Share

Chapter 361

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-21 22:47:23

NAGMISTULANG grand entrance ang pagdating ni Cain sa meeting, lahat ay lumingon. Nilibot niya ang paningin at halos lahat ng minor at major shareholder ay naroon. Ang mga hindi niya namumukhaan ay malamang mga representative.

Nagsimulang umingay, ang iba ay nagbubulungan. Tila hindi makapaniwala na darating siya gayong ang main reason kung bakit nagpatawag ng meeting ay upang palitan siya sa pwesto.

Hinanap ng mata niya ang Ama at nakita ito sa gitnang bahagi ng boardroom table. Ito lang ang may natural na reaksyon sa lahat, kalmado.

Binanggit ng speaker ang pangalan niya upang magbigay galang sa kanyang pagdating. Tumango lang si Cain saka naglakad patungo sa tabi ng Ina.

“Mabuti naman at nandito ka na,” ani Helen.

Pinagmasdan ni Cain ang mukha nito na kahit may suot na mask ay hindi maitago ang pamumutla. “Ayos lang kayo, ‘Mmy? Mukhang may sakit ata kayo.”

“Ayos lang ako,” ani Helen, na hinaplos-haplos ang balikat ng anak. “Pasensya ka na’t hindi na kita napuntahan. Abala rin kasi a
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 377

    KASALUKUYANG nasa police station si Cain at tahimik na nakaupo sa gilid ng teble. Habang panaka-naka naman ang tingin ng pulis na nasa harap, inaayos sa computer ang mga ebidensyang kanyang ibinigay.Paminsan-minsan na humihinto ang pulis, napapaisip, saka muling magtitipa sa keyboard tapos ay bubuntong-hininga.Sumasagi sa isip kung may natitira pa bang awa si Cain. Dahil ang kinakasuhan ay hindi lang basta kung sino, kundi mismong sariling ama.Napansin naman ni Cain ang tingin ng pulis kaya tiningnan niya rin ito sabay tanong, “Matatagalan pa ba ‘yan, Sir?”Inis na ngumiti ang pulis dahil halatang naiinip na ito sa paghihintay, na tila madali lang ang ginagawa niyang trabaho. “Pasensya na, Sir pero sa tingin ko’y hindi ‘to basta matatapos ngayong gabi. Sa dami ng ipa-file na kaso sa– ehem, sa ama niyo ay baka abutin tayo hanggang bukas o ilang araw pa.”Kahit nababagalan sa trabahong ginagawa nito ay tahimik lang na tumango si Cain at hindi nagpakita ng anumang emosyon.Mayamaya pa

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 376

    MASAKIT ang katawan ni Stella, para bang bawat himaymay ng laman ay nalamog at bawat galaw ay makirot. Gusto niyang umiyak, ngunit biglang bumalik sa kanya ang alaala ng nangyari at pilit na bumangon kahit nanginginig ang katawan.Hinawakan niya ang kanyang tenga dahil wala siyang marinig. Ngunit sa halip na ang sarili ay agad niyang naisip si Adrian. Doon siya kinabahan, nilingon ang kalsada at doon nakita ang binata, nakahandusay at tila walang buhay.“Adrian…” mahina niyang sambit, nanginginig ang boses.Agad na bumalik sa isip ni Stella ang nangyari ilang segundo lang ang nakakalipas. Malapit nang sumalpok sa kanya ang truck at wala siyang ibang nagawa kundi ang tumulala nang bigla siyang tinulak ni Adrian. Imbes na siya ang mabunggo, ang binata ang tumilapon at nagpagulong-gulong sa kalsada.“Hindi…”Kahit halos wala nang lakas, pinilit niyang tumayo. Mabigat ang bawat hakbang pero hindi siya tumigil. Hanggang sa malapitan niya si Adrian at lumuhod saka mabilis na hinawakan ang k

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 375

    NATAPOS na ni Jared ang tungkulin sa monitoring room kaya kinuha niya ang USB, saglit na tiningnan ang walang malay na personnel sa kinauupuan saka naglakad patungo sa pinto.Ngunit bago pa man niya mahawakan ang doorknob ay kumalampag na ang pinto, nakabalik na ang kasamahan nito.“Anton, buksan mo ‘tong pinto. Nagkakagulo sa hall!” sigaw ng lalaki mula sa labas.Napapitlag si Jared, agad na lumapit sa pinto at mahigpit na hinawakan ang doorknob, pinipigilan itong makapasok.“Anton, nandyan ka ba?” tawag nito sa kasamahan. “Sino bang nandyan, buksan mo ‘tong pinto kung ayaw mong magkaproblema!” muling sigaw ng personnel, makailang ulit na kinalampag ang pinto dahil sa inis at hindi man lang nadala ang susi na naiwan sa loob.Pinagpawisan si Jared habang ang kamay ay namumuti na sa higpit ng pagkakahawak sa doorknob. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ungol. Lumingon siya at nanlaki ang mata dahil ang personnel na kanina ay pinatulog, unti-unti nang nagigising.Delikado siya kung m

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 374

    HALOS hindi na humihinga ng sandaling iyon si Cain. Sa kabila ng lamig na binibigay ng aircon ay pinagpawisan agad siya nang malala. Una niyang naisip ay tumakbo mula kay Stella, ngunit naisip din niyang mahahalata siya sa oras na gawin iyon.Bukod pa roon ay nasa gitna siya, napapalibutan ng mga bisitang abala sa pakikipag-usap sa iba pang panauhin. Sa madaling salita, wala siyang matatakbuhan dahil mahirap lumusot at hindi siya pwedeng magsalita habang nasa likod niya ng dalaga, tiyak na makikilala siya kapag ginawa niya iyon.“Excuse me, naririnig mo ba ‘ko?” ani Stella. “Ang sabi ko, bigyan mo ‘ko ng drinks.”Napapikit si Cain, pilit pinapakalma ang sarili. Matapos ay huminga nang malalim, akmang tatalikod upang harapin si Stella nang unahan ni Jared na bigla na lamang humarang paharap sa dalaga.“Miss Stella, pwede ba ‘kong sumama sa’yo? Mag-isa lang kasi ako ngayon at ayoko naman makipag-usap sa iba na puro negosyo lang ang bukang-bibig,” ani Jared, ang isang kamay ay hinila ang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 373

    NAGLAKAD palabas ng bahay si Jared habang nakasunod naman ang kanyang mag-ina. Dumiretso siya sa nakaparadang kotse at bago sumakay ay nilingon ang dalawa, niyakap sabay halik sa labi si Lian. “Aalis na ‘ko, ikaw na muna ang bahala rito.”Lumapit si Blythe at gustong yumakap kaya yumuko si Jared.“Baka magusot ang suit,” paalala ni Lian.“Ayos lang,” tugon naman ni Jared, hinayaang yakapin siya ng bata.Pagkatapos ay tumayo na siya nang matuwid sabay haplos sa buhok ng anak. “‘Wag mo na ‘kong hintayin, matulog ka na nang maaga, okay?”Tumango ang bata saka mabilis na yumakap sa hita ng Ina. “Balik ka agad, Daddy.”Natigilan si Jared, sa isang iglap ay parang ayaw na niyang umalis at gusto na lamang manatili sa bahay.Napansin ni Lian na napatulala na ito kaya nagsalita siya, “Hindi ka pa ba aalis, baka ma-late ka?”Tumango-tango naman si Jared saka mabagal na kumilos, halatang ayaw umalis hanggang sa kinawayan na siya ni Lian, nagpapaalam. At ganoon din ang ginawa ni Blythe. “Babay, D

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 372

    MAKAKALABAS na ng ospital si Helen sa araw na iyon at susunduin siya ng anak kasama ng kanyang apo. Pagpasok sa silid ay tumakbo agad si Shannon palapit upang yakapin siya.“Lola!” masiglang tawag ng bata.Tumawa naman si Helen saka sinalubong ang yakap ng apo. “Mabuti at nandito ka, alam mo bang miss na miss na kita?” Matapos ang yakap ay humalik pa ito sa kanyang pisngi.Kaya hindi na niya napigilan na ito ay panggigilan at hinalikan ang mukha habang suot ang face-mask na hindi niya maaaring alisin.Si Cain naman na kakalapit lang ay niyakap din ang Ina. “Ready na kayo, ‘Mmy?”“Oo, hinihintay lang kita pero nagpunta rito ang doctor kanina. Ang sabi ay puntahan siya at may gustong sabihin sa’yo.”Tumango si Cain. “Sha-Sha, dito ka muna kay Lola, ‘kay? Sandali lang ako.” Saka lumabas ng silid.Naiwan sina Helen at Shannon, simpleng usap mula sa mag-lola nang biglang dumating si Stella.“O, hija. Anong ginagawa mo rito?”“H-Hello, Tita,” saad ng dalaga sabay lapit at beso sa pisngi nit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status