Nakatanaw si Georgina sa mga ulap sa himpapawid. Ito ang unang pagkakataong nakasakay siya sa eroplano. Isa sana iyong masayang karanasan kung hindi niya lang iisipin ang dahilan ng pagsakay niya sa eroplanong ito patungong Las Vegas.
Flashback…
Abala si Georgina sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin pabalik sa hospital noong magring ang phone niya. Unknown number iyon pero sinagot niya pa rin.
Nang marinig niya ang boses mula sa kabilang linya ay nais niya sana ibaba ang tawag pero mayroong offer ang babae na hindi niya matanggihan. Ito na siguro ang sagot sa panalangin niya at makakatulong sa kanila ng ina niya.
Hindi man maganda ang papasukin niya pero pikit mata siyang pumayag roon. It’s a once in a lifetime opportunity.
Nabalik si Georgina sa kasalukuyan noong marinig ang announcement.
“Please fasten your seatbelt and get ready for our landing.”
~~~
Namilog ang mga mata ni Georgina noong makita ang pinasukan nilang hotel. Lobby pa lang ay napakaganda na nito.
Nakabook sila sa iisang suite na may dalawang bedroom. Bukas daw ang kasal nila at mag-stay pa sila roon ng isa pang araw bago umuwi. Grabe ang haba ng byahe totoo pala ang jetlag. Twenty-two hours ang byahe, kahit sabihing naka-business class ay nakakapagod pa rin iyon.
“You may rest the whole day, dadalhin naman dito ang mga meals.” Mariing sabi ni Gregory ang lalaking palakasalan niya.
Noong araw na pinabalik siya ni Miss Beverly ay naroroon na ang lalaking nakasalubong niya noong nagmamadali siyanglumabas ng opisina.
Inilatag rin sa kanya ang magiging bayad. Down payment after the wedding is five hundred thousand. Fifty thousand monthly, at another five hundred thousand after the divorce. Saan siya makakakuha ng ganoong offer?
Kaya noong araw na iyon ay tinanggap niya ang deal at nagpirmahan sila ng kontrata.
Napakabilis rin napa-asikaso ni Gregory ang mga papeles niya. In a week lang ay nakumpleto ang mga dokumento niya at nakalipad siya papuntang Vegas kasama ito.
Doon niya napagtanto na pera ang nagpapatakbo ng mundo, at kayang kaya manipulahin ng mga mayayaman ang buhay nila at buhay ng mga taong nangangailangan.
~~~
Today is the day of the wedding in Vegas. Gregory made sure that he prepared everything to bring his contract wife to Las Vegas and get married. He used all his connections just to do all the necessary things needed. Beverly also prepared their wedding in Vegas.
In thirty minutes, they are signing their second contract. The Marriage contract.
Hindi kailanman sumagi sa isip ni Georgina na sa edad niyang 25 ay makakarating siya ng Las Vegas at para magkaroon ng contract marriage at ikasal sa isang estranghero.
Matapos ang kasal ay nagpakuha ang bagong kasal ng mga litrato para sa katunayan ng kanilang kasal. Kumain sila at pagkatapos ay bumalik sila sa hotel.
Binigyan ni Gregory si Georgina ng mga importanteng mga bagay na dapat malaman ni Georgina tungkol sa asawa. Gumawa rin sila ng kuwento sa kung papaano sila nagkakilala.
Ang nabuong kuwento ni Gregory ay, nagkakilala sila sa isa sa mga resorts nito, at nagkagusto agad kay Georgina si Gregory. He pursued her because he realized that she’s the one. Ipalalabas nilang may anim na buwan na ring sila magkasintahan bago nagpakasal.
~~~
“We are now landing at Manila International Airport.”
Huminga ng malalim si Georgina at inisip na ito na ang umpisa ng kaniyang trabaho.
“Gregory.” Tawag niya sa lalaki bago sila bumaba ng eroplano, maaari ko bang bisitahin saglit ang Mama ko at makapagpaalam ako na hindi makakauwi ng madalas dahil sa trabaho?” Tanong ni Georgina sa lalaki.
“Greg, call me Greg. We will drop you by at the hospital then my driver will pick you up if you are done.” Malamig na sagot ng lalaki.
“Okay. Thank you.” Tipid na sagot ni Georgina.
“By the way, I already sent the partial payment in your account.” Dagdag pa ni Gregory.
“Salamat.”
~~~
Magaling na ang Mama ni Georgina at kailangan na lang ng kaunting therapy para maayos ng kaniyang paglakad, medyo ngiwi rin kasi ang mukha nito dulot ng mild stroke. Nasettle niya na ang dalawang linggong bill ng ina sa hospital.
Pinakiusap niya muna sa malapit na pinsan ang pangangalaga sa ina habang siya ay nagtatrabaho sa malayo. Gumawa na lamang siya ng kuwento para hindi makahalata ang mga ito.
Matapos maiuwi ang Mama niya sa bahay nila ay nagpaalam na siya pati sa pinsang si Mary na siyang titingin sa kaniyang ina.
“Salamat, Mary, ha? May kalayuan kasi ang trabaho ko kaya hindi ako araw araw na makakauwi. Pero siskapin ko ang madalaw si Mama. Pasuyo na lang din ng mga therapy sessions ni Mama.” Madamdaming pakiusap ni Georgina sa pinsan.
Mabuti na lang at kahit papaano ay may maasahan siyang pinsan. Labag man sa loob niya ang iwan ang ina sa ganitong sitwasyon pero para rin ito sa kapakanan nito.
Bago pa man magbago ang isip niya at tumakbo sa responsibilidad na napasukan niya ay kinontak na niya ang driver ni Greg. Pinili niya na magpapasundo sa isang mall na malapit sa kanilang bahay, ayaw niya kasing gumawa ng eksena sa lugar nila at may makakita pang kapitbahay.
~~~
Napakalaki ng bahay ni Gregory. Wala pa sa kalingkingan ng inuupahan nilang apartment. Sa bawat sulok noon ay parang lalaglah ang panga nii Goergina sa sobrang garbo ng mga kagamitan at estraktura roon.
Hindi basta basta ang lalaking pinakasalan niya. Sino ba naman ang susugal ng ganoong kalaking pera para lang mag-hire ng fake wife?
Lumipas ang mga araw, sa umpisa ay naninibago siya sa lugar pero unti unti ring nasanay dahil hindi na rin umuwi sa bahay na iyon si Gregory mula noong maghiwalay sila sa airport.
Gusto man niyang kuwestyunin pero wala naman siyang karapatan. Kontrata at binayaran lamang siya para maikasal rito.
Kaya laking gulat ni Georgina na isang araw ay umuwi ito.
“Wear this,” utos nito na may inilapag na malaking paper bag ng isang kilalang luxury brand ng damit at sapatos. “We’ll meet my family tonight.”
Dahil alam niyang tungkulin niya iyon ay nagmadali siyang bumalik sa kwarto niya at isinuot ang dala nitong damit.
Isang spaghetti strap champagne satin dress na hanggang tuhod at may malaking slit mula sa kalahati ng kanyang hita ang damit na dala ni Gregory. Saktong sakto iyon sa balingkinitan niyang katawan. May kasama iyong isang makinang na two inch stilettos. Mayroon rin ring hikaw na perlas.
Inilugay niya ang kanyang hanggang baywang at itim na itim na buhok.
Naglagay siya ng light na make-up. Noong nakaraang araw lang ay may mga pinadalang make up at ilang mga mamahaling damit si Gregory.
Nakatalikod habang may kausap si Gregory sa phone noong pababa ng hagdan si Georgina. Bigla itong umikot at napatingala sa babaeng pababa ng hagdan. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito pero agad rin iyong bumalik sa pagiging seryoso.
Hindi sigurado si Georgina kung ano ang tinging ipinukol sa kanya kani-kanina lang ng asawa. Paghanga ba iyon o ano? Nagkibit balikat na lang si Georgina at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan.
“I guess you’re ready. Let’s go.” Humugot ng isang malalim na hininga sumunod.
Bayolente ang tahip ng dibdib ni Georgina habang kausap ang pinsan, ni hindi niya na naisip ang kahubaran. “Hello, Mary?” Nag-aalalang bungad ni Georgina sa kausap. “Ano may nangyari ba kay Mama?” Tuloy-tuloy nang tanong ni Georgina sa pinsan. Imposible naman kasing tumawag ito ng dis-oras ng gabi na hindi emergency. Mabuti nga at gising pa siya.“Ah, Ate. Miss ka na daw kasi ni Tita. Kailan ka raw uuwi?” Nakahinga ng maluwag si Georgina sa sinabi ni Mary.“Hmm, sige bukas. Uuwi ako after ng duty ko.” Napapikit si Georgina dahil sa ginawang pagsisinungaling.“Sige po, Ate. Sabihan ko po si Tita, paggising niya po.” Magalang na sagot ng dalagang pinsan ni Georgina. “Pasensya na po sa abala.”“Salamat, Mary.” “Pasenya na po, Ate. Naabala ko kayo sa trabaho niyo.” Noong marinig iyon ay biglang naalala ni Georgina si Gregory. Nayakap niya rin tuloy ang kanyang dibdib na kanina pang nakalabas. Nakaramdam siya bigla ng ginaw roon.Nang mapatingin sa pang ibaba ay tanging ang itim na bikin
Hindi alam ni Georgina na bra na lang ang suot niyang pang-itaas. Ni hindi niya namalayan na nahubad na pala ito ng kanyang asawa ang suot na t-shirt. Habang patuloy si Gregory sa pagbigay sa kanya ng malilit na halik sa kanyang pisngi, leeg papunta sa kanyang dibdib.Isang ungol ang kumawala sa kanya dahil sa sensasyong dulot noon.Gregory continued kissing his wife hungrily. At lalo lang siyang ginaganahan sa bawat impit na ungol na kumakawala sa asawa. He unclasped her brassiere and met her two perfectly aroused breasts.Kinalimutan niya na ang kasunduan nila ng asawa niya. He is very much engrossed with what they are doing, but they will talk about their plans after this. Basta ayaw na muna niya isipin. He will savour their first night together.He stopped from what he was doing and looked at her hot wife in front of him. Sa malamlam na ilaw mula sa kusina sa ‘di kalayuan ay kitang kita niya ang pamumula ng maamong mukha ng asawa. She opened her eyes and met his gaze.Puno iyon ng
Natigilan si Georgina noong huminto na ang awiting sinasabayan, nahiya siya bigla sa katabi dahil feel na feel niya pa ang bawat lyrics, ni hindi niya nga namalayan na kanina pa sila nakahinto sa tapat ng gate ng bahay nila. “Nice! Puri ni Gregory sa kanya, pakiramdam ni Georgina ay nag-init ang kanyang pisngi dahil sa sinabi nito. “You sing well.” Nakangiting sabi ni Gregory. “I’m not joking so don’t be shy. Marunong ka kumanta.” Patuloy na papuri ng lalaki. “Thank you.” Tipid na sagot ni Georgina. “Buksan ko na muna ang gate.” Paalam niya na lumabas na ng sasakyan. Napasandal pa siya saglit sa gilid ng pinto noong makalabas siya. Ramdam niya kasi ang bilis ng tibok ng puso niya habang mainit pa rin ang kanyang pisngi. Pero napapangiti siya. Nakangiti siya hanggang sa mabuksan niya ang gate, makapasok ang sasakyan at maisara niya ang gate. Para siyang lumulutang habang binubuksan ng susi ang main door.
Tahimik sila buong byahe, hindi malaman Georgina kung dapat ba siyang magbukas ng usapan o ano? Nahihiya rin siya sa lalaki. Bukod sa pagpapanggap na mag-asawa wala na silang ibang koneksyon sa isa’t isa. Maliban sa nakakaramdam siya ng kakaiba at bago sa kanya sa tuwing malapit ito sa kanya.Samantala, nanatili sa kalsada ang atensyon ni Gregory. He doesn't know what else to talk about with his hired wife. Kaya nagulat na lang siya noong may lumabas na tanong sa mga labi niya.“What are your plans after our business?” Bahagya siyang sumulyap sa asawa na bagamat walang kahit anong kolerete sa mukha ay mababanaag ang likas na ganda.“Ahm, mag-uumpisa ng bago kasama ang mama ko.”“Like, new job or career?” Curious na tanong ni Gregory pero parang natuwa siya sa ideya na bagong trabaho.“Oo, malaking tulong ang bayad mo sa akin para makapag-umpisa kami. Ang laking tulong nito dahil natustusan ko ang pagpapagamot ni Mama.” Mahinang kuwento niya.“Mine is your first project in Paper Vows,
Wala ng nagawa si Georgina kundi sumunod sa asawa. Pero sinabi niya dito na ireref ang pagkain. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa sasakyan. Tapos umikot ito sa driver’s seat. “Saan tayo pupunta?” Tanong ni Georgina sa asawa. “Late night, dinner, somewhere.” Tipid na sagot nito. Hindi na kumibo si Georgina pero nakita niya na papuntang expressway si Gregory. Alas diyes na kaya hindi siya sigurado kung meron pa ba silang aabutang bukas na kainan. Bibihira lang makapasyal si Georgina, pero sigurado siyang papuntang Tagaytay ito, galing kasi sila sa Alabang kung nasaan ang subdivision ng bahay ni Gregory. Samantalang galing pa ng Manila si Greg kung saan ang building ng opisina nito. Samantalang sa Sucat naman ang sa amin. Hindi naman kalayuan pero sigurado naman akong walang makakakilala sa akin kapag lumalabas ako rito sa Alabang. In less than an hour, alam kong nasa Tagaytay na kami. Dinala ako ni Gregory sa isang ntwenty-four hour restaurant and cafe. Si Gregory ang u
Araw, linggo at buwan ang lumipas. Madalang ang pagpasyal o pag-uwi ni Gregory sa bahay niya. Nababagot si Georgina pero sa tuwing nararamdaman niya iyon ay umuuwi siya sa kanila. Sa nakalipas na na halos tatlong buwan mula ng mastroke ang mama niya ay malaki na ang naimprove nito. Gregory ‘I’ll be home tonight.’ Hindi alam ni Georgina kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kasiyahan at kaba. Sa minsanang pag-uwi ng lalaki ay hindi naman ito nagsasabi, bago iyon para sa kanya. Namalayan na lang niya na nasa loob na siya ng banyo at nagbababad sa mabangong scent sa kanyang bathtub. Hindi na rin niya namalayan na inabot siya roon ng tatlumpung minuto. Nang makitang ala-sinco na ay nagmamadali siyang bumaba para magluto ng hapunan. May nakuha siyang pasta kaya gumawa na lang siya ng carbonara. Paborito niya iyon ngunit minsan lang silang magluto noon ng mama niya. Nagtoast pa siya ng garlic bread. Hindi alam ng dalaga kung bakit excited siya na darating ang peke niyang asawa. H