Share

Chapter Thirty Two

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-04-12 23:53:48

Napatingin ang lahat. Nagkagulo ang paligid, at ang mga taong malapit sa kanila ay lumingon sa pinagmulan ng sigawan.

“Baka nahulog lang,” mahinahong sabi ni Selena, bagamat ramdam niya na may mas masamang balak ang mga ito.

“Hindi!” singit ni Chloe. “Siguradong nasa bag ko ‘yon bago ako mabangga. Baka… baka may kumuha!”

Napakunot ang noo ni Ophelia. “Ano na naman ‘to, Chloe? Huwag mong sabihing—”

“Baka kinuha ni Selena!” sabat ni Yve, mariing tinuro si Selena. “Bago kayo dumating, nakita kong sinulyapan niya ang bag ni Chloe!”

Umingay lalo ang paligid. May mga pabulong na tawanan, may mga pakunwaring inosenteng nakikinig pero halatang sabik sa eskandalo. Ang ilan, tahimik na kinukunan ng video ang tensyon.

Naningkit ang mata ni Selena, tinapunan ng tingin ang tatlo. “Bilib din naman ako sa inyo, pati petty theft ginagamit niyo para siraan ako?”

Lumapit si Nessa, kunwari mahinahon, pero halatang may laman ang bawat salita. “Selena,” aniya, may pilit na ngiti sa labi, “Kung talagang gi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Thirty Three

    “Selena, hindi mo ba—”Hindi na natapos ni Ophelia ang sasabihin nang itaas ni Selena ang hintuturo at itinapat sa labi nito.“Shh,” mahinang sabi niya, pero may diin.Hindi na nagsalita si Ophelia, pero halata ang kaba sa mukha niya habang nakatingin sa kaibigan.Bumaba ang tingin ni Selena sa itim na pouch na nahulog mula sa kanyang bag. Nanlalamig ang palad niya habang pinagmamasdan ito. Malakas ang kutob niyang alam na niya kung ano ang laman niyon.“Ano ‘yang itim na pouch na ‘yan na nahulog mula sa bag mo, Selena?” tanong ni Yve, punong-puno ng hinala sa boses.“Hindi ko alam,” sagot niya, diretso pero mariin.“Hindi mo alam? Eh nakita naming lahat, galing mismo sa bag mo! Akala mo ba bulag kami?!” singhal ni Yve, galit na galit.Hindi na sumagot si Selena. Tahimik lang siyang nakatayo, pinapanatili ang composure kahit pa binubulungan na siya ng inis at tensyon.Lihim na napangisi si Nessa. Sa wakas, gumagana na ang plano.Nagkunwaring nag-aalala, bahagyang namumugto ang mata at

    Last Updated : 2025-04-13
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Thirty Four

    Agad na nilapitan ni Chloe ang general manager at halos isumbong si Selena na parang batang nahuling nagsisinungaling.“Sir, nakuha mula sa bag ng babaeng ‘yan ang kwintas ko!” dinuru-duro pa siya nito na parang kriminal. “At kasabwat niya ‘yang kasama niya!” sabay turo kay Ophelia.Sabay na nanlumo sina Selena at Ophelia. Hindi nila inakalang aabot sa ganitong punto ang isang simpleng gabi na dapat sana’y tahimik lang. Ang mga mata sa paligid ay tila mga kutsilyong nakabaon sa kanilang balat.Sinubukan ni Selena na makipag-usap ng mahinahon, kahit pa nanginginig na sa kaba ang kanyang dibdib.“Sir, kung puwede sana, pakinggan niyo muna ang panig namin. Hindi ko talaga alam kung paano napunta sa bag ko ang kwintas niya.”“Oo nga, Sir,” sabat ni Ophelia. “Isa sa mga sikat na 4-star hotel itong hotel n’yo. Siguro naman, may CCTV kayo. Mapapatunayang inosente ang kaibigan ko kung titignan natin ang footage ng aktwal na nangyari.”Habang nagsasalita si Ophelia, lihim na napangisi si Nessa

    Last Updated : 2025-04-14
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Thirty Five

    “Na sa akin,” mabilis na sagot ni Chloe.Inabot niya ang kwintas kay Justine. Maingat siyang inalalayan ni Justine, sabay abot ng isang sterile evidence tray.“Pakilagay rito,” pormal ngunit magalang ang tono nito.Marahang ibinaba ni Chloe ang kwintas, saka bahagyang umatras. Agad nagsuot si Justine ng latex gloves at binuksan ang fingerprint kit mula sa kanyang maleta.“Gagamit tayo ng cyanoacrylate fuming para lumabas ang latent prints,” aniya habang nilalagay ang kwintas sa isang maliit na portable chamber. “Mas madali itong mag-develop sa metallic surfaces tulad nito.”Tahimik ang paligid habang unti-unting lumilitaw ang mapuputlang bakas ng mga daliri sa ilalim ng controlled fumes. Pagkatapos ng ilang minuto, tinanggal ni Justine ang kwintas at nilipat ito sa ilalim ng fingerprint scanner.“Tingnan natin kung ilan ang prints,” bulong niya, nagta-type sa maliit na laptop na konektado sa scanner. Ilang saglit pa, lumabas ang resulta sa screen.“Dalawang distinct fingerprints ang n

    Last Updated : 2025-04-16
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Thirty Six

    Umiling si Ophelia. “Salamat, pero paparating na si Felix. Nag-text ako sa kanya habang nasa elevator tayo kanina.”“O sige. Magkita na lang tayo ulit kapag may oras ka,” sagot ni Selena bago nagpaalam.Nagyakap silang muli nang mahigpit bago siya naglakad palayo, kasunod si Barry. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Umandar na ang sasakyan, palabas ng underground parking lot ng hotel.Habang nakamasid sa bintana, bigla siyang may naisip.“Barry, ikaw ba ang tumawag ng forensic expert kanina?”Tiningnan siya ng lalaki sa rearview mirror. “Oo, Mrs. Strathmore. Mukhang hindi titigil ang kabilang panig hangga’t hindi nareresolba ang gulo, kaya tinawag ko si Mr. Clementine,” paliwanag nito.Bahagyang ngumiti si Selena at tumango. “Salamat, Barry.”Pagkatapos magsalita, bigla siyang humikab. Nakaramdam siya ng antok, kaya sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata.Nang mapansin ni Barry na nakatulog na si Selena, mas naging maingat siya sa pagmamaneho. Tahimik ang buong biyahe hanggang sa mak

    Last Updated : 2025-04-16
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Thirty Seven

    “T-Tutal natanong mo na rin naman…” mahinang bungad ni Heather, pilit kinokontrol ang emosyon. “Galit na galit si Dad. Tinawagan mo raw siya. Pinutol mo hindi lang ang procurement contract ng Faulkner Metalworks at Strathmore Group, pati ang ugnayan ng dalawang pamilya. Axel, bakit mo ginawa ’yon?”Huminga siya nang malalim. “Wala na ba talaga ang pinagsamahan natin noon? Lahat ba ’yon, wala na lang halaga?”Binitawan ni Axel ang hawak na folder at tiningnan siya. “Alam kong alam mo ang dahilan.”Sa ilalim ng matalim na tingin ni Axel, nakaramdam ng matinding takot ang buong pagkatao niya.Mukhang nabisto na siya ni Axel. Alam na nito na siya ang may pakana ng tangkang panghahalay kay Selena sa banyo, sa mismong araw ng kasal ng dalawa. Ginawa niya ang lahat para itago ang kanyang pagkakasangkot, pero mukhang hindi pa rin siya nakaligtas sa pagsisiyasat ni Axel.Lihim siyang napakuyom, bumabaon ang mga kuko sa kanyang palad. Pilit pa rin niyang isinusuot ang maskara ng kawalan ng muwa

    Last Updated : 2025-04-17
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Thirty Eight

    Nang makitang umalis na si Harold sakay ng kotse, agad lumingon si Julie kay Heather. Awang-awa siya sa anak, halata sa mata nito ang sakit at pagkapahiya.“Huwag ka mag-alala,” malumanay niyang wika, “hindi ko hahayaan na saktan ka ulit ng Dad mo. At sana… sana, huwag kang magtanim ng galit sa kanya. Oo, nasaktan ka niya, pero nadalamunaupona lang siya ng stress. Okay?”Hindi sumagot si Heather. Ramdam ni Julie ang bigat sa dibdib ng anak, pero wala na rin siyang ibang masabi pa para pagaanin iyon.“Mom, aakyat na ako sa kwarto,” malamig at walang emosyon ang tinig ni Heather.“Okay,” mahina ang sagot ni Julie habang pinagmamasdan ang pag-akyat ng anak.Pagpasok sa silid, doon na bumigay si Heather. Isa-isang pinagbabato ang mga gamit. Ang lampshade, mga libro, perfume, picture frame. Winasak niya ang lahat sa paligid para ibuhos ang galit at sakit na matagal na niyang kinikimkim. Galit sa ama at sakit mula kay Axel.Pagkapagod, siya sa gilid ng kama, pilit pinapakalma ang sarili.

    Last Updated : 2025-04-19
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Thirty Nine

    Pagkababa ni Selena mula sa kotse, agad siyang sinalubong ng sunod-sunod na flash ng camera mula sa mga reporter sa labas ng venue. Hindi alintana ng mga ito ang nakakasilaw na liwanag na halos dumiretso sa kanyang mga mata. Mabilis niyang tinakpan ang mukha gamit ang hawak na handkerchief.Lumapit siya kay Axel, at bago pa man siya makapagsalita, marahan siyang niyakap nito. Maingat na inilapit siya sa dibdib nito, habang ang isang kamay ni Axel ay itinakip sa bahagi ng kanyang mukhapara protektahan siya sa mga kumukutitap na camera flashes.Hindi alam ng publiko ang tunay na itsura ni Axel Strathmore.Maliban sa mga kilalang negosyante at ilang piling business partners, bihira siyang makita sa publiko. Hindi rin ito tumatanggap ng kahit anong media interview, at wala ring halos larawan niya na kumakalat sa internet.Gayunman, kahit walang pormal na pagkakakilanlan, hindi maikakaila ang presensya ng dalawa. Kapwa may taglay na karismang hindi basta-basta. May isang bagay sa kanilang

    Last Updated : 2025-04-19
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Forty

    “Sa tono ng pananalita mo parang hindi lang simpleng tanong ang pakay mo, Nessa,” aniya, halata niyang may pakay ito.“Sobra ka naman magsalita, Selena,” umarte na parang nasaktan sa sinabi niya.Ilan sa mga pumasok sa banyo ay pinagtinginan sila at mahinang nagbulungan sa drama na nangyayari.“Ano ba naman ang mga ‘to…”“Oo nga, hanggang dito ba naman sa banyo may nag-aaway.”“Sinabi mo pa, kaawa tuloy yung isang babae…”Napangsinghal na lamang si Selena. Tila ayaw na makisali sa drama na gustong likhain ni Nessa. Nais na sanang lumabas ni Selena ng banyo ng tahimik pero natigilan siya sa sinabi ni Nessa.“Wala ka man lang bang awa kila Mom at Dad, Selena? Hirap na hirap na sila bayaran ang mga utang natin. Hindi na rin nila alam saan pa kukunin ang pera para masigurong hindi tayo saktan ng mga tauhan ng loanshark. Talaga bang wala kang puso pa sa amin, Selena?” may luhang pumapatak mula sa mga mata nito, akala mo’y pang-oscar ang acting.Sumimangot si Selena. “Nessa, ano naman ang k

    Last Updated : 2025-04-20

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty One

    Nang lingunin ni Selena ang bagong dating, natigilan siya at hindi makapaniwala. Ganoon din ang reaksyon ng lalaki.“Selena?” mahinang usal ni Klyde, halatang hindi pa rin makapaniwala sa pagkakatagpo nila.Napalingon si Eve sa dalawa. “Magkakilala kayo?”Sumimangot si Selena at inalis ang tingin kay Klyde. Pinili niyang huwag magsalita, ayaw niyang makita o kausapin ang isang manloloko.Napansin iyon ni Klyde, dahilan upang kumunot ang noo nito. Si Eve naman, bagama’t gustong magsalita, ay nagdesisyong manahimik muna at mag-obserba.Napansin din ni Eliza ang tensyon. Gusto sana niyang mag-usisa, pero iba na lang ang sinabi. “Narito na si Klyde, pero wala pa rin si Axel. Siya ang nagpatawag sa atin dito pero siya ang wala,” halatang may bahid ng inis ang tono niya.Kalmado namang sumagot si Atticus, “Sigurado akong papunta na siya. Maghintay lang tayo.”Nagulat si Selena sa narinig. Hindi niya alam na pinapunta rin ni Axel ang buong pamilya ni Eve. Si Axel pala ang may pakana ng pagti

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty

    Agad siyang umakyat sa kwarto para magbihis, isang simpleng blouse at jeans ang pinili niya. Kaunting make-up lang ang inilagay sa mukha, sapat para hindi magmukhang pagod.Isinama niya si Silas na agad namang pumayag. Pagkatapos magpaalam kay Lucas, mabilis na pinaandar ni Eve ang sasakyan at sinimulan ang biyahe papunta sa Strathmore Manor.Mahigit isang oras din ang naging biyahe nila. Matatagpuan ang engrandeng mansyon sa labas ng siyudad, sa tabing-dagat at napapalibutan ng luntiang gubat at matatangkad na puno. Mula sa daan pa lang ay tanaw na ang mapayapang tanawin ng dagat at mga punong nagsisilbing harang mula sa ingay ng siyudad. Ito rin ang dahilan kung bakit dito napiling manirahan ng mag-asawang Atticus at Galatea.Huminto ang sasakyan sa harapan ng mataas na bakal na bakod. Sa di-kalayuan, tanaw na ang malaking mansyon at ang malawak na hardin na puno ng iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak. Nang pindutin ni Eve ang doorbell, kusa itong bumukas. Automated ang sistema n

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Forty Nine

    Sa main headquarters ng Strathmore Group.Mabilis na lumakad si Russell papunta sa opisina ni Axel matapos mapanood ang isang viral video sa social media kung saan sangkot si Selena.Binuksan niya ang pinto ng opisina at tuluyang pumasok. Tumayo siya sa harap ni Axel na abalang nakaupo sa kanyang mesa.Napansin agad siya ni Axel at itinaas ang tingin. Kita sa mga mata nitong naramdaman ang tensyon sa kilos ng kanyang assistant. “Bakit?”Huminga nang malalim si Russell bago nagsimulang magsalita. “Mr. Strathmore, may kumakalat na viral video sa social media.”Tumaas ang kilay ni Axel. “At ano naman ang pakialam ko diyan?”“Sir… nandoon din si Mrs. Strathmore sa video. Kinompronta siya ng mga magulang niya, pati na rin ang stepsister niya, at…” huminto siya saglit, nag-alinlangang ituloy.“At ano?” malamig ang tono ni Axel, ngunit halatang gusto niyang marinig ang kabuuan.Napalunok si Russell bago nagpatuloy. “Sir, sinabi ng stepsister niya na aksidente lang daw ang pagkakabuntis kay M

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Forty Eight

    “Selena, wala ka na bang natitirang delikadesa? Lalayasan mo si Dad kahit kinakausap ka pa niya?” bwelta ni Nessa, punong-puno ng panunumbat ang boses.“Kinakausap ka pa ni Tito Ricardo, matuto kang rumespeto. At isa pa, kailangan mong magpaliwanag sa kanila dahil sa mga naging maling desisyon mo,” dagdag pa ni Klyde na tila ba pinapangaralan siya.“Kinakausap ko ba kayo? Manahimik ang mga walang kinalaman,” mariing patutsada niya sa dalawa, may kasamang pag-irap.Halos sabay na kumunot ang noo nina Nessa at Klyde, halatang hindi natuwa sa tinanggap na sagot.“Bakit ganyan ka magsalita?!” sigaw ni Ricardo sabay turo sa kanya, halos nanginginig na sa galit. Hindi na nito kayang itago ang pagkainis sa ugali ni Selena. Ang anak na minsang masunurin sa kanya at tahimik, ngayo’y tila ibang tao na sa kanyang harapan.“Totoo naman ang sinabi ko,” sagot niya, malamig at walang bahid ng paggalang kahit pa halos pumutok ang ugat sa noo ng ama.Mabilis namang sumingit si Nessa. “Kaya ba ganyan k

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Forty Seven

    "Mahirap lang ang pinakasalan ko," diretsong sagot ni Selena. Pinutol niya agad ang anumang imahinasyong nabubuo sa utak ng kanyang ama.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ricardo. Nanggalaiti siya sa narinig. Sa kabila ng galit, hindi mapigilang magtaka si Nadine."Selena, mahirap paniwalaan na isang mahirap na lalaki lang ang pinakasalan mo. Paano ka niya susuportahan kung wala siyang pera? At isa pa, ang ganda ng singsing mo. Napakakinang, talagang kakaiba ang disenyo," wika ni Nadine, hindi direkta pero pinahihiwatig na nagsisinungaling siya.Napansin din iyon ni Ricardo. Inobserbahan niya ang singsing ni Selena at nag-isip. "May punto ka. Ang ganda ng disenyo. At sa kulay pa lang ng singsing, hindi maikakailang mahalaga ito."Mabilis na hinila ni Selena ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Ricardo."Ano bang pinagsasasabi niyo?" tanong ni Selena. "Peke ang singsing na 'to! Binili lang ng asawa ko 'to sa halagang $10. Kahit ang gemstone na nakadikit, peke!" patuloy niyang pagsis

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Forty Six

    Nanatiling nakatitig lamang si Selena, pilit itinatago ang panginginig ng kanyang kamay. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa matinding pagpipigil ng galit na patuloy na bumubulwak sa kanyang dibdib.Pilit niyang pinanatiling kalmado ang sarili. Bahagya siyang ngumiti, ngunit hindi naitago ang matalim na sarkasmo sa kanyang tinig."Kasama ba sa pag-aaruga niya ang pagmamaltrato niya kay Silas?"Hindi agad nakasagot ang dalawa. Ramdam niya ang bahagyang pagkailang nila kaya hindi siya nag-atubiling ipagpatuloy."At higit sa lahat," malamig niyang sambit, "akala mo ba, Tita Nadine, nakakalimutan ko ang nangyari noong ikatlong birthday ni Silas?"Natigilan si Nadine sa narinig. Kita sa mga mata nito ang takot at pagkabigla. Hindi niya inasahan na babanggitin ni Selena ang insidenteng iyon. Ang araw na sinadya niyang iwan si Silas sa gitna ng kalsada, nagbabakasakaling masagasaan ito ng dumaraang sasakyan.Hindi niya sukat akalain na masasaksihan mismo ni Selena ang ginawa niya sa hindi i

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Forty Five

    Unti-unti, isang malisyosong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. At habang dahan-dahang bumabalik ang sigla ng kanyang mga mata, nabuo sa isip niya ang isang plano. Isa na namang paraan upang kalikutin ang katahimikan ni Selena lalo na kung totoo ang iniisip niya.“Kung totoo ‘to… mas lalong kawawa ka, Selena,” bulong niya muli, halos hindi marinig sa hina ng tinig.Sa loob naman ng opisina ni Dr. Valeza, bumungad sa kanya ang maaliwalas na mukha ng doktor, agad siyang binati sa pagpasok.“Magandang araw, Mrs. Strathmore,” nakangiting bati ng doktor. “Maupo ka. Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?”Ngumiti si Selena at sumagot, "Maayos naman, Dr. Valeza."Nagkwentuhan muna sila bago sinimulan ang kanyang monthly prenatal check-up at ultrasound. Matapos ang halos isang oras, natapos din ang konsultasyon. Bago siya tuluyang pinaalis, pinaalalahanan pa siya ng doktor tungkol sa mga dapat iwasan at pag-ingatan habang nagdadalang-tao.Paglabas ni Selena sa ospital, dalawang pamilyar na tao aga

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Forty Four

    May kumatok sa pinto. Pumasok ang isa sa mga hotel staff dala ang dalawang set ng damit,visa para sa kanya at isa kay Axel. Pagkaabot ng mga ito, agad ding umalis ang staff.Dahil sinira ni Axel ang suot niyang dress kagabi, wala na siyang ibang opsyon kundi kunin ang damit at pumasok ng banyo para magbihis. Samantala, sa gilid ng kama na lamang nagbihis si Axel.Matapos magbihis, sabay silang lumabas ng hotel. Sa parking lot, naghihintay na si Russell. Sumakay sila ng kotse at agad itong umandar palayo.“Mr. Vale, puwede mo ba akong ibaba sa ospital?” tanong niya.Bahagyang ngumiti si Russell at sumulyap sa rearview mirror. “Oo naman, Mrs. Strathmore.”Nagpasalamat siya. Kinuha niya ang cellphone para mag-scroll sa Twitter, pero napatigil siya nang marinig ang boses ni Axel.“Nagpunta ka na sa ospital kamakailan lang, hindi ba?” tanong nito.Tiningnan niya ito. “Mag-aapat na buwan na rin ako. Kailangan ko nang magpa-check up ulit. At saka, naubos na rin ang pre-natal vitamins ko.”Tu

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Forty Three

    Sa tindi ng tensyon at init sa pagitan nila, hindi na si Axel ang muling gumawa ng unang galaw, kundi si Selena.Tahimik silang nagkatitigan sa loob ng suite. Ang katahimikan ay tila musika sa pagitan ng matitinding tibok ng kanilang mga dibdib. At sa gitna ng damdaming ayaw nang ikubli, si Selena ang lumapit.Walang babala, marahan niyang inilapat ang kanyang mga labi sa mga labi ni Axel.Nagulat man si Axel, agad din siyang tumugon. At ang pagsabog ng kanilang halik ay parang pagsiklab ng apoy sa tuyong kagubatan, walang makakapigil.Mabilis na naging mapusok ang kanilang palitan ng halik. Nagsimulang gumapang ang mga kamay ni Axel sa beywang ni Selena, habang ang sa babae ay napakapit sa batok nito, hinihila siya palapit, pilit inaangkin ang bawat pulgada ng kanyang init.Ang kanilang pag-uungol, mabibilis na hingal, at mga mahihinang bulong ay pumuno sa buong suite, parang musika ng dalawang pusong matagal nang itinatanggi ang paghahangad sa isa’t isa. Muling nagalaw ang mga kalat

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status