BAGO pa makapagsalita si Katherine ay naunahan na siya ni Sam, "Hindi ko rin alam kung anong nanyari sa kanya, Lian. Bigla na lang niya 'kong sinigawan nang kausapin ko siya."
"Sinungaling!" ani Katherine saka binalingan ang kaibigan. "Narinig ko siyang may masamang balak sa'yo ngayong gabi." "Pwede ba, 'wag mo 'kong pagmukhaing masama sa harap ng girlfriend ko. Dahil lang sa hindi ko binigay ang number ko sa'yo kaya ka nagi-imbento ng kuwento?" Nagtaas-baba ang dibdib ni Katherine sa labis na emosyong nararamdaman. Nanginginig siya sa galit dahil sa pinagsasasabi ni Sam. Si Lian na naguguluhan ay nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. "Sam... linawin mo nga'ng sinasabi mo. Ba't gustong hingin ni Katherine ang number mo?" Napangisi si Sam habang may kakaibang tinging ipinupukol kay Katherine. "Hindi ko rin alam. Palabas na nga sana ako sa restroom ng bigla siyang sumulpot at balak hawakan ang katawan ko. Type niya yata ako, e." Hindi makapaniwala si Katherine. Nanginginig ang nakakuyom niyang kamay at nangangati ang palad niyang sampalin ito sa mukha. Ngunit bago pa man niya magawa iyon ay si Lian na mismo ang sumampal sa sariling nobyo. Natigalgal sa gulat si Katherine sa ginawa ng kaibigan. "The nerve na magsinungaling ka sa'kin at gagawan mo pa ng kung ano-anong kuwento ang kaibigan ko?!" ani Lian. "Kung magsisinungaling ka rin lang naman, siguraduhin mong makatotohanan! May asawa na si Katherine at sampung taon ko na siyang kaibigan kaya mas higit ko siyang kilala kaysa sa'yo." Matapos ay hinawakan ang kamay ni Katherine. "Tara, Sissy. Umalis na tayo rito... and Sam? Break na tayo." Habang paalis ang dalawang babae ay nagsisisigaw naman si Sam, "Hinding-hindi ko 'to makakalimutan, Lian! Sisiguraduhin kong magsisisi ka sa ginawa mo'ng 'to!" Nairita naman sa narinig si Lian at balak pa sanang bumalik nang pigilan ng kaibigan. "'Wag mo na lang patulan at baka saktan ka pa." "Ang kapal ng mukha ako naman laging gumagastos sa tuwing nagdi-date kami. Nunca'ng patulan ko siya kung hindi dahil sa mukha niya," panggagalaiti pa ni Lian. Napangiti naman si Katherine nang ipagtanggol siya. Yakap sabay kapit sa braso ni Lian ang kanyang ginawa habang paalis sa restaurant para lumipat sa iba. "Talaga bang ayos lang 'yung nangyari kanina?" Hindi maiwasan ni Katherine ang mabahala. Dahil isang relasyon ang natapos ng dahil sa kanya. "Ayos lang 'yun, you don't have to worry hindi ko naman siya gano'n kagusto." Nakaramdaman ng lungkot si Katherine para sa kaibigan. Hindi maiwasang isipin na baka may pagtingin pa rin si Lian sa dati nitong nobyo at fiance. "'Wag na nga nating pag-usapan ang ga'nong klaseng tao. Ikaw ang gusto kong kamustahin at matagal tayong hindi nakapag-usap." Mariing naglapat ang labi ni Katherine, pinag-iisipan kung sasabihin niya ba ang binabalak. Pero ni minsan ay hindi naman sila naglihim na magkaibigan kaya nagsalita siya, "Ang totoo... tatapusin ko na ang kasunduan sa pagitan namin ni Cain at makikipag-divorce sa kanya." Napanganga si Lian at hindi kalaunan ay bigla na lamang tumalim ang tingin sa kawalan. "Anong ginawa niya sa'yo para magdesisyon ka ng ganito, sinaktan ka ba niya? Sabihin mo lang at ako nang bahala sa kanya." Umiling si Katherine. "Hindi 'yun ang nangyari. Bumalik na kasi si Margaret." "Nagtataksil siya sa'yo?!" "Walang gano'n, Lian. Alam mong pawang kasunduan lang ang meron sa'min ni Cain." "Pero mahal mo siya, Sissy." "Tinanggap ko nang magtatapos din kami sa ganito kaya hindi mo na kailangang mag-alala para sa'kin." Inabot at marahang hinaplos ni Lian ang kamay ng kaibigan. "Kapag nag-divorce kayo, sa'n ka pagkatapos? Mananatili ka bang secretary niya?" "Hindi ko pa sigurado pero alam mo naman na pangarap kong maging designer, 'di ba? Baka, i-pursue ko 'yun. Saka, may binili akong apartment para sa'min ni Lola." "Tutulungan kita, basta magsabi ka lang, 'kay?" ani Lian tapos ay nangiti. "Sa totoo lang ay natutuwa akong natauhan ka na rin. Buong akala ko'y magtitiis ka pa ng ilang taon diyan kay Cain." Sandali naman silang tumigil sa pag-uusap ng dumating ang in-order na pagkain kaya kumain muna sila. Habang naghihiwa ng steak ay nagsalita si Lian, "Alam mo bang bumalik na si Luke?" Nanlaki at bakas ang tuwa sa mga mata ni Katherine sa narinig. "Talaga? Hindi ko alam." Makahulugan namang ngumiti si Lian. May halong malisya sa ngiti. "Naku, hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa inyong dalawa." Dahil dati nitong manliligaw si Luke. Ilang taon nanligaw na kahit makailang-beses na basted ay patuloy pa ring pinu-pursue si Katherine. "Nakaraan na 'yun, 'nu ka ba. May asawa na ko't magkakaanak pa--" "Maghihiwalay rin naman kayo..." natigilan at biglang napatili si Lian nang mapagtanto ang narinig. "Buntis ka?!" aniyang sobrang saya... hanggang sa biglang nagbago ang ekpresyon. "P-Pero maghihiwalay kayo ni Cain. Alam niya bang buntis ka?" "Wala akong balak sabihin sa kanya. Hindi kailanman." "Dahil ba kay Margaret?" Umiling si Katherine. "Para sa sarili ko. Upang hindi na 'ko masaktan pa. Dahil kapag nalaman ni Cain na nagdadalang-tao ako ay mas lalo lang akong makukulong sa kasunduang hindi ko na kaya pang panindigan." Malungkot na nangiti si Lian. "Good decision, Sissy. Hindi tamang magtiis ka pa nang matagal sa kanya." Tumango-tango naman si Katherine saka pasimpleng pinag-aralan ang ekspresyon ng kaibigan. May kanina pa gumugulo sa kanyang isip at hindi na niya kaya pang isapagwalang-bahala. "Lian... alam mo na rin bang bumalik na si Jared? Narinig kong kausap siya ni Cain sa cellphone no'ng isang araw," aniyang tinutukoy ang dati nitong nobyo't fiance. Ang masaya at halos perpektong relasyon ng dalawa ay nagkalamat ng bumagsak ang negosyo ng pamilya ni Jared sanhi kaya isinawalang-bisa ang engagement ng dalawa. Matapos ay umalis si Jared at wala na silang balita sa binata habang si Lian ay napapadalas ang pag-alis ng bansa. "Actually, matagal ko ng nabalitaan na nakabalik na siya... at ikakasal na sa iba." Napanganga si Katherine. At nang makita ang lungkot sa mga mata ng kaibigan ay agad siyang tumayo at dinamayan ito. Marahil ay naroon pa rin ang sakit dahil mahal na mahal ni Lian ang dating nobyo. Kung sino-sino ang kinarelasyon upang makalimutan lang ang binata... pero ito at ikakasal na pala ito sa iba. "I'm fine, Sissy. Matagal ko ng tanggap na hindi talaga kami para sa isa't isa." Ilang sandali pa ay ngumiti si Lian. "Ang mas mabuti pa ay kumain na tayo kaysa malungkot sa mga bagay na matagal ng tapos. Magpakabusog na lang tayo, lalo ka na at kailangan ni baby ng nutrition." Pagtapos kumain ay lumabas na silang dalawa sa restaurant. Saglit na iniwan ni Lian ang kaibigan para kunin ang sasakyan. Habang naghihintay si Katherine sa tabi ng kalsada ay may isang boses ang tumawag sa kanyang pangalan. Paglingon ay nakita niyang papalapit sa kanya si Jean. "Anong ginagawa mo rito? Ano kinukulang ba ang suweldo mo sa kompanya ang nagbebenta ka ng aliw?" "Kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lang." Agad sumama ang tingin ni Jean. "Ang tapang mo talaga, e, 'no? Baka nakakalimutan mong wala tayo ngayon sa kompanya. Hindi ka maipagtatanggol ni Cain." Saka nagtaas ng kamay para sampalin si Katherine.NATIGILAN si Cain nang yakapin siya ng asawa, na tila alam nito ang pinagdadaanan niya ng sandaling iyon. Kaya niyakap niya rin ito nang mahigpit at sinubsob ang mukha sa balikat nito na parang doon lang siya makakahanap ng pahinga.Marahan naman tinatapik ni Katherine sa likod ng asawa, saka mahinang nagsalita, “Hindi ako makatulog kaya hinintay na lang kitang umuwi. Ano bang nangyari, ba’t parang malungkot ka?”Huminga nang malalim si Cain bago tuluyang kinuwento ang nangyari, “Si Stella… nag-su*cide,” aniyang pinipigil ang panginginig ng boses. “Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili dahil ginipit ko siya kaya marahil natakot at piniling…”Hinigpitan ni Katherine ang yakap, tila nais ipaalam sa asawa na kahit anong mangyari ay mananatili siya sa tabi nito at paulit-ulit na binulong, “Hindi mo kasalanan ‘yun, Cain. Hindi lahat ng sitwasyon ay kaya nating kontrolin. Hindi mo hawak ang desisyon at kapalaran niya.” Pagkaraan ng ilang sandali ay marahang kumalas sa yakap saka hinawakan a
PAGDATING ni Cain sa ospital ay agad niyang nakita ang kaibigan na nakaupo sa sahig, nakasandal sa malamig na pader kaya tumakbo siya palapit.Nag-angat ng tingin ni Levi, bakas ang dugo sa mukha at kamay, maging sa damit. “Sinubukan ko siyang pigilan,” mahina niyang sabi. “Pero nahuli ako, Cain. Hindi ko siya nailigtas.” May luha sa mga mata, pilit tinatatagan ang loob pero hindi na kayang itago ang bigat ng nararamdaman. Matapos ay binanggit niya ang mga huling salita ni Stella, “Ayaw niyang makulong, na mas mainam pa raw na mamatay kaysa hilahin ang pamilya sa kahihiyan. Siya raw ang inaasahan ng lahat at kung makukulong siya, madadamay pati sila. Kaya pinili niyang mawala na lang.”Tahimik si Cain habang nakikinig. Kita niyang nanginginig ang balikat ng kaibigan.“Kailangan niya ng tulong… alam ko ‘yon,” dagdag ni Levi. “Pero pinili pa rin niya ang pinakamapait na paraan.” Yumuko siya, tinakpan ang mukha gamit ang tuhod habang hawak ang ulo, napapasabunot sa buhok. Isa siyang dokt
KASALUKUYANG nasa police station si Cain at tahimik na nakaupo sa gilid ng teble. Habang panaka-naka naman ang tingin ng pulis na nasa harap, inaayos sa computer ang mga ebidensyang kanyang ibinigay.Paminsan-minsan na humihinto ang pulis, napapaisip, saka muling magtitipa sa keyboard tapos ay bubuntong-hininga.Sumasagi sa isip kung may natitira pa bang awa si Cain. Dahil ang kinakasuhan ay hindi lang basta kung sino, kundi mismong sariling ama.Napansin naman ni Cain ang tingin ng pulis kaya tiningnan niya rin ito sabay tanong, “Matatagalan pa ba ‘yan, Sir?”Inis na ngumiti ang pulis dahil halatang naiinip na ito sa paghihintay, na tila madali lang ang ginagawa niyang trabaho. “Pasensya na, Sir pero sa tingin ko’y hindi ‘to basta matatapos ngayong gabi. Sa dami ng ipa-file na kaso sa– ehem, sa ama niyo ay baka abutin tayo hanggang bukas o ilang araw pa.”Kahit nababagalan sa trabahong ginagawa nito ay tahimik lang na tumango si Cain at hindi nagpakita ng anumang emosyon.Mayamaya pa
MASAKIT ang katawan ni Stella, para bang bawat himaymay ng laman ay nalamog at bawat galaw ay makirot. Gusto niyang umiyak, ngunit biglang bumalik sa kanya ang alaala ng nangyari at pilit na bumangon kahit nanginginig ang katawan.Hinawakan niya ang kanyang tenga dahil wala siyang marinig. Ngunit sa halip na ang sarili ay agad niyang naisip si Adrian. Doon siya kinabahan, nilingon ang kalsada at doon nakita ang binata, nakahandusay at tila walang buhay.“Adrian…” mahina niyang sambit, nanginginig ang boses.Agad na bumalik sa isip ni Stella ang nangyari ilang segundo lang ang nakakalipas. Malapit nang sumalpok sa kanya ang truck at wala siyang ibang nagawa kundi ang tumulala nang bigla siyang tinulak ni Adrian. Imbes na siya ang mabunggo, ang binata ang tumilapon at nagpagulong-gulong sa kalsada.“Hindi…”Kahit halos wala nang lakas, pinilit niyang tumayo. Mabigat ang bawat hakbang pero hindi siya tumigil. Hanggang sa malapitan niya si Adrian at lumuhod saka mabilis na hinawakan ang k
NATAPOS na ni Jared ang tungkulin sa monitoring room kaya kinuha niya ang USB, saglit na tiningnan ang walang malay na personnel sa kinauupuan saka naglakad patungo sa pinto.Ngunit bago pa man niya mahawakan ang doorknob ay kumalampag na ang pinto, nakabalik na ang kasamahan nito.“Anton, buksan mo ‘tong pinto. Nagkakagulo sa hall!” sigaw ng lalaki mula sa labas.Napapitlag si Jared, agad na lumapit sa pinto at mahigpit na hinawakan ang doorknob, pinipigilan itong makapasok.“Anton, nandyan ka ba?” tawag nito sa kasamahan. “Sino bang nandyan, buksan mo ‘tong pinto kung ayaw mong magkaproblema!” muling sigaw ng personnel, makailang ulit na kinalampag ang pinto dahil sa inis at hindi man lang nadala ang susi na naiwan sa loob.Pinagpawisan si Jared habang ang kamay ay namumuti na sa higpit ng pagkakahawak sa doorknob. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ungol. Lumingon siya at nanlaki ang mata dahil ang personnel na kanina ay pinatulog, unti-unti nang nagigising.Delikado siya kung m
HALOS hindi na humihinga ng sandaling iyon si Cain. Sa kabila ng lamig na binibigay ng aircon ay pinagpawisan agad siya nang malala. Una niyang naisip ay tumakbo mula kay Stella, ngunit naisip din niyang mahahalata siya sa oras na gawin iyon.Bukod pa roon ay nasa gitna siya, napapalibutan ng mga bisitang abala sa pakikipag-usap sa iba pang panauhin. Sa madaling salita, wala siyang matatakbuhan dahil mahirap lumusot at hindi siya pwedeng magsalita habang nasa likod niya ng dalaga, tiyak na makikilala siya kapag ginawa niya iyon.“Excuse me, naririnig mo ba ‘ko?” ani Stella. “Ang sabi ko, bigyan mo ‘ko ng drinks.”Napapikit si Cain, pilit pinapakalma ang sarili. Matapos ay huminga nang malalim, akmang tatalikod upang harapin si Stella nang unahan ni Jared na bigla na lamang humarang paharap sa dalaga.“Miss Stella, pwede ba ‘kong sumama sa’yo? Mag-isa lang kasi ako ngayon at ayoko naman makipag-usap sa iba na puro negosyo lang ang bukang-bibig,” ani Jared, ang isang kamay ay hinila ang