Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife

Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-05-11
Oleh:  SerenityLaneBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
19Bab
131Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Georgina Mendez, will do everything to save her mother in the hospital. Even if she ends up accepting a Contract Marriage from a stranger. Gregory Salvatorre will do everything just to have his position as the CEO of his company. Even if he has to find a woman to have a Contract Marriage. After the contract has ended some events will occur that will bring changes in their lives.

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

Kasalukuyang nagliligpit si Georgina ng kanyang mga gamit at hindi namalayan ang paparating na katrabaho. Masyado siyang okupado sa mga planong gawin sa buhay.

“Gia!” Sa unang pagtawag ay hindi iyon narining ni Georgina. “Gia.” Ulit pa nito.

“Oh, Lisa, andito ka pala.” Bati niya na tumunghay sa babaeng nasa harapan niya. Katrabaho niya ito.

Nakahanap ka na ng bagong pagtatrabahuhan?” Tanong nito sa kaniya. Magsasara na kasi ang kumpanyang pinapasukan nila. Dalawang taon rin ang ginugol ng dalaga sa trabahong iyon, kahit hindi kalakihan ang sahod ay naka-survive naman sila ng kaniyang ina sa pang-araw araw nilang pangangailangan.

“Wala pa nga e.” Malungkot na sagot ni Georgina.

“Ikaw ba?” Balik tanong niya rito. Pero nagkibit balikat lamang ito. 

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanila ng kanyang ina, hangga’t maaari ay ayaw niyang ma-stress ang ina at hindi na rin naman ito bumabata. Baka mangulit ito at igiit ang muling pagtanggap ng labada.

Mula noong makatapos siya ng two-year Secretarial course at makahanap ng permanenteng trabaho ay hindi na niya pinagtrabaho pa ang Mama niya. Sapat na ang naitawid siya nito sa pag-aaral at sa pagtaguyod nito sa kanya mag-isa dahil maagang nawala ang Papa niya noon sa isang aksidente nong limang taong gulang pa lang siya.

Hindi niya malimutan ang lahat ng hirap na pinagdaanan nilang mag-ina. Kung saan-saan kasi sila nakitirang mga kamag-anak noon pero parang hindi naman kamag-anak ang turing ng mga ito sa kanila.

Noong mag-high school si Georgina, doon nila nasubukan ang bumukod. Nakakuha silang mag-ina ng maliit na apartment, mula sa kita niya sa part time, bilang tindera, habang nag-aaral. Samantalang ang ina niya ay naglalabandera sa mga kapitbahay.

Kahit hirap sa buhay at marami ang nagsasabi sa kaniya na gamitin niya ang ganda upang kumita ay hindi niya ginawang kumapit sa patalim, kesehodang asin ang ulam nila noon, basta marangal ang nakukuha niyang trabaho.

Ayos na sana ang lahat, ngunit nawalan na naman siya ng hanapbuhay dahil sa pagkasara nga ng opisina nila.

“Mauna na ako, Liza. See you, around.” Paalam niya sa katrabaho dahil ngayon na rin ang last day nila roon.

Bitbit ang mga kagamitang iuuwi ay bumaba sa hagdan ng four-storey building si Georgina. Nasa may dulong baitang na siya ng hagdan noong may nagmamadaling umakyat na babae. Hindi sinasadyang nasanggi siya nito at nahulog ang kahong bitbit niya.

“Sorry, Miss,” paghingi nito ng paumanhin habang tinutulungan siyang magligpit.

“Bagong tenant kami diyan sa second floor, may kliyente kasi ako, kaya nagmamadali ako.” Paliwanag ng babaeng sa tantiya ni Georgina ay nasa mid thirties na ang edad. 

“Ayos lang po. Ingat kayo.” Ngumiti ng matamis kay Georgina ang magandang babae. Tumango lamang siya bilang tugon roon.

Weird. Pero hindi na lamang niya iyon inintindi at nagpatuloy na sa paglalakad. Maglalakad pa siya ng kaunti papunta sa sakayan ng jeep.

~~~

Pagod at bagot na humiga si Georgina sa kaniyang higaan sa kwarto nila ng Mama niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya pa nasasabi sa ina ang tungkol sa pagsasara ng kumpanyang pinapasukan niya.

Naisip niyang sabihin ito mamaya kapag naghapunan sila. Tumulala lang siya ng ilang minuto bago tumayo at nag-umpisang iligpit ang mga inuwing gamit.

Patapos na siya sa pagliligpit noong makita ang isang calling card sa mga gamit niya.

Paper Vows Services

Ms. Beverly Suarez

2nd Floor Amore Building

papervows.service@mail.com

09xx xxx xxxx

Napaisip si Georgina kung saan nanggaling ang card na iyon. Sa pagkakaalala niya ay tinulungan lang siya ng magandang babae sa pagdampot ng mga gamit noong nahulog iyon.

Bigla siyang natigilan noong makita ang address. Iyon ang building ng dati niyang trabaho. Ano kayang work opportunity niya roon?

Nasa ganoong pag-iisip si Georgina noong may narinig siyang gumalabog mula sa labas ng kwarto nila.

Nabitawan niya ang hawak na calling card at mabilis na tumakbo papunta sa labas ng kwarto. Mabilis na hinanap ng mga mata niya ang kanyang inang kanina lang ay nakaupo sa harap ng pandalawahang lamesa habang naghihimay ng malunggay.

“Ma? Ma?” Nagmamadali siyang lumapit roon at nakitang nakahandusay sa sahig ang mama niya. Nakatirik ang mga mata nito at parang naninigas.

“Tulong. Kailangan namin ng tulong.” Malakas na sigaw ni Georgina habang tumutulo na ang luha niya at naiiyak.

~~~

A man talking on his phone is exasperatedly standing in front of the floor to ceiling windows viewing the busy streets of Makati.

“So what are they demanding? Isn’t my hard work enough to promote me?” Iritang tanong ni Gregory sa taong kausap mula sa kabilang linya.

“They need a family man to be the CEO.”

“So are you telling me, I need to instantly produce a family just to claim my position? That’s absurd!” Pinagpaguran niya ang lahat para maging CEO ng kumpaniya ng pamilya nila.

His Dad actually owns the company, and trained him to fit the position. Kaya naman, malaki ang kumpyansya niyang siya na ang magiging CEO. Pero ito, ilang buwan bago ang nalalapit na retirement ng Papa niya ay saka ito nagkaroon ng conditions para ma-succeed niya ang posisyon.

Gregory is young and a sought after bachelor at age of 30. Marami siyang flings pero hindi pa niya balak ang lumagay sa tahimik. He’s not yet ready for a bigger and more serious role in life. Kaya hindi niya matanggap ang gustong mangyari ng Papa niya.

“What if you try contract marriage?” Muntik na siyang matawa sa suhestiyon ni Mateo ang kaniyang matalik na kaibigan at finance head department sa Salvatorre Hotel Corporation.

He chuckled. “Seriously? Where can I find a woman to marry me for a contract marriage?” Napaisip siya kung may matino bang babae na makukuha para i-hire? Panigurado kasing hindi papasa sa pagka-conservative ng pamilya niya ang mga brats na flings niya. And those flings will surely cling to him and won’t accept a contract. Baka ikulong pa siya sa matrimonya ng kasal at hindi pa naman talaga siya handa sa ganoong commitment.

Natahimik mula sa kabilang linya ang kaibigan niyang si Mateo. “It’s impossible.” Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Gregory.

“Nah! I remember something.” Nangunot ang noo ni Gregory sa sinabi ni Mateo sa kabilang linya.

“What’s on your mind?” Hindi pa rin kumbinsidong tanong niya.

“Have you heard of Paper Vows Services?” Nangunot ang noo ni Gregory sa narinig. “Oh, Greggy boy, I think it will solve your dilemma.” Narinig pa ni Greg ang paghalakhak nito mula sa kabilang linya.

“I’m curious about that Paper Vows can you email me their contacts?” Medyo sketchy pero hindi naman siguro masama ang mag-inquire.

Wait, I’ll hang-up, tatanungin ko lang ‘yong friend ni Kuya na nag-avail ng services doon.” 

“I’ll be waiting, thanks Maty!” Hindi pa rin mapakali si Gregory habang nag-aantay sa sinasabi ni Mateo na sagot sa problema niya.

Hindi pa rin kasi niya matanggap ang kondisyon ng papa niya para makuha ang posisyong inaasam. Nagpalakad lakad siya sa likod ng kaniyang desk table. Hanggang sa magnotify sa hawak niyang phone ang forwarded email ni Mateo.

Paper Vows Services

Ms. Beverly Suarez

2nd Floor Amore Building

papervows.service@mail.com

09xx xxx xxxx

Yes, he’s that desperate so he immediately dialed the number listed. A woman answered from the other line. Then he booked an appointment.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Mairisian
must read 🫶
2025-03-28 01:35:55
1
19 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status