Mabilis na narespondehan si Georgina ng mga kapitbahay at nadala sa pinakamalapit na hospital ang Mama niya. Limang libo lang ang dala niya sa bulsa pero hindi siya nag-atubiling isugod sa ospital ang Mama niya. Sa isip niya ay bahala na lang.
Nagkaroon ng mild stroke ang Mama niya. Kailangan pa nitong mapa-ICU at kapag recovered ay magpa-therapy. Sa ngayon, hindi alam ni Georgina kung saang kamay ng Diyos niya kukunin ang panggastos para sa stay ng Mama niya sa ospital at para sa mgagiging mga therapy sessions. Gusto niya pang gumaling ang Mama niya.
“Yes, Doc. Gawin niyo po ang lahat para sa Mama ko.” Makaawa niya sa Doctor na may hawak sa Mama niya.
“Ate Gia! Kumusta si Auntie?” Salubong sa kanya ng pinakamalapit niyang pinsan na si Mary. Kararating lang nito sa ospital. Agad itong pumunta roon upang samahan siya.
Mabilis na lumapit si Georgina kay Mary at niyakap ito. “Na-mild stroke si Mama.” Umiiyak na sabi niya sa pinsan.
“Hindi ko alam gagawin ko Mary, wala akong trabaho ngayon.” Malungkot na kinuwento niya sa pinsan ang sitwasyon niya.
“Subukan mo kaya lumapit sa iba nating kamag-anak baka mapahiram ka. Sa ngayon kasi hindi pa makakatulong sina Mama at nagbayad ng tuition ni Bunso.” Suhestiyon ni Mary. Sa lahat ng kapatid ng mama niya, ang mama nito na si Auntie Maris lang ang maaasahan nila. Pero hindi rin ito ganoong kasagana. Sapat lang sa pamilya nito ang pera nito.
Umiling-iling siya. “Sigurado na ako na hindi ako matutulungan ng mga iyon kahit nakakaluwag sila. Alam mo namang allergic sa mga mahihirap na gaya namin ang mga iyon.”
“Sabagay.” Kibit balikat na sagot ni Mary.
“Mary, makikiusap sana ako na pakibantay muna si Mama hahanap ako ng dedelihensya lang muna ako para sa gamutan ni Mama.”
“Sige, Ate Gia!” Hinabilin ni Georgina ang mga dapat gawin, sinabi rin niya sa pinsan na tagawan siya kung may kailanganin. Kahit semi private lang ang ospital ay malaki-laki rin ang kakailanganin niya dahil nasa ICU ang mama niya.
Stable naman na raw ito ayon sa Doctor, pero inoobserbahan pa raw kaya nasa ICU pa rin.
~~~
Noong makarating si Georgina sa bahay ay nag-isip siya ng puwedeng malapitan pansamantala habang humahanap siya ng trabaho.
Ngunit unang tawag niya pa lang sa panganay na kuya ng Mama niya ay bigo na siya. Nagbakasakali pa siya sa isa pa niyang tiyahin. Ngunit nakarinig pa siya ng hindi magandang salita. Kaya huminto na lang siya at hindi na nagbakasakali. Parang nahahapong umupo siya sa kama.
Doon niya naalala ang calling card na tinitignan niya kagabi. Hinanap niya iyon sa ibabaw ng lamesa at ng makita iyon ay agad niyang tinawagan ang number ni Beverly Suarez ng Paper Vows Services.
Tatlong ring ng phone ay may sumagot na agad sa kabilang linya.
“Hello po, kayo po ba si Ms. Beverly Suarez?
“Yes, speaking.” Sagot ng babae mula sa kabilang linya.
“Nakita ko po kasi sa mga gamit niyo ang calling card niyo, kayo po ba ‘yong bagong tenant sa Amore Building, kung hindi po ako nagkakamali baka kayo po ‘yong nakabangga ko.”
“Ow, ikaw ba ‘yong pababa sa hagdanan kahapon?”
“Opo, napatawag po ako kasi nagbabakasali lang po ako kung hiring kayo?”
“Tamang tama ang tawag mo, may client ako. Puwede kang pumunta anytime today dito sa office just bring your resume. Bye.”
Ni hindi na nakasagot si Georgina dahil binaba na ang tawag. Pero maganda na rin ‘yon at mukhang maha-hire siya ngayong araw.”
Pumunta siya saglit sa computer shop at pina-print ang resume niya.
Naghanda siya at nagsuot ng corporate attire para disente ang itsura niya. Kaunting press powder at lipstick.
Mestisa si Georgina, nakuha niya ang magandang kutis ng ina, samantalang ang kaniyang maamong mukha, singkit na mata, matangos na ilong at maliit na labi ay nakuha raw niya sa yumaong ama.
Sa height ay 5’3’ siya, katamtaman lang para sa balingkinitan niyang katawan. Maraming nagsasabing maganda siya. Kung kaya’t maraming pagkakataon na siya ang isinasali sa mga beauty pageant sa school noong nag-aaral siya. Pinag-aambagan lang ng mga kaklase niya ang costume niya,
Matalino at talentado siya kaya, marami rin siyang awards na nakuha noong nag-aaral pa lang siya. Ninais niya man noon na makapagtapos ng apat na taong kurso sa kolehiyo, ngunit hindi na ito kayang tustusan ng ina niya. Kaya pinili niya ang two-year course kung saan mas mabilis siyang makakatrabaho. Saka niya na lang siguro itutuloy ang pag-aaral kapag nakaluwag-luwag silang mag-ina.
Alas dos na ng hapon noong makarating si Georgina sa building ng dating trabaho. Dumiretso muna siya sa restroom, para magre-touch, dahil baka nagulo ang buhok niya sa biyahe.
Pagkatapos noon ay pumasok na siya sa lobby ng opisina ng Paper Vows Services.
Isang magandang receptionist ang sumalubong sa kanya roon. Inabot niya roon ang kanyang resume. Napaisip siya na baka puwede siyang maging receptionist roon.
“Pasok na raw po kayo, Miss Suarez.” Anunsyo ng receptionist paglabas niya sa pinto.
“Thank you.” Tumango si Georgina at lumapit sa pinto, pumasok siya sa loob ng isang malawak na opisina. Nakita niya agad si Miss Beverly. Nakasuot ito ng pulang coat. Lumitaw ang pagkamistisa nito sa suot.
“Good afternoon, Miss Mendez. Bevs Suarez” Nakangiting bati ni Beverly sa aplikante. Inabot nito ang kamay kay Georgina. Kinuha ni Georgina ang kamay nito. “Georgina Mendez.”
“Have a seat.” Umupo siya sa upuan sa harap nito. Parang dining table lang kasi ang style ng table roon.
“Bago kita interviewhin, ipapakilala ko muna ang business ko.” Ngumiti ulit si Miss Bevs sa kaniya.
“Our business deals with people who seek contract marriages. Purely, business. A client in need will hire his or her contract partner. May mga rules din kaming binabawal. For the safety of our employees.”
Natulala si Georgina at hindi makapaniwala sa narinig.
“I-ibig sabihin hindi ito ordinaryong kumpanya?” Nauutal na tanong ni Georgina. Kung hindi siya nagkakamali parang serbisyo niya ang kailangan at hindi ordinaryo lang na opisina.
“Our clients sometimes usually have fake marriage contracts, pero may mga cases din na real marriage.”
“T-te-teka po, kasal?” Kunot ang noo ni Georgina, nalilito na siya sa mga naririnig niya.
“Yes, contract marriage, but don’t you worry. Magaganda ang offers ng client ko.”
“Naguguluhan po ako Miss Beverly, pano pong kasal.” Parang hindi na mapinta ang mukha ni Georgina sa pinapaliwanag ng kausap.
“Okay, ang hiring namin right now is not an office job.” Tumango tango si Georgina.
“I’ve been running Paper Vows for five years now. Marami na akong naging kliyente na naging satisfied sa services namin.” Parang lumaki ang tainga ni Georgina sa narinig.
“Anong services po?” Nayakap niya ang sarili niya.
Natawa si Beverly dahil sa reaction ng dalaga.
“I mean sa maayos na agent namin na nagagampanan ang task nila as fake fiance, fake girlfriend or fake wife. Kapag kasalan ang usapan we make sure na kami ang magdadraft ng contract at lahing safe ang agent namin.” Mahabang paliwanag ni Beverly.
“Pero hindi ko naman po ibebenta ang katawan ko rito?” Muling tumawa si Miss Beverly, ang classy pa rin niya kahit tumatawa.
“No, usually ang reason naman bakit nagha-hire ng wife is to show off their family, para sa pamana. Hindi naman kami papayag na papakasalan tapos magpoproduce pa ng heir. We don’t allow that. Purely contract lang ang lahat.” Mahabang paliwanag nito.
“Nakakahiya man, pero baka hindi ko po tanggapin. Salamat na lang po.” Tatayo na sana si Georgina noong biglang nagsalita si Miss Beverly.
“Pag-isipan mo, malaki ang offer sa mga ganito. Solo niyo ang offer dahil hiwalay ang payment sa amin. Sayang ang kita.” Pang-eenganyo pa nito.
“Pag-iisipan ko po.” Labas sa ilong na sagot ni Georgina, natatakot kasi siya. Dahil may pamantayan siya ng hanapbuhay. Ekis agad sa kaniya kapag katawan niya ang ibebenta.
Hahanap na lang siguro siya ng ibang ma-apply-an.
Lord, sana po bigyan niyo ako ng trabaho para sa Mama ko.”
Palabas na siya ng Paper and Vows office noong may nakasalubong ang isang makisig na lalaki. Medyo nag-alangan pa sila sa isa’t isa dahil pareho ang direksyon ng hakbang nila. Nang mapagod sa tatlong ulit nilang parehong hakbang.
“Go ahead, Miss.” Ani ‘to, sa malalim na tinig.
“Thank you.” Mahinang bulong niya.
Hindi alam ni Georgina kung gaano kalalim ang halik sa kanya ni Gregory, basta ang sigurado siya ay gusto niya ito. Ngayon niya lang iyon naranasan, at parang ayaw niya iyong matapos.Hindi pa sana matatapos ang malalim na halik na pinagsasaluhan nila kung hindi pa sumigaw si Marienne.“Tita, I think I have to go.” Kahit wala pa sa tamang pag-iisip si Georgina ay kitang kita niya ang matinding disappointment sa mukha ng babaeng papaalis.“Maaga pa, Marienne.” Habol pa ni Matilda.“I have some things to do at home, tita. Thank you for inviting me here.” Pagkasabi ng babae noon ay mabilis ang mga kilos na umalis ito.“Tita, do you still have doubts about our marriage?” Matigas na tanong ni Gregory sa tiyahin.“Hindi naman talaga ako nagdududa, si Marienne ang hindi kumbinsido nagpupumilit siyang tulungan ko siya.” Hugas kamay na pahayag nito, parang mauutal pa dahil bigla niyang binawi ang kanina niya lang sinasabing pagdududa.“If that’s it, may I excuse my wife.” Hawak ni Gregory ang
“Saan ba tayo pupunta at nakaayos pa ako ng ganito?” Nahihiyang tanong ni Georgina sa asawa. “Tita Matilda organized an event for us.” Pumalatak pa si Gregory noong sinabi iyon. “She’s really testing us. Sa palagay ko ay hindi pa rin siya kumbinsido sa atin. So please do your best to show her that we are real.” Paalala ni Gregory sa asawa. Tumango-tango si Georgina bilang sagot, kinakabahan siya kung paanong gagawin para hindi sila mapagdudahan. Ilang sandali lang ay nakarating sila sa isang exclusive subdivision. Huminto ang sasakyan sa malaking gate. Binuksan ni Kuya Rene ang bintana at sumenyas sa gwardia. Mabilis na binuksan ang gate at pinapasok sila. Malaki ang harap ng bahay, may nakapark na rin doon na limang sasakyan pero maluwag pa, siguro ay kakasya pa ang tatlo. Pinagbuksan ni Kuya Rene si Gregory ng pinto, palabas na sana ako noong bumukas rin ang pinto sa tabi niya. Iniabot na sa kanya ni Gregory ang kamay kaya tinanggap niya iyon. “Thank you.” Nahihiyang p
“Ma, sorry ang busy ko sa trabaho. Kumusta po kayo?” Ngiting ngiti ang ina ni Georgina noong makita siya nito.“Ang dami mo namang dala, anak.” Puna ng ina niya sa kaniya. Bago kasi siya pumunta sa bahay nila ay nag-grocery siya ng mga supplies para sa ina.“Kakasahod ko lang po kasi.” Nakangising sabi niya. Pero medyo nalungkot ang mukha ng kanyang ina.“Baka naman wala ka nang natira para sa iyo?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang ina sa tanong nito.“Stay in naman ako sa boss ko, libre pagkain ko. Malakas lang talaga ang kita ko roon kaya maluwag ako.” Palusot niya. Pero halata niya sa mukha ng ina na parang may halong pagdududa at pag-aalala iyon.Mabilis na nabanaag iyon ni Georgina kaya nagsalita agad siya upang depensahan ang pinakikitang emosyon ng ina.“Ma, ayos ako sa trabaho ko, wala kang dapat ikabahala, ang isipin mo ay ang mapagaling mo ang sarili mo. Susuportahan kita hangga’t gumaling ka. Okay po? Huwag ka na mag-alala.”pinisil niya ang balikat ng ina upang ipak
Ngalay ang braso ni Gregory noong magmulat siya ng mata. To his surprise, a warm body is so close to him. Hindi niya mapigilan ang mapangiti noong mapagtanto na asawa niya ito. The last time he checked, she was on the sofa. How come he doesn’t know that she was already beside him. Sobrang lalim ba ng tulog niya? He looked at her closely. This woman has this angelic face that any man who sees him will give her a second glance. Gaya na lang noong nakita niya ito sa labas ng Paper Vows office. Her beauty captured his eyes. Kaya nang makita niya ang larawan nito sa papel sa lamesa ay pinili niya ito. Kagabi lang ay kamuntik niya na itong sumggaban ng halik kung hindi lang nagring ang phone nito. Muling napadako ang tingin niya sa mapupula nitong labi. He wanted to kiss it badly. He felt his male member twitch. Gamit ang malayang kamay ay nasapo niya ang ulo. This woman has an effect on him. Matagal na rin mula noong nagkaroon siya ng fling and had sex. Siguro bago pa sila kinasal.
Gregory can’t stop himself from looking at the beauty who was an inch away from him. Sa totoo lang ay hindi siya magsisinungaling at aaminin niyang malakas ang dating ng babae sa kanya. Ngunit kahit asawa niya ito sa papel ay malinaw na off limits ito. Goergina’s eyes are now shut closed and her lips are pursed. Man, that was inviting. Nasa ganoong pag-iisip na si Gregory noong biglang may magring na phone. Napabalikwas ng bangon si Georgina at hinanap ang phone niyang tumutunog. “Hello, Ma? Kamusta?” “Opo, bisita po ako sa susunod na linggo. Medyo busy lang po ako sa trabaho.” Mahabang paliwanag ni Georgina sa kausap sa kabilang linya. Pilit umiiwas ng tingin si Georgina sa asawang nasa harapan dahil sa inakto niya kanina, konting-konti na lang e bibigay na siya at parang pahahalik pa rito. “Should we continue what we’ve started?” Malalim ang tinig na tanong ni Gregory. Biglang nag-init ang pisngi ni Georgina sa sobrang pagkapahiya niya. Habang si Gregory ay pilit pinipigil ang
Mabilis na bumitaw si Georgina kay Gregory sa pagkapahiya. “Hinihingi ng sitwasyon.” Kunot noong sagot niya. “Puwede na ba akong pumasok sa loob?” Magalang na tanong pa ni Georgina. “Hon, it’s our room.” nakaramdam ng kilabot si Georgina, bigla siyang kinabahan at gusto na lang na bumukod ng kwarto, kaso hindi naman maaari at baka ano pang masabi ng mga magulang nito. Binuksan ni Georgina ang door knob at pumasok. Namangha siya sa ayos ng kwarto nito. Ngayon lang siya nakapasok doon, at ang alam niya hindi pinapapalinisan iyon sa mga stay-out cleaner. Kaya nga maging siya ay ganun rin ang ginawa. Hindi niya pinapapasukan ang kanyang kwarto, para walang maging issue. Dire-diretso si Gregory sa isang pinto, natanaw ni Georgina iyon bilang walk in closet at mukhang naroroon rin ang kanyang banyo. Napaisip si Georgina kung anong gagawin niya roon. Hindi pa nga siya nakakabihis ng pantulog. Lumakad siya para sundan ang tinungo nito para magpaalam. Tama ang hinala niyang naliligo ang