Share

Chapter 138

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-01-16 22:54:27

HABANG papalayo ay nakasunod naman ang tingin ni Cain sa dalawa na agad napuna ni Ashley.

"Ba't mo tinitingnang ang babaeng 'yun? 'Wag mo sabihing nagandahan ka sa kanya? Pinapaalala ko lang sa'yo na ako ang ka-date mo ngayon!" bakas ang iritasyon sa boses ng dalaga.

Kumibot ang isang kilay ni Cain saka nilingon ang babae. "Sinabi ko bang umakto ka na parang pag-aari mo ako? Ngayon lang tayong nagkitang dalawa, so, know your place."

Namula sa hiya ang mukha ni Ashley. Dahil hindi niya akalaing masasabihan siya ng ganoon nang dahil lang sa isang babaeng ni wala pa sa kalingkingan niya.

Gusto na niyang mag-walkout ng mga sandaling iyon pero dahil gustong-gusto niya talaga si Cain nang una pa lang makita ang litrato nito ay babalewalain na lamang niya ang bastos nitong pagtrato.

"Kakalimutan ko ang sinabi mo ngayon," aniya saka nilingkis ang kamay sa braso nito. "Ang mas mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob or pwede ring lumipat dahil napaka-cheap ng shop na 'to hindi ko gusto." Bakas pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Grace Bonares
ang tanga ni katherine pumayag sa gusto ni luke.hahaha
goodnovel comment avatar
韩夏河
Lakas talaga mang asar ni Cain ... kinabahan si Katherine at luke
goodnovel comment avatar
Siony Ramos
nakakasawa nman ang kwento parang paulit ulit lang umiikot sa iisang pamilya pasa pasa lang nakakabagot basahin
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 337

    MABILIS na pumikit si Katherine, hinanda ang sarili sa maaaring mangyari. Ngunit sa halip na maramdaman ang paglapat ng labi nito ay nabigla siya dahil sa pisngi dumampi kaya nagmulat siya ng mata.Natawa naman si Cain nang makita ang reaksyon nito.Natauhan si Katherine saka ito tinulak sabay tayo. “Aalis na ‘ko dahil ginagawa mo na lang akong katatawanan!”Umiling-iling si Cain saka mabilis na inabot ang magkabila nitong kamay. “No, hindi ko gagawin sa’yo ‘yun.”Nagpumiglas si Katherine, pilit binabawi ang kamay hanggang sa bigla siya nitong hinila at hinalikan sa labi. Kumabog nang malakas ang dibdib sa ginawa nito pero pilit pa rin binabawi ang kamay.“Sorry na, promise, hindi na ‘ko tatawa,” may halong paglalambing na sabi ni Cain. “Maupo ka muna, hmm?”Huminga nang malalim si Katherine, tuluyang sumuko dahil alam niyang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi nakukuha ang gusto. “Okay, bitawan mo muna ako.”Mabilis naman sinunod ni Cain ang utos pero nilipat lang niya ang kamay

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 336

    MAKALIPAS ang mahigit-kumulang na isang oras ay lumabas si Helen na nanghihina, tila matutumba at namumutla pa.“Tita!” gulat na sigaw ni Stella saka dali-dali itong inalalayan.Hawak naman ni Helen ang ulo saka mahinang sinabi ang, “Bakit ganito ang nararamdaman ko? Akala ko ba’y bubuti ang pakiramdam ko, hindi naman pala.”Inalalayan ito ni Stella pabalik sa kotse. “Baka dahil ito ang unang beses niyong magpa-hypnotherapy. Sigurado akong bubuti rin ang kalagayan niyo mamaya.”Hawak pa rin ni Helen ang ulo na kumikirot-kirot. “Mukhang kailangan kong uminom ng gamot.”Sa narinig ay agad naman kumilos ang assistant at binigay ang gamot nito. “Ito, Madam, inumin niyo.” Sabay bigay ng bottled water.Nakahinga naman ng maluwag si Helen matapos makainom. Pagkatapos ay sumandal na sa kinauupuan habang nakapikit, tila gustong matulog upang makapagpahinga.Matapos ay naging tahimik ang biyahe nila hanggang sa marating sa bahay. Muling inalalayan ni Stella ang Ginang papasok at paakyat ng hagd

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 335

    LUMABAS sa kotse si Helen at naglakad papasok sa company building, kasama ang assistant. Naroon siya upang bisitahin ang anak. Habang naglalakad patungo sa elevator ay napansin niya ang isang pigura na nauuna sa kanyang maglakad.May dala itong maliit na eco-bag at halatang nagmamadali kahit sa sophisticated nitong paglalakad. Napangiti siya dahil ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Stella.Ilang sandali pa ay nakasama niya itong mag-abang ng elevator.Lumingon si Stella at nabigla ng makita si Helen. “T-Tita!” Saka ito mabilis na niyakap sabay beso habang tinanguan ang kasama nitong assistant. “Pupuntahan niyo si Cain?”“Oo, ikaw rin ba?”Tumango si Stella. “May dala akong pagkain para sa kanya. Nabalitaan ko kasi ang nangyari kaya naisipan kong magluto para hindi siya laging nagsi-skip ng pagkain.” Lumawak ang ngiti niya ng sandaling iyon dahil kanina niya pa pinoproblema kung paano haharapin si Cain ng hindi agad napapalayas.Sumilay ang ngiti sa labi ni Helen, natutuwa tala

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 334

    NAPANGITI nang bahagya si Cain sa naging reaksyon nito. “Well… ‘yan ‘yung una. No’ng hindi pa kami nagkakahiwalay ng limang taon. Ngayon ay pinabago ko na naman.”“I-Ilang percent?” hindi napigilang itanong ni Sherwin sa sobrang pagkabigla.“Hundred?” patanong niya pa iyong sinabi kahit iyon naman talaga ang totoo. “Except sa mga properties na may kahati ako.”Muntik nang malukot ni Sherwin ang dokumento. Nanginginig siya sa galit. “Sa’n mo ‘to paggagamitan? At bakit sa’kin mo pa pinakita? Sa tingin mo ba’y magkaka-interes ako sa yaman mo?! O, kung babalik sa’yo ang kapatid ko sa oras na malaman niya ‘to?!”Umiling-iling si Cain. “Hindi gano’n ang intensyon ko, bayaw. Pinakita ko ‘yan sa’yo para sabihing seryoso ako kay Katherine. Handa kong ibigay sa kanya ang lahat. Ayoko man ‘tong sabihin pero hindi ko talaga kayo makumbinsi sa salita at gawa. Kahit anong gawin kong pagpapakita ng magandang intensyon kay Katherine ay ayaw niyong maniwala kaya pinakita ko ‘yan sa’yo. Ikaw ang pinaka

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 333

    MATAPOS maihatid pauwi ang lasing na si Stella ay dumiretso si Adrian sa lugar kung nasaan si Margaret.Papasikat pa lang ng araw na iyon kaya nabigla ang mga tauhan na nagbabantay dahil sobrang aga nitong bumisita.“M-Magandang umaga, Sir.”Tumango lang si Adrian, hindi pinakitang natutuwa siya at ginagawa ng mga ito ang trabaho. Baka lang kasi tatamad-tamad ang mga ito ngunit hindi naman pala.“Gising na ba siya?” aniyang tinutukoy si Margaret.“Natutulog pa, Sir, nang silipin namin kanina.”Walang salitang naglakad patungo sa kwarto si Adrian para tingnan ito. Pagpasok ay nakita niyang gising na ito, nakaupo sa kama habang nakatanaw sa labas ng bintana. “Gising ka na pala,” aniya.Ngunit hindi man lang lumingon si Margaret, ni hindi nga kumilos. Kaya lumapit si Adrian at tiningnan itong nakatulala, parang mannequin, walang kabuhay-buhay. Tapos ay bigla siyang napatakip sa ilong dahil nangangamoy ito, parang ilang araw ng hindi naliligo.May sumunod naman na tauhan at napansin ang r

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 332

    MAY NAIS pa sanang sabihin ang dalaga pero binabaan na ito ni Cain ng tawag.Beep, beep—Mayamaya pa ay pumasok si Joey. “Hindi pa pala kayo tulog, Sir?”“Nagising lang dahil tumawag si Stella. Inatake si tito Ruel pero hindi naging maganda ang pag-uusap namin. Ginamit pa ang kondisyon ng Ama para malusutan ang ginawa nito sa kumpanya.”“Anong gusto niyong gawin ko, Sir?”Umiling-iling si Cain. “Sa ngayon ay wala muna at gusto kong tingnan mo kung anong magagawa nating tulong sa kanila. Kahit papa’no ay hindi naging iba sa’kin si tito Ruel.”“Masusunod, Sir.”Kinaumagahan ay inasikaso agad ng secretary ang inutos ni Cain. Pagbalik ay may ibinalitang isang importanteng bagay, “Sir, kinontak ako ng grupong may hawak kay Miss Margaret. Ang sabi ay… pat*y na ‘raw’ ito.”Napatiim-bagang si Cain. “Pa’no nangyari ‘yun?! Malinaw ko naman sinabi na—“ Saka marahas na nagbuga ng hangin. Hindi na tinapos ang sasabihin sabay kuha sa phone upang tawagan ang leader ng grupo. Ilang sandali pa ay sina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status