Share

Chapter 3

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2024-09-11 19:36:08

ASIWA ang ngiti ni Katherine ng mga sandaling iyon. "H-Hello po, Mr. Dominguez," bati pa niya.

Nanliit naman ang tingin ni Levi sa sekretarya at asawa ng kaibigan. Halata niyang may narinig ito sa pinag-uusapan nilang dalawa ni Cain. "Kanina ka pa ba rito?" aniyang naniniguro.

Umiling si Katherine. "N-Ngayon lang, ibibigay ko sana 'tong dokumento kay Mr. President." Bago pa magisa ng tanong ay nilampasan na niya ito para harapin si Cain.

"Good morning, Mr. President. May kailangan po kayong pirmahan," aniya.

Nag-angat naman ng tingin si Cain. Narinig niya ang pinag-usapan nito at ni Levi sa may pinto pero wala siyang balak magtanong. Kung alam na ni Katherine ang article ay wala na siyang magagawa pa roon. Wala rin siyang balak magpaliwanag pero hindi niya nais na magtampo ito. Dahil kahit contractual ang kasal nila ay asawa niya pa rin ito. "Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?"

Tumango lang si Katherine. "N-Nasa trabaho tayo ngayon," paalala niya.

Sekreto at ilang piling tao lang ang nakakaalam ng totoong relasyon nilang dalawa. Kaya ganoon na lamang kung siya ay mag-ingat.

Nagtaas ng isang kilay si Cain. "Si Levi lang naman ang nandito kasama natin."

Hindi na nagkomento si Katherine. Matapos mapirmahan ang dokumento ay agad rin siyang lumabas at nilampasan si Levi na nanatili sa hamba ng pintuan.

Pagkasara ng pinto ay nagmamadaling binalikan ni Levi ang kaibigan sa table nito. "Mukhang narinig niya pinag-uusapan natin."

"Ang daldal mo kasi."

Nanlalaki ang mga matang tinuro ni Levi ang sarili. "At kasalanan ko pa talaga? Nagtanong lang naman ako, a?"

"Umalis ka na nga lang at marami pa akong gagawin." Pagtataboy pa rito ni Cain.

Samantalang si Katherine ay nilapag lang ang dokumento sa desk saka umalis upang magtungo sa pantry area, nais magpalipas ng ilang sandali. Dahil sa pagbubuntis ay nagiging emosyonal siya at muntik pang maiyak kanina.

Dinamdam niya ang hindi pagsagot ni Cain sa tanong ng kaibigan kung may nararamdaman ba ito sa kanya o wala.

Napapatanong siya sa isip kung mahirap bang sagutin ang tanong?

Dalawang taon naman silang nagsama pero bakit tila napakahirap kunin ang loob nito? Dahil ba kay Margaret?

Ngunit sa tapat pa lang ng pantry area ay may naririnig na siyang nag-uusap mula sa loob.

"Nakita ko 'yung article na bumalik na ang girlfriend ni Mr. President."

"May girlfriend siya?"

"Oo, dalawang taon din 'yung hindi umuwi ng bansa."

"Baka naman hiwalay na sila? Imposibleng magtiis si Mr. President ng dalawang taon na hindi kasama ang girlfriend?"

"Hindi mo kasi nakita 'yung kuha sa article, halatang si Mr. President ang kasama. Sige nga, ngayon mo sabihin sa'king hiwalay sila kung kagabi lang ay magkasama naman?"

"Kung totoo ang sinasabi mo... pa'no si Meow?"

"Ha? Sinong Meow?"

"'Nu ka ba, may iba pa bang pusa rito?"

Pagkatapos ay nagtawanan ang dalawang nag-uusap.

Si Katherine na narinig ang sinasabi ng dalawa ay agad naunawaan na siya ang tinutukoy na pusa. Hindi na bago sa kanya ngunit masakit pa rin sa tuwing naririnig ang masasakit na salita ng ibang empleyado patungkol sa kanya.

Kaya sa halip na magpatuloy ay umalis na lamang siya at pabalik na sana sa sariling table nang makasalubong si Jean, pinsan ni Cain.

Malayo pa man ay nakataas na ang isa nitong kilay, nagtataray habang may hawak na ice coffee.

"Kalagitnaan ng trabaho ay kung sa'n-sa'n ka nagpupunta? Ano, porke't asawa ka ng pinsan ko'y umaasta kang reyna rito?"

Noon pa man ay mainit na ang dugo ni Jean sa kanya. Wala siyang ideya kung bakit pero hangga't maaari ay ayaw niya ng gulo kaya umiiwas na lamang siya.

Tulad ngayon, lalampasan na niya dapat nang bigla naman itong humarang sa daraanan.

"Bastos ka rin, e, 'no?! Kinakausap pa kita'y bigla kang aalis? Talaga bang nagyayabang ka porke't--"

"Tama na, Jean. Hinaan mo lang ang boses mo. Hindi alam ng mga empleyado rito kung anong relasyon ko kay Cain."

Ngunit mas lalo lang nagalit si Jean. "Ang kapal naman ng mukha mong pagsabihan ako! Palibhasa, ulila. Kung sabagay, hindi ko rin gugustuhing magkaro'n ng anak na gaya mong napakarumi. Kaya bagay sa'yong pinapaliguan para maging malinis." Sabay saboy ng ice coffee sa pagmumukha ni Katherine.

Sa labis na pagkabigla ay hindi na nakontrol ni Katherine ang emosyon. Tuluyang naputol ang pagtitimpi sa dalaga. Sinugod niya ito at pinatikim ng isang malutong na sampal na hinding-hindi nito malilimutan.

Napaling sa ibang direksyon ang mukha ni Jean sa lakas ng sampal na kanyang natamo. Mabagal at nanginginig sa galit na binalik niya ang tingin kay Katherine.

"Walanghiya ka!" makaputol-litid niyang sigaw.

Agad na sumugod si Jean upang saktan ito nang mabilis na napigilan ni Katherine sa braso.

Kahit mahirap man at walang kinilalang magulang maliban sa kanyang Lola, ay tinuruan naman siya nitong lumaban kapag naaapi na. Si Cain lang ang tangi at nag-iisang hinahayaan siyang saktan emotionally, wala ng iba.

"Sino bang nauna sa'ting dalawa, 'di ba ikaw?" ani Katherine.

Nagpumiglas si Jean, pilit kumakawala sa pagkakahawak nito. Hanggang sa may mga empleyadong dumating at nais maki-osyuso.

"Anong nangyayari rito?" si Cain.

Biglang natigilan ang dalawang babae at pareho pang napalingon. Kaya tuluyang nabitiwan ni Katherine ang braso ni Jean.

"Cain! Alam mo ba kung anong ginawa ng babaeng 'yan, sa'kin? Sinampal niya 'ko!" sumbong ni Jean.

Naging matalim ang tingin ni Cain sa sekretarya. "Garcia... nakalimutan mo na ba kung anong rules and regulations natin pagdating sa mga bisita?"

"I-I'm sorry, bilang empleyado ng kompanya ay humihingi ako ng tawad," kabadong saad ni Katherine sabay tungo.

"Okay, you may go."

Nabigla si Jean. "That's it?! Sinaktan niya 'ko, Cain, tapos paaalisin mo lang siya ng gano'n lang?!"

"Nag-sorry na siya kaya ano pang gusto mo? Saka, hindi mo ba nakikita ang itsura ng sekretarya ko? Basang-basa siya. Kaya ikaw naman ngayon ang tatanungin ko. Ikaw ba ang may gawa niyan?"

Hindi masagot ni Jean ang tanong ng pinsan. "Cain naman! Ipagtatanggol mo pa ba ang babaeng 'yan kaysa sa sarili mong kadugo?"

"Wala akong pinagtatanggol ni isa sa inyo. Ang akin lang, ayoko ng gulo, ingay rito sa kompanya."

"Hindi ko naman kasalanan 'yun! 'Yang babaeng 'yan!" Sabay turo kay Katherine.

"Anong gusto mong gawin ko? Sisantihin siya, gano'n ba, Jean? At sinong papalit sa posisyon niya?"

"Madali lang naman mag-hired--"

"'Wag mo 'kong patawanin, pwede ba? Alam mo kung ga'no ako kaselan pagdating sa trabaho. Hindi ko siya pwedeng sisantihin ngayon at kumuha ng bagong sekretarya na wala namang kaalam-alam kung pa'no ako magtrabaho... Kaya kung ako sa'yo, bago pa maubos ang pasensiya ko'y mas mabuti pang umalis ka na."

Nanliit sa kahihiyan si Jean lalo pa at nagmukha siyang katawa-tawa sa harap ng mga empleyadong naroon. "I'll never forget this!" aniyang nagmartsa paalis.

Si Katherine ng mga sandaling iyon ay masaya na kahit papaano ay ipinagtanggol siya ni Cain sa harap ng mga empleyado. Bago pa siya makapagpasalamat ay umalis na ito para bumalik opisina.

Ang mga naiwan na empleyado ay agad tiningnan ng kakaiba si Katherine.

"Naku, baka may mag-assume na namang isa riyan porke't pinagtanggol ni Mr. President," saad ng isang empleyadong masama ang pakikitungo at laging nangunguna sa pagkakalat ng kung ano-anong balita tungkol kay Katherine.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Tpc Aicos Pmlo
bkit field
goodnovel comment avatar
Arabelle Nicol
ang Ganda po kaka kilig
goodnovel comment avatar
Susana Vizcarra Ferrer
ok nice palaban c kath
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Epilogue

    ISANG ORAS na ang lumipas simula nang umalis si Jude, pero nananatiling tahimik sina Laura at Sherwin habang magkatabi sa upuan. Walang nagsasalita at parehong mabigat ang loob sa nangyari.Hanggang sa lumapit si Juliet mula sa kusina, may dalang pagkain para sa dalawa. “Kumain muna kayo, lalo ka na Sherwin at malayo pa ang biniyahe mo.”Nagpasalamat si Sherwin at nagsimulang kumain, pero si Laura ay halos hindi makagalaw. Maya’t maya ay napapahinto, kapag sumasagi sa isip ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Jude.Hanggang sa hindi na niya napigilan na muling maging emosyonal.Agad naman dumampi ang kamay ni Sherwin sa likod nito, marahan ang haplos. “Huwag kang umiyak,” mahinang bulong niya. “Baka makasama sa bata.”Matapos niya iyong sabihin ay tumunog bigla ang cellphone niya. Pagtingin sa screen ay nakita ang pangalan ni Jude. Nilingon niya si Laura, nag-aalangan pero sa huli ay sinagot ang tawag.Hindi siya nagsalita. Hinintay niya si Jude na siyang unang bumigkas.“Alagaan m

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 51 - Letting You Go

    MAKALIPAS ang ilang minuto, ay nakarinig sila ng ugong ng sasakyan. Si Juliet ang sumilip sa labas at nakitang may humintong kotse sa labas.Nang makita kung sino ang bumaba ay sinabihan niya ang anak, “Laura, dumating na si Jude.”Napatingin si Laura kay Sherwin, na agad ngumiti habang hawak ang kamay niya at sinasabi, “Don’t worry, ‘di mo kailangang kabahan.”Napanatag si Laura hanggang sa pumasok na nga ng bahay si Jude. Nagkatinginan silang dalawa pero mabilis din siyang umiwas.Napansin ni Juliet ang tensyon, kaya lumapit siya kay Sherwin at hinawakan ang braso nito. “Sa likod muna tayo,” aniya. “Bigyan natin sila ng privacy na makapag-usap.”Nag-atubili si Sherwin, pero tumango rin. Bago tuluyang lumabas, napalingon pa kay Jude. “Tawagin mo ‘ko ‘pag may nangyari,” mariin niyang bilin, sabay baling kay Jude. “Huwag mong sasaktan si Laura.”Pagkaalis ng binata kasama si Juliet ay tahimik lang nang una ang dalawa. Walang nagtangkang magsalita kaya rinig ang ingay ng bentilador.Han

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 50 - Found

    HINDI natupad ang hiling ni Laura, dahil makalipas ang dalawang buwan ay bigla na lamang nagpakita sa kanya si Sherwin.Bandang tanghali iyon at mainit kaya sa halip na tumambay sa labas ay nasa loob siya ng bahay, sa tabi ng pinto.Sa probinsiya, madalas na bukas ang pinto kaya nang marinig na may sumigaw, “Ayo!” —katumbas ng ‘Tao po!’ sa tagalog ay sumilip siya at nakita ang isa sa mga kapitbahay.“Ano po ‘yun, Ate?”“Ay! Nandiyan ka pala, may dayong naghahanap,” nakangiti nitong sabi.“Wala po si Lolo’t Lola,” aniya sa pag-aakalang ang dalawa ang hinahanap.Hanggang sa napansin niya ang tricycle sa tabi ng kawayan na gate. Mula sa loob ay lumabas si Sherwin.Napaatras siya, nanginginig ang kamay na hinawakan ang pinto. Akmang pagsasarhan ang mga ito nang sumigaw ang binata, “Laura!”Bigla siyang nanlamig sa takot at tuluyang hindi nakagalaw.Humakbang palapit si Sherwin, mabilis na nagpasalamat sa babaeng nagturo ng bahay para mahanap si Laura. Pagkatapos ay hinarap niya ito. “Gust

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 49 - The Assumption

    MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Sherwin sa cellphone, kung magagawa lang niyang wasakin ay baka kanina niya pa ginawa.“Ibig sabihin, alam mong nasa bansa lang siya, Ate?”“Sorry,” ani Katherine. “Nakiusap sa’kin si Laura, at hindi ko siya mahindian.”“Pa’no naman ako?!”Sa unang pagkakataon ay napagtaasan niya ng boses ang kapatid. Kaya bago pa siya may masabing hindi maganda ay tinapos na niya ang tawag.Si Jude naman ay hindi na napigilang magtanong, “Anong sabi? Nasa’n si Laura?”Hindi ito sinagot ni Sherwin, sa halip ay naglakad siya palabas—kailangan niyang bumalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.Agad na sumunod si Jude at humarang sa daraanan. “Nasa’n sabi si Laura?!” sa pagkakataong iyon ay mainit na rin ang ulo niya sa nangyayari. Ilang araw na siyang walang balita sa asawa.“Wala si Laura sa kanila,” sagot ni Sherwin.Humarang bigla si Jude kaya siya tumigil. Nagsukatan sila ng matalim na tingin.“Anong meron sa inyong dalawa ni Laura?”Kumuyom ang kamay ni Sherwin, wa

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 48 - Unreachable

    DALAWANG ARAW ang lumipas pero wala pa rin natatanggap na reply si Katherine mula sa kaibigan. Noong una ay wala lang naman sa kanya, dahil baka abala pa ito pero nang tanungin siya ng asawa ay doon na siya nagtaka.“Akala ko ba’y nasa Canada si Laura kasama ng asawa niya? Ba’t tumawag sa’kin ‘yung assistant at pinapatanong sa’yo kung kumusta na siya?”“Ha?”“Hindi raw makontact ni Jude si Laura kaya tumawag sa’kin, pinapatanong kung kumusta na siya?” dagdag ni Cain, na naguguluhan. “Ano bang nangyayari?”Huminga naman nang malalim si Katherine, saka inamin sa asawa na hindi naman talaga sumama sa Canada ang kaibigan, “Kunwari lang para ‘di na hanapin ni Sherwin.”“Yet, pinapunta mo pa ‘ko kay Sherwin para sabihing aalis si Laura papuntang Canada kahit ‘di naman pala?”Mabilis na niyakap ni Katherine ang asawa para hindi ito magtampo. “Sorry, gusto ko lang na may gawin si Sherwin. Mahigit dalawang linggo na siyang ‘di umuuwi, at pakiramdam ko ay sinukuan na niyang tuluyan si Laura.”“

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 47 - Too Late

    KASALUKUYANG nasa airport sina Laura at Jude nang makatanggap siya ng message mula sa kaibigan.Katherine: Sorry, nagpromise akong ‘di sasabihin kay Sherwin na ngayon ang alis mo pero ‘di ko talaga mapigilan.Katherine: He’s still my brother. Kaya gusto kong malaman niya kahit papa’no.Laura: Ayos lang, ‘di na rin naman siya makakaabot.Sabihin man nito ang totoo o hindi kay Sherwin ay wala na itong magagawa pa sa sandaling iyon.“Sinong katext mo?” tanong ni Jude.“Si Katherine,” tipid niyang sagot sabay tago sa phone.Sa gilid ng mga mata ay napapansin niya ang titig nito, hanggang sa magsalita na nga, “Sa totoo lang, nanghihinayang pa rin ako na ‘di ka makakasama sa’kin.”Pairap na tumingin si Laura. “Kunting-kunti na lang talaga maiinis na ‘ko.” —Paano ba naman kasi, ay lagi siyang pinipilit na sumama sa Canada.Pumayag naman siya, pero sa isang kondisyon…Kung papayagan siya ng Ina, pero hindi. Nang sabihin niyang buntis siya ay agad itong tumutol at sinabing umuwi para maalagaan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status