Share

Chapter 301

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-22 12:15:54

ALAM ni Katherine kung ano ang tinutukoy nito. Iyong edited version ng surveillance camera sa may hallway dahil nang hiningi niya ang whole footage sa hotel ng gabing iyon ay deleted na, may kung sinong nagbura.

"Paki-play ang CCTV footage," utos pa ni Nancy sa operator.

Mayamaya pa ay nagpi-play na sa harap ng mga naroon ang video clip kung saan ay makikitang magkasamang lumabas sina Katherine at Chua sa venue. Ngunit dahil edited version na ang naturang footage ay pinagmukhang magkasamang pumasok ang dalawa sa lounge kahit pa ang kasama naman ni Katherine ng sandaling iyon ay ang waiter na umalalay sa kanya. Sunod na ipinakita ang paglalakad ni Chua sa hallway na inaayos ang sinturon.

"Kung nakikita niyo naman sa last part ng video. Nag-aayos ng sinturon ang asawa ko, sa tingin niyo ba ano ang ginawa nila sa loob?" ani Nancy.

Umiling-iling si Katherine, alam niyang hindi ganoon ang nangyari ngunit kataka-takang nahagip si Chua na naglalakad sa hallway kahit ang totoong nangyari ay n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 304

    NATAWA si Lian. "You're so funny." Saka marahan inikot-ikot ang hawak na wine glass.Si Ulysses naman sa kabilang dako ng linya ay humigpit ang hawak sa phone, kulang na lang ay ihagis sa sobrang inis. "H-Hindi ko akalain na ganito ka pala ka walang puso.""What?" natatawang sabi ni Lian. "Ako pa talaga ngayon?"Huminga naman nang malalim si Ulysses. "P-Pasensiya na, Miss Lian. Nahihirapan lang kasi ako sa sitwasyon ngayon ni Sir Jared.""And so...? Hindi ko na 'yun problema. 'Wag mo na rin akong tatawagan, ayokong makabalita ng kahit na ano tungkol sa kanya, whether maka-survive man siya o hindi na." Bago pa ito makasagot ay binabaan na agad niya ng tawag.Sa ginawa ay napangiti siya. "Ang satisfying naman nito." Saka bumalik sa upuan, muling uminom ng wine.Ngunit ilang sandali pa ay tumulala sa labas at napapatanong sa sarili... masaya ba talaga siya?Habang tinitimbang kung ano ba ang kanyang nararamdaman ay muling tumunog ang phone. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya tiningnan

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 303

    MABILIS na tinapakan ni Lian ang preno, sumubsob pa nga siya sa manibela. Pero hindi iyon ang main concern niya kung hindi ang kotse na bigla na lang sumulpot at dire-diretso matapos niyang iwasan.Pag-angat ng tingin ay nahirapan pa siyang makita kung anong nangyari dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Hanggang sa naging malinaw na sa kanya na sumalpok ang naturang kotse sa concrete barrier."Oh my God!" hiyaw ni Lian, hindi malaman ang gagawin.Sa huli ay lumabas siya para tingnan ang kalagayan ng sakay sa kotse. Nabigla siya nang makita sa driver seat si Ulysses kaya dali-dali niyang binuksan ang pinto at inalam ang kondisyon nito. "Naririnig mo ba 'ko?" Mahina niyang tapik sa balikat nito.Tumango naman si Ulysses habang tila may iniindang sakit. "A-Ayos lang ako."Magkaganoon man ay sinuri pa rin ni Lian ang mukha at braso nito ngunit nahirapan siya dahil sobrang lakas ng buhos ng ulan. Kaya umikot pa siya at sumakay sa passenger seat upang masuri ito nang maayos."Mukhang ayos ka na

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 302

    GIGIL NA GIGIL si Nancy dahil ngayon lang siya natraydor ng ganito ng itinuring niya pang kasangga, iyon pala ay ginagamit lang siya! Sa tagal niya sa industriya ay ngayon lang siya napahiya nang ganito.Hindi naman hinayaan ni Margaret na saktan lang nang ganoon. Lumaban din siya, sinabunutan si Nancy. Hanggang sa matumba ang dalawa, nagpagulong-gulong sa sahig.Ang mga tao na naroon ay umiwas sa takot na masaktan."Dali, tumawag kayo ng security!" sigaw ng kung sino sa malapit."Nakakadiri kang babae ka!" hiyaw ni Nancy na sinabunutan na rin ito. Pilit kinakalmot ang mukha ni Margaret. Kung masisira man ang pangalan niya ng dahil dito ay sisiguraduhin niyang masisira rin ang pagmumukha nito. Hindi siya babagsak ng siya lang!Humiyaw sa sakit si Margaret nang makalmot malapit sa mata. Sa sobrang sakit ay umatras ang tapang niya saka ito tinulak at pilit na gumagapang palayo. "Tulong! Ilayo niyo siya sa'kin!""At sa'n ka pupunta?!" ani Nancy sabay hila sa paa nito. "Hindi pa 'ko tapos

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 301

    ALAM ni Katherine kung ano ang tinutukoy nito. Iyong edited version ng surveillance camera sa may hallway dahil nang hiningi niya ang whole footage sa hotel ng gabing iyon ay deleted na, may kung sinong nagbura."Paki-play ang CCTV footage," utos pa ni Nancy sa operator.Mayamaya pa ay nagpi-play na sa harap ng mga naroon ang video clip kung saan ay makikitang magkasamang lumabas sina Katherine at Chua sa venue. Ngunit dahil edited version na ang naturang footage ay pinagmukhang magkasamang pumasok ang dalawa sa lounge kahit pa ang kasama naman ni Katherine ng sandaling iyon ay ang waiter na umalalay sa kanya. Sunod na ipinakita ang paglalakad ni Chua sa hallway na inaayos ang sinturon."Kung nakikita niyo naman sa last part ng video. Nag-aayos ng sinturon ang asawa ko, sa tingin niyo ba ano ang ginawa nila sa loob?" ani Nancy.Umiling-iling si Katherine, alam niyang hindi ganoon ang nangyari ngunit kataka-takang nahagip si Chua na naglalakad sa hallway kahit ang totoong nangyari ay n

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 300

    NANATILI lang sa puwesto si Cain. "Ayoko munang mangialam," aniya dahil naniniwala siyang kaya ni Katherine harapin ang mga nang-aakusa. Kilala niya ang asawa bilang isang matapang at palaban na babae.Magkaganoon man ay ayaw niyang magpaka-kampante dahil baka may kung ano pang mangyari. Kaya dinukot niya sa bulsa ang phone upang tawagan ang assistant, "Pumasok ka rito kasama saka 'yung mga pinapunta kong tauhan.""Okay, Sir," tipid na sagot ni Marc. Ilang sandali lang din ay dumating ito kasama ng apat na tauhan.Tinuro ni Cain ang direksyon kung nasaan ang asawa. "Palibutan niyo si Katherine at baka biglang may manakit sa kanya," utos niya pa, nag-aalala na baka masaktan ito kapag mas lalong lumala ang sitwasyon.Tumango ang mga ito bilang pagtugon sa utos saka dali-daling pinalibutan si Katherine.Si Levi na nakikinig lang ay siniko ang kaibigan. "Akala ko talaga hahayaan mo lang si Katherine. Iyon pala'y ready ka sa mangyayari."Mayamaya pa, ang pinangangambahan ni Cain ay nangyar

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 299

    NGUMITI nang malawak si Margaret matapos magtagpo ang tingin nilang dalawa ni Nancy. Maisasakatuparan na niya ang planong pabagsakin ang Lilis, lalo na si Katherine.Para wala na siyang kakumpetensiya pa sa negosyo lalo na kay Cain... Oo, sa kabila ng lahat ay hindi pa rin niya ito sinusukuan."Pinahiya mo 'ko sa harap ng kliyente ko, sisiguraduhin ko rin na mapapahiya ka sa buong bansa," bubulong-bulong niya pang wika habang pinapanuod si Nancy na naluluha at impress sa galing nitong umarte para lang magmukhang dehado. "Katapusan mo na ngayon, Katherine.""Tawag mo 'ko?"Bigla siyang napalingon sa babaeng paupo na sa kanyang tabi. Sa labis na pagkabigla ay muntik pa siyang malaglag sa kinauupuan. "A-Anong ginagawa mo rito?!" pigil ang paghiyaw niya upang walang makapansin sa kanila. Hindi niya gustong mabaling sa kanila ang atensyon ng mga reporter na nakaupo lang sa unahan."Why, I'm not allowed here? Gusto kong panuorin ang press conference tungkol sa'kin, mas exciting ang gano'n."

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status