Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter Two Hundred Eighty Seven

Share

Chapter Two Hundred Eighty Seven

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-12-09 22:56:56

Sunud-sunod ang pagdating ng mga panauhin sa birthday banquet ni Jonas Atienza. Lahat ay sabik na makasampa sa barkong pagmamay-ari ng pamilya—ang pinakamalaki sa buong fleet, at kilalang floating city ng Dream Cruise Line.

Pagpasok pa lang nila sa loading bay, kumislap ang mga mata ni Selena. Mula sa bintana ng kotse, tanaw niya ang mala-palasyo nitong interior—mga boutique, cafe, high-end shops, at ang malawak na infinity pool na parang nasa luxury resort. Sa dulo, maririnig pa ang malumanay na tugtog mula sa carousel ng barko na matatagpuan sa gitna ng barko. Totoong nakakamangha.

Tahimik na nakangiti si Axel habang pinapanood ang misis na abala sa pagtanaw sa paligid.

Pagkaparada ng mga sasakyan, nagsibabaan sila. Dalawang kotse ang dala: sa una ay sina Selena, Axel, ang kambal at si Barry; sa pangalawa ay sina River, Russell, at Tyler.

Tulak ni Axel ang double stroller, sakay ang kambal habang dala ng apat ang kanilang mga maleta at iba pang mga gamit.

Bago pumunta sa grand event
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
Masaya bakasyon.. ligatas cla makabalik Ng kanila Bahay . update po ulit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Eighty Eight

    Sa loob ng Grand Event Hall ng luxury cruise, lalong namangha sina Selena sa gagarbo ng paligid. Malawak ang lugar, may mataas na kisame na may nagliliwanag na crystal chandeliers, at mula sa sahig hanggang dingding ay elegante ang disenyo—parang hotel ballroom sa gitna ng dagat.Sa magkabilang gilid ay nakahain ang samut-saring international cuisine na ikagugulat ng ilang sasampa ng barko.Sa labas ng hall ay siksikan ang mga bisita dahil halos lahat ng guest ng cruise ay inimbitahan sa gabing iyon. Kaya naman bahagyang natagalan sina Selena at Axel bago makapasok.Pagpasok nila, saglit na tumingin si Axel sa paligid, hinahanap ang host ng event. Nang makita niya, marahan niyang inakay si Selena papunta roon.Habang naglalakad sila, napapalingon ang mga tao. Hindi lang dahil kilala ang Strathmore Group sa balita nitong mga nakaraang ilang buwan, kundi dahil parang naging celebrities na rin ang kanilang pamilya sa buong bansa—si Axel na nakilalang mabuting ama, si Selena na hinahangaa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Eighty Seven

    Sunud-sunod ang pagdating ng mga panauhin sa birthday banquet ni Jonas Atienza. Lahat ay sabik na makasampa sa barkong pagmamay-ari ng pamilya—ang pinakamalaki sa buong fleet, at kilalang floating city ng Dream Cruise Line.Pagpasok pa lang nila sa loading bay, kumislap ang mga mata ni Selena. Mula sa bintana ng kotse, tanaw niya ang mala-palasyo nitong interior—mga boutique, cafe, high-end shops, at ang malawak na infinity pool na parang nasa luxury resort. Sa dulo, maririnig pa ang malumanay na tugtog mula sa carousel ng barko na matatagpuan sa gitna ng barko. Totoong nakakamangha.Tahimik na nakangiti si Axel habang pinapanood ang misis na abala sa pagtanaw sa paligid.Pagkaparada ng mga sasakyan, nagsibabaan sila. Dalawang kotse ang dala: sa una ay sina Selena, Axel, ang kambal at si Barry; sa pangalawa ay sina River, Russell, at Tyler.Tulak ni Axel ang double stroller, sakay ang kambal habang dala ng apat ang kanilang mga maleta at iba pang mga gamit.Bago pumunta sa grand event

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Eighty Six

    Dahil dito, naging viral sa social media ang litrato ng apat na kuha mismo ng ilang empleyado ng Strathmore Group. Hindi kasi mapigilan ng mga ito na humanga at maging proud sa kanilang mga amo—isang pamilyang kahit may maliliit na anak, hindi kinakalimutan ang kanilang responsibilidad sa kumpanya.Nakita iyon nila Selena at Axel ngunit hindi na sila nag-abala pang ipatanggal mula sa internet. Sa halip, nagtawanan pa sila habang binabasa ang mga positibong komento tungkol sa kanilang pamilya.Sa CEO’s Office…Hinawakan ni Selena ang kanyang pumipintig na ulo, pilit pinapawi ang sakit na unti-unting kumakain sa kanyang lakas.Napansin iyon ni Axel. Ibinalik niya sa mesa ang binabasa niyang dokumento at agad siyang lumapit sa asawa. Maingat niyang kinuha ang hawak nitong papeles.“Tama na ‘yan. Umuwi na tayo. Gabi na rin,” malumanay ngunit may pag-aalalang sabi ni Axel.Napasinghap si Selena, kita ang pagod sa kanyang mukha.“Okay,” mahinang tugon niya.Sabay nilang iniwan ang opisina.

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Eighty Five

    Nang marinig nila ang mga yapak ay sabay-sabay silang napalingon, lahat nakangiti. “Axel! Selena!” masayang bati ni Galatéa. “Mabuti at narito na kayo,” dagdag ni Leonardo. Tumayo si Vanessa para yakapin si Selena. “Anak, mabuti at dumating ka. Kanina pa kita hinihintay.” Niyakap siya pabalik ni Selena. Sa una’y bahagya siyang nataranta, ngunit marahang lumapit si Leonardo at bumulong, “Naipaliwanag ko na sa lahat na may Alzheimer’s ang lola mo.” Agad na gumaan ang loob ni Selena at tumango siya bilang tanda ng pag-unawa. Lahat ay nakaupo na sa kani-kaniyang upuan kaya nagsimula na ang mga kasambahay na ihain ang pagkain at inumin. Ngunit bago pa man sila makapagsimulang kumain, napaikot ang tingin ng lahat nang marinig nila ang boses ni Silas. “Nakakatampo kayo! Magsisimula na kayong kumain nang wala kami ni ate Eve!” malakas at umaalingawngaw na sigaw niya sa buong dining hall. Agad na tumayo si Selena at sinalubong ang kapatid na mabilis tumakbo papunta sa kanya. Y

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Eighty Four

    Pagkatapos, bumalik sila sa kani-kanilang trabaho. Sinabihan siya ni Axel na maaari na siyang umuwi dahil siya na ulit ang CEO, pero nagpasya si Selena na manatili sa opisina. Gusto niyang tapusin ang mga papeles na sinimulan niya, at isa pa, kasama naman ng kambal sina Eve at Abigail para alagaan ang mga bata.Tahimik at abala ang dalawa na magkatabi sa iisang mesa. Lumipas ang oras nang hindi nila namamalayan; ang maliwanag na kalangitan sa labas ay unti-unting naging asul, hanggang sa tuluyang lamunin ng dilim.Hindi sila huminto hanggang—Bumukas nang biglaan ang pinto.Hingal at halatang nagmamadali si Russell nang pumasok sa opisina.“Mr. Strathmore, Mrs. Strathmore—tumawag sa akin si Madam Strathmore,” aniya, humihingal pa. “Ang sabi niya… may nangyari sa kambal. Pinapauwi niya kayo ngayon na sa Crystal Lake Mansion.”Parang napako ang oras.Agad na napatayo sina Selena at Axel, parehong nanlalaki ang mga mata. Nagkatinginan sila—parehong may takot, kaba, at masidhing pag-aalal

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Eighty Three

    Pagkatapos magsalita, walang pasabi, pinulot ni Klyde ang isang maliit na figurine sa sahig at mabilis na inihagis papunta kay Lyka. Hindi pa man nakaka-react si Lyka ay tumama na iyon sa kaliwang bahagi ng kanyang noo. Napaupo siya sa sahig, agad dumaloy ang dugo pababa sa kanyang pisngi. “Mga walang kuwenta!” sigaw ni Klyde, tuluyang sumabog ang galit. “Ni hindi man lang sila nakakuha ng kahit ni isang porsyento ng stocks?!” Nanginginig ang buong katawan ni Lyka habang hawak ang dumudugong ulo. Dahan-dahan siyang tumayo. “Ayon sa assistant ni Mr. Larson… naunahan sila ni Braxton Draxwell. Binili niya lahat ng stocks sa halagang doble sa offer nila. Sinubukan pa raw nilang makipagnegosasyon pero… sa hindi nila maipaliwanag na dahilan, tumanggi agad ang mga stockholders at ibinenta na kay Mr. Draxwell.” “Talagang mga inutil!” bulyaw ni Klyde. Sa tindi ng galit niya, sinipa niya ang kanyang office table. Sa lakas ng pagkakasipa, tumilapon iyon at tumumba nang malakas. Umalin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status