Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Fifty Five

Share

Chapter One Hundred Fifty Five

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-08-08 21:45:20

Napalingon silang lahat.

Isa…

Dalawa…

Dalawang magkasunod na iyak ng mga bagong silang na sanggol ang umalingawngaw.

Napatayo si Axel, nanlaki ang mata habang nanginginig ang katawan.

Makalipas ang isa’t kalahating oras, sa wakas ay namatay ang pulang ilaw sa itaas ng pinto. Bumukas ito, at lumabas ang dalawang nurse na tulak-tulak ang tig-isang bassinet.

Napatigil ang lahat, napatingin sa dalawang munting nilalang na may kasamang musika ng iyak.

Lumabas ang isang doktor, lumapit kay Axel na agad din naming sinalubong ng lalaki.

“Congratulations, Mr. Strathmore,” nakangiting bati ng doktor. “Parehong lalaki ang kambal mo!”

Nabigla si Axel, hindi alam kung ano ang unang dapat sabihin. Sa halip na sumagot sa doktor, dahan-dahan siyang naglakad palapit sa dalawang bassinet kung saan mahimbing na natutulog ang kambal.

Ilang segundong kumunot ang noo ni Axel bago tuluyang nagbago ang ekspresyon nito, mula sa seryosong titig ay naging kalmado at tila relax.

Nakita iyon ng lahat. Marami ang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
update po ulit
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Sixty Two

    Simula nang dalhin sa lugar na ito ang tatlong lalaki, walang araw na hindi sila dumanas ng pahirap at paulit-ulit na pagtatangka para sila’y paaminin at magsalita.Ngunit sa kabila ng lahat, wala pa ring kahit anong impormasyon ang kanilang nakukuha.“Ibig sabihin lang niyan, kulang pa ang pagpapahirap niyo sa kanila,” malamig na saad ni Axel habang nakatitig sa tatlong lalaking nakatali at nakaupo sa sahig.Tumalim ang titig niya, tila ba kayang butasin ang balat ng mga ito sa tindi ng kanyang tingin.“Russell. Neera. Barry.”Agad lumapit ang tatlo, handa sa anumang ipag-uutos niya.Bago pa makapagsalita si Axel, humakbang na si Neera palapit sa mga lalaking nakagapos. Naningkit ang kanyang mga mata, matalim at mabigat ang bawat hakbang. Tila binabasa niya ang kaluluwa ng bawat isa habang mariing nakatitig sa kanilang mukha.“Pahngi ako ng tubig at tela,” malamig na utos niya. Kaagad siyang inabutan ng isa sa mga tauhan ni Axel.Walang alinlangan, ibinuhos ni Neera ang tubig sa ulo

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Sixty One

    Alam nilang hindi na sila sinusundan, ngunit nanatiling mabigat ang pakiramdam.Maya-maya, narating na nila ang private ward ni Selena. Maingat na kumatok si Russell, at pagkarinig ng mahinang “pasok,” ay binuksan niya ang pinto at naunang pumasok, kasunod si Neera.Nag-angat ng tingin si Axel mula sa kinauupuan, at agad napansin ang presensya ng dalawa.Kumunot ang kanyang noo, halatang hindi kuntento. “Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mo,” malamig na sambit nito, mababa ang tono pero mabigat ang dating.Bahagyang kinabahan si Russell, ramdam ang pagtusok ng tingin ni Axel. “Pasensiya na, Mr. Strathmore,” mabilis niyang tugon. “Kailangan ko pa kasing siguraduhing hindi na nakasunod sa ‘kin si Ms. Faulkner,” paliwanag niya, sinusubukang gawing kalmado ang boses.Tumaas ang kilay ni Axel, bakas ang pag-aalinlangan. “Anong ginagawa ni Heather dito sa ospital?” tanong niya, puno ng kutob.“Ayon kay Ms. Faulkner,” sagot agad ni Russell, “isinugod si Mr. Faulkner matapos atakihin sa puso da

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Sixty

    Habang papalapit si Russell sa private ward ni Selena, abala siya sa pag-iisip ng tamang paraan para ilabas ang mga dala nang hindi nakakagulo. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit, isang biglaang paghila sa kanyang braso ang nagpahinto at nagpagulat sa kanya.“Neera?!” halos pasigaw na reaksyon niya, bahagyang nanlaki ang mga mata.Makahulugang tinitigan ni Neera si Russell, ang mga mata’y matalim at may kahulugan. “Ang tagal mo,” sabi nito na may halong pag-aaktong inis. “Kanina pa kita tinatawagan, ngayon ka lang dumating.”Kasabay nito, nagkunwari pa siyang hirap maglakad at kumapit nang mahigpit sa braso ni Russell, na para bang kailangan niya ng suporta.“Ano’ng pinagsasasabi mo—” naguguluhan pang tanong ni Russell.“Ikaw naman!” putol ni Neera, patuloy ang kanyang pag-arte habang mahigpit pa rin ang kapit. “Kanina pa nga kita pinapapunta rito!”Habang nagsasalita, bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya, mula sa kunwaring inis, ay naging seryoso at matalim.Tumango siya nan

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fifty Nine

    Bago pa man siya umakyat patungo sa private ward ni Selena, naisipan na rin niyang bumili ng makakain para kina Selena, Axel, River, at pati na rin kay Neera.Pagkalabas niya ng elevator, maingat siyang naglakad papunta sa ward. Ngunit sa gitna ng kanyang paglalakad, natanaw niya sa dulo ang isang babae na tila kilala niya sa itsura, ang pamilyar na mukha ni Heather.Si Heather, sa kabilang banda, ay abala sa pag-iikot sa pasilyo. Iniisa-isa nitong silipin ang bawat kwarto na nadaraanan, at mabusisi rin sa pagtitig sa mga taong nakakasalubong, wari’y may hinahanap.Biglang kumirot ang kutob ni Russell.Ayaw niyang magpahalata, kaya nanatili lamang siyang kalmado at naglakad na parang walang napapansin.Ngunit gaya ng inaasahan niya, hindi siya nakaligtas sa matalim na paningin ng babae. Agad siyang hinarang ni Heather at walang pasubaling tiningnan mula ulo hanggang paa, pati na rin ang mga dala-dala niyang supot.“Russell?” tawag ni Heather, sabay lapit. “Anong ginagawa mo rito?” usi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fifty Eight

    Hindi pa rin gumalaw si Klyde sa kinauupuan. “May balita ka ba kung ano ang nangyari kina Vincent?” malamig pa rin ang tinig niya.“Sinubukan kong tingnan ang mga hidden cam sa buong hideout nila, pero wala akong na-recover. Mukhang binura nila ang lahat ng record at sinira ang mga camera sa loob ng apartment. Kahit ang mga files sa loob ng mga computer nila ay nabura at walang bakas ng kahit anong history ng pag-transfer, pag-copypaste, o kahit log in,” paliwanag ni Lyka, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses kahit ramdam niyang nanlalamig ang kanyang mga palad.“Hanapin mo sila, at kapag nahanap mo na kung nasaan sila… alam mo na ang dapat mong gawin,” mariing wika ni Klyde, mabigat ang tono at malamig ang titig.Walang alinlangan, agad na naunawaan ni Lyka ang nais ipagawa sa kanya. Walang tanong, walang pagdadalawang-isip. Bahagya siyang yumuko bilang paggalang at agad na nagpaalam na aalis na.Alam niyang mahalaga na mahanap kaagad si Vincent at ang mga kasama nito. Kila

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fifty Seven

    Lumapad ang ngiti sa labi ni Selena. “Oo naman,” masayang tugon niya, malinaw na nagustuhan ang napiling pangalan.Hindi na siya makapaghintay na mahawakan at mahagkan ang kambal. Ramdam niya ang pananabik sa bawat tibok ng puso. Maging si Axel ay hindi rin makapaghintay na makarga ang kanilang mga anak sa unang pagkakataon.Pinanood pa nila nang ilang minuto ang kambal sa loob ng NICU, tahimik na nakamasid sa maliliit na katawan na unti-unting nadadala ng antok.Nang sa wakas ay makita nilang mahimbing at malalim na ang tulog ng mga sanggol, nagpasya silang bumalik na sa private ward ni Selena.Habang naglalakad pabalik ang dalawa, hindi nila namalayan na may ibang pares ng mata na nakasunod sa kanila.Sa parehong hapon, naroon din sa ospital si Heather. Inatake sa puso ang kanyang ama, si Harold, kaya agad itong isinugod sa ER. Sa likod ng biglaang pangyayaring iyon ay nakasalalay pa ang mabibigat na problemang kinahaharap ng kumpanya ng kanilang pamilya.Ngunit lahat ng iyon ay til

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status