MAYA'T MAYA ang tingin ni Katherine sa oras ng suot na relos. Kanina niya pa hinihintay na matapos si Cain sa pakikipag-usap sa isang excutive ng kompanya.
Ngayon ang napag-usapang araw na dadalawin nila ang kanyang Lola sa ospital matapos itong magka-inflammation sa pancreas. Inaalala niyang baka matapos ang visiting hour. Kaya napagpasiyahan niyang i-text si Cain na mauuna na siya sa kotse at bilisan nito ang pakikipag-usap. Ngunit habang naghihintay ay hindi ang asawa niya ang dumating kundi si Joey. "Pinapasabi ni Mr. President na sasamahan ko na lamang kayo sa ospital." "Hindi pa ba siya tapos makipag-usap?" Umiling lang ito bilang sagot kaya walang nagawa si Katherine kung hindi umalis na hindi ito kasama. Pagdating sa ospital ay bakas ang saya sa mukha ni Lucinda nang makita ang apo. "Mabuti at napadalaw ka, Katherine." "Kamusta po kayo rito, 'La?" aniya sabay yakap sa matanda. "Mabuti naman, pakiramdam ko'y pwede na 'kong bumalik sa probinsiya, apo." "Hindi pa po pwede, 'La. Hindi pa kayo pinapayagan ng doctor." "Pero mag-iisang buwan na 'ko rito. Gusto ko ng umuwi. Ang bahay natin do'n at ang mga tanim ko'y wala ng nag-aalaga." Hinaplos-haplos ni Katherine ang braso at kamay ng matanda. "'Wag po kayong mag-alala, 'La. Malapit na kayong makalabas dito, kaunting tiis na lamang po." May ngiti man sa labi ay hindi maiwasan ni Katherine ang makaramdam ng lungkot. Kung nandito lang sana si Cain kasama niya ay baka naipagtapat na niya sa Abuela ang pagdadalang-tao. Matagal na siyang nakokonsensiya na hindi man lamang niya masabi rito na matagal na siyang nagpakasal. Pero mukhang muling mapupurnada ang pagtatapat niyang iyon sa matanda dahil wala ang asawa. May dumating na Nurse na may dalang pagkain at si Katherine na ang nagpresentang magpakain sa Abuela. Matapos ay binigyan ng gamot ang matanda na agad inantok. "'Wag mo na akong alalahanin dito, ang mas mabuti pa ay umuwi ka na sa tinutuluyan mo't baka mas lalo kang gabihin sa daan," ani Lucinda. Tumango naman si Katherine ngunit hinintay pa ring makatulog ang Abuela. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang umalis. Habang pabalik sa sasakyan kung saan ay naghihintay si Joey ay napansin niya ang kotse ni Cain na kapaparada lang hindi kalayuan sa kanyang puwesto. Bigla siyang napangiti. Buong akala niya ay hindi talaga ito makakapunta, iyon pala ay hahabol. Ngunit bago makalapit ay nakita niyang nagmamadaling lumabas sa sasakyan si Cain pagkatapos ay lumipat sa passenger-seat. Nagulat na lamang siya nang makitang buhat-buhat ng asawa papasok sa ospital si Margaret. Bigla siyang nanlamig sa kinatatayuan. Kumirot ang kanyang dibdib pati na rin ang kanyang tiyan. Ang mata ay nanunubig at ang lalamunan ay nagbabara. Mariin siyang napapikit, baka sakaling sa pagmulat ng mata hindi na niya makita ang asawa'ng may kasamang iba. Pero hindi, malinaw niyang nakikita si Cain, na bakas ang pag-aalala para kay Margaret. Nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ay mas lalo lang siyang nasaktan na tila para siyang hanging dinaanan lang nito. Bago pa tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ay nilisan na niya ang lugar. Hindi niya binalikan si Joey at nagpasiyang mag-taxi na lamang paalis. "Sa'n po tayo, Ma'am?" saad ng driver. Gustong niyang umuwi ngunit... magkikita lang silang dalawa ni Cain kapag umuwi ito. Kaya naisipan niyang magpahatid sa apartment na binili niya para sa kanilang dalawa ni Lucinda. Bagong kasal pa lamang siya nang maisipan ni Katherine na bumili ng sariling matitirhan dahil wala namang kasiguraduhan kung hanggang kailan sila magtatagal ni Cain. Kaya mas minabuti niyang maging handa. Nanatili siya sa apartment ng ilang minuto ngunit nang pabalik na sa mansion kung saan sila nakatira ni Cain ay naipit naman siya sa traffic. "Ba't ngayon ka lang?" Natigilan sa pagpasok sa kwarto si Katherine nang marinig ang tanong ng asawa. Pero hindi niya ito sinagot at nagtuloy-tuloy lang para makapagpahinga na. "Dalawang oras kitang hinanap. Hindi mo rin sinasagot ang tawag ko," patuloy pa ni Cain. Saka lang ch-in-eck ni Katherine ang cellphone. "Sorry, naka-mute ang sound." "Next time magpapaalam ka kung gagabihin ka ng ganito." Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Katherine upang mapigilan ang sariling sumbatan ito. "Okay," labas sa ilong niyang sagot. "May problema ba tayo, Katherine? Dahil ba sa nakita mo kami ni Margaret kanina sa ospital?" "Bakit mo ba siya kasama? May usapan tayong bibisitahin si Lola para masabi ko na ang relasyon--" "Katherine..." mababala'ng tono ni Cain. "Pinapaalala ko lang sa'yo na wala tayong relasyon." Hiyang-hiya naman sa kinatatayuan si Katherine. "Kung gano'n... kailan mo balak tapusin itong kasunduan natin? Bumalik na si Margaret... Sa tingin ko... hindi mo na 'ko kailangan pa," aniyang nasasaktan. Kunot-noo'ng tumitig si Cain. "Alam mo bang hindi kita maintindihan ngayon? Ano, nagseselos ka? Pinagseselosan mo si Margaret?" aniyang bigla na lamang natawa. Taas-baba ang dibdib ni Katherine. Minasama na ginawa siya nitong katatawanan. Humakbang siya patungo sa banyo nang muntik mabuwal. Mabuti na lang at naging mabilis ang galaw ni Cain at nagawa siyang saluhin. "Ayos ka lang ba? Ano, may sakit ka, gusto mong dalhin kita sa ospital?" Umiling-iling si Katherine saka umiwas. "H-Hindi pwede. Ayokong pumunta sa ospital," aniya, hindi gustong matuklasan nito ang pagdadalang-tao. "Namumutla ka, Katherine. Sigurado ka bang okay ka lang?" "Pwede bang 'wag kang magpakita ng concern kung hindi mo rin naman paninindigan?" Mas lalong naguluhan si Cain. Napabuntong-hininga saka bahagyang lumayo. "Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Kanina pa kita gustong intindihin." Tumalikod si Katherine, hindi niya gustong makita si Cain kapag ipinagtapat na niya ang nais sabihin. "Cain... mag-divorce na tayo. Tapusin na natin ang kontrata." Napatiim-bagang si Cain. "Why?" Suminghot si Katherine nang maramdaman na maiiyak siya. "I need a reason, Katherine. Hindi pwedeng basta na lang tayong maghiwalay, tapusin ang kasunduan sa isang simpleng bagay gaya na lang ni Margaret. Kung siya man ang dahilan kung ba't ka nagkakaganito." "N-Natatakot ako," bulong niya. Sapat lang upang hindi nito marinig. Dahil hindi kayang sabihin ni Katherine na natatakot siyang maiwan... Iwanan ni Cain sa oras na mapagpasiyahan nitong itigil na ang kasunduan. Kaya uunahan na niya ito kaysa siya pa ang magmukhang kaawa-awa bandang huli. Nang sa tingin ni Katherine ay kaya na niya itong harapin ay lumingon siya. "Gusto ko ng magpahinga," aniya saka pumasok sa banyo upang mag-quick shower. Nagtagal siya sa banyo upang masigurong sa paglabas ay tulog na ito. Iyon ang akala ni Katherine dahil sa pagtabi niya sa kama ay bigla na lamang bumangon si Cain at kumaibabaw. Kitang-kita ang pagnanasa nito sa mga mata. "A-Anong ginagawa mo? Gusto kong magpahinga," aniyang pilit itong itinutulak. "Wala naman akong gagawin na hindi mo magugustuhan." "Cain..." anas ni Katherine. Ngunit inilapit na ni Cain ang mukha at hinalikan ito sa labi. "Kung ano man ang ikinasasama ng loob mo... pwede bang ayusin na lang natin?" Lumamlam ang tingin ni Katherine. Dating gawi na naman ito sa tuwing may hindi sila napagkakaunawaan. Ito ang paraan ni Cain upang makipag-ayos... ang makipagromansa. Siya naman itong marupok... madaling bumigay. Kaya nang muli siyang halikan ni Cain ay tuluyan na ngang nagpaubaya.PINAGBUKSAN ni Cain ng pinto ang kaibigan, at bumungad sa paningin niya ang nakangising si Levi.Pero ang ekspresyong mababanaag sa kanyang mukha ay hindi na maipinta, parang ano man sandali ay makakapanakit na.Ngunit tila wala man lang napansin si Levi, at naglakad papasok—dire-diretso patungo sa kusina para maghanap ng maiinom.Binuksan niya ang refrigerator. “Wala kang canned beer?” Sabay tingin kay Cain pero hindi man lang siya sinagot. Kaya naghanap siya sa cupboard at ibang lagayan at baka may nakatago itong alak.Pero bigo siya kaya kumuha na lang siya ng malamig na tubig—feeling at home sa condo ng kaibigan.“Gusto mo ba?” tinanong niya pa, akmang kukuha ng isa pang baso para kay Cain.“Umuwi ka na,” tila nagtitimpi na lamang.Ngunit tila manhid si Levi, hindi man lang makaramdam. Pagkatapos magsalin ng malamig na tubig sa baso ay nilapitan niya ang kaibigan, marahang hinila ang kamay nito paupo sa sofa saka siya tumabi.Pagkatapos ay pinakatitigan niya ng ilang sandali ang m
NILINGON ni Suzy si Rodrigo habang may namumuong luha sa mga mata. Pagkatapos ay patakbo itong niyakap na labis ikinabigla ng huli.“Uy, anong nangyayari sa’yo?” bulong ni Rodrigo, habang nakaalalay sa likod ng dalaga.Hindi agad nakasagot si Suzy dahil sa sobrang tuwa. Na-o-overwhelm pa siya sa nangyayari.Samantalang sa mata naman ni Thelma, maging ng ibang katulong na nag-a-arrange ng basket of flowers ay nagpapasalamat marahil si Suzy dahil sa binigay nitong bulaklak.“Ayos ka lang, girl?” bulong muli ni Rodrigo.Tumango si Suzy saka ito sinagot, “Sobrang saya ko lang. Kasi si Levi ang nagpadala ng mga bulaklak.”Muntik nang mapasinghap ng eksaherada si Rodrigo, buti na lamang at kaharap niya si Thelma na pinapanuod silang nagyayakapan ni Suzy kaya nakapagpigil pa siya. “Pero, girl… ba’t ako ang niyayakap mo? Baka mamaya niya, malaman pa ‘to ng boylet mo jumbagin ako.”Natawa si Suzy saka ito tiningnan pero ang kamay ay nanatili sa braso ng kaibigan, upang magmukha silang sweet na
MAGTATANGHALI na nang magising si Suzy. Halos madaling-araw na kasi silang natapos mag-usap ni Levi kagabi—o mas tama sigurong sabihing nakatulugan niya ito habang naka-video call.Pagmulat ng mata, agad niyang hinanap ang cellphone. Pero ayaw mag-on—na lowbatt. Kaya bumangon siya sa kama at kinuha ang charger sa drawer.Habang nagcha-charge ang cellphone, ay pumasok siya sa banyo para maghilamos at toothbrush. Napapasayaw pa nga siya sa sobrang tuwa.Pagkababa ng hagdan ay nakasalubong niya ang isang katulong na paakyat. “Hi!” masiglang bati ni Suzy.Napatigil ang katulong, napakunot-noo. “Ah… hello po, Miss,” anito, medyo naguguluhan, bago nagpatuloy sa pag-akyat habang palihim na nagtataka sa inaakto nito.Dumiretso si Suzy sa kusina, kung saan abala ang kusinera sa pagluluto ng pananghalian. Amoy na amoy niya ang niluluto nito kaya bigla siyang natakam.“Hello! May natira pa bang pagkain?” aniya sabay lapit.Ngunit bago pa makasagot ang kusinera, sumabat na si Thelma na kararating
NAGKATITIGAN ang dalawa, animo ay tumigil ang oras ng sandaling iyon. Hanggang sa ngumiti si Levi. “Nagseselos ako.”“Bakit?” Kahit may namumuo ng ideya sa isip ni Suzy ay gusto niya pa rin makasiguro.Kumurap si Levi, lumamlam ang tingin saka marahang hinawi ang ilang takas na hibla ng buhok nito. “Kung sasabihin ko sa’yo ang dahilan, baka abutin tayo ng umaga kaya sisimplehan ko na lang…”Napalunok ng laway si Suzy, kinakabahan na nasasabik sa maririnig.“Nagbibiro lang ako.”Nawalan ng kulay ang mukha ni Suzy. “Ha?” Parang hindi pa siya makapaniwala.“Joke. Don’t tell me, ‘di ka pa rin nasanay sa’kin?” ani Levi.Napasimangot si Suzy, sa sobrang sama ng loob ay hinampas-hampas niya ito sa balikat. “Kainis ka naman, e!”Tumawa si Levi at nang masaktan ay hinawakan ang magkabila nitong kamay. “Joke lang! Ito naman, ‘di na mabiro!”Nagpumiglas si Suzy, gusto pa rin itong saktan dahil sa inis.“Hindi pa ba obvious kung ba’t ako nagseselos?” ani Levi.Umiwas ng tingin si Suzy, halata sa
INGAY ng pagkatok sa pinto ang gumising kay Levi. Nang magmulat ng mata ay bumungad sa kanya ang dilim ng silid, hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa sofa. Bumangon siya at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.May kumatok muli sa pinto. “Dok Levi?” boses mula sa labas ng silid.“Sandali lang!” sagot niya sabay lakad patungo sa pinto habang nakaangat ang kamay, nangangpa sa dilim. Mabuti na lamang at kabisado niya ang buong silid kaya hindi siya nahirapang hanapin ang switch ng ilaw.Ilang sandali pa ay lumiwanag na ang buong paligid saka niya binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang isa sa mga security staff.“Good evening, Sir. Pasensiya sa istorbo pero mag-aalas onse na ng gabi.”“Ha?” Sabay tingin sa suot na relo. “Oo nga… Pambihira, iniwan man lang ako ni Cain. Napansin niyo ba siyang umalis?”“Kanina pang hapon, Dok—mga bandang alas-tres. Pinuntahan ko na kayo dahil napansin ng guard sa labas na nakaparada pa rin ang kotse niyo sa labas,” pahayag pa nito.Tuman
TUMIGIL ang kotse sa tapat ng gate at lumabas si Stephen, bitbit ang mga pinamili dahil dumaan muna sila sa mall para may supplies ito sa buong linggo. “Salamat, pasok na ‘ko sa loob.” Sabay sara ng pinto.Pero bigla na lang bumaba ng sasakyan si Rodrigo na ipinagtaka ni Suzy. “Sa’n ka pupunta?”Lumingo ito, seryoso ang tingin. “May pag-uusapan lang kaming importante—mauna na kayo, ‘wag niyo na lang akong hintayin. Uuwi rin ako pagkatapos.”Naguluhan si Suzy. “Ano ‘yun?” Nais din malaman kung anong pag-uusapan ng dalawa.“Later, pagbalik ko.”Tumango-tango na lang siya at pagkatapos ay sinabihan na si Raul na magmaneho, “Alis na tayo, Kuya.”Habang papalayo ay napalingon siya, naroon pa rin ang pagtataka lalo na nang mapansin niyang tila malungkot ang ekspresyon ni Rodrigo.Hindi niya tuloy maiwasang isipin na dahil siguro sa kapatid nitong nasa mental hospital.“Miss, pwedeng magtanong?” ani Raul.“Ano ‘yun, Kuya?”“Sino palang dinalaw niyo sa ro’n sa mental facility?”“Hmm… ang sabi