Share

Chapter 24

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-03 21:16:13

MALING AKALA...

Inakala ni Katherine na totoo ang ipinapakita ni Cain sa kanya kagabi at nitong umaga pero nagkamali siya.

Nalinlang siya nitong muli. Napaglaruan.

Kumibot at nagtaas pa ng kilay si Margaret nang makita ang reaksyon ni Katherine. Hindi niya akalaing masasaktan agad ito sa kasinungalingang sinabi niya.

Tuwang-tuwa siya sa puntong hindi na nga napigilang tumawa. "Oh, anong nangyari? Ba't ka naiiyak?" Sabay lapit at inayos ang suot nitong damit.

Bahagya pa ngang kumuyom ang kamay niya at gusto itong saktan nang mapansin ang kiss mark sa collarbone ni Katherine. Pero nagpigil siya dahil may mga nanunuod. "Next time, magdamit ka ng maayos. 'Yung hindi naman kita ang kiss mark dahil nagmumukha kang cheap. Kung sabagay, gano'n ka naman talaga. Para*san for the sake of my weak body."

Tuluyang tumulo ang pinipigilang luha sa mga mata ni Katherine. Kahit anong pigil ay laging nagwawagi ang sensitibo niyang emosyon.

"'Wag kang umiyak. Hindi mo naman kasalanan kung hanggang doon n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Vina Abas Molina
maganda ang story
goodnovel comment avatar
Anjz Paligutan
may ganito akong kwento na nabasa medyo may pg iba ng konti,pg etong kwento na to ay nagka amnesia c kath eto nga ung kwento n un,,tas magkakaanak cla ng kambal at puro pasakit ang mangyayare kay kath dahil kay margaret,,uto uto kc ung lalake paniwalain kay margaret yan nagkahiwalay tuloy cla ni kat
goodnovel comment avatar
Raquel Rodriguez
hayy naku ,cain,ayusin mo ang pakkisama mo kay kath kc aagawin sya ni luke sayo,gusto ko ung story ni writer kkakilig.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 339

    KUMUYOM ang kamay ni Cain sa galit sabay hampas sa table. “Nagawa nila akong isahan?! At papaniwalain na si Margaret ang bangkay na ‘yun?!”Napalunok ng laway si Joey, kinakabahan sa galit nito. “A-Anong gusto niyong gawin ko, Sir?”Naging madilim ang ekspresyon ni Cain habang ang kamay ay namumuti na dahil sa mahigpit na pagkakakuyom. “Ipahanap mo agad si Margaret… At ‘yung grupo? Kausapin mo ang leader nila, gusto ko ng paliwanag kung bakit niya ‘ko nagawang lokohin ng ganito sa tagal ng pinagsamahan namin.”Tumango si Joey bilang tugon saka lumabas ng opisina.Nang maiwan si Cain ay biglang sumagi sa isip niya ang asawa. Kaya kinuha niya ang phone saka ito tinawagan ngunit, hindi sumasagot kahit nakailang attempt na siya.Sa puntong iyon tuluyang kinabahan si Cain kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at lumabas ng opisina. “Lalabas lang ako saglit,” paalam niya pagdaan sa desk ni Joey.Nang makasakay sa elevator ay muli niyang tinawagan si Katherine. Ngunit ganoon pa rin, hindi i

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 338

    PAGLABAS sa elevator ay inaya ni Katherine ang kapatid na sa kanila na lang muna kumain.“Wala si Laura dahil hinatid niya si Tita pauwi sa kanila—“ Bigla siyang natigilan nang mapagtanto kung bakit babalik ang Ina ng kaibigan sa dati nitong tinitirhang bahay. “Now I get it! Dahil aalis ka kaya siya babalik.”Pasimpleng umubo si Sherwin sabay iwas ng tingin.“Ilang araw ka ba talagang mawawala?” panghuhuli niya pa sa kapatid.Napakamot ito sa mukha, hindi masabing mawawala siya ng mahigit-kumulang na isang buwan. Kaya upang takasan ang tanong ni Katherine ay nagkunwari siyang nagugutom. “Ano kayang niluto ni Ate Elma?”Napailing na lamang si Katherine saka sila pumasok sa condo. “Kahit kailan talaga…”Tumatakbo naman na lumapit si Shannon ng marinig ang pagbukas ng pinto. “Tito!”Sinalubong naman ito ni Sherwin sabay buhat. “Argh! Grabe, ang bigat,” biro niya sa bata.Ngunit sa halip na sumimangot ay natawa lang si Shannon. “’Cause, I’m big girl na, Tito, kaya mabigat na ‘ko,” paliwan

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 337

    MABILIS na pumikit si Katherine, hinanda ang sarili sa maaaring mangyari. Ngunit sa halip na maramdaman ang paglapat ng labi nito ay nabigla siya dahil sa pisngi dumampi kaya nagmulat siya ng mata.Natawa naman si Cain nang makita ang reaksyon nito.Natauhan si Katherine saka ito tinulak sabay tayo. “Aalis na ‘ko dahil ginagawa mo na lang akong katatawanan!”Umiling-iling si Cain saka mabilis na inabot ang magkabila nitong kamay. “No, hindi ko gagawin sa’yo ‘yun.”Nagpumiglas si Katherine, pilit binabawi ang kamay hanggang sa bigla siya nitong hinila at hinalikan sa labi. Kumabog nang malakas ang dibdib sa ginawa nito pero pilit pa rin binabawi ang kamay.“Sorry na, promise, hindi na ‘ko tatawa,” may halong paglalambing na sabi ni Cain. “Maupo ka muna, hmm?”Huminga nang malalim si Katherine, tuluyang sumuko dahil alam niyang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi nakukuha ang gusto. “Okay, bitawan mo muna ako.”Mabilis naman sinunod ni Cain ang utos pero nilipat lang niya ang kamay

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 336

    MAKALIPAS ang mahigit-kumulang na isang oras ay lumabas si Helen na nanghihina, tila matutumba at namumutla pa.“Tita!” gulat na sigaw ni Stella saka dali-dali itong inalalayan.Hawak naman ni Helen ang ulo saka mahinang sinabi ang, “Bakit ganito ang nararamdaman ko? Akala ko ba’y bubuti ang pakiramdam ko, hindi naman pala.”Inalalayan ito ni Stella pabalik sa kotse. “Baka dahil ito ang unang beses niyong magpa-hypnotherapy. Sigurado akong bubuti rin ang kalagayan niyo mamaya.”Hawak pa rin ni Helen ang ulo na kumikirot-kirot. “Mukhang kailangan kong uminom ng gamot.”Sa narinig ay agad naman kumilos ang assistant at binigay ang gamot nito. “Ito, Madam, inumin niyo.” Sabay bigay ng bottled water.Nakahinga naman ng maluwag si Helen matapos makainom. Pagkatapos ay sumandal na sa kinauupuan habang nakapikit, tila gustong matulog upang makapagpahinga.Matapos ay naging tahimik ang biyahe nila hanggang sa marating sa bahay. Muling inalalayan ni Stella ang Ginang papasok at paakyat ng hagd

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 335

    LUMABAS sa kotse si Helen at naglakad papasok sa company building, kasama ang assistant. Naroon siya upang bisitahin ang anak. Habang naglalakad patungo sa elevator ay napansin niya ang isang pigura na nauuna sa kanyang maglakad.May dala itong maliit na eco-bag at halatang nagmamadali kahit sa sophisticated nitong paglalakad. Napangiti siya dahil ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Stella.Ilang sandali pa ay nakasama niya itong mag-abang ng elevator.Lumingon si Stella at nabigla ng makita si Helen. “T-Tita!” Saka ito mabilis na niyakap sabay beso habang tinanguan ang kasama nitong assistant. “Pupuntahan niyo si Cain?”“Oo, ikaw rin ba?”Tumango si Stella. “May dala akong pagkain para sa kanya. Nabalitaan ko kasi ang nangyari kaya naisipan kong magluto para hindi siya laging nagsi-skip ng pagkain.” Lumawak ang ngiti niya ng sandaling iyon dahil kanina niya pa pinoproblema kung paano haharapin si Cain ng hindi agad napapalayas.Sumilay ang ngiti sa labi ni Helen, natutuwa tala

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 334

    NAPANGITI nang bahagya si Cain sa naging reaksyon nito. “Well… ‘yan ‘yung una. No’ng hindi pa kami nagkakahiwalay ng limang taon. Ngayon ay pinabago ko na naman.”“I-Ilang percent?” hindi napigilang itanong ni Sherwin sa sobrang pagkabigla.“Hundred?” patanong niya pa iyong sinabi kahit iyon naman talaga ang totoo. “Except sa mga properties na may kahati ako.”Muntik nang malukot ni Sherwin ang dokumento. Nanginginig siya sa galit. “Sa’n mo ‘to paggagamitan? At bakit sa’kin mo pa pinakita? Sa tingin mo ba’y magkaka-interes ako sa yaman mo?! O, kung babalik sa’yo ang kapatid ko sa oras na malaman niya ‘to?!”Umiling-iling si Cain. “Hindi gano’n ang intensyon ko, bayaw. Pinakita ko ‘yan sa’yo para sabihing seryoso ako kay Katherine. Handa kong ibigay sa kanya ang lahat. Ayoko man ‘tong sabihin pero hindi ko talaga kayo makumbinsi sa salita at gawa. Kahit anong gawin kong pagpapakita ng magandang intensyon kay Katherine ay ayaw niyong maniwala kaya pinakita ko ‘yan sa’yo. Ikaw ang pinaka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status