HINDI pa man nakakalayo ay may tumawag kay Chua, isa sa mga guest na pabalik na sa venue, "Sa'n kayo patutungo?" tanong pa ng Ginang habang nakatingin kay Katherine na gumegewang-gewang na ang ulo.Pagak na natawa si Chua, para itago ang kaba. "Ihahatid ko lamang si Miss Madrigal sa lounge."Ang ngiti sa labi ng Ginang ay naging kakaiba sa paningin ni Chua. Sa takot na mag-isip ito ng kung ano-ano tungkol sa kanya ay kinailangan pa niyang tawagin ang waiter na papasok sa loob habang may dalang tray."Ano 'yun, Sir?""Pakialalayan si Miss Madrigal, ihatid mo sa lounge," utos pa ni Chua."Saglit lang, Sir... Ihahatid ko lang 'to," saan naman ng waiter, tapos ay pumasok na sa loob.Hindi nagtagal ay sumunod na rin ang Ginang at naiwan si Chua na naiinis. "P*tang waiter. Sino siya para paghintayin ako?!" Saka pinakatitigan si Katherine na nangangalay at gusto ng maupo. "'Wag kang malikot kung ayaw mong bitawan kita," iritado niyang saway. Ilang sandali pa ay bumalik ang waiter. "Ako na--
SA HALIP na sumagot ay nagkibit-balikat lang si Cain. "Tara na, baka naghihintay na ang sasakyan sa baba." Saka ito tinalikuran.Nakaramdam ng pagsikip sa dibdib si Stella, dahil nasasaktan siya. Matagal na silang magkaibigan, magkasangga sa mga pagsubok pero bakit tila ang dami pa rin nitong hindi nasasabi o inililihim?Alam niyang wala siyang karapatan umakto ng ganito pero hindi lang talaga niya mapigilan makaramdam ng lungkot."May problema ba?" ani Cain ng mapansing hindi ito sumunod.Umiling-iling si Stella, gustong balewalain ang nararamdaman. Ngunit tao lang siya na marunong pagod... pagod sa paulit-ulit na pagbabalewala sa kanya. "Cain... pa'no ako?" at hindi na nga niya napigilang sabihin ang katanungang matagal ng gustong sabihin.Mga salitang may bahid ng sama ng loob. Dahil hindi na niya kayang tiisin pa ang lahat.Naguluhan si Cain. "Anong sinasabi mo?"Tumindi pa ang emosyong nararamdaman ni Stella na tila wala man lang itong kaide-ideya sa nangyayari. "Ako, Cain! Pa'no
SA PAGSIGAW na ginawa ni Margaret ay nabigla ito. Nang makita niya ang reaksyon ni Chua ay natauhan siya. "M-Mr. Chua... Sorry, hindi ko sinasadya. Mahalaga kasi sa'kin 'to." Saka ito nilambing-lambing at hinalikan pa ng makailang ulit sa pisngi nito. "Talaga bang wala kang magagawa? I'm sure, meron... Magsabi ka lang ng kahit ano at ibibigay ko sa'yo," mapang-akit niya pang bulong sa tenga nito.Napangiti naman si Chua, natutuwa sa ginagawa nito na muling nagpapataas ng kanyang lib*g. "Sige... sasabihin ko sa'yo na dalawa ang pinagpipilian na kunin. Ang H'Ours at ang Lilis."Tumalim ang tingin at kumuyom ang kamay ni Margaret sa narinig. Naiinis na magiging kakompitensya niya pa sa inaasam na tagumpay si Katherine. "B-Bakit naman ang Lilis? Marami naman ang worth it na matagal na sa industry.""Marami ang nagkainteres sa design kaya napili ito," ani Chua."Really...?" Saka hinaplos-haplos ang katawan nito. "'Di hamak naman na mas maganda ang design sa H'Ours, right?"Tila naman nahih
NGUMITI si Katherine, ngunit alam naman niya sa sariling hindi talaga siya masayang makita si Stella. Magkaganoon man ay nagkunwari siya. "Ahm... pasensiya na pero..." Saka tiningnan si Cain. Inaasahang ito na mismo ang magpapaliwanag ng lahat.Hanggang sa isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Cain saka binulungan ang kasama. Rumehistro naman ang pagkabigla sa mukha ni Stella na tinakpan pa sa sariling bibig."Naku, wala man lang akong kaalam-alam." Bakas ang awa sa mukha, matapos ay bigla na lamang hinawakan ang kamay ni Katherine. "Ang hirap siguro ng pinagdadaanan mo... Wala kang maalala--" bago pa man matapos ni Stella ang sasabihin ay bumukas na ang elevator at nagsilabasan ang mga tao hanggang sa silang tatlo na lamang ang natira.Tuloy, parang gustong lumabas ni Katherine. "Dapat pala sumabay na 'ko sa iba, kaysa maiwan dito," bubulong-bulong niya pang sabi habang unti-unting dumidistansiya sa dalawa. Nang saglit siyang lumingon ay napansin niyang nakatitig si Ste
NANG marinig ni Cain ang pangalan ng asawa ay agad niya itong hinanap sa paligid. At gaya nga ng sinabi ni Levi, naroon nga si Katherine, kasama ng dalawa pang babae."Sino 'yung kasama niya?" ani Levi. "Ipakilala mo naman ako, maganda 'yung katabi niya, e."Napailing si Jared. "Sa layo natin, napansin mo pa talaga 'yung kasama ni Katherine?""Lumilinaw ang paningin ko 'pag nakakakita ng maganda. So, anong pangalan?" Sabay baling sa kaibigan na hindi na naalis ang tingin kay Katherine."Laura ata ang pangalan," ani Cain."Wow, ang ganda ng name niya. Bagay kami, parehong 'L' ang simula," saad pa ni Levi, kulang na lang ay kumislap-kislap ang mga mata.Mayamaya pa ay naglalakad na palapit si Cain ng pigilan ni Levi. "'Wag mo nang lapitan, baka umalis pa 'pag nakita ka... Do'n na lang tayo maupo!" Sabay turo sa table na malapit sa grupo, tatlong table lang ang distansiya. Safe sila sa puwesto na iyon dahil may nakaharang na malalaking halaman bilang partition. Makikita lamang sila kung
TUMANGO-TANGO si Lian saka malungkot na ngumiti. "Sorry, kung kinailangan kitang lokohin, Sissy. Ilang beses kong sinubukan na aminin sa'yo ang totoo pero kailangan ko talagang mag-ingat na hindi malaman ni Jared na buhay pa 'ko."Hinawakan ni Katherine ang kamay nito. "Naiintindihan ko naman pero pa'no na ngayon? Hindi ka ba nag-aalala na malaman ni Jared?""Kaya ko na siyang labanan, hindi na niya ako mapapaikot-ikot pa sa marumi niyang kamay. Dahil hindi na 'ko ang dating Lian."Napangiti si Katherine saka muling niyakap ang kaibigan. "Mabuti at nahanap mo 'ko kahit na nagtatago rin ako noon kay Cain.""Dahil sa tulong ni Brian. Nasabi niya sa'king nakita ka niya sa ospital. Kaya simula noon ay inaalam ko na ang nangyayari sa'yo habang nagpapalakas."Naiiyak na naman muli si Katherine, hindi pa gaanong nagsi-sink in ang lahat kaya medyo emotional pa. Hanggang sa napagpasiyahan niyang ipakilala ng maayos ang dalawang kaibigan sa isa't isa, "Siya nga pala, hindi ko pa kayo gaanong na