Share

Chapter 382

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-09-12 22:05:57

BAHAGYANG umusog mula sa pagkakaupo si Joey saka nagsalita, “Pero, Sir, kung hindi niyo tatanggapin ang posisyon… pa’no kayo makakabalik kung may nakaupo na as our President…?”

Tiningnan ito ni Cain saka sumagot, “Naisip kong hindi lahat ay tungkol sa posisyon na ‘yan. Pwede naman akong bumalik sa mababang posisyon–” Saka napangiti. “Tutal, kung pagbabasihan ang shares ng kompanya, mananatiling ako pa rin ang may pinakamataas.”

Umangat ang gilid ng labi ni Joey saka napatango. “Pero, Sir… kung gagawin niyo ‘yan, mas mataas na ang posisyon ko sa inyo? Kayo mananatiling ordinary employee habang–”

“Are you challenging me? Baka nakakalimutan mong kaya pa rin kitang sesantihin ‘pag gusto ko.”

Pagak na natawa si Joey hanggang sa maubo. “Nagbibiro lang naman ako, Sir, kayo naman.” Tapos ay napakamot sa likod ng ulo.

Natawa na lang din si Cain saka muli itong pinaalalahanan na maghanda para sa meeting sa mga susunod na araw.

“Okay, Sir.” Matapos ay tumayo na ito at nagpasiya nang umalis. “Hin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Irene Atienza
more updates please author tnk u
goodnovel comment avatar
OBR
more romance please for cain and katherine...ty
goodnovel comment avatar
lopezavon2
more pa po please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 386

    MABILIS lumipas ang mga araw, mag-iisang linggo na si Cain sa kompanya bilang department head. Dahil hindi niya tinanggap ang posisyon bilang CEO ay bumaba ang puwesto niya dahil hindi na rin siya makababalik bilang President dahil may bago nang naitalaga.Nakakapanghinayang dahil ganoong trabaho ang kanyang nakasanayan ngunit unti-unti na rin niyang nagugustuhan kung nasaan siya ngayon.Hindi niya kailangan na mag-overtime dahil sa tambak na trabaho. Wala pang secretary na mangungulit sa kanya, maya’t mayang papasok sa opisina para tanungin kung tapos na ba niya ang trabaho.Saka… gusto niya ang bagong environment, hindi laging si Joey ang nakakausap dahil marami siyang kasama. Nai-enjoy niya ang ingay sa paligid, mga nagkukuwentuhang empleyado at kapag may mga okasyon ay madalas siyang ini-invite.Tuwing break, inaaya siya sa pantry at paminsan-minsan na nakakakuwentuhan ang ibang empleyado.May mga ilag pa rin naman sa kanya dahil sa dating posisyon at hindi lingid sa kaalaman ng l

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 385

    ANG NAIS din naman ni Lian ay makasama ito sa lahat ng oras. Ngunit, ang selfish naman kung ang pansariling kagustuhan na lamang ang ipaiiral.Alam niyang maliban sa kanya at sa anak ay may iba pa itong obligasyon.Matapos ang pinagsaluhang halik ay muli siyang ngumiti. “Sa susunod na may mangyaring ganito… ‘wag mo iwan ang trabaho mo, okay? ‘Pag sinabi kong, okay lang ako– Totoo ang sinasabi ko, hindi ako magsisinungaling kaya ‘di mo kailangan na mag-alala nang husto. Importante ang trabaho mo, maraming umaasa sa’yo.”“Mas mahalaga ka kaysa sa kahit na sino at kahit na anong bagay. Wala akong pakialam sa kompanya pero pagdating sa’yo– handa kong isugal ang lahat,” ani Jared.May namuong luha sa mga mata ni Lian, sobra siyang naantig sa sinabi nito sa puntong naging emosyonal siya. “S-Sige na nga… pagdating talaga sa’yo, ‘di ako mananalo.”Ngumiti si Jared. “Hindi talaga kaya ‘pag sinabi kong magpahinga ka lang at ‘wag masiyadong magkikilos ay gawin mo. Sa tingin mo ba’y hindi ko alam

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 384

    NAUNANG dumating si Yohan sa restaurant kung saan nila napag-usapan ng pamangkin na magkikita. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit hindi niya ito makita. “Nasa’n na ba ‘yun, ba’t wala pa rito?” aniya habang nakatingin sa suot na relo.Matapos ay hinatid siya ng waiter patungo sa bakanteng table, malapit sa bintana. Saka ito nagbigay ng menu ngunit wala pa siyang balak na umorder hangga’t hindi pa dumarating si Cain. “Pwedeng mamaya na lang? May hinihintay pa kasi ako.”“Okay, Sir,” sagot ng waiter saka muling kinuha ang menu at umalis.Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si Cain, huli ng limang minuto. Pagkaupo nito ay nagsalita si Yohan, “Ikaw ‘tong gustong makipag-usap pero ikaw pa ‘tong late.”Umismid si Cain, isinandal ang katawan sa upuan. “Ang aga mo naman manermon, Uncle. Nagmamadali rin naman ako at magpupunta pa sa kompanya.”Nagtaas ng kilay si Yohan, bakas ang pagtataka sa mukha. “Ano? Hindi ba’t inalis ka na sa posisyon? Ano pang pupuntahan mo ro’n?”Napaismid si

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 383

    NAPAHAGIKHIK ng tawa si Katherine lalo pang hinigpitan ang yakap sa batok nito. Nagtitigan sila ng ilang sandali habang may munting ngiti sa labi.Pinagdikit ni Cain ang noo nilang dalawa saka pinagmasdan, may halong lambing at pagnanasa ang magandang mukha ng asawa.Hindi nila alintana ang lagaslas ng tubig na bumabasa sa kanila at muli na namang inangkin ang labi ng isa’t isa. Mapusok at mapaghanap at lalong lumalalim ang halik na kanilang pinagsasaluhan.Humakbang si Cain at isinandal ang asawa sa pader na ikinadaing ni Katherine, nagustuhan ang lamig na ibinibigay ng tiles sa balat na nag-iinit.Lalong pinagbuti ni Cain ang paghalik at pagmasahe ng kamay niya sa bewang at puw*tan nitong pinanggigigilan na niya, pinipisil-pisil. Makalipas ang ilang sandali ay hawak na niya ang garterized pants, unti-unting ibinababa.Ngunit may ibang plano si Katherine. Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at tiningnan ito. “Wait,” aniya kaya huminto si Cain, bakas ang pagtataka sa mukha.Bumaba si

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 382

    BAHAGYANG umusog mula sa pagkakaupo si Joey saka nagsalita, “Pero, Sir, kung hindi niyo tatanggapin ang posisyon… pa’no kayo makakabalik kung may nakaupo na as our President…?”Tiningnan ito ni Cain saka sumagot, “Naisip kong hindi lahat ay tungkol sa posisyon na ‘yan. Pwede naman akong bumalik sa mababang posisyon–” Saka napangiti. “Tutal, kung pagbabasihan ang shares ng kompanya, mananatiling ako pa rin ang may pinakamataas.”Umangat ang gilid ng labi ni Joey saka napatango. “Pero, Sir… kung gagawin niyo ‘yan, mas mataas na ang posisyon ko sa inyo? Kayo mananatiling ordinary employee habang–”“Are you challenging me? Baka nakakalimutan mong kaya pa rin kitang sesantihin ‘pag gusto ko.”Pagak na natawa si Joey hanggang sa maubo. “Nagbibiro lang naman ako, Sir, kayo naman.” Tapos ay napakamot sa likod ng ulo.Natawa na lang din si Cain saka muli itong pinaalalahanan na maghanda para sa meeting sa mga susunod na araw.“Okay, Sir.” Matapos ay tumayo na ito at nagpasiya nang umalis. “Hin

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 381

    BINAWI ni Helen ang brasong may namumuong pasa saka itinago sa mahabang manggas ng damit. “Wala lang ‘to, hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya. Nagkapasa lang dahil–”“‘Mmy, naman! Ba’t niyo pa siya pinagtatanggol?” may sama ng loob na sabi ni Cain.“Iyon naman ang totoo, hinawakan niya ako pero hindi gano’n kahigpit. Alam mo naman na sakitin ako, kaunting hawak lang nagkakapasa na agad,” paliwanag ni Helen.Huminga nang malalim si Cain, kinalma ang sarili. “Sorry,” paghingi niya ng paumanhin matapos magtaas ng boses.Ngumiti naman si Helen saka hinawakan ang kamay ng anak. “Anong gagawin mo, haharapin mo ba si Marcial?”Umiling-iling si Cain. “I don’t know, hindi pa ‘yan ang priority ko ngayon.”Mataman tinitigan ni Helen ang anak saka nagkomento. “Sa totoo lang, kahit naaawa ako sa ama mo… Panahon na rin siguro na pagbayaran niya lahat ng mga kasalanang ginawa.”Nagbaba ng tingin si Cain, hindi na nagkomento sa sinabi ng ina kahit sang-ayon siya.Matapos nilang pag-usapan si M

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status