MasukHUMINGA nang malalim si Katherine, naiintindihan kung saan nanggagaling ang kaibigan pero…“Laura, mas mabuti siguro na hayaan mo si Sherwin na magdesisyon. ‘Wag mong akuin, dahil hindi na lang ito tungkol sa’yo—may bata nang involved. Let him decide, hmm?”Mabagal ang pagtango ni Laura, matapos ay natahimik na silang dalawa. Nakatingin lang sa labas, sa mga nagdaraan na sasakyan.Ganoon sila ng ilang sandali hanggang sa napagpasiyahang bumalik na sa building.Paglabas sa convenience store ay napansin agad nila si Sherwin na palapit kahit pa marami ring naglalakad. Sa tangkad ba naman nito, paniguradong angat kahit maraming taong nakaharang sa daan.Huminto silang dalawa sa paglalakad at hinintay itong makalapit.“Sa’n kayo galing?” ani Sherwin, may kaunting hingal sa boses na tila ba galing ito sa pagmamadali.“Sa convenience store lang,” sagot ni Katherine, sabay turo sa pinanggalingang direksyon. “Ikaw, sa’n ka papunta?”“Wala… nagmessage si Cain. Ang sabi ay magkasama kayo kaya na
SAGLIT na nanahimik si Laura, gustong magsinungaling pero alam niyang hindi niya maloloko ang kaibigan kaya tumango na lamang siya bilang sagot. “But don’t worry, sooner or later ay matatapos din kung ano man naging ugnayan namin dalawa.”Napatitig si Katherine, dahil nalalabuan siya na posible iyong mangyari. Nang kausapin niya ang kapatid kanina, parang ‘us against the world’ ang tema.Alam niyang masiyado nang malalim ang nararamdaman ng kapatid para kay Laura, pero hindi niya iyon sasabihin. Mas mabuting iyon ang isipin ng kaibigan—na titigil din si Sherwin.“Pero pa’no kung hindi? Kilala mo naman ‘yung tao na ‘yun. Sobrang kulit, kahit pa siguro itali mo ‘yun ay gagapang pa rin papunta sa’yo.”Natawa si Laura sa sinabi ng kaibigan, dahil nai-imagine niyang iyon nga ang gagawin ni Sherwin.Natigilan si Katherine sa naging reaksyon nito at natawa rin sa kanyang nasabi. “Mukhang gagawin nga niya ‘yun, ‘no?”“Hindi malabo. Pareho kayong matigas ang ulo,” ani Laura.Naniningkit ang ma
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Katherine sa dalawa, naghihintay ng paliwanag pero wala man lang gustong magsalita.Tiningnan niya ang kaibigan pero umiwas lang ito ng tingin, bakas sa mukha ang guilt. Hanggang sa hinawakan siya ng kapatid sa kamay.“Do’n tayo sa unit ko mag-usap, Ate,” ani Sherwin.Nagpatianod naman siya pero napalingon pa kay Laura bago tuluyang pumasok sa unit ng kapatid.Pagkasara ng pinto ay tinitigan niya ang likod nito na naglalakad patungo sa sala. Nagpakawala siya ng buntong-hininga dahil nahihinuha na niyang hindi magiging maganda ang kalalabasan ng pag-uusapan nila.Pagkatapos ay sinundan niya ito at naupo sa sofa.“Anong gusto mong inumin—”“‘Wag ka nang mag-abala pa, gusto ko agad ng paliwanag mo,” putol niya sa sasabihin nito. Hindi na niya gustong magpaligoy-ligoy pa sila roon.Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Sherwin, saka dahan-dahang lumingon paharap sa kapatid habang nakapamewang. “Anong gusto mong malaman?”Tumango-tango si Katherine. “A
TINITIGAN ni Laura nang matagal si Jude, habang mariing nakakuyom ang kamay sa may hita. Gusto niyang makita kung naghihinala ba ito sa kanilang dalawa ni Sherwin, ngunit mukhang hindi naman.Pagtataka lang ang nakikita niya sa mga mata nito.“Hindi naman kami laging magkasama, kapag pumupunta lang siya sa unit ni Katherine para makikain,” sagot na lamang niya habang nakaiwas ang tingin.Tumango-tango si Jude sabay sandal sa upuan. “Nagkita kami ni Sherwin sa Canada…”Habang nagsasalita ito ay kinabahan siya. Baka kung ano-ano na ang pinagsasasabi ng binata kaya ganito na lamang ang mga tanong ni Jude.“Kung makaasta, parang bodyguard mo. ‘Wag daw akong ganito—ganyan sa’yo? Like, ‘di ko siya maintindihan. Kaya—”“Hayaan mo na lang siya, alam mo naman na may pagka-protective iyon,” ani Laura.“Gets ko naman na matagal na kayong magkaibigan, at malalim ang samahan niyong dalawa pero ako pa rin naman ang asawa mo. Kaya minsan, ‘di ko siya maintindihan. Napapaisip ako, na para bang niyaya
NAHIGIT ni Laura ang hininga at mariing nilapat ang labi. Kahit na anong mangyari, hindi niya sasabihin na si Sherwin ang ama ng pinagbubuntis.Umiwas siya ng tingin habang mahigpit na hawak ang sariling kamay sa ilalim ng kumot. Sa paraang iyon lang niya nagagawang maging kalmado sa sitwasyong iyon kahit na parang tambol ang puso niya sa lakas ng kabog.“Hindi nga sabi ako buntis.”Huminga nang malalim si Jude, ngunit nanatili pa rin ang madilim na ekspresyon kaya tinatansya ni Laura kung anong dapat gawin ng sandalin iyon.“You don’t have to do this, Laura,” banayad at may kaunting lambing sa boses ni Jude.Nang tingnan niya ang mukha nito, normal na ulit ang ekspresyon. Pagkatapos ay maingat na hinawakan ang kamay niya.“Kung ayaw mong sabihin kung sino siya, ayos lang. Pero ‘wag na ‘wag mong idi-deny ang anak natin.”Sa narinig ay napakunot-noo siya, naguguluhan sa sinasabi nito. “Ano?”Marahang hinaplos ni Jude ang kamay ng asawa, at tiningnan ito nang may lambing. “Sino man ang
NAG-OFFER ng tulong ang staff ng restaurant nang makitang may nahimatay, “May sasakyan po kami sa likod, Sir.”“Salamat,” ani Jude saka mabilis na sinundan ang lalakeng waiter patungo sa likod ng gusali.Tinuro nito ang isang mini van at pinagbuksan siya ng pinto. Pagkatapos ay maingat niyang inihiga ang namumutlang si Laura sa likod. Saka niya tiningnan ang waiter na nasa labas pa.“Pasensiya na, Sir. Pero hindi ko pwedeng iwan ang trabaho,” paghingi nito ng paumanhin na kakamot-kamot pa sa ulo.Nilahad ni Jude ang kamay, hinihingi ang susi ng van. “Ako na lang ang magda-drive.” Pagkatapos ay kinuha ang passport. ”Iiwan ko ‘to sa’yo, babalikan ko na lang mamaya.” Para hindi nito isipin na itatakbo o modus ang lahat.Tumango naman ito at binigay ang susi ng mini van. Walang sinayang na oras si Jude at mabilis na lumipat sa driver seat at nagmaneho patungo sa pinakamalapit na ospital.Nang makarating ay binuhat niya si Laura papasok. Lakad-takbo ang ginawa niya para marating ang emerge

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





