LOGINSa isang iglap, may nabuo agad na desisyon si Selena sa kanyang isip.Si Heather, na nakatayo sa di-kalayuan, ay tahimik lamang na pinanood ang paglapit ni Selena sa bakal na railings. Ilang sandali pa, bumitaw si Selena sa railings at tumalon. Lumapad ang ngisi sa labi ni Heather.Hindi napigilan ni Heather ang mapangiti sa galak kaya naglakad siya palapit sa bahaging kinaroroonan ni Selena upang tiyaking tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin. Bago pa man siya tuluyang makalapit, narinig niya ang malakas na tunog ng tila may bumagsak sa tubig. Sumilip siya pababa, ngunit dahil sa dilim ng gabi, wala siyang malinaw na makita.Mula sa iba’t ibang direksiyon ay sinubukan niyang hanapin si Selena, subalit walang anumang senyales na may umaahon mula sa dagat. Dahil dito, inakala ni Heather na tuluyan na itong nalunod at nilamon na ng karagatan.Napangisi siya sa isiping iyon at marahang sinabi, “sa wakas, wala ka na sa landas ko, Selena. At tungkol sa mga anak ninyo ni Axel—huwag ka
“Gagawin mo ang lahat?” ulit ni Heather. “Sigurado ka ba sa binibitawan mong mga salita, Selena?”Napakagat ng labi si Selena. Alam niyang parang hindi niya pinag-iisipan ang kanyang sinasabi, ngunit desidido siyang gawin ang lahat para sa mga anak niya. Bakit niya hahayaang may masamang mangyari kina Asher at Samuel? Hindi niya kakayaning mawala sa kanya ang kambal. Habambuhay niya iyong pagsisisihan.“Oo,” tumango siya. “Sigurado ako. Kahit ano pa ang ipagawa mo, gagawin ko. Sabihin mo lang.”Buong paninindigan niyang binitiwan ang mga salitang iyon. Wala naman siyang pagpipilian. Mas mabuting sundin niya ang gusto ni Heather, lalo na’t malinaw na nakuha na nito ang interes niya.Dahan-dahang ibinaba ni Heather ang baril at inilayo ito sa ulo ng mga paslit.“Sige, kung gano’n,” sabi niya habang umiinog ang paningin, wari’y nag-iisip ng ipapagawa. Hindi iyon magiging madali—siguradong may kapalit ang bawat pangako.Sumilay ang isang malamig at nakakatakot na ngisi sa labi ni Heather
Nagtama ang kanilang balikat dahilan para mapangiwi sa sakit si Heather pero bago pa siya magsalita para pagsabihan ang nakasagi sa kanya, naunahan siya nito.‘’Ano ba?! Hindi ka man lang tumitingin sa dinadaanan mo! Tabi!’’ sigaw ng babae.May karga itong isang tao na walang malay. Hula niya ay babae ang karga nito na halos kala-kaladkad na nito.Mula sa kinatatayuan niya sa likod ng isang makapal na haligi, mahigpit na kinuyom ni Heather ang kanyang mga kamao. Kitang-kita niya si Nessa na padabog na binuhat muli si Selena at nagmamadaling lumapit sa gitna ng helipad.Ilang saglit pa’y nakita niya ang mga tauhan na lumapit din sa kanya kanina na lumapit din sa babaeng may dala kay Selena. Napasinghap si Heather at bahagyang sumilip.Tatlong lalaki ang lumapit sa babae—lahat naka-itim, may seryosong mga mukha. Isa sa kanila ang lumapit kay Nessa.“Iyan na ba ‘yong babae?” malamig na tanong ng lalaki.Tumango si Nessa. “Oo. Wala pa ring malay. Katulad ng bilin ni Lyka.”Ipinatong ng la
Ngumisi muli si Lyka bago inilapit ang mukha kay Heather at may ibinulong dito.Matapos iyon, hindi na nagsalita si Heather. Kinuha niya ang tulak-tulak na pushcart, itinabi sa isang gilid, at tumayo sa harap ng pinto ng isang private suite.Kumatok siya sa pinto.“Sir? Ma’am? May tao ba riyan sa loob?”Nang walang sumagot, mas nilakasan niya ang pagkatok hanggang sa tuluyang bumukas ang pinto. Si Barry ang humarap.“Sino ka?” tanong nito.Sinuri ni Barry ang itsura ng babaeng walang tigil sa pagkatok. Sa unang tingin, mukha itong isa sa mga crew ng barko, pero may kung anong kakaiba sa kilos nito.“Mabuti naman at may iba pang kasama sa suite sina Mr. at Mrs. Strathmore,” sabi ng babae. “Pasensya na sa abala.”Kumunot ang noo ni Barry. Ramdam niyang may dahilan ang biglaang pagsulpot ng babae.“May problema ba?” tanong niya. “Kung mayroon, sabihin mo na agad.”Tumango ang babae, halatang nagmamadali. “May nangyari sa mag-asawa. Pinapunta nila ako rito para tawagin kayo. Sabi ni Mr. S
Pakiramdam ni Harold ay wala na siyang pag-asang ibangon pa ang sarili, lalo na’t nakikita niyang mabagal at halos walang pag-unlad ang negosyong itinayo niya. Ramdam niyang papalpak na naman siya.Napasinghal siya nang malakas habang hawak ang kanyang ulo.“Nagsimula ang lahat ng kamalasan natin dahil sa anak mo!” galit niyang sabi kay Jasmine, saka tumingin kay Heather. “Kung hindi lang pinutol ni Axel ang business partnership, hindi sana unti-unting nalugi ang kumpanya ko!”Si Heather, na kanina’y tila nawalan ng ulirat matapos ang sampal ng kanyang ama, ay tuluyan nang nahimasmasan matapos magpahinga sa bisig ng kanyang ina. Tahimik lang siya kanina, pinakikinggan ang pagtatalo ng kanyang mga magulang. Ngunit nang marinig niya ang pasaring ng kanyang ama, napahawak siya sa dibdib.Biglang namuo ang galit sa kanyang puso.Isang pangalan ang sumagi sa kanyang isipan—Selena.Kung hindi dahil sa babaeng iyon, ako na sana ang misis ng pinakamayamang pamilya sa Regenshire, bulong niya s
“Alam ko… alam kong may mga pagkukulang ako,” nanginginig niyang sabi. “Pero huli na ’to, Klyde. Pagbigyan mo na ako kahit sa huling pagkakataon. Nakikiusap ako! Talagang kailangan na kailangan ng dad ko ang tulong mo. Wala na akong ibang malalapitan kundi ikaw.”Narinig niyang suminghal si Klyde bago ito muling nagsalita.“Heather, wala nang dahilan para tulungan ko kayo. Hindi mo tinupad ang napagkasunduan natin. Ibig sabihin noon, wala na rin akong obligasyong tulungan kayo. Hindi ako charity foundation,” malamig nitong wika.Matapos sabihin iyon, agad na ibinaba ni Klyde ang tawag—hindi na hinintay pa ang anumang sasabihin ni Heather.“Klyde? Hello?! Klyde!” desperado niyang tawag. Ngunit ang tanging sagot lamang ay ang tuluyang pagputol ng linya.Dahil d’on, tuluyan ng sumabog sa galit si Heather. Sa tindi ng kanyang galit, nabalibag ni Heather ang kanyang cellphone sa sahig. Sa lakas ng pagkakatapon, hindi lamang nabasag ang screen—nagkahiwa-hiwalay pa ang casing nito.“Hayop ka







