/ Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Forty Eight

공유

Chapter One Hundred Forty Eight

작가: FourStars
last update 최신 업데이트: 2025-08-03 23:20:16

Namumulaklak lamang ito tuwing hatinggabi, sa eksaktong kabilugan ng buwan. Ngunit sa oras na masyadong masinagan ng araw, nalalanta ito agad na kasingbilis ng oras na lumilipas.

Ang bulaklak nito ay maaaring gawing tsaa, isang uri ng herbal infusion na kilalang may healing properties. Nakapagpapakalma ng isip, nakapagpapaginhawa ng pakiramdam, at higit sa lahat, napapabagal nito ang pagkalat ng anumang uri ng lason sa katawan.

Ngunit may kabayaran.

Kapag nasobrahan sa pag-inom ng tsaa ng bulaklak ng Moonshadow Bloom, maaaring magsimulang makaranas ang tao ng unti-unting pagkalito, pagkalimot sa mga mahahalagang bagay at kalaunan, tuluyang pagkawala ng alaala.

Nagmadaling lumuhod si Gian upang kunin ang halaman. Maingat niyang sinuksok ang bawat bahagi nito, pati ang natapong lupa, sa isang itim na plastic bag.

Pagkatapos ay mabilis niya itong diniligan ng kaunti gamit ang nakaabang na dropper bottle, bago maingat na inilapag sa isang mesa sa sulok.

Pagkatapos ay iniangat niya ang pan
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
update po ulit maganda story
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Nine

    Ngayong nalaman ni Selena ang plano ni Klyde, alam niyang kailangan na niyang kumilos. Ang una niyang gagawin ay balikan si Axel sa Grand Event Hall—umaasa siyang naroon pa rin ang kanyang asawa.Mabilis ang kanyang kilos habang hinahanap ang daan pababa patungo sa hall. Bumaba siya sa hagdanan at bago pa tuluyang makarating sa ibaba, bumungad sa kanya ang pamilyar na pigura ng waitress na aksidente niyang nabunggo kanina sa Grand Event Hall. Labis ang kanyang pagtataka kung bakit naroon pa ito sa ganoong oras.Nang tuluyan siyang makababa, masinsinan niyang inobserbahan ang babae. Napansin niyang may dala itong basket na natatakpan ng tela. Biglang may kumabog sa dibdib ni Selena, kaya nagpasya siyang magtanong.“Ano’ng ginagawa mo rito? Tapos na ba ang party sa hall?” tanong niya, hindi agad dinidirekta ang hinala.Hindi kaagad sumagot ang babae. Sa halip, ngumisi ito ng nakakakilabot at hinawakan ang sariling mukha. Sa isang iglap, nalaglag ang suot nitong silicone mask at wig.Nap

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Eight

    Nagsalitan ng putok ang magkapatid na Russell at River sa kampo ni Klyde. Dalawa lamang sila, ngunit nagawa nilang mapaatras ang mga tauhan nito. Ilan sa mga ito ang napatay kaya naman, wala nang pagpipilian si Klyde kundi ang umurong. Lumabas na sila mula sa ship’s bridge—nakuha na rin naman nila ang kanilang pakay kay Axel.Ngayon, si Selena naman ang balak nitong hanapin upang makuha ang pirma o fingerprint niya, sakaling pumalag o manlaban ito.Mabilis na lumabas si Klyde, mahigpit ang hawak sa papel ng transfer agreement habang papatakas. Sinubukan siyang tamaan ng bala ng magkapatid, ngunit mahigpit ang depensa ng mga tauhan nito na nagsilbing panangga, kaya tuluyan siyang nakatakas.Huminto sa pagpapaputok ang dalawa at agad na lumingon pabalik kay Axel upang tulungan itong makatayo.Nang makabangon si Axel, sabay-sabay na silang lumabas ng ship’s bridge. Habang tumatakbo at sinusundan si Klyde at ang mga tauhan nito, binuksan niya ang kanyang walkie-talkie upang tawagan si Tyl

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Seven

    Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Lyka. Saglit siyang nawalan ng boses.“H-hawak namin ang buhay ng mag-iina mo kaya—”“Sa tingin mo ba,” putol ni Axel, “matatakot mo ako ng gano’n lang?” Bahagya siyang ngumisi. “Paano kung ayaw kong pumirma?”Napanganga si Lyka, halatang hindi inaasahan ang sagot.Napangisi siya sandali bago tumalim ang tingin. “Wala kaming pakialam. Pipirmahan mo ’yan ngayon din—sa ayaw at sa gusto mo!” sigaw niya. “Hawakan niyo siya!”Agad kumilos ang mga tauhan ni Klyde. Mahigpit nilang hinawakan ang magkabilang braso at paa ni Axel, walang puwang para makawala. Sapilitan siyang pinaluhod, pilit pinipigilan sa bawat pagpupumiglas niya.Dahan-dahang lumapit si Klyde, hawak ang walkie-talkie, nakangisi na parang nagwagi na siya.“Axel,” sambit niya, pinindot ang aparato. “Nasa kabilang linya ang mag-iina mo. Kasama nila ang mga tauhan ko.” Bahagyang yumuko siya para magpantay ang mga mata nila.“Kung hindi ka pa rin pipirma at magmamatigas ka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Six

    “Mr. Strathmore, pupunta muna ako sa security room at titingnan ang mga live footage. Baka sakaling may nahagip ang camera—kung sino ang kumuha sa kambal pati na rin kay Mrs. Strathmore,” sabi ni Tyler.“Sige. Tawagan mo agad kami kapag may nakita ka,” tugon ni Axel.Matapos iyon, mabilis na tumakbo si Tyler palabas at nagtungo sa security room upang mag-imbestiga.“Kayo dalawa, tulungan ninyo ang mga caretaker at ilagay sila sa higaan, tapos maghanap kayo ng—”Hindi pa man natatapos ni Axel ang kanyang sasabihin ay may narinig silang boses.Sabay-sabay silang napalingon at hinanap ang pinanggagalingan ng ingay, hanggang sa mapansin nila ang isang walkie-talkie na nasa ilalim ng higaan.Kinuha iyon ni Russell at agad na iniabot kay Axel. Nabalot ng matinding kuryosidad si Axel—wala namang iniwang walkie-talkie ang alinman sa kanila—kaya lalo siyang nagtaka. Dahan-dahan niya itong binuksan at nagsalita.“Hello?”Pagkasabi niya n’yon ay may agad na sumagot sa kabilang linya.“Oh, mabuti

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Five

    Si Lyka, na nasa kabilang linya, ay bahagyang nakakunot ang noo matapos patayan siya ni Nessa nang hindi man lamang hinihintay ang sasabihin niya. Hindi niya napigilang mainis nang maalala ang huling sinabi nito.“Sa tingin niya ba, matatakot kami sa pagbabanta niyang iyon?” bulong niya.Agad niyang kinuha ang walkie-talkie at tinawagan si Klyde.“Mr. Strathmore,” tawag niya. “Dadalhin na ni Nessa si Selena sa tuktok ng barko.”Sa kabilang linya, relax na nakaupo si Klyde sa malambot na sofa habang marahang umiinom ng champagne. “At ang mga anak nila?” malamig nitong tanong.Napatingin si Lyka sa dalawang sanggol na mahimbing na natutulog sa loob ng crib. “Kasama ko,” sagot niya.Katatapos lamang niyang looban ang private suite nina Axel at Selena. Ang target niya—ang kambal na anak ng mag-asawa—at matagumpay niyang naisagawa ang utos na ibinigay sa kanya ni Klyde.“Dalhin mo rin ang mga bata sa helipad,” mariing utos ni Klyde.“Masusunod, Mr. Strathmore,” tugon ni Lyka bago patayi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Four

    Isang patalim ang dahan-dahang idinikit ni Nessa sa kanyang leeg.“Subukan mo lang sumigaw,” bulong ni Nessa, halos didikit ang labi sa tainga ni Selena, “at babaon ang kutsilyong ito sa lalamunan mo.”Bahagyang idiniin niya ang talim, sapat para maramdaman ni Selena ang lamig nito sa balat.“At huwag kang mag-alala,” dagdag niya habang nakangising tumatawa, “hindi ka mag-iisa sa kabilang buhay. Isasama ko pa ang mga anak mo.”Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Selena. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Kumirot ang dibdib niya sa takot—hindi para sa sarili niya, kundi para sa kanyang mga anak.“Huwag… huwag ang mga anak ko,” umiiyak niyang pagsusumamo. “Nessa, maawa ka. Mga pamangkin mo pa rin sila…”Ngunit sa mga mata ni Nessa, wala nang bakas ng kahit anong awa—tanging isang babaeng handang wasakin ang lahat para sa sarili niyang paghihiganti.“Aba, at bakit naman ako maaawa sa’yo at sa mga anak mo?” tumaas ang kilay ni Nessa. “Ikaw ang dahilan ng lahat ng paghi

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status