MAALIWAS ang araw na iyon nang dumating sina Jared sa amusement park, doon niya dinala ang kanyang mag-ina gaya ng ipinangako sa anak na papasyal sila sa araw na iyon.Matapos niyang maiparada ang kotse ay lumabas siya at kinuha sa backseat ang mga dala nilang bag saka niya nilapitan ang dalawa, binuhat ang anak.“Ako na lang ang magdadala niyan,” ani Lian, akmang kukunin ang bag pero umiwas lang ito.“Baka mapagod ka pa.” Saka hinawakan ang kamay nito at pinagsalikop saka sila naglakad papasok.Malungkot na nangiti si Lian, simula nang maging okay sila lagi niyang napapansin na sobrang lala ng pag-aalaga nito sa kanya. Na para bang ano man sandali ay bigla siyang magko-collapse.“Kaya ko naman. May sakit ako pero kaya ko naman ang sarili ko,” ani Lian.Lumingon si Jared at pinakatitigan ito sa mukha. Maganda pa rin at malusog tingnan pero hindi maikakailang gabi-gabi, simula nang doon na siya natutulog sa apartment nito ay pansin niyang nagigising si Lian sa pagtulog at tatakbo sa ba
MAKALIPAS ang ilang segundo matapos niyang babaan ng tawag ang secretary ni Marcial ay nakaramdam siya ng kaba. Si Adrian ang una nilang pinaligpit at posibleng isunod siya. Kaya kailangan niya itong mahanap sa lalong madaling panahon, dahil kapag kasama niya si Adrian, pakiramdam niya ay walang mangyayaring masama sa kanya.Kaya kailangan niyang maunahan ang kampo ni Marcial, ngunit hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Kung sana nga lang ay tumawag na si Adrian o hindi kaya ay nagpadala sa kanya ng kahit na anong clue upang matagpuan, hindi na siya mahihirapan pa.“Hindi ako makakapayag na gawin nila sa’kin ang ginawa nila kay Adrian,” anas niya saka naglakad palabas ng ospital.PASADO ALAS-SIYETE ng gabi dumating si Cain kasama si Marc na may dalang funeral flowers na inilagay malapit sa entrance kasama ng iba pang bumalaklak. Ngayong gabi ang last vigil para kay Margaret, pagpasok nila sa loob ay marami-raming tao ang nakaupo sa pew chair.Hinanap ng paningin ni Cain ang pamilya
LUMAPIT pa nang husto si Katherine at hinawakan ang malamig at kumukulubot ng kamay ng biyenan. Gaya nito ay may namumuo rin luha sa kanyang mga mata.Nahiya naman si Helen na umiyak sa harap ng apo kahit pa sa video call kaya bahagya niyang tinago ang mukha sa screen para punasan ang gilid ng mata. Pagkatapos ay muling kinausap ang apo, “Thank you–” Saglit na tiningnan ang manugang dahil nalimutan niya kung paano ito tawagin sa pangalan.Lumabi naman si Katherine at sinabo ang palayaw ng anak.Ngumiti si Helen saka muling nagsalita, “Sha-Sha, apo. ‘Pag magaling na ‘ko’y bibisitahin kita, okay?”Cute naman na ngumiti ang bata sa screen, tapos ay nag-usap pa silang mag-lola ng ilang sandali bago tapusin ang video call.Pagkababa ng tawag ay saka lang niya napansin na may missed call si Cain, akmang tatawagan na niya ito nang muling tumunog ang phone kaya sinagot niya, “Hello?”“Nasa’n ka ngayon, kanina pa kita tinatawagan.”“Nasa ospital pa ‘ko kasama si–” gusto niyang sabihin na Mama o
BUMUNTONG-HININGA si Cain saka nilaro ang dila sa loob ng bibig, nagpapakita ng nararamdaman niyang emosyon ng sandaling iyon. “Hindi na mahalaga kung pa’no ko nalaman.”“Kaya mo ba ‘ko niligtas dahil gagamitin mo ‘ko laban sa kanya?”Umiling si Cain. “Hindi ko na ‘yun kailangan pang gawin. May hawak na ‘kong ebidensya na magdidiin sa kanya. Saka, nalaman na ng mga awtoridad ang sadyang pagpat*y kay Margaret at ikaw ang gusto nilang madiin.”Magkahalong kaba at kilabot ang naramdaman ni Adrian.“Nakukuha mo ‘yung pinu-point out ko? Gaya ka rin ni Margaret noon, used as an instrument for achieving what he wanted. Nasa alanganing sitwasyon si Margaret kaya kinailangan ng tuso kong ama na tapusin siya bago pa may masabi sa korte.”Naging malinaw na kay Adrian ang katotohanan. “At dahil may nalalaman din ako kaya niya ako pinaligpit.”Tumango-tango si Cain.Sandaling dumaan ang katahimikan sa kanila hanggang sa muling nagsalita si Adrian, “Anong magagawa ko? Gusto mo bang isiwalat ko sa l
SA ISANG private property na pagmamay-ari ni Levi pansamantalang itinago ang assistant ni Stella. Pagpasok sa loob ay nilibot ni Cain ang paningin. “Ba’t walang katao-tao? Pa’no kung pasukin ‘tong lugar?”Natawa si Levi. “Malabo, sa entrance pa lang maaalerto na ‘yung mga kinuha kong tauhan. Saka bilin ko sa kanila, incase na may pumasok dito ay ‘wag mag-atubiling tumakas dala ‘yung si Adrian.”Tumango-tango si Cain, sang-ayon dahil walang maidudulot na maganda kung mahaharap pa sa alanganing sitwasyon ang mga tauhan. Ang main priority ay manatiling ligtas si Adrian dahil kakailanganin pa nila ito.“Nasa taas,” ani Levi saka sila umakyat.May dalawang kwarto sa second floor, sa dulong kwarto naroon si Adrian. Paglapit nilang dalawa ay nagbigay galang ang nagbabantay na tauhan sa labas.“Tsini-check niyo ba siya ng maagi?” tanong ni Levi. “Baka mamaya niyan, nakatakas na pala siya.”“Maya’t maya ko siyang sinisilip sa loob, Sir,” tugon nito.Pagkatapos ay pumasok na sa loob ang magkaib
DAHIL sa pagsigaw ng dalawang lalake ay napalingon ang magkaibigan. “Anong problema nila?” ani Lian.“Hayaan mo sila, ‘wag mo ng pansinin.” Sabay hila ni Katherine sa braso nito.Parehong nalingon ang dalawang sa kanya-kanyang partner, tila natauhan sa exaggerated na reaksyon.“Mabuti at pinatawad ka pa,” si Cain.“Nagsalita ang banal… wala ka rin pinagkaiba sa’kin.”Natawa lang si Cain. “Mas mabait ako sa’yo.” Saka ito nilampasan pero hinila sa may pader.“Magpapatulong sana ako,” ani Jared. “Noon bang nag-proposed ka kay Katherine, anong ginawa mo?” mahina, tila bumubulong niyang sabi.Rumehistro ang pagkamangha sa mukha ni Cain at ikiniling pa ang ulo. “Wow… talagang seryosohan na ‘to.”“Lagi naman ako ng seryoso kay Lian… So, matutulungan mo ba ‘ko?”Namewang si Cain saka bumuntong-hininga. Nang muling tingnan ang kaibigan ay tinapik niya ito sa balikat. “Wala akong maitutulong. Alam mo naman na si Katherine ‘tong unang nag-ayang magpakasal kami.”Tinulak ni Jared ang kaibigan. “‘