LOGINSiyempre, may kinalaman din ang mababa niyang tolerance sa alak. Bihira siyang uminom kaya hindi niya akalaing ganoon kababa ang kakayahan ng katawan niyang tiisin ang alak. Dalawang maliit na lagok pa lamang ang nainom niya, ngunit nahihilo na siya. Naglagay si Joyce ng isang shrimp ball sa plato
Sa dami ng taong nakatingin sa kanya, nahirapan si Aleisha na magdesisyon kung ano ang gagawin. Bukod pa roon, alang-alang kay Alexander, hindi siya naglakas-loob na suwayin ang kagustuhan ni Raphael. Bahagya siyang ngumiti at nagsalita. “Dok Rivera, bumaba na po tayo.” “Sige…” “Ang galing!” “Ta
Sa tindi ng pagwawala ni Sophia, hindi lamang si Aleisha ang natigilan. Pati ang lahat ng kasamahan nila sa opisina ay nabigla. Biglang natahimik ang buong silid. Walang nangahas na magsalita habang nakatingin sa kanilang dalawa. Gustong na lamang ni Aleisha na lamunin siya ng sahig sa matinding ka
Kahit nakalabas na sila ng departamento at nakalayo na sa gusali ng operasyon, nakasimangot pa rin si Aleisha. “Aleisha.” Hinila siya ni Raphael upang pigilan sa paglalakad. “Ano’ng problema?” Dahil siya na rin ang nagtanong, nagpasyang diretsahang sabihin ni Aleisha ang saloobin niya. “Desisyon k
“Napakagandang balita naman nito! Congratulations!” “Salamat.” Pinigilan ni Aleisha ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. “Salamat.” Tunay ngang napakasayang okasyon nito. May permanenteng posisyon na siya bilang regular na kawani ng Affiliated Hospital—ano pa ba ang hihilingin niya? May n
Napahagulgol si Aleisha. Sa mga alaala ni Raphael, matatag na babae si Aleisha at bihira itong umiyak. Lalo na pagdating sa pag-ibig. Tila si Alexander lamang ang kayang magpaiyak sa kanya. Ngunit ngayon, umiiyak siya. At siya mismo ang dahilan ng mga luha nito. Hindi alam ni Raphael ang gagawin.
Naintindihan naman ni Aleisha ang ibig sabihin ni Raphael. Pero para sa kanya ay hindi biro ang pagpapakasal. Naniniwala pa rin siya na sagrado ito at hindi ito basta laro lamang. Umiling si Aleisha at mariing tiningnan si Raphael, "Hindi naman siguro kailangan pa iyon. Bakit hindi mo pilitin si Do
"Raphael Arizcon..." Natigilan si Mr. Sandoval habang nakatingin kay Raphael. Kapag isa kang negosyante ay imposibleng hindi mo kilala ang isang Raphael Arizcon. "B-Bakit ka narito?" Hindi man lang pinansin ni Raphael si Mr. Sandoval. Nasa kay Sophia ang buo niyang atensyon na ngayon ay hilam na
Nagmamadaling umuwi si Aleisha dala-dala pa rin ang tanong kung sino ang nakasama niya kagabi. Malayo pa lang ay nakikita na niya kung sino-sino ang nasa loob ng kanilang bahay. Isang mataba at panot na matanda ang nakaupo sa sala habang galit na nakatingin kay Sophia— anak ni Amanda. "Anak ka tala
Sa loob ng Hermosa Hotel, bandang alas diyes ng gabi— nakatayo sa harap ng pintong may mga numerong 3027 si Aleisha. "Wala nang atrasan ito!" saad ni Aleisha sa sarili habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay tatalon na ito mula sa kinalalagyan nito. Hindi niya nga







