BAGO pa tuluyang lumalim ang ginagawa ay agad na silang nagambala ng pagtunog ng cellphone ni Cain.
Sa isang iglap ay bigla itong bumangon at sinagot ang tawag. Ang exposed na katawan ni Katherine ay agad niyang binalutan ng kumot. Ilang sandali pa matapos ang tawag ay humarap si Cain. "May pupuntahan lang ako, matulog ka na." "Saan?" Hindi sinagot ni Cain at basta na lamang nagpalit ng damit. Sa hindi nito pagsagot ay nakumpirma ni Katherine na si Margaret na naman ang dahilan ng pag-alis. Ang dalaga na naman ang pinipili nito... At heto siya, parang tangang umaasa na mapapahalagahan din, kahit hindi naman talaga. Pagkaalis ni Cain ay saka lang hinayaan ni Katherine na bumuhos ang kanina pa pinipigilang luha. Bumangon siya sa kama at nagbihis. Nandidiri at hiyang-hiya para sa sarili. Para siyang isang mababang uri ng babae na pagkatapos magamit ay basta na lamang iiwan para sa babaeng tunay nitong minamahal. Matapos ay kinuha niya ang sonogram sa drawer at pinagpupupunit. Nagpasiyang hindi na niya sasabihin ang pagbubuntis. Itutuloy niya ang pakikipaghiwalay at tatapusin na ang kasunduan. ~~ SAMANTALANG sa ospital naman ay dumating si Cain. Pagpasok sa private room ay boses agad ni Margaret ang narinig. "Cain, I'm glad you're already here." Tinitigan niya ang dalaga. Naka-hospital dress ito at halatang nanghihina pa rin. "Gabi na pero pumunta ka pa rin, sorry," hinging paumanhin ni Margaret. "It's fine. Nagugutom ka ba? Tatawagan ko si Joey para madalhan ka rito ng pagkain." "Hindi, ang gusto ko lang ay makasama ka. Kaya pwede bang dumito ka lang? Samahan mo 'ko. Natatakot akong matulog dito ng mag-isa." Matapos ay pahaplos na hinawakan ang kamay ni Cain sanhi para bigla itong umatras. Pareho silang nabigla sa reaksyon ng bawat isa. "M-May mali ba sa ginawa ko?" Umiling si Cain. "Of course, wala. Nabigla lang ako." Biglang nalungkot ang ekspresyon ni Margaret. "Alam ko naman kahit hindi mo sabihin... pabigat na 'ko sa'yo ngayon." "Hindi gano'n ang tingin ko sa'yo, Margaret. Nabigla lang talaga ako," depensa pa ni Cain sa sarili. "Really? So, sasamahan mo na 'ko rito?" umaasang tanong ni Margaret. Tumango naman si Cain at sinamahan ang dalaga hanggang sa makatulog. Nang masiyado nang lumalalim ang gabi ay napagpasiyahan na niyang umuwi. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay bigla na lamang nagmulat ng mata si Margaret. Iritadong bumangon at nanlilisik ang mga matang tumingin sa saradong pinto. Nayayamot siya ng maamoy kanina si Cain. Amoy babae ito at kumukulo ang dugo niyang isipin na may kasama itong iba. Walang ibang babaeng malapit kay Cain maliban sa sekretarya nitong si Katherine. Nagngingitngit siya sa galit habang iniisip kung anong klaseng pang-aakit ang ginawa ng babaeng iyon sa kanyang pinakamamahal. "Humanda ka sa'kin, Katherine. Sisiguraduhin kong magsisisi kang binangga mo 'ko." Samantalang hatinggabi na nang makauwi si Cain sa mansion. Hindi na niya binuksan ang ilaw nang mapansin na natutulog na si Katherine. Tahimik lang niya itong tinabihan. Ngunit talagang nahihirapan siyang balewalain ang humahalimuyak na bango'ng nagmumula rito. Muli na naman niyang naalala ang naudlot na ligaya kanina. Ngayon siya nagsisising umalis pa. Kung sana ay itinuloy na lamang nilang dalawa ang... Hindi niya napigil ang sariling hawakan ang malambot nitong labi. Gusto niyang tikman, muling lasapin nang biglang gumalaw si Katherine. Agad siyang natauhan at mabilis na tumalikod ng higa. Inaalis sa isip at sistema ang pagnanasang nararamdaman hanggang sa nakatulugan ang pag-iisip kay Katherine. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtulog ay nagising siya ng marinig ang pag-ungol nito. Sinalat niya ang noo at leeg ni Katherine, mainit ito. Upang makasiguro ay gumamit siya ng thermometer. "May sinat nga," aniya. Bumangon si Cain at lumabas ng kwarto. Nais niya sanang magpautos ng maligamgam na tubig para ipangpunas sa katawan ni Katherine. Ngunit madaling-araw pa at namamahinga pa ang mga katulong kaya siya na lamang ang kumuha at nag-alaga sa asawa. ~~ NAGISING si Katherine sa ingay ng tunog ng cellphone. Nanghihina at mabigat ang kanyang pakiramdam pagbangon sa kama. "He--" "Sissy~!" matinis na tili ni Lian. Nailayo naman ni Katherine ang cellphone sa tenga nang marindi sa boses ng kaibigan. Nang tingnan ang oras ay nanlaki ang kanyang mata matapos makitang magtatanghali na pala, pasado alas-onse. "Hello, Lian? Napatawag ka?" "Nakalimutan mo na? Ngayon ang dating ko, nasa bahay na nga ako, e," anito'ng nagtatampo. Nabaling ang tingin ni Katherine sa side-table. Nagtataka kung bakit may thermometer at baso ng tubig gayong natulog siya na malinis ang table. Nang maalala na weekends ngayong araw ay napabuntong-hininga siya, hindi obligadong pumasok. Maliban sa kanya at kay Joey ay may tatlo pang assistant ang Presidente ng kompanya. "Hello, earth to Katherine~" "Oo, nakikinig ako." "Meet tayo ngayon, miss na kita." Napangiti si Katherine. "Miss na rin kita," aniya. Walong buwan niya ring hindi nakita ang kaibigan matapos nitong umalis ng bansa. Pagkahapon ay bumuti ang pakiramdam kaya nakipagkita siya kay Lian sa restaurant. Ngunit hindi ito nag-iisa. "Sissy~" Sabay yakap. "I would like you to meet, Sam, my boyfriend." Hindi na siya nagulat na may iba na itong karelasyon ngunit bahagya pa rin siyang nabigla na ipapakilala ito agad ng kaibigan. "H-Hi," awkward na tugon ni Katherine. Naglahad ng kamay si Sam para makipag-shake hands. "Matagal ka ng nakukuwento ni Lian sa'kin. Nice to finally meet you." Nagpasalamat naman si Katherine saka naupo. Ilang sandali pa ay kumakain na silang tatlo ng dinner. Sa kalagitnaan ng pagkain ay sandaling nagpaalam si Sam na magtutungo sa restroom. Huminto sa pagkain si Katherine nang maramdaman na tila babaliktad ang kanyang sikmura. "Okay ka lang, Sissy?" Tinakpan ni Katherine ang bibig saka umiling. Bago pa magkalat ay agad na siyang nagpaalam sa kaibigan na magtutungo rin sa restroom. Nagduduwal siya roon ngunit wala namang lumalabas kaya hinugasan na lamang niya ang bibig. Balak ng bumalik nang madaanan ang male restroom at marinig ang boses ni Sam na tila may kausap, nasa may tenga ang cellphone. "Oo, Pare. Sinisigurado ko sa'yong makukuha ko na siya ngayon. Sayang at wala ka rito. Kung nagkataon ay tiyak na tiba-tiba ka rin. Kasama ni Lian ang kaibigan niya. Sh*t, Pare! Ang ganda, kung pwede nga lang silang dalawa mismo ang tutuhugin ko ngayong gabi." Sabay tawa nang malakas. Si Katherine na narinig lahat ng sinabi nito ay agad nakaramdam ng pagkamuhi. Hindi niya inakalang ang nobyo ni Lian ay isa pa lang manyak. "Kailangan niya 'tong malaman," anas ni Katherine. Ngunit bago pa makaalis ay may biglang humila sa kanyang braso. Paglingon ay si Sam pala na may kakaibang tinging ipinupukol. "Anong ginagawa mo rito? May narinig ka ba?" Binawi agad ni Katherine ang braso mula rito at matapang itong hinarap. "Sasabihin ko'ng lahat kay Lian ang mga narinig ko." Matapos ay saka umalis. Mabilis namang humarang sa daraanan si Sam. "Talaga? Sisiraan mo 'ko sa kanya? Anong klase kang kaibigan kung sisirain mo ang relasyon niya sa'kin?" Kunot-noo at hindi makapaniwala si Katherine sa narinig. Ngayon lang siya nakatagpo ng isang lalakeng grabe kung mang-gaslight at magmanipula. Nakakatakot. "Inililigtas ko lang ang kaibigan ko mula sa lalakeng gaya mo!" "What's happening here?" Sabay na napalingon ang dalawa nang biglang sumulpot si Lian. "Sissy, ba't mo sinisigawan ang boyfriend ko?"KASALUKUYANG nasa police station si Cain at tahimik na nakaupo sa gilid ng teble. Habang panaka-naka naman ang tingin ng pulis na nasa harap, inaayos sa computer ang mga ebidensyang kanyang ibinigay.Paminsan-minsan na humihinto ang pulis, napapaisip, saka muling magtitipa sa keyboard tapos ay bubuntong-hininga.Sumasagi sa isip kung may natitira pa bang awa si Cain. Dahil ang kinakasuhan ay hindi lang basta kung sino, kundi mismong sariling ama.Napansin naman ni Cain ang tingin ng pulis kaya tiningnan niya rin ito sabay tanong, “Matatagalan pa ba ‘yan, Sir?”Inis na ngumiti ang pulis dahil halatang naiinip na ito sa paghihintay, na tila madali lang ang ginagawa niyang trabaho. “Pasensya na, Sir pero sa tingin ko’y hindi ‘to basta matatapos ngayong gabi. Sa dami ng ipa-file na kaso sa– ehem, sa ama niyo ay baka abutin tayo hanggang bukas o ilang araw pa.”Kahit nababagalan sa trabahong ginagawa nito ay tahimik lang na tumango si Cain at hindi nagpakita ng anumang emosyon.Mayamaya pa
MASAKIT ang katawan ni Stella, para bang bawat himaymay ng laman ay nalamog at bawat galaw ay makirot. Gusto niyang umiyak, ngunit biglang bumalik sa kanya ang alaala ng nangyari at pilit na bumangon kahit nanginginig ang katawan.Hinawakan niya ang kanyang tenga dahil wala siyang marinig. Ngunit sa halip na ang sarili ay agad niyang naisip si Adrian. Doon siya kinabahan, nilingon ang kalsada at doon nakita ang binata, nakahandusay at tila walang buhay.“Adrian…” mahina niyang sambit, nanginginig ang boses.Agad na bumalik sa isip ni Stella ang nangyari ilang segundo lang ang nakakalipas. Malapit nang sumalpok sa kanya ang truck at wala siyang ibang nagawa kundi ang tumulala nang bigla siyang tinulak ni Adrian. Imbes na siya ang mabunggo, ang binata ang tumilapon at nagpagulong-gulong sa kalsada.“Hindi…”Kahit halos wala nang lakas, pinilit niyang tumayo. Mabigat ang bawat hakbang pero hindi siya tumigil. Hanggang sa malapitan niya si Adrian at lumuhod saka mabilis na hinawakan ang k
NATAPOS na ni Jared ang tungkulin sa monitoring room kaya kinuha niya ang USB, saglit na tiningnan ang walang malay na personnel sa kinauupuan saka naglakad patungo sa pinto.Ngunit bago pa man niya mahawakan ang doorknob ay kumalampag na ang pinto, nakabalik na ang kasamahan nito.“Anton, buksan mo ‘tong pinto. Nagkakagulo sa hall!” sigaw ng lalaki mula sa labas.Napapitlag si Jared, agad na lumapit sa pinto at mahigpit na hinawakan ang doorknob, pinipigilan itong makapasok.“Anton, nandyan ka ba?” tawag nito sa kasamahan. “Sino bang nandyan, buksan mo ‘tong pinto kung ayaw mong magkaproblema!” muling sigaw ng personnel, makailang ulit na kinalampag ang pinto dahil sa inis at hindi man lang nadala ang susi na naiwan sa loob.Pinagpawisan si Jared habang ang kamay ay namumuti na sa higpit ng pagkakahawak sa doorknob. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ungol. Lumingon siya at nanlaki ang mata dahil ang personnel na kanina ay pinatulog, unti-unti nang nagigising.Delikado siya kung m
HALOS hindi na humihinga ng sandaling iyon si Cain. Sa kabila ng lamig na binibigay ng aircon ay pinagpawisan agad siya nang malala. Una niyang naisip ay tumakbo mula kay Stella, ngunit naisip din niyang mahahalata siya sa oras na gawin iyon.Bukod pa roon ay nasa gitna siya, napapalibutan ng mga bisitang abala sa pakikipag-usap sa iba pang panauhin. Sa madaling salita, wala siyang matatakbuhan dahil mahirap lumusot at hindi siya pwedeng magsalita habang nasa likod niya ng dalaga, tiyak na makikilala siya kapag ginawa niya iyon.“Excuse me, naririnig mo ba ‘ko?” ani Stella. “Ang sabi ko, bigyan mo ‘ko ng drinks.”Napapikit si Cain, pilit pinapakalma ang sarili. Matapos ay huminga nang malalim, akmang tatalikod upang harapin si Stella nang unahan ni Jared na bigla na lamang humarang paharap sa dalaga.“Miss Stella, pwede ba ‘kong sumama sa’yo? Mag-isa lang kasi ako ngayon at ayoko naman makipag-usap sa iba na puro negosyo lang ang bukang-bibig,” ani Jared, ang isang kamay ay hinila ang
NAGLAKAD palabas ng bahay si Jared habang nakasunod naman ang kanyang mag-ina. Dumiretso siya sa nakaparadang kotse at bago sumakay ay nilingon ang dalawa, niyakap sabay halik sa labi si Lian. “Aalis na ‘ko, ikaw na muna ang bahala rito.”Lumapit si Blythe at gustong yumakap kaya yumuko si Jared.“Baka magusot ang suit,” paalala ni Lian.“Ayos lang,” tugon naman ni Jared, hinayaang yakapin siya ng bata.Pagkatapos ay tumayo na siya nang matuwid sabay haplos sa buhok ng anak. “‘Wag mo na ‘kong hintayin, matulog ka na nang maaga, okay?”Tumango ang bata saka mabilis na yumakap sa hita ng Ina. “Balik ka agad, Daddy.”Natigilan si Jared, sa isang iglap ay parang ayaw na niyang umalis at gusto na lamang manatili sa bahay.Napansin ni Lian na napatulala na ito kaya nagsalita siya, “Hindi ka pa ba aalis, baka ma-late ka?”Tumango-tango naman si Jared saka mabagal na kumilos, halatang ayaw umalis hanggang sa kinawayan na siya ni Lian, nagpapaalam. At ganoon din ang ginawa ni Blythe. “Babay, D
MAKAKALABAS na ng ospital si Helen sa araw na iyon at susunduin siya ng anak kasama ng kanyang apo. Pagpasok sa silid ay tumakbo agad si Shannon palapit upang yakapin siya.“Lola!” masiglang tawag ng bata.Tumawa naman si Helen saka sinalubong ang yakap ng apo. “Mabuti at nandito ka, alam mo bang miss na miss na kita?” Matapos ang yakap ay humalik pa ito sa kanyang pisngi.Kaya hindi na niya napigilan na ito ay panggigilan at hinalikan ang mukha habang suot ang face-mask na hindi niya maaaring alisin.Si Cain naman na kakalapit lang ay niyakap din ang Ina. “Ready na kayo, ‘Mmy?”“Oo, hinihintay lang kita pero nagpunta rito ang doctor kanina. Ang sabi ay puntahan siya at may gustong sabihin sa’yo.”Tumango si Cain. “Sha-Sha, dito ka muna kay Lola, ‘kay? Sandali lang ako.” Saka lumabas ng silid.Naiwan sina Helen at Shannon, simpleng usap mula sa mag-lola nang biglang dumating si Stella.“O, hija. Anong ginagawa mo rito?”“H-Hello, Tita,” saad ng dalaga sabay lapit at beso sa pisngi nit