NGUMITI nang malawak si Margaret matapos magtagpo ang tingin nilang dalawa ni Nancy. Maisasakatuparan na niya ang planong pabagsakin ang Lilis, lalo na si Katherine.Para wala na siyang kakumpetensiya pa sa negosyo lalo na kay Cain... Oo, sa kabila ng lahat ay hindi pa rin niya ito sinusukuan."Pinahiya mo 'ko sa harap ng kliyente ko, sisiguraduhin ko rin na mapapahiya ka sa buong bansa," bubulong-bulong niya pang wika habang pinapanuod si Nancy na naluluha at impress sa galing nitong umarte para lang magmukhang dehado. "Katapusan mo na ngayon, Katherine.""Tawag mo 'ko?"Bigla siyang napalingon sa babaeng paupo na sa kanyang tabi. Sa labis na pagkabigla ay muntik pa siyang malaglag sa kinauupuan. "A-Anong ginagawa mo rito?!" pigil ang paghiyaw niya upang walang makapansin sa kanila. Hindi niya gustong mabaling sa kanila ang atensyon ng mga reporter na nakaupo lang sa unahan."Why, I'm not allowed here? Gusto kong panuorin ang press conference tungkol sa'kin, mas exciting ang gano'n."
PALIHIM na nagtungo si Katherine sa dressing room kung saan naroon si Mrs. Chua, naghihintay nang tawagin para humarap sa camera at mga nag-aabang na reporter.Habang wala pang katao-tao at nagbabantay sa labas ay lumapit siya sa pinto at kumatok.Walang sagot kaya kumatok muli siya."Bukas 'yan, tuloy."Walang sinayang na pagkakataon si Katherine at agad na pumasok sabay lock sa pinto. Nakaharap ito sa salamin ng bigla na lamang lumingon matapos mapansin ang repleksyon niya."W-Who are you?!"Natigilan siya nang matitigan ito. Ang inaasahan niya ay ang asawa ni Mr. Chua pero ibang babae ang kaharap niya ngayon, mas bata at tila kaedad niya lang. "S-Si Mrs. Chua?""I am," saad pa ni Nancy.Napakunot-noo si Katherine. Nakita na niya sa picture ang asawa kaya alam niyang hindi ito... hanggang sa may napagtanto. "So... ikaw 'yung Mistress?"Napasinghap kasabay ng pagkabigla ang naging reaksyon ni Nancy. "Hiwalay na sila ng una kaya ako na ang asawa niya!" singhal niya. "Sino ka ba, anong
PAGBUKAS ng elevator ay agad na lumabas si Lian, dahil hindi niya gustong manatili pa sa loob kasama ni Jared. Pakiramdam niya, ano man sandali ay may gagawin itong hindi maganda.Sumunod rin naman ito sa kanya hanggang sa napagpasiyahang mag-usap na lamang sa dulong bahagi ng pasilyo, iyong hindi masiyadong dinadaanan ng mga tao."May sasabihin ka, 'di ba?" Saka ito nilingon at humalukipkip pa sa harap nito.Tumulala naman si Jared, sinusulit ang pagkakataon na matititigan niya ito sa malapitan.Hanggang sa pumitik si Lian. "Ano na? Magsasalita ka or what?"Nabalik naman sa wisyo si Jared saka humakbang palapit, gusto itong mahawakang muli."Oppss, diyan ka lang. 'Wag kang lalapit," saad pa ni Lian."Ba't ngayon ka lang bumalik? How have you been in the past year?""'Yan lang ang sasabihin mo? Well, I'm good. Sobrang ganda ng buhay ko."Tumango-tango si Jared saka nagbaba ng tingin, panatag sa narinig. At least, naging maganda naman ang buhay nito, iyon lang ang mahalaga sa kanya."O
NAGSUKATAN ng matalim na tingin ang dalawang magkaibigan. Nakakuyom at naka-amba na ang kamay ni Cain pero nagpigil siya. Natauhan na hindi dapat pairalin ang init ng ulo."Ano, hanggang dito na lang ba tayo? Bira!" hamon pa ni Jared.Napatiim-bagang naman si Cain. "'Wag mong sasagarin ang pasensiya ko.""Tumigil na nga kayong dalawa!" hiyaw ni Levi. "Jared, jusko naman, Pare. Kumalma ka naman, tinatakot mo sila Katherine!"Dahil nagtatalo pa ang tatlo ay sinamantala naman ni Katherine ang pagkakataon, hinawakan ang kamay ni Lian saka ito hinila para makaalis na sila.Nang mapansin ni Jared na lalabas ang dalawang babae ay bigla siyang kinabahan. "Tabi, kakausapin ko lang siya!" aniya kay Cain, pilit itong tinutulak. "Lian, sandali lang!"Tumigil si Lian, kahit nagbukas na ang elevator ay nanatili siya na ipinagtaka ni Katherine. "Tara na, 'Gail," aniya sabay hila sa kamay nito.Umiling si Lian, kung aalis siya ngayon ay parang wala rin nagbago. Kailangan niyang harapin si Jared, pina
PAGPASOK nina Katherine at Lian sa gusali ay magkakasunod naman na dumating ang kotse ng tatlong magkakaibigan na sina Cain, Levi at Jared.May mangilan-ngilang tao sa labas na gaya nila ay nais na masaksihan ang gaganapin na press conference.Nahuhuling maglakad si Cain ng sandaling iyon, sinusuri ang paligid."Hoy, ano pang hinihintay mo riyan?!" sigaw ni Levi. "Bilisan mo at baka magsimula na sila.""Hayaan mo lang, baka hinahanap niya si Katherine," saad naman ni Jared.Ilang sandali pa ay sumunod si Cain nang hindi niya makita sa paligid ang asawa. Pero pagpasok sa loob ay ito agad ang kanyang napansin. Akmang lalapit siya nang siniko ni Levi. "Si Katherine 'yun, tama?" Kahit nakatalikod ay nakilala niya agad ito. "Sino 'yung kasama niyang babae? Grabe, pulang-pula." Sabay tawa."I don't know, ngayon ko lang din siya nakita," ani Cain.Lumikha ng gesture si Levi, animo ay hinuhugis ang hubog ng katawan ng babaeng nakapula. "Wow, ang sexy--" Saka muling kinalabit ang kaibigan. "Sa
NAPATIIM-BAGANG si Daniel, naiinis sa kayabangan nito kaya sa halip na umatras ay mas lalong gusto niyang makipagkumpetensiya. "Ako ang kasama ni Katherine kaya ako nang maghahatid sa kanila pauwi."Tinaasan ito ng kilay ni Cain, tapos ay tiningnan ang asawa. "Okay," aniya saka ipinasa ang bata pero biglang hinigpitan ni Shannon ang yakap sa kanyang leeg."No!" hiyaw pa ng bata. "Sama ako sa'yo."Sumilay ang nakakalokong ngiti ni Cain, siya ang nagwagi sa bata. Mas gusto siya ng anak ni Katherine kumpara kay Daniel."Sha-Sha, may iba pang gagawin si tito Cain mo," mahinahong saway ni Katherine.Ngunit ayaw talaga ng bata na bumitaw, kulang na nga lang ay umiyak huwag lang mahiwalay kay Cain.Napahawak si Katherine sa noo habang nakapamewang, halatang namomroblema ang anak."Kung... sa'kin na lang kaya sumama si Sha-Sha? Tapos sundan niyo na lang ang sasakyan," suhestiyon pa ni Cain.Siyempre, sinabi niya iyon para sa kanya sumama si Katherine. Kilala niya ang asawa, alam niyang hindi