Natigilan si Nessa sa mga salitang binitawan ni Selena. Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod niya, at sa isang iglap, nanlamig ang buo niyang katawan. Kita sa kanyang mga mata ang takot at pagkabigla.Agad pumasok sa isip niya ang posibleng kahihinatnan kung sakaling kumalat ang larawan nila ni Klyde. Isang larawan lang ang kailangan para mabura ang pinapangarap niyang reputasyon sa mundo ng mayayaman at sikat.Paano pa siya makakapasok sa mundo ng mga milyonaryo kung may bahid na siya ng eskandalo? Ang mga taong socialites na gusto niyang makasama sa mga high-end events ay baka pagtawanan lang siya at ituring na desperada.Hindi siya makakapayag kung may kahit katiting na bahid ng iskandalo tungkol sa kanya. Kaya kahit nanginginig sa inis, pinili niyang manahimik. Alam niyang hindi ngayon ang tamang oras para bumawi. Pero darating din ang araw, sigurado siya na mas daig pa niya si Selena sa lahat ng aspeto.Sa ‘di kalayuan, tumayo si Ophelia mula sa kinauupuan, tumaas ang
Napatingin ang lahat. Nagkagulo ang paligid, at ang mga taong malapit sa kanila ay lumingon sa pinagmulan ng sigawan.“Baka nahulog lang,” mahinahong sabi ni Selena, bagamat ramdam niya na may mas masamang balak ang mga ito.“Hindi!” singit ni Chloe. “Siguradong nasa bag ko ‘yon bago ako mabangga. Baka… baka may kumuha!”Napakunot ang noo ni Ophelia. “Ano na naman ‘to, Chloe? Huwag mong sabihing—”“Baka kinuha ni Selena!” sabat ni Yve, mariing tinuro si Selena. “Bago kayo dumating, nakita kong sinulyapan niya ang bag ni Chloe!”Umingay lalo ang paligid. May mga pabulong na tawanan, may mga pakunwaring inosenteng nakikinig pero halatang sabik sa eskandalo. Ang ilan, tahimik na kinukunan ng video ang tensyon.Naningkit ang mata ni Selena, tinapunan ng tingin ang tatlo. “Bilib din naman ako sa inyo, pati petty theft ginagamit niyo para siraan ako?”Lumapit si Nessa, kunwari mahinahon, pero halatang may laman ang bawat salita. “Selena,” aniya, may pilit na ngiti sa labi, “Kung talagang gi
“Selena, hindi mo ba—”Hindi na natapos ni Ophelia ang sasabihin nang itaas ni Selena ang hintuturo at itinapat sa labi nito.“Shh,” mahinang sabi niya, pero may diin.Hindi na nagsalita si Ophelia, pero halata ang kaba sa mukha niya habang nakatingin sa kaibigan.Bumaba ang tingin ni Selena sa itim na pouch na nahulog mula sa kanyang bag. Nanlalamig ang palad niya habang pinagmamasdan ito. Malakas ang kutob niyang alam na niya kung ano ang laman niyon.“Ano ‘yang itim na pouch na ‘yan na nahulog mula sa bag mo, Selena?” tanong ni Yve, punong-puno ng hinala sa boses.“Hindi ko alam,” sagot niya, diretso pero mariin.“Hindi mo alam? Eh nakita naming lahat, galing mismo sa bag mo! Akala mo ba bulag kami?!” singhal ni Yve, galit na galit.Hindi na sumagot si Selena. Tahimik lang siyang nakatayo, pinapanatili ang composure kahit pa binubulungan na siya ng inis at tensyon.Lihim na napangisi si Nessa. Sa wakas, gumagana na ang plano.Nagkunwaring nag-aalala, bahagyang namumugto ang mata at
Agad na nilapitan ni Chloe ang general manager at halos isumbong si Selena na parang batang nahuling nagsisinungaling.“Sir, nakuha mula sa bag ng babaeng ‘yan ang kwintas ko!” dinuru-duro pa siya nito na parang kriminal. “At kasabwat niya ‘yang kasama niya!” sabay turo kay Ophelia.Sabay na nanlumo sina Selena at Ophelia. Hindi nila inakalang aabot sa ganitong punto ang isang simpleng gabi na dapat sana’y tahimik lang. Ang mga mata sa paligid ay tila mga kutsilyong nakabaon sa kanilang balat.Sinubukan ni Selena na makipag-usap ng mahinahon, kahit pa nanginginig na sa kaba ang kanyang dibdib.“Sir, kung puwede sana, pakinggan niyo muna ang panig namin. Hindi ko talaga alam kung paano napunta sa bag ko ang kwintas niya.”“Oo nga, Sir,” sabat ni Ophelia. “Isa sa mga sikat na 4-star hotel itong hotel n’yo. Siguro naman, may CCTV kayo. Mapapatunayang inosente ang kaibigan ko kung titignan natin ang footage ng aktwal na nangyari.”Habang nagsasalita si Ophelia, lihim na napangisi si Nessa
“Na sa akin,” mabilis na sagot ni Chloe.Inabot niya ang kwintas kay Justine. Maingat siyang inalalayan ni Justine, sabay abot ng isang sterile evidence tray.“Pakilagay rito,” pormal ngunit magalang ang tono nito.Marahang ibinaba ni Chloe ang kwintas, saka bahagyang umatras. Agad nagsuot si Justine ng latex gloves at binuksan ang fingerprint kit mula sa kanyang maleta.“Gagamit tayo ng cyanoacrylate fuming para lumabas ang latent prints,” aniya habang nilalagay ang kwintas sa isang maliit na portable chamber. “Mas madali itong mag-develop sa metallic surfaces tulad nito.”Tahimik ang paligid habang unti-unting lumilitaw ang mapuputlang bakas ng mga daliri sa ilalim ng controlled fumes. Pagkatapos ng ilang minuto, tinanggal ni Justine ang kwintas at nilipat ito sa ilalim ng fingerprint scanner.“Tingnan natin kung ilan ang prints,” bulong niya, nagta-type sa maliit na laptop na konektado sa scanner. Ilang saglit pa, lumabas ang resulta sa screen.“Dalawang distinct fingerprints ang n
Umiling si Ophelia. “Salamat, pero paparating na si Felix. Nag-text ako sa kanya habang nasa elevator tayo kanina.”“O sige. Magkita na lang tayo ulit kapag may oras ka,” sagot ni Selena bago nagpaalam.Nagyakap silang muli nang mahigpit bago siya naglakad palayo, kasunod si Barry. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Umandar na ang sasakyan, palabas ng underground parking lot ng hotel.Habang nakamasid sa bintana, bigla siyang may naisip.“Barry, ikaw ba ang tumawag ng forensic expert kanina?”Tiningnan siya ng lalaki sa rearview mirror. “Oo, Mrs. Strathmore. Mukhang hindi titigil ang kabilang panig hangga’t hindi nareresolba ang gulo, kaya tinawag ko si Mr. Clementine,” paliwanag nito.Bahagyang ngumiti si Selena at tumango. “Salamat, Barry.”Pagkatapos magsalita, bigla siyang humikab. Nakaramdam siya ng antok, kaya sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata.Nang mapansin ni Barry na nakatulog na si Selena, mas naging maingat siya sa pagmamaneho. Tahimik ang buong biyahe hanggang sa mak
“T-Tutal natanong mo na rin naman…” mahinang bungad ni Heather, pilit kinokontrol ang emosyon. “Galit na galit si Dad. Tinawagan mo raw siya. Pinutol mo hindi lang ang procurement contract ng Faulkner Metalworks at Strathmore Group, pati ang ugnayan ng dalawang pamilya. Axel, bakit mo ginawa ’yon?”Huminga siya nang malalim. “Wala na ba talaga ang pinagsamahan natin noon? Lahat ba ’yon, wala na lang halaga?”Binitawan ni Axel ang hawak na folder at tiningnan siya. “Alam kong alam mo ang dahilan.”Sa ilalim ng matalim na tingin ni Axel, nakaramdam ng matinding takot ang buong pagkatao niya.Mukhang nabisto na siya ni Axel. Alam na nito na siya ang may pakana ng tangkang panghahalay kay Selena sa banyo, sa mismong araw ng kasal ng dalawa. Ginawa niya ang lahat para itago ang kanyang pagkakasangkot, pero mukhang hindi pa rin siya nakaligtas sa pagsisiyasat ni Axel.Lihim siyang napakuyom, bumabaon ang mga kuko sa kanyang palad. Pilit pa rin niyang isinusuot ang maskara ng kawalan ng muwa
Nang makitang umalis na si Harold sakay ng kotse, agad lumingon si Julie kay Heather. Awang-awa siya sa anak, halata sa mata nito ang sakit at pagkapahiya.“Huwag ka mag-alala,” malumanay niyang wika, “hindi ko hahayaan na saktan ka ulit ng Dad mo. At sana… sana, huwag kang magtanim ng galit sa kanya. Oo, nasaktan ka niya, pero nadalamunaupona lang siya ng stress. Okay?”Hindi sumagot si Heather. Ramdam ni Julie ang bigat sa dibdib ng anak, pero wala na rin siyang ibang masabi pa para pagaanin iyon.“Mom, aakyat na ako sa kwarto,” malamig at walang emosyon ang tinig ni Heather.“Okay,” mahina ang sagot ni Julie habang pinagmamasdan ang pag-akyat ng anak.Pagpasok sa silid, doon na bumigay si Heather. Isa-isang pinagbabato ang mga gamit. Ang lampshade, mga libro, perfume, picture frame. Winasak niya ang lahat sa paligid para ibuhos ang galit at sakit na matagal na niyang kinikimkim. Galit sa ama at sakit mula kay Axel.Pagkapagod, siya sa gilid ng kama, pilit pinapakalma ang sarili.
Matalas ang tingin ni Axel habang nakatitig sa kanyang tiyuhin. “Ang posisyon ng COO ay hindi ibinibigay dahil lang sa pangako, Tito,” malamig ngunit matatag ang kanyang tinig. “Ito ay para sa taong karapat-dapat at may kakayahang mamuno. At sa lahat ng nangyari ngayon, malinaw na hindi iyon si Klyde.”Saglit na natahimik si Mikael, tila nag-iisip ng isasagot. Ngunit imbes na magsalita, bigla nitong hinila ang anak sa kwelyo at sapilitang pinaluhod ito sa harapan nina Axel at Selena. Bahagyang napaatras si Selena sa gulat sa naging kilos ng tiyuhin ni Axel.“Dad! Ano ba! Bitawan mo ‘ko!” mariing protesta ni Klyde, nagpupumiglas ngunit hindi umubra sa lakas ng ama.“Humingi ka ng tawad sa kanila!” madiin ang boses ni Mikael. “Kahit ilang beses, kahit gaano pa katagal!”Nagpumilit si Klyde na pakiusapan ang ama, ngunit nanatiling matigas si Mikael. Nang makitang wala nang saysay ang lahat, si Galatea na mismo ang nagpahayag, “Tama na ‘yan. Maaari na kayong umuwi.”Agad na hinila ni Eliz
Hindi pa rin nagbago ang madilim at malamig na ekspresyon ni Axel nang muling nagsalita. “Dala na ba ng edad mo kaya hindi mo narinig ang sinabi ko kanina?”Biglang umalab ang dugo ni Mikael sa ulo. “Hindi mo ako puwedeng pagsalitaan ng ganyan, tiyuhin mo ‘ko!”Bahagyang napailing si Axel, may halong ngisi sa labi. “Sa tingin mo ba, karespe-respeto ka?”Saglit na natahimik si Mikael. Halos pumutok ang ugat sa kanyang noo sa sobrang galit, ngunit walang lumabas na kahit isang salita. Tahimik niyang nilunok ang insulto.Samantala, agad namang tinulungan ni Eliza ang anak nilang si Klyde na makabangon at paupuin sa tabi niya, habang si Klyde ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.“Atticus,” ani Galatea, hindi maitago ang tuwa sa boses. “Magandang balita ito, hindi ba?” Mas lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang simpleng balita ay naging dahilan ng liwanag sa puso ng matandang babae, sapagkat sa kanyang isipan, may darating na bagong buhay na maaari niyang kargahin at mahalin.Napa
“Selena, hindi namin tanggap ang isang gaya mo,” sabi ni Mikael, matigas ang tinig. “Kung ipipilit mo ang gusto mo at ipagsisiksikan ang sarili mo kay Klyde, wala na kaming pagpipilian kundi paalisin ka ng Regenshire.”Ang mga salitang iyon ay tila mga pangil na tumusok kay Selena. Matapos matahimik ng ilang segundo, naramdaman niyang lumalalim ang galit sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay na magpakumbaba, lalo pa’t alam niyang walang siyang kasalanan sa lahat ito.Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ang mag-asawa, walang bahid ng takot sa kanyang mga mata at pananalita.“Sa sobrang kitid ng utak na mayroon kayo, hindi na ‘ko nagtataka na ganyan ang asal ni Klyde.”Halos sumabog sa galit ang mag-asawang Mikael at Eliza. Mas lalo na si Klyde, na parang gusto siyang sakalin sa tindi ng inis.“Wala kang karapatang insultuhin kami!” buwelta nito. “Ikaw ang may nakakahiyang buhay dito! Nagdadalang-tao ka sa batang hindi mo alam kung sino ang ama! Isang araw pa lang ang nakakalipas nang
Nang lingunin ni Selena ang bagong dating, natigilan siya at hindi makapaniwala. Ganoon din ang reaksyon ng lalaki.“Selena?” mahinang usal ni Klyde, halatang hindi pa rin makapaniwala sa pagkakatagpo nila.Napalingon si Eve sa dalawa. “Magkakilala kayo?”Sumimangot si Selena at inalis ang tingin kay Klyde. Pinili niyang huwag magsalita, ayaw niyang makita o kausapin ang isang manloloko.Napansin iyon ni Klyde, dahilan upang kumunot ang noo nito. Si Eve naman, bagama’t gustong magsalita, ay nagdesisyong manahimik muna at mag-obserba.Napansin din ni Eliza ang tensyon. Gusto sana niyang mag-usisa, pero iba na lang ang sinabi. “Narito na si Klyde, pero wala pa rin si Axel. Siya ang nagpatawag sa atin dito pero siya ang wala,” halatang may bahid ng inis ang tono niya.Kalmado namang sumagot si Atticus, “Sigurado akong papunta na siya. Maghintay lang tayo.”Nagulat si Selena sa narinig. Hindi niya alam na pinapunta rin ni Axel ang buong pamilya ni Eve. Si Axel pala ang may pakana ng pagti
Agad siyang umakyat sa kwarto para magbihis, isang simpleng blouse at jeans ang pinili niya. Kaunting make-up lang ang inilagay sa mukha, sapat para hindi magmukhang pagod.Isinama niya si Silas na agad namang pumayag. Pagkatapos magpaalam kay Lucas, mabilis na pinaandar ni Eve ang sasakyan at sinimulan ang biyahe papunta sa Strathmore Manor.Mahigit isang oras din ang naging biyahe nila. Matatagpuan ang engrandeng mansyon sa labas ng siyudad, sa tabing-dagat at napapalibutan ng luntiang gubat at matatangkad na puno. Mula sa daan pa lang ay tanaw na ang mapayapang tanawin ng dagat at mga punong nagsisilbing harang mula sa ingay ng siyudad. Ito rin ang dahilan kung bakit dito napiling manirahan ng mag-asawang Atticus at Galatea.Huminto ang sasakyan sa harapan ng mataas na bakal na bakod. Sa di-kalayuan, tanaw na ang malaking mansyon at ang malawak na hardin na puno ng iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak. Nang pindutin ni Eve ang doorbell, kusa itong bumukas. Automated ang sistema n
Sa main headquarters ng Strathmore Group.Mabilis na lumakad si Russell papunta sa opisina ni Axel matapos mapanood ang isang viral video sa social media kung saan sangkot si Selena.Binuksan niya ang pinto ng opisina at tuluyang pumasok. Tumayo siya sa harap ni Axel na abalang nakaupo sa kanyang mesa.Napansin agad siya ni Axel at itinaas ang tingin. Kita sa mga mata nitong naramdaman ang tensyon sa kilos ng kanyang assistant. “Bakit?”Huminga nang malalim si Russell bago nagsimulang magsalita. “Mr. Strathmore, may kumakalat na viral video sa social media.”Tumaas ang kilay ni Axel. “At ano naman ang pakialam ko diyan?”“Sir… nandoon din si Mrs. Strathmore sa video. Kinompronta siya ng mga magulang niya, pati na rin ang stepsister niya, at…” huminto siya saglit, nag-alinlangang ituloy.“At ano?” malamig ang tono ni Axel, ngunit halatang gusto niyang marinig ang kabuuan.Napalunok si Russell bago nagpatuloy. “Sir, sinabi ng stepsister niya na aksidente lang daw ang pagkakabuntis kay M
“Selena, wala ka na bang natitirang delikadesa? Lalayasan mo si Dad kahit kinakausap ka pa niya?” bwelta ni Nessa, punong-puno ng panunumbat ang boses.“Kinakausap ka pa ni Tito Ricardo, matuto kang rumespeto. At isa pa, kailangan mong magpaliwanag sa kanila dahil sa mga naging maling desisyon mo,” dagdag pa ni Klyde na tila ba pinapangaralan siya.“Kinakausap ko ba kayo? Manahimik ang mga walang kinalaman,” mariing patutsada niya sa dalawa, may kasamang pag-irap.Halos sabay na kumunot ang noo nina Nessa at Klyde, halatang hindi natuwa sa tinanggap na sagot.“Bakit ganyan ka magsalita?!” sigaw ni Ricardo sabay turo sa kanya, halos nanginginig na sa galit. Hindi na nito kayang itago ang pagkainis sa ugali ni Selena. Ang anak na minsang masunurin sa kanya at tahimik, ngayo’y tila ibang tao na sa kanyang harapan.“Totoo naman ang sinabi ko,” sagot niya, malamig at walang bahid ng paggalang kahit pa halos pumutok ang ugat sa noo ng ama.Mabilis namang sumingit si Nessa. “Kaya ba ganyan k
"Mahirap lang ang pinakasalan ko," diretsong sagot ni Selena. Pinutol niya agad ang anumang imahinasyong nabubuo sa utak ng kanyang ama.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ricardo. Nanggalaiti siya sa narinig. Sa kabila ng galit, hindi mapigilang magtaka si Nadine."Selena, mahirap paniwalaan na isang mahirap na lalaki lang ang pinakasalan mo. Paano ka niya susuportahan kung wala siyang pera? At isa pa, ang ganda ng singsing mo. Napakakinang, talagang kakaiba ang disenyo," wika ni Nadine, hindi direkta pero pinahihiwatig na nagsisinungaling siya.Napansin din iyon ni Ricardo. Inobserbahan niya ang singsing ni Selena at nag-isip. "May punto ka. Ang ganda ng disenyo. At sa kulay pa lang ng singsing, hindi maikakailang mahalaga ito."Mabilis na hinila ni Selena ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Ricardo."Ano bang pinagsasasabi niyo?" tanong ni Selena. "Peke ang singsing na 'to! Binili lang ng asawa ko 'to sa halagang $10. Kahit ang gemstone na nakadikit, peke!" patuloy niyang pagsis
Nanatiling nakatitig lamang si Selena, pilit itinatago ang panginginig ng kanyang kamay. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa matinding pagpipigil ng galit na patuloy na bumubulwak sa kanyang dibdib.Pilit niyang pinanatiling kalmado ang sarili. Bahagya siyang ngumiti, ngunit hindi naitago ang matalim na sarkasmo sa kanyang tinig."Kasama ba sa pag-aaruga niya ang pagmamaltrato niya kay Silas?"Hindi agad nakasagot ang dalawa. Ramdam niya ang bahagyang pagkailang nila kaya hindi siya nag-atubiling ipagpatuloy."At higit sa lahat," malamig niyang sambit, "akala mo ba, Tita Nadine, nakakalimutan ko ang nangyari noong ikatlong birthday ni Silas?"Natigilan si Nadine sa narinig. Kita sa mga mata nito ang takot at pagkabigla. Hindi niya inasahan na babanggitin ni Selena ang insidenteng iyon. Ang araw na sinadya niyang iwan si Silas sa gitna ng kalsada, nagbabakasakaling masagasaan ito ng dumaraang sasakyan.Hindi niya sukat akalain na masasaksihan mismo ni Selena ang ginawa niya sa hindi i