Share

Chapter 107

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-21 11:02:06

ILANG MINUTO silang ganoon, magkayakap hanggang sa magsalita si Katherine. "B-Bitawan mo na 'ko, ang init-init nahihirapan akong huminga," pagdadahilan niya pa kahit hindi naman. Nang hindi ito kumilos ay muli siyang nagsalita, "Tulog ka na ba?"

Saka lang ito gumalaw at nagsalita, "Oo, tulog na 'ko kaya matulog ka na rin," ani Cain na bahagyang niluwagan ang pagkakayakap upang makahinga nang maayos ang asawa.

Sinamantala naman ni Katherine ang pagkakataon at nagpumiglas upang tuluyang makawala. Ngunit kahit maluwag na ang pagkakayakap ay hindi pa rin siya makalayo.

"Matulog ka na," bulong ni Cain saka hinaplos-haplos ang buhok nito. "Bukas nang umaga ay uuwi na tayo sa mansion."

Nag-angat ng tingin si Katherine para makita ang mukha nito pero agad ring ibinalik ni Cain saka niyakap. "Sige na, tulog na."

At iyon nga ang ginawa ni Katherine. Kahit conscious na conscious siya sa presensya nito ay nagawa niya pa rin makatulog nang maayos. Hindi inaasahang komportable ang tulog niya sa gab
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (23)
goodnovel comment avatar
Adolfo Edna Jabine
bwesit ka author palagi nlng panganib... ayoko kuna mgbasa sa kwento mo wlng kwenta bwesit
goodnovel comment avatar
Jocelyn Abao
bat puro kamalasan..itong c Katherine..ito Naman c Cain Tanga...hayst...
goodnovel comment avatar
Tpc Aicos Pmlo
puro Kayu KC tampuhan eh .kw Katrine mapride k Rin KC ayan tuloy mapapahamak ka.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   The Night We Became Strangers

    BlurbIsang gabing pagkakamali ang nagpabago sa samahan ng magkababatang sina Laura at Sherwin.Naging sandalan nila ang isa’t isa matapos mawala ang nakatatandang kapatid ng huli, si Katherine.Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon sila ng kanya-kanyang buhay at mga kaibigan.Isa sa mga naging kaibigan ni Sherwin ay si Jude, na itinuring niyang isang tunay na kapatid.Naging daan siya upang magkakilala ito at si Laura. Ngunit hindi niya inaasahang siya pa pala ang magdudulot ng pait at sakit sa kababata.Akala niya ay isang mabuting lalake si Jude pero hindi pala… paulit-ulit nitong sinasaktan si Laura nang makasal ang dalawa.Kaya ganoon na lamang ang pag-aalala niya para rito. Nilalamon siya ng guilt, dahil siya ang dahilan kaya ito nasasaktan.Dahil sa guilt at pag-aalalang nararamdaman niya para sa kaibigan ay… isang gabing pagkakamali ang namagitan sa kanila.Isang mainit, mapusok at makasalanang pangyayari na nais kalimutan ni Laura ngunit hindi para kay Sherwin.Matapos ang gabin

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Epilogue

    DALAWANG LINGGO pa lang ang lumilipas pero kung ano-anong balita na ang nasasagap ni Levi. May nakita siyang post na naka-tag si Suzy.Ang naturang post ay tungkol sa dinaluhan nitong event. Marami itong kasama sa picture pero bukod tangi ang lalakeng katabi nito na kitang-kita niya ang kamay nito sa bewang ni Suzy.Naiinis siya at gusto niyang tumawag, pero dahil sa kasunduan nila ni Jeffrey, hanggang pagbabasa na lang ng message ni Suzy ang kaya niyang gawin.Suzy: Kauuwi ko lang, for the first time na pagalitan ako ni Mommy.Suzy: Nag-usap na both family at nagkasundo na ‘wag nang ituloy ang kasal.Suzy: Medyo worried ako kay ‘Drigo dahil hindi tanggap ng parents niya ‘yung relasyon nila ni Stephen.Suzy: Lumayas si ‘Drigo and currently living together with Stephen… ba’t di ka nag-rereply? ‘Di mo rin sinasagot ang tawag ko.Suzy: I miss you… busy ka ba?Suzy: Levi…Napabuntong-hininga siya at pagkatapos ay muling lumaklak ng alak.Kasalukuyan siyang nasa bar, kasama ang dalawang ka

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 44

    HABANG nagmamaneho ay panay ang tunog ng car infotainment system. Kapag tinitingnan niya at nakitang si Suzy ang tumatawag ay hindi niya sinasagot.Nagme-message rin ito pero ganoon din, hindi niya pinapansin hanggang sa makauwi siya sa apartment.Pagpasok sa loob ay saka lang niya binasa ang text nito.Suzy: Ba’t ‘di ka sumasagot?Suzy: ‘Kala ko ba gusto mong mag-stay?Suzy: ‘Di ka naman nagpaalam sa’kin.Napabuntong-hininga siya pagkatapos, kapapasok pa lang niya sa kwarto at nilapag ang cellphone sa side-table saka naligo—walang planong mag-reply dahil tatawag lang ito ulit.Si Suzy ang tipo ng babae na kahit gusto niyang mainis sa sobrang kulit nito ay hindi naman niya matiis.Ganoon siya kahulog na kahit madali siyang mainis ay mahaba naman ang pasensiya niya pagdating sa dalaga.Kahit noon pa man ay hindi niya magawang magalit dito.Noon, ay hindi niya pa maintindihan kung bakit pagdating kay Suzy, napaka-pasensyoso niya.Paglabas ng banyo ay si Suzy pa rin ang laman ng isip. Ha

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 43

    NAPAKURAP-KURAP ng mata si Suzy, tila hindi pa siya sigurado sa narinig kaya pinaulit niya, “A-Anong sinabi mo?”Tumingin si Levi, direkta sa mga mata nito. “Gusto ko rin mag-stay.”Kumibot ang labi ni Suzy, maraming gustong sabihin pero hindi niya mabuo sa isip ang salita. Na-o-overwhelm siya sa narinig.“O-Okay,” aniyang nahihiya, gustong takpan ang mukha.Pagkatapos ay saglit silang natahimik hanggang sa makabalik si Rodrigo at mapansin ang tila nahihiyang ekspresyong makikita sa mukha ni Suzy. “Ayos ka lang? May nangyari ba, while nasa labas ako?”Mabilis itong umiling saka pinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari pero hindi maitatago ng namumulang pisngi ang katotohanang may nangyari nga.“Sunduin ko muna si Stephen,” paalam niya.Nag-angat ng tingin si Suzy sabay tango ngunit nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ay bigla siyang tiningnan nang kakaiba ni Rodrigo—mapanukso.Tinaasan naman niya ito ng kilay. “‘Blema mo?!” Pagtataray niya.Ngumiti lang si Rodrigo sabay l

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 42

    NAPATIGALGAL si Rodrigo nang tumango ito. “P-Pa’no?” naguguluhan niyang tanong.Dahil simula nang makulong ang kapatid hanggang sa mailipat ito sa mental facility ay naging lihim na sa ibang tao ang relasyon nilang magkapatid. Itinuring na hindi bahagi ng pamilya si Rowena.“Hindi maalis sa isip ko ang itsura mo kaya inalam ko kung sa’n kita nakita. Nagulat ako nang malaman ko’t gusto kong sabihin kay Suzy. Iniisip ko, sinadya mo bang mapalapit sa kanya?”Umiling si Rodrigo. “Hindi, wala akong ideya sa nangyari noon dahil nilihim ng magulang ko. Recently ko lang nalaman nang ikuwento sa’kin ni Suzy ang pinagdaanan niya tapos… no’ng minsan kaming dumalaw kay Ate.”“Nagkita sila?!” may kabang namuo sa boses ni Levi, natatakot siyang baka nasaktan si Suzy.“Hindi dahil nagwala si Ate nang banggitin ko ang pangalan ni Suzy. Doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat.” Saka siya huminga nang malalim. “Ilang beses kong sinubukang sabihin ang totoo pero wala akong lakas ng loob. Hanggang sa napilita

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife    Chapter 41

    BIGLANG nagkasakit si Suzy at dahil nagkulong ito sa kwarto ay hindi agad napansin nila Thelma. Saka lang nila pinasok ang kwarto nang hindi nito kinuha ang agahan sa labas at magtatanghali na.Namumutla ang mukha at malamig ang pawis kaya pinag-utos niya kay Raul na ihanda ang sasakyan para madala ito sa ospital.“A-Ayoko…” sambit ni Suzy sa namamaos at nanghihinang boses.Nagsalita si Rodrigo, “Sobrang init mo! Kailangan mong madala sa ospital.”Umiling si Suzy. “‘Wag… natatakot ako.”Naguluhan naman ang dalawa sa narinig pero hindi na ito pinilit kaya tumawag na lang sila ng Doctor.Niresitahan sila ng gamot matapos suriin si Suzy at sinabihan din sila na kung sakaling hindi pa rin bumaba ang lagnat ay muling tumawag.Maghapong nagbantay si Rodrigo sa kwarto, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang pinupunasan ng basang bimpo ang noo ni Suzy upang bumaba ang temperatura nito.Pinaalam niya ang kalagayan ng dalaga kay Stephen at mga bandang hapon ay dumating ito, may dalang pruta

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status