공유

Chapter 17 - Interrupted Temptation

작가: Lirp49
last update 게시일: 2025-11-13 22:11:53

LUMIKOT bigla ang mata ni Laura, mahahalata ang pagkataranta sa mukha saka mabilis na umatras.

Muling humakbang palapit si Sherwin hanggang sa ma-corner siya sa sofa, na muntik na niyang ikabuwal kung hindi lang siya agad niyakap sa bewang.

Napakunot-noo siya nang maamoy ang pinaghalong alak at pabango ng babae kaya tinulak niya ito.

Napaatras nang ilang hakbang si Sherwin, muntik pa ngang ma-out of balance dahil na rin sa nakainom na. Nainis siya sa ginawa nito pero hindi niya kayang magalit.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Epilogue

    ISANG ORAS na ang lumipas simula nang umalis si Jude, pero nananatiling tahimik sina Laura at Sherwin habang magkatabi sa upuan. Walang nagsasalita at parehong mabigat ang loob sa nangyari.Hanggang sa lumapit si Juliet mula sa kusina, may dalang pagkain para sa dalawa. “Kumain muna kayo, lalo ka na Sherwin at malayo pa ang biniyahe mo.”Nagpasalamat si Sherwin at nagsimulang kumain, pero si Laura ay halos hindi makagalaw. Maya’t maya ay napapahinto, kapag sumasagi sa isip ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Jude.Hanggang sa hindi na niya napigilan na muling maging emosyonal.Agad naman dumampi ang kamay ni Sherwin sa likod nito, marahan ang haplos. “Huwag kang umiyak,” mahinang bulong niya. “Baka makasama sa bata.”Matapos niya iyong sabihin ay tumunog bigla ang cellphone niya. Pagtingin sa screen ay nakita ang pangalan ni Jude. Nilingon niya si Laura, nag-aalangan pero sa huli ay sinagot ang tawag.Hindi siya nagsalita. Hinintay niya si Jude na siyang unang bumigkas.“Alagaan m

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 51 - Letting You Go

    MAKALIPAS ang ilang minuto, ay nakarinig sila ng ugong ng sasakyan. Si Juliet ang sumilip sa labas at nakitang may humintong kotse sa labas.Nang makita kung sino ang bumaba ay sinabihan niya ang anak, “Laura, dumating na si Jude.”Napatingin si Laura kay Sherwin, na agad ngumiti habang hawak ang kamay niya at sinasabi, “Don’t worry, ‘di mo kailangang kabahan.”Napanatag si Laura hanggang sa pumasok na nga ng bahay si Jude. Nagkatinginan silang dalawa pero mabilis din siyang umiwas.Napansin ni Juliet ang tensyon, kaya lumapit siya kay Sherwin at hinawakan ang braso nito. “Sa likod muna tayo,” aniya. “Bigyan natin sila ng privacy na makapag-usap.”Nag-atubili si Sherwin, pero tumango rin. Bago tuluyang lumabas, napalingon pa kay Jude. “Tawagin mo ‘ko ‘pag may nangyari,” mariin niyang bilin, sabay baling kay Jude. “Huwag mong sasaktan si Laura.”Pagkaalis ng binata kasama si Juliet ay tahimik lang nang una ang dalawa. Walang nagtangkang magsalita kaya rinig ang ingay ng bentilador.Han

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 50 - Found

    HINDI natupad ang hiling ni Laura, dahil makalipas ang dalawang buwan ay bigla na lamang nagpakita sa kanya si Sherwin.Bandang tanghali iyon at mainit kaya sa halip na tumambay sa labas ay nasa loob siya ng bahay, sa tabi ng pinto.Sa probinsiya, madalas na bukas ang pinto kaya nang marinig na may sumigaw, “Ayo!” —katumbas ng ‘Tao po!’ sa tagalog ay sumilip siya at nakita ang isa sa mga kapitbahay.“Ano po ‘yun, Ate?”“Ay! Nandiyan ka pala, may dayong naghahanap,” nakangiti nitong sabi.“Wala po si Lolo’t Lola,” aniya sa pag-aakalang ang dalawa ang hinahanap.Hanggang sa napansin niya ang tricycle sa tabi ng kawayan na gate. Mula sa loob ay lumabas si Sherwin.Napaatras siya, nanginginig ang kamay na hinawakan ang pinto. Akmang pagsasarhan ang mga ito nang sumigaw ang binata, “Laura!”Bigla siyang nanlamig sa takot at tuluyang hindi nakagalaw.Humakbang palapit si Sherwin, mabilis na nagpasalamat sa babaeng nagturo ng bahay para mahanap si Laura. Pagkatapos ay hinarap niya ito. “Gust

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 49 - The Assumption

    MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Sherwin sa cellphone, kung magagawa lang niyang wasakin ay baka kanina niya pa ginawa.“Ibig sabihin, alam mong nasa bansa lang siya, Ate?”“Sorry,” ani Katherine. “Nakiusap sa’kin si Laura, at hindi ko siya mahindian.”“Pa’no naman ako?!”Sa unang pagkakataon ay napagtaasan niya ng boses ang kapatid. Kaya bago pa siya may masabing hindi maganda ay tinapos na niya ang tawag.Si Jude naman ay hindi na napigilang magtanong, “Anong sabi? Nasa’n si Laura?”Hindi ito sinagot ni Sherwin, sa halip ay naglakad siya palabas—kailangan niyang bumalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.Agad na sumunod si Jude at humarang sa daraanan. “Nasa’n sabi si Laura?!” sa pagkakataong iyon ay mainit na rin ang ulo niya sa nangyayari. Ilang araw na siyang walang balita sa asawa.“Wala si Laura sa kanila,” sagot ni Sherwin.Humarang bigla si Jude kaya siya tumigil. Nagsukatan sila ng matalim na tingin.“Anong meron sa inyong dalawa ni Laura?”Kumuyom ang kamay ni Sherwin, wa

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 48 - Unreachable

    DALAWANG ARAW ang lumipas pero wala pa rin natatanggap na reply si Katherine mula sa kaibigan. Noong una ay wala lang naman sa kanya, dahil baka abala pa ito pero nang tanungin siya ng asawa ay doon na siya nagtaka.“Akala ko ba’y nasa Canada si Laura kasama ng asawa niya? Ba’t tumawag sa’kin ‘yung assistant at pinapatanong sa’yo kung kumusta na siya?”“Ha?”“Hindi raw makontact ni Jude si Laura kaya tumawag sa’kin, pinapatanong kung kumusta na siya?” dagdag ni Cain, na naguguluhan. “Ano bang nangyayari?”Huminga naman nang malalim si Katherine, saka inamin sa asawa na hindi naman talaga sumama sa Canada ang kaibigan, “Kunwari lang para ‘di na hanapin ni Sherwin.”“Yet, pinapunta mo pa ‘ko kay Sherwin para sabihing aalis si Laura papuntang Canada kahit ‘di naman pala?”Mabilis na niyakap ni Katherine ang asawa para hindi ito magtampo. “Sorry, gusto ko lang na may gawin si Sherwin. Mahigit dalawang linggo na siyang ‘di umuuwi, at pakiramdam ko ay sinukuan na niyang tuluyan si Laura.”“

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 47 - Too Late

    KASALUKUYANG nasa airport sina Laura at Jude nang makatanggap siya ng message mula sa kaibigan.Katherine: Sorry, nagpromise akong ‘di sasabihin kay Sherwin na ngayon ang alis mo pero ‘di ko talaga mapigilan.Katherine: He’s still my brother. Kaya gusto kong malaman niya kahit papa’no.Laura: Ayos lang, ‘di na rin naman siya makakaabot.Sabihin man nito ang totoo o hindi kay Sherwin ay wala na itong magagawa pa sa sandaling iyon.“Sinong katext mo?” tanong ni Jude.“Si Katherine,” tipid niyang sagot sabay tago sa phone.Sa gilid ng mga mata ay napapansin niya ang titig nito, hanggang sa magsalita na nga, “Sa totoo lang, nanghihinayang pa rin ako na ‘di ka makakasama sa’kin.”Pairap na tumingin si Laura. “Kunting-kunti na lang talaga maiinis na ‘ko.” —Paano ba naman kasi, ay lagi siyang pinipilit na sumama sa Canada.Pumayag naman siya, pero sa isang kondisyon…Kung papayagan siya ng Ina, pero hindi. Nang sabihin niyang buntis siya ay agad itong tumutol at sinabing umuwi para maalagaan

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 385

    ANG NAIS din naman ni Lian ay makasama ito sa lahat ng oras. Ngunit, ang selfish naman kung ang pansariling kagustuhan na lamang ang ipaiiral.Alam niyang maliban sa kanya at sa anak ay may iba pa itong obligasyon.Matapos ang pinagsaluhang halik ay muli siyang ngumiti. “Sa susunod na may mangyarin

    last update최신 업데이트 : 2026-04-01
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 383

    NAPAHAGIKHIK ng tawa si Katherine lalo pang hinigpitan ang yakap sa batok nito. Nagtitigan sila ng ilang sandali habang may munting ngiti sa labi.Pinagdikit ni Cain ang noo nilang dalawa saka pinagmasdan, may halong lambing at pagnanasa ang magandang mukha ng asawa.Hindi nila alintana ang lagasla

    last update최신 업데이트 : 2026-04-01
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 387

    SAGLIT na natahimik si Cain at kumuyom ang magkabilang kamay. “Ayoko,” pinal niyang sagot. “Hindi ko siya kakausapin kahit na kailan.”Si Shannon na pinagmamasdan ang magulang na mag-usap ay biglang lumapit sa ama at niyakap ito sa may leeg. “Daddy, ‘wag kang magalit. You look so scary.”Huminga na

    last update최신 업데이트 : 2026-04-01
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 1

    MABILIS na bumaba ng kama ang noon ay walong taong gulang na si Suzy matapos marinig ang ugong ng sasakyan. Bumalik na ang kanyang mga magulang matapos bumisita sa bahay ng kanyang tiyahin.P-in-ause niya muna ang pinanunuod na palabas, Beauty and the Beast, na makailang ulit na niyang napanuod ngu

    last update최신 업데이트 : 2026-04-01
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status