Share

Chapter 298

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-06-19 22:10:38

PALIHIM na nagtungo si Katherine sa dressing room kung saan naroon si Mrs. Chua, naghihintay nang tawagin para humarap sa camera at mga nag-aabang na reporter.

Habang wala pang katao-tao at nagbabantay sa labas ay lumapit siya sa pinto at kumatok.

Walang sagot kaya kumatok muli siya.

"Bukas 'yan, tuloy."

Walang sinayang na pagkakataon si Katherine at agad na pumasok sabay lock sa pinto. Nakaharap ito sa salamin ng bigla na lamang lumingon matapos mapansin ang repleksyon niya.

"W-Who are you?!"

Natigilan siya nang matitigan ito. Ang inaasahan niya ay ang asawa ni Mr. Chua pero ibang babae ang kaharap niya ngayon, mas bata at tila kaedad niya lang. "S-Si Mrs. Chua?"

"I am," saad pa ni Nancy.

Napakunot-noo si Katherine. Nakita na niya sa picture ang asawa kaya alam niyang hindi ito... hanggang sa may napagtanto. "So... ikaw 'yung Mistress?"

Napasinghap kasabay ng pagkabigla ang naging reaksyon ni Nancy. "Hiwalay na sila ng una kaya ako na ang asawa niya!" singhal niya. "Sino ka ba, anong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenine Lovely Macario
yung alam mo na yung susunod na mangyayari ...
goodnovel comment avatar
Rina Arca Sarito
hanggang dulo talaga hindi nawala c Margaret sa kwento khit taon na lumipas ,cguro yung babae ni Jared n c Shena babalik din kasi c lian buhay na eh,ibahin mo nman author pabalik balik naman
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 352

    NAPASANDAL si Lian sa pinto matapos makapasok sa apartment. Tumulala siya ng ilang segundo bago ngumiti. Hinawakan ang sarili at dinama ang pintig ng puso.Sa lumipas na mga taon ay ngayon na lamang niya naramdaman ang ganitong kapanatagan. Tila may naalis na malaking tinik sa dibdib matapos nilang makapag-usap ni Jared.Naroon pa rin naman ang pangamba at takot ngunit nabawasan na.Pagkatapos…May pumatak na luha sa gilid ng mga mata. Napahawak siya roon at nagtaka… hanggang sa bumuhos na ang luha. “B-Bakit ako umiiyak?” tanong niya sa sarili.Naguguluhan siya, hindi niya dapat ito maramdaman ngunit hindi niya makontrol.Makailang beses niyang pinunasan ang luha ngunit tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos. “Ano ba… t-tumigil ka na!” inis niyang saway sa sarili habang humahagulgol.Dumausdos siya sa pinto saka niyakap ang tuhod. Makailang ulit na hinihilot ang dibdib dahil nahihirapan ng huminga sa sobrang pag-iyak.Makalipas ang ilang sandali ay humupa na rin ang nararamdaman saka tumayo a

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 351

    HUMIWALAY bigla sa yakap si Jared saka ito tiningnan na may pagtataka. “M-May sakit ka? ‘Wag mo sabihing…”Tumango-tango si Lian. “Dala-dala ko pa rin ang sakit na kumitil sa buhay ng dinadala kong sanggol noon. Dahil sa kapabayaan–”“Shhh… ‘wag mong sabihin ‘yan. Alam natin pareho na ako ang may kasalanan kaya siya nawala. Nagpalamon sa galit ko sa’yo noon. Naging halimaw ako kaya kita nasaktan. Pero ngayon, babawi na ako.”Umiling-iling si Lian. “‘Wag… walang kasiguraduhan kung hanggang kailan na lang ang itatagal ko. Nakadepende na lamang ako sa gamot na iniinom ko.”Hinawakan ni Jared ang pisngi nitong nanlalamig. “Gagawa ako ng paraan. Hindi ko h-hahayaang…” pumiyok siya kaya hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin. Masikip sa dibdib at naiiyak siya. Baka kapag pinagpatuloy niya pa ay tuluyan na siyang mag-breakdown sa harap nito.At ayaw niya iyong mangyari dahil dapat siya ang matatag sa kanilang dalawa. Siya itong dapat maging matapang sa lahat ng oras. Maging lakas ni Lian

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 350

    NATAMEME at hindi na magawang makapagsalita ni Kathleen dahil wala naman siyang kaide-ideya na may sakit pala ito. Napakurap-kurap siya at lumikot ang mga mata, naghahanap ng masasabi pero sa huli ay kinagat na lamang ang ibabang labi. “H-Hindi ko alam, sorry.”Huminga nang malalim si Lian. “Naiintindihan ko naman ang reaksyon mo… Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon mo, baka magtaray rin ako.”“Alam ba ni Bry-Bry?”Tumango si Lian. “Dati siyang naging Doctor ko at sa kanya ako lumalapit kapag nahihirapan ako sa sakit ko.”“Kung gano’n…?”Tumango-tango si Lian. “Alam niya ang sitwasyon ko pero gusto niya pa rin ako. Ayokong masayang ang oras niya sa’kin. Isang karapat-dapat at malusog na babae ang dapat niyang mahalin,” matapos iyong sabihin ay nilagpasan niya ito at bumalik na sa table na parang walang nangyari.Ganoon din ang ginawa ni Kathleen na nanahimik na lamang sa tabi ng pinsan.Habang si Jared naman ay nagpapalipat ang tingin sa dalawang babae pero tumagal ang titig k

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 349

    NAHIRAPAN si Lian na sagutin ang tanong nito dahil nilalamon siya ng guilt matapos magsinungaling at mahuli sa akto.“Akala ko ba’y overtime ka?” ani Brian, mahihimigan ang pagkadismaya sa boses.Pagkarinig ni Jared sa sinabi nito ay natawa siya saka ito tiningnan na parang nang-aasar.Nang walang ano-ano ay may lumapit na babae, ikinawit ang kamay sa braso ni Brian. “Bry-Bry, nakahanap ka na ng table?” malambing pa nitong sabi.Napakunot-noo si Lian dahil ito ang unang beses na makita niya ang babae.Bakas ang pagtataka sa mukha nito at nagpalipat-lipat pa ang tingin kay Brian at Lian. “Do you know her, Bry-Bry?”Hindi agad sumagot si Brian dahil nakatuon ang atensyon niya sa mukha ni Lian. Gusto niyang makita itong magselos.Ngunit hindi iyon nangyari, walang mababakasan na emosyon sa mukha nito. Dismayado kaya pinakilala na lamang niya ang kasamang babae, “Si Kathleen nga pala, pinsan ko.”Tumango-tango naman si Lian. “Nice meeting you, I’m Lian,” aniya sa pinsan ng kaibigan.Nanin

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 348

    NANG marinig iyon ni Adrian ay humigpit ang hawak niya sa bewang ni Stella. Iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. “Don’t worry, hindi ka mapapa’no. Sinisiguro ko ‘yan,” aniya saka hinalikan ang tuktok ng ulo nito.Si Stella naman na nanatiling nakahiga sa katawan nito ay napangiti. Sa simpleng pang-uuto at pagmamanipula ay makukuha na niya ang gusto.At sa oras na mawala sa landas si Margaret ay siya na mismo ang gagawa ng paraan kay Katherine. Hindi na niya iaasa sa ibang tao ang trabaho dahil baka pumalpak na naman. “Talaga?” tanong niya naninigurado.Tumango ang binata habang inaayos ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito. “Ako nang bahala kay Margaret.”“Thank you!” sobrang tuwa ni Stella.Hinaplos-haplos ni Adrian ang likod ng ulo nito. “Bumangon muna tayo at baka madumihan ka.” Matapos ay saka ito inalalayan na makatayo. Niyakap niya ito sa bewang dahil natutumba. Tatawa-tawa naman ang dalaga, ang buong bigat ay nasa kanya na. “Maupo ka muna.” Saka ito binalik sa

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 347

    NAMIMILOG ang mga mata habang napapakurap si Shannon. Naiintindihan naman niya ang sinasabi ng Ina ngunit naguguluhan pa rin. “Si tito Cain, Daddy ko?”Tumango si Katherine, hinaplos ang tuktok ng ulo ng anak pababa sa malambot nitong pisngi. “Siya ang totoo mong Ama.” Saka pinunasan ang gilid ng mata matapos maluha.Sumilay ay magandang ngiti ni Shannon. “Daddy ko na siya ngayon?! Can I really call him Daddy?” Matapos ay nagtatatalon sa sobrang tuwa. “Yehey!”Hinawakan ni Katherine ang anak nang muntik nang mahulog saka siya natawa. “Gustong-gusto mo talaga siya?”Eksaheradang tumango ang bata. “I love him!”Napakurap si Katherine saka bahagyang tumalikod upang punasan ang tumakas na luha sa mga mata. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng anak. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang pagkakamali nang ipagkait kay Shannon na makilala ang totoo nitong Ama.Matapos mapunasan ang luha ay muli siyang humarap sa anak ng nakangiti. Ngunit nang titigan ng anak ay tuluyan ng bumuhos ang emosyo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status