Share

Chapter 2

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2024-09-11 19:35:04

MAHINANG pisil sa balikat ang nagpabalik kay Katherine sa kamalayan. Matapos ay nilingon ang katabing si Cain.

"Kanina ka pa tulala," anito.

Bago pa makapagsalita ay agad na siyang hinalikan sa labi sabay bangon nito sa kama at nagtungo sa banyo na hubo't hubad.

Sinundan lang ito ng tingin ni Katherine saka muling sumagi sa isip ang sinabi sa kanya ng doctor kahapon matapos magtungo sa ospital.

"Congratulations, Ms. Garcia... you're pregnant."

Maganda mang balita at tunay na masaya si Katherine sa pagbubuntis ay hindi niya maiwasang mabahala.

Sa loob ng dalawang taon. Simula ng magpresenta siyang contractual wife ni Cain ay hindi sila nagmintis na maging maingat at laging gumagamit ng proteksyon.

Isang beses lang hindi gumamit si Cain at noong nakaraang buwan iyon matapos dumalo sa isang selebrasyon na may kinalaman sa kompanya.

Hindi niya akalaing ang isang gabing iyon ay agad na magbubunga. Ngayon ay pinag-iisipan ni Katherine kung sasabihin niya ba sa asawa o hindi ang pagdadalang-tao.

Wala sa kontrata nila ang magbuntis siya. At hindi niya alam kung ikatutuwa ba ni Cain na magkakaroon na ito ng anak mula sa kanya.

Legal man siyang asawa... pero hindi maipagkakaila na pinakasalan lang siya para sa mana at posisyon. Hindi nagbago ang pakikitungo ni Cain sa kanya sa umpisa pa lang. Mananatili siyang sekretarya hanggang makapagdesisyon nitong tapusin ang pinirmahan nilang contract marriage.

Bumangon sa kama ang pawisan na si Katherine upang kunin sa drawer ang itinagong sonogram ng batang dinadala. Ilang segundo niyang tinitigan ang litrato hanggang sa napagdesisyunang sabihin na kay Cain ang totoo.

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng banyo. Palabas na ang asawa at bago pa makapagsalita si Katherine ay bigla namang tumunog ang cellphone nito.

Mabilis na sinagot ni Cain ang tawag saka nagtungo sa balcony upang doon kausapin ang caller.

Kunot-noo'ng sinundan ito ng tingin ni Katherine. Maghahatinggabi na pero meron pa rin tumatawag?

Ilang sandali pa ay bumalik ito sa kwarto at nagmamadaling magbihis. Saglit na lumingon si Cain. "Aalis ako, matulog ka na lang nang maaga."

"Pero malalim na ang gabi, sa'n ka pupunta?"

Lumapit naman si Cain matapos magbihis at sandaling pinisil-pisil ang earlobe ni Katherine, paraan niya para lambingin ito. Matapos ay dinampian ito ng halik sa labi. "May importante lang akong pupuntahan." Pagkatapos ay kinuha lang ang wallet at susi ng kotse saka tuluyang umalis.

Si Katherine na ninanamnam pa ang halik ay agad natauhan at mabilis itong hinabol na kumot lang ang bumabalot sa hubad na katawan.

"S-Sandali lang, Cain!"

"Bakit?" anito matapos lumingon.

Nablangko si Katherine at tuluyang nawala sa isip ang nais sabihin. "A-Ano... pwede mo ba akong samahan sa... ospital, dalawin natin si Lola," aniya.

"Bukas na lang natin 'to pag-usapan at nagmamadali na 'ko."

Sa isang iglap ay tuluyang naglaho sa paningin ang asawa. Nagsisising hindi man lang nasabi ni Katherine ang pagbubuntis.

Bigo at bagsak ang balikat niyang bumalik sa kwarto para maligo. Ngunit kahit anong gawin niya, papaling-paling ng puwesto sa kama ay hindi siya madalaw-dalaw ng antok.

Sa huli ay napagpasiyahang bumangon at magtimpla ng gatas. Baka sakaling tuluyan siyang makatulog.

Pagbalik sa kwarto ay tiningnan niya muna sa tablet ang schedule ni Cain para bukas. Nakaugalian din niyang tingnan kung may balita o article ba tungkol sa asawa, mapa-good news o bad news man.

Ngunit isang hindi inaasahang balita ang sa kanya ay bumungad.

Bumalik na sa bansa si Margaret, ang dating nobya ni Cain, na ngayon ay isang sikat na designer sa ibang bansa.

Nakuhanan ito ng litrato na papaalis ng airport na may kasamang lalake, ngunit hindi pinangalanan at blurred rin ang kuha.

Ngunit kahit hindi malinaw ang litrato ng naturang lalake sa article ay hindi maaaring magkamali si Katherine. Kilalang-kilala niya kung sino ito... walang iba kundi si Cain.

Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa puso, na kaya pala nagmamadali ang asawa'ng umalis kanina ay dahil bumalik na ang babaeng tinatangi nito.

Nakaramdam siya ng takot at kaba sa pagdating ni Margaret. Paano kung muling magkabalikan ang dalawa?

Ano na ang mangyayari sa kanya? Matatapos na ba ang kasunduan sa kanilang dalawa ni Cain? Tuluyan na ba silang maghihiwalay?

Nanginginig ang kamay niyang tinawagan ang numero ng asawa.

"Hello--" aniya nang matigilan dahil magkasabay silang nagsalita ng tao sa kabilang linya.

Ngunit sa halip na boses ni Cain ang marinig ay boses ng isang babae ang sumagot.

Mas lalong sumidhi ang nararamdaman niyang kaba sa mga sandaling iyon sanhi upang bumaliktad ang kanyang sikmura. Mabilis siyang nagtungo sa banyo at sumuka. Matapos ay lupaypay ang katawan niya sa pagod. Hindi na rin niya namalayan kung paano nakabalik sa kama at nakatulog.

Nang magising ay maliwanag na. Kahit nanghihina pa ang katawan ay hindi pwedeng balewalain ang trabaho.

Isang panibagong araw upang makipagbakbakan hindi lang sa sandamakmak na gawain maging sa mga kapwa empleyadong masama ang tingin sa kanya.

Sa loob ng dalawang taon ay hindi na mawala-wala sa espekulasyon ng mga ito na hindi lang siya isang simpleng sekretarya ng Presidente ng kompanya.

May naririnig siyang kuwento na matagal na niyang inaakit si Cain o hindi kaya ay nagpapagamit bilang parausan. Dahil lang sa siya ang nag-iisang sekretaryang babae na natanggap at nagtagal sa trabaho. Masakit marinig ang mga ganoong kuwento pero tiniis iyon ni Katherine.

"Good morning," bati ni Joey, ang assistant ni Cain.

Pagkaisahan man siya ng mga empleyado sa kompanya. At least, si Joey, kahit hindi sila gaanong malapit sa isa't isa ay alam nito kung ano siya sa buhay ni Cain.

"Good morning, Assistant Joey," aniya saka naupo sa sariling desk sabay sulyap sa opisina ng Presidente. "Dumating na ba si Mr. President?"

Kunot-noo'ng tumango ang assistant na nginitian lang niya. Marahil ay nagtataka ito kung bakit siya nagtatanong gayong sila ang mag-asawa ni Cain at nakatira sa iisang bubong.

Mayamaya pa ay may lumapit na empleyado. "Pakibigay naman ito kay Mr. President."

Tumango sabay tayo sa kinauupuan si Katherine upang ibigay kay Cain ang dokumento. Ngunit bago kumatok ay napansin niyang bahagyang bukas ang pinto at may naririnig siyang ingay mula sa loob.

Mukhang may kasama at kausap si Cain. Inilapit niya ang tenga sa pinto upang marinig kung ano ang pinag-uusapan sa loob.

"May nakakatuwang article akong nabasa kaninang umaga. Umamin ka nga, Cain... ikaw 'yung kasama ni Margaret kagabi, 'di ba?"

Sa boses pa lang ay nakikilala na ito ni Katherine. Si Levi, isa sa mga kaibigan ng asawa.

"Ako nga."

Biglang tumawa si Levi. "Buong gabi kayong magkasama? Wow! Pa'no ang asawa mo?"

"Hinaan mo nga ang boses mo't baka may ibang makarinig," saway ni Cain.

"Okay, my bad. Pero, ngayong bumalik na si Margaret ano nang sunod na mangyayari? Hihiwalayan mo ba si-- I mean, 'yung babae?" pigil ni Levi na banggitin si Katherine.

Nang hindi sumagot si Cain ay nagpatuloy pa si Levi. "Umamin ka nga... sa loob ng dalawang taon. Nagustuhan mo na rin siya, 'no?"

Katahimikan muli ang namayani sa loob ng opisina. Si Katherine na kanina pa nakikinig ay gustong marinig ang sagot ng asawa.

Hanggang sa bigla na lamang bumukas ang pinto at bumungad sa kanyang harapan si Levi at pareho pa silang nagkagulatan.

"Katherine?!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Weng Cerro
...️...️...️...️...️...️...️
goodnovel comment avatar
Weng Cerro
...️...️...️...️...️...️...️
goodnovel comment avatar
Gie Gaddi Calpo
Sana hindi mahirap I labas ang mga susunod na chapters lalo at sa ads lang Ako umasa.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Epilogue

    ISANG ORAS na ang lumipas simula nang umalis si Jude, pero nananatiling tahimik sina Laura at Sherwin habang magkatabi sa upuan. Walang nagsasalita at parehong mabigat ang loob sa nangyari.Hanggang sa lumapit si Juliet mula sa kusina, may dalang pagkain para sa dalawa. “Kumain muna kayo, lalo ka na Sherwin at malayo pa ang biniyahe mo.”Nagpasalamat si Sherwin at nagsimulang kumain, pero si Laura ay halos hindi makagalaw. Maya’t maya ay napapahinto, kapag sumasagi sa isip ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Jude.Hanggang sa hindi na niya napigilan na muling maging emosyonal.Agad naman dumampi ang kamay ni Sherwin sa likod nito, marahan ang haplos. “Huwag kang umiyak,” mahinang bulong niya. “Baka makasama sa bata.”Matapos niya iyong sabihin ay tumunog bigla ang cellphone niya. Pagtingin sa screen ay nakita ang pangalan ni Jude. Nilingon niya si Laura, nag-aalangan pero sa huli ay sinagot ang tawag.Hindi siya nagsalita. Hinintay niya si Jude na siyang unang bumigkas.“Alagaan m

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 51 - Letting You Go

    MAKALIPAS ang ilang minuto, ay nakarinig sila ng ugong ng sasakyan. Si Juliet ang sumilip sa labas at nakitang may humintong kotse sa labas.Nang makita kung sino ang bumaba ay sinabihan niya ang anak, “Laura, dumating na si Jude.”Napatingin si Laura kay Sherwin, na agad ngumiti habang hawak ang kamay niya at sinasabi, “Don’t worry, ‘di mo kailangang kabahan.”Napanatag si Laura hanggang sa pumasok na nga ng bahay si Jude. Nagkatinginan silang dalawa pero mabilis din siyang umiwas.Napansin ni Juliet ang tensyon, kaya lumapit siya kay Sherwin at hinawakan ang braso nito. “Sa likod muna tayo,” aniya. “Bigyan natin sila ng privacy na makapag-usap.”Nag-atubili si Sherwin, pero tumango rin. Bago tuluyang lumabas, napalingon pa kay Jude. “Tawagin mo ‘ko ‘pag may nangyari,” mariin niyang bilin, sabay baling kay Jude. “Huwag mong sasaktan si Laura.”Pagkaalis ng binata kasama si Juliet ay tahimik lang nang una ang dalawa. Walang nagtangkang magsalita kaya rinig ang ingay ng bentilador.Han

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 50 - Found

    HINDI natupad ang hiling ni Laura, dahil makalipas ang dalawang buwan ay bigla na lamang nagpakita sa kanya si Sherwin.Bandang tanghali iyon at mainit kaya sa halip na tumambay sa labas ay nasa loob siya ng bahay, sa tabi ng pinto.Sa probinsiya, madalas na bukas ang pinto kaya nang marinig na may sumigaw, “Ayo!” —katumbas ng ‘Tao po!’ sa tagalog ay sumilip siya at nakita ang isa sa mga kapitbahay.“Ano po ‘yun, Ate?”“Ay! Nandiyan ka pala, may dayong naghahanap,” nakangiti nitong sabi.“Wala po si Lolo’t Lola,” aniya sa pag-aakalang ang dalawa ang hinahanap.Hanggang sa napansin niya ang tricycle sa tabi ng kawayan na gate. Mula sa loob ay lumabas si Sherwin.Napaatras siya, nanginginig ang kamay na hinawakan ang pinto. Akmang pagsasarhan ang mga ito nang sumigaw ang binata, “Laura!”Bigla siyang nanlamig sa takot at tuluyang hindi nakagalaw.Humakbang palapit si Sherwin, mabilis na nagpasalamat sa babaeng nagturo ng bahay para mahanap si Laura. Pagkatapos ay hinarap niya ito. “Gust

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 49 - The Assumption

    MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Sherwin sa cellphone, kung magagawa lang niyang wasakin ay baka kanina niya pa ginawa.“Ibig sabihin, alam mong nasa bansa lang siya, Ate?”“Sorry,” ani Katherine. “Nakiusap sa’kin si Laura, at hindi ko siya mahindian.”“Pa’no naman ako?!”Sa unang pagkakataon ay napagtaasan niya ng boses ang kapatid. Kaya bago pa siya may masabing hindi maganda ay tinapos na niya ang tawag.Si Jude naman ay hindi na napigilang magtanong, “Anong sabi? Nasa’n si Laura?”Hindi ito sinagot ni Sherwin, sa halip ay naglakad siya palabas—kailangan niyang bumalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.Agad na sumunod si Jude at humarang sa daraanan. “Nasa’n sabi si Laura?!” sa pagkakataong iyon ay mainit na rin ang ulo niya sa nangyayari. Ilang araw na siyang walang balita sa asawa.“Wala si Laura sa kanila,” sagot ni Sherwin.Humarang bigla si Jude kaya siya tumigil. Nagsukatan sila ng matalim na tingin.“Anong meron sa inyong dalawa ni Laura?”Kumuyom ang kamay ni Sherwin, wa

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 48 - Unreachable

    DALAWANG ARAW ang lumipas pero wala pa rin natatanggap na reply si Katherine mula sa kaibigan. Noong una ay wala lang naman sa kanya, dahil baka abala pa ito pero nang tanungin siya ng asawa ay doon na siya nagtaka.“Akala ko ba’y nasa Canada si Laura kasama ng asawa niya? Ba’t tumawag sa’kin ‘yung assistant at pinapatanong sa’yo kung kumusta na siya?”“Ha?”“Hindi raw makontact ni Jude si Laura kaya tumawag sa’kin, pinapatanong kung kumusta na siya?” dagdag ni Cain, na naguguluhan. “Ano bang nangyayari?”Huminga naman nang malalim si Katherine, saka inamin sa asawa na hindi naman talaga sumama sa Canada ang kaibigan, “Kunwari lang para ‘di na hanapin ni Sherwin.”“Yet, pinapunta mo pa ‘ko kay Sherwin para sabihing aalis si Laura papuntang Canada kahit ‘di naman pala?”Mabilis na niyakap ni Katherine ang asawa para hindi ito magtampo. “Sorry, gusto ko lang na may gawin si Sherwin. Mahigit dalawang linggo na siyang ‘di umuuwi, at pakiramdam ko ay sinukuan na niyang tuluyan si Laura.”“

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 47 - Too Late

    KASALUKUYANG nasa airport sina Laura at Jude nang makatanggap siya ng message mula sa kaibigan.Katherine: Sorry, nagpromise akong ‘di sasabihin kay Sherwin na ngayon ang alis mo pero ‘di ko talaga mapigilan.Katherine: He’s still my brother. Kaya gusto kong malaman niya kahit papa’no.Laura: Ayos lang, ‘di na rin naman siya makakaabot.Sabihin man nito ang totoo o hindi kay Sherwin ay wala na itong magagawa pa sa sandaling iyon.“Sinong katext mo?” tanong ni Jude.“Si Katherine,” tipid niyang sagot sabay tago sa phone.Sa gilid ng mga mata ay napapansin niya ang titig nito, hanggang sa magsalita na nga, “Sa totoo lang, nanghihinayang pa rin ako na ‘di ka makakasama sa’kin.”Pairap na tumingin si Laura. “Kunting-kunti na lang talaga maiinis na ‘ko.” —Paano ba naman kasi, ay lagi siyang pinipilit na sumama sa Canada.Pumayag naman siya, pero sa isang kondisyon…Kung papayagan siya ng Ina, pero hindi. Nang sabihin niyang buntis siya ay agad itong tumutol at sinabing umuwi para maalagaan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status