takip.“Sige, okay na. Dumaan ka na,” wika nito habang pinapahid ang ilong at lumalayo.“Pasensiya na, Sir. Kailangan kasi linisin yung comfort room sa 3rd
“Kailangan niyong makumbinsi ang hacker na ‘yon para maisakatuparan na natin ang mga plano natin. Bilis-bilisan niyo! Alam niyo naman kung ano ang mangyayari kapag pumalpak pa rin kayo,” matigas na utos ni Klyde bago niya ibinaba ang tawag.Matapos ang tawag, lumingon si Klyde at nagsimulang maglakad. Nakita ito ni Selena kaya minabuti na niuang umalis ngunit kakahakbang pa lamang niya nang makasalubong niya ang ilang matatangkad at maskuladong lalaki.Hindi sinasadya ni Selena na mabitawan ang hawak niyang timba. Tumama ito sa sahig at lumikha ng malakas na tunog. Dahil doon, napalingon sa kanya si Klyde, nagulat sa biglaang ingay.Lumapit si Klyde at nakita ang isang babaeng cleaning lady na nakayuko’t may hawak na mop. Hindi niya alam kung ano ang narinig nito, pero nakaramdam siya ng pangamba. Baka narinig siya sa buong pakikipag-usap niya kanina.Hinila niya ito sa kwelyo ng uniporme. “Kanina ka pa ba nandiyan?” matalim ang kanyang tanong.“H-hindi. G-galing ako s-sa s-silid na
Pinalo-palo niya ang dibdib nito pero sa laki at tigas ng katawan ni Knox ay parang wala na lang sa lalaki ang mga hampas niya.“S-sir! A-ano ba! Ugh! Uhm! B-bitawan mo a-ako!” sigaw niya habang pilit itinutulak si Knox.Nang maghiwalay ang kanilang labi ay halos habulin niya ang kanyang hininga.Tinitigan niya ito ng matalim habang hingal na hingal. “B-bakit m-mo ginawa ‘y-yon?” Sinubukan niyang makawala sa pagkakayakap nito, ngunit parang bakal ang braso ni Knox.Hindi agad nagsalita si Knox. Hinawakan niya ang pisngi ni Neera at unti-unting inilapit ang kanyang mukha sa babae. Nang magkalapit na sila, marahang bumulong sa tainga niya.“Natagpuan na rin kita sa wakas, Wisteria.”Nanigas ang buong katawan ni Neera. Parang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya akalaing makikilala siya ni Knox. Bigla siyang nanlata.Itinulak niya ito ng malakas at umatras sa takot.Ngumiti si Knox, mapanlinlang. “So, tama ako?” dahan-dahang lumalapit sa kanya.“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” sagot