ILANG ORAS nagpahinga si Katherine at nang magising ay madilim ang buong kwarto. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa madilim na gabi.Ramdam niya ang hapdi at pangangati ng nasugatang kamay. Mukhang kailangan na niyang uminom ng gamot pero tinatamad siyang bumangon at ninamnam lang ang lambot ng kama.Ilang segundo siyang nakatanaw sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang nagkikislapang bituin. Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone. Tuluyan na siyang bumangon sa kama para abutin ang gamit sa side-table. Pero kahit sa pagkuha ay pahirapan din.Hindi niya mahawakan ng maayos ang cellphone. Kumikirot ang kamay niya sa kaunting galaw. Slowly but surely ang ginagawa niya. Nang tuluyang mabuksan ang message ni Lian ay problema naman niya ngayon ang mag-reply.Ayon sa mensahe ng kaibigan ay may mini-reunion bukas. Magba-bonding silang magkakaibigan noong college pati iyong nasa malalayo ay pupunta.Pero dahil sa kalagayan ni Katherine ay hindi siya pwedeng magpakita bukas. Hin
ANG libreng kamay ni Cain ay humaplos at pumirmi sa baba ni Katherine upang ipuwesto nang maayos ang mukha nito. Dahil gusto niyang angkinin nang buong-buo ang labi nito.Sa kabila ng nararamdamang gigil ay nagawa niya pa ring kontrolin ang sariling emosyon. Hinalikan niya ito nang marahan sa labi. Ninanamnam ang lambot, tamis at bawat sandali na animo ay sila lang ang tao sa mundo.Dahan-dahan namang bumaba ang depensa ni Katherine. Ang paunti-unting galaw ng labi ay tuluyan nang sumasabay sa halik ni Cain.Nag-iiba na rin ang kanyang pakiramdam. Mula sa lamig ay unti-unting umiinit. Ang marahang halik na kanilang pinagsasaluhan ay unti-unting bumibilis.Nagiging mapaghanap at mapusok. Kinakapos na ng hangin si Katherine pero tuloy pa rin siya.Hanggang sa bigla na lamang natigilan at huminto sa paghalik si Cain nang maramdaman ang mainit na likidong dumadaloy sa pisngi ni Katherine.Lumuluha ito!"B-Bakit?" tanong ni Cain saka bahagyang lumayo upang matingnan nang buo ang mukha ng a
SA NARINIG ay biglang nagkatinginan si Levi at Jared. Nang muling balingan si Cain ay bigla na lamang humalakhak nang tawa si Levi."P*ta , Pre! Ito na ata ang pinaka nakakatawang joke na narinig ko ngayong araw," ani Levi.Sinamaan naman ito ng tingin ni Cain pero sa halip na tumigil ay tuloy lang ito sa pagtawa. Hawak-hawak na nga ang tiyan at nagrereklamo sa sakit."Anong meron kay Katherine? Maghihiwalay na kayo, 'di ba?" ani Jared."Baka na-realize niya na mas convenient ito kumpara kay Margaret na may sakit," si Levi."Kanina ka pa, naiirita na 'ko sa'yo," ani Cain.Pero balewala lang kay Levi ang mababala nitong tono at tingin. Hanggang sa biglang nagseryoso. "Mahal mo na ba kaya mo iniisip kaysa kay Margaret?"Napahilamos si Cain sa mukha. Alam niya sa sariling si Margaret ang tinitibok ng kanyang puso pero may parte sa likod ng utak niya na nagsasabing may mali... may kulang. May hindi tama.Pero hindi niya mapangalanan kung ano man iyon."Hindi," aniya sa tanong ng kaibigan
NAMULA ang pisngi ni Katherine dahil sa ginawa nito. Ngunit para itago ang hiya ay sinamaan niya ito ng tingin.Ang ngisi ni Cain ay unti-unting nawala. Napagtanto niyang hindi sapat ang dampi lang sa labi. Lalo na sa itsura ngayon ni Katherine.Lantad ang makinis nitong balat at humahalimuyak pa ang bango.Bigla siyang napalunok kasabay ng pag-react ng pagkalalake sa ibaba.Muli niyang inilapit ang mukha para halikan ito nang bahagyang umiwas si Katherine. Kaya ang halik ay dumapo sa panga.Sa halip na mainis ay mas nasabik pa si Cain. Tuluyan niyang hinalikan ang panga pababa sa leeg nitong may dumadaloy pang tubig."C-Cain..." tawag ni Katherine na nakikiliti sa ginagawa nito. Bago pa mawalan ng kontrol at magpaubaya ay marahan na niya itong tinulak. "Tama na!"Nagtagpo ang tingin nilang dalawa. Si Katherine na may kaba sa mga mata habang si Cain naman ay tila nalalasing.Bago pa muling sugurin ng halik ay tumunog na ang cellphone ni Cain.Kumibot ang kilay nito sa inis. Tapos ay d
MALING AKALA...Inakala ni Katherine na totoo ang ipinapakita ni Cain sa kanya kagabi at nitong umaga pero nagkamali siya.Nalinlang siya nitong muli. Napaglaruan.Kumibot at nagtaas pa ng kilay si Margaret nang makita ang reaksyon ni Katherine. Hindi niya akalaing masasaktan agad ito sa kasinungalingang sinabi niya.Tuwang-tuwa siya sa puntong hindi na nga napigilang tumawa. "Oh, anong nangyari? Ba't ka naiiyak?" Sabay lapit at inayos ang suot nitong damit.Bahagya pa ngang kumuyom ang kamay niya at gusto itong saktan nang mapansin ang kiss mark sa collarbone ni Katherine. Pero nagpigil siya dahil may mga nanunuod. "Next time, magdamit ka ng maayos. 'Yung hindi naman kita ang kiss mark dahil nagmumukha kang cheap. Kung sabagay, gano'n ka naman talaga. Para*san for the sake of my weak body."Tuluyang tumulo ang pinipigilang luha sa mga mata ni Katherine. Kahit anong pigil ay laging nagwawagi ang sensitibo niyang emosyon."'Wag kang umiyak. Hindi mo naman kasalanan kung hanggang doon n
NATIGILAN din si Katherine nang makita si Cain. Gusto niya sanang umiwas pero ito na mismo ang kusang lumapit.Mabilis na humarang si Luke sa harap ni Katherine na hawak-hawak pa ang braso nito."Bitawan mo siya," ani Cain sa mababalang tono ng boses."Sandali lang, pero sino ka muna?" ani Luke dahil ngayon lang niya nakita ito.Napatiim-bagang si Cain saka marahas na hinawi si Luke para kunin ang asawa."Cain!" react ni Katherine na mababakasan ng pag-aalala para sa kaibigan. "Ba't mo naman siya tinulak?""'Wag kamo siya basta-basta humahawak sa taong pagmamay-ari na ng iba."Napasinghap si Katherine sa kawalang-modo nito. "Kaibigan ko siya at tinutulungan niya lang ako!" Saka binalingan ang kaibigan. "Ayos ka lang ba, Luke?"Kumunot ang noo ni Cain nang marinig ang pangalan ng lalake. "Ito 'yung sinasabi mo'ng kaibigan? Alam niya bang may asawa ka na?"Napanganga na nang tuluyan si Katherine. Hindi niya maitindihan kung bakit umaasta si Cain ng ganito?"Luke, pasensiya ka na, ha? Pw
NAPATITIG si Katherine ng mag-iba na naman ang tono ng boses nito. "Tapos ngayon ay naiinis ka na naman?"Umiwas lang ng tingin si Cain na kulang na lang ay umirap saka pinagpatuloy ang ginagawa.Mayamaya pa ay ito naman ang nag-iba ng usapan. "Pumunta rito si Margaret. Anong pinag-usapan niyo?"Gusto niyang malaman dahil ayon sa kuwento ni Lourdes ay ang dalawa lang ang nag-usap."Ba't 'di mo siya tanungin?""Ikaw ang kaharap ko ngayon kaya sa'yo ko tinatanong."Pero hindi ito nagsalita kaya napahinga nang malalim si Cain. "Sige, kung ayaw mo'ng magsalita ay hindi na kita pipilitin. Pero ano muna ang sadya niya sa'yo rito?""'Kala ko ba walang pilitan, ba't nagtatanong ka pa? Tapos ka na ba at gusto ko ng kumain."Napakunot-noo si Cain. "Ba't ang sungit mo?"'Kasi buntis ako.'Iyon ang nasa utak ni Katherine pero hindi niya pwedeng sabihin.Nang sa tingin niya ay tapos na sa pagbenda si Cain ay bigla siyang tumayo para kunin ang pagkain."Gusto mo ng tulong?""Hindi.""Sungit."Sinam
SA SINABI ni Levi ay bigla na lang natawa si Katherine habang tumatango. Sang-ayon sa sinabi nito. "Tama ka, nananakit nga siya."Nabigla naman si Cain sa sinabi ng asawa at tinuro pa ang sarili. "Ako?! Anong ginawa ko sa'yo?""Wala.""Wala? Pero ba't ka tumatawa? Nasaktan na ba kita noon? Hindi naman, a?!" depensa ni Cain sa sarili."Ay sus, tama ka na, Cain. Baka 'di mo lang nari-realize," sabat ni Levi. "Aminin mo, sinigaw-sigawan ka nito, 'no? Gano'n daw talaga ang mga boss sa secretary nila. Ginagawang punching bag kapag stress sa trabaho."Tatawa-tawang tumango si Katherine kahit minsan lang siyang nasigawan ni Cain sa trabaho."Alam niyo, napapansin kong pinagtutulongan niyo na akong dalawa," ani Cain.Nagkatinginan sina Levi at Katherine tapos ay sabay na tumawa."Huy, bilisan mo na nga lang diyan. Parang nagloloko ka na lang, e," sita ni Cain sa kaibigan.Nagseryoso naman si Levi. "Medyo masakit 'to kaya tiis lang."Huminga naman nang malalim si Katherine para ihanda ang sari
PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s
NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog
HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang
BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h
NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t
DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u
KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma
NABIGLA rin si Katherine sa naging reaksyon, hindi inaasahang magagalit siya ng ganoon.Nauunawaan naman ni Cain ang outburst nito dahil emosyonal pa. Pagkatapos ay binalingan si Marc. "Akin ng phone." Matapos matanggap ay kinausap si Margaret, "Ba't ka napatawag?" aniya saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Katherine at pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag para marinig din nito. Gusto niyang ipakita na wala siyang ginagawang masama o hindi nito kailangan na mabahala sa tawag ng dalaga."Cain!" iyak ni Margaret sa kabilang linya. "Ang sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."Napasulyap si Cain sa asawa, hindi maikakaila ang iritasyon sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang matuwa. Dahil ngayon na lamang niya nakitang magselos si Katherine."Tawagan mo ang ospital, matutulungan ka nila.""Pero alam mo naman na ilag ako sa mga tao'ng hindi ko kilala," dahilan pa ni Margaret.Kunot na kunot ang noo ni Katherine dahil nayayamot na siya sa kaartehan ng babae. Sa inis ay bina
NATULALA ng ilang segundo si Katherine saka nagalit. "Anong klaseng biro 'yan?! Hindi nakakatuwa.""Hindi ako nagbibiro. Mismong assistant ni Jared ang kumontak sa'kin para ipaalam na naaksidente ito at si Lian."Habang nagpapaliwanag si Cain ay tumulo ang luha sa mga mata ni Katherine, na maging siya ay nabigla. Hinawakan ang pisnging nabasa ng luha.Nag-alala naman si Cain, lumapit at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, pasimpleng pinupunasan ang luha. "Baby, kalma lang. Nandito lang ako." Nang hawakan niya kasi ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan at panlalamig ng balat nito."H-Hindi naman totoo, 'di ba?" umaasang tanong ni Katherine. Naniniwala siyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Sabihin mo sa'king hindi totoo."Nahirapan sumagot si Cain hanggang sa hawiin ng asawa ang kamay niya at mabilis na lumabas sa sasakyan. "S-Sandali lang!" pigil niya pa nang tumakbo ito papasok sa ospital. Hinabol niya ito hanggang sa huminto sa isang makitid na pasilyo. "Katherine..." samb