Habang lulan ng sasakyan ay tahimik pareho si Gregory at Georgina. Sa isip ni Georgina ay nirerebisa niya ang mga bagay na sinabi ng lalaki tungkol dito at sa kung paano silang nagkakilala, at nahulog sa isa’t isa.
Maging tungkol sa ilan sa pinaka-importanteng detalye sa pamilya nito.
Palihim na sumulyap si Georgina sa katabing si Gregory. As usual. He is serious and expressionless. Parang hindi pa niya nakitang ni minsan na ngumiti ito.
Sobra sobra siguro ang dedikasyon nito sa trabaho na handa siyang magbayad ng malaki para lang magkaroon ng hired wife at maging CEO. Pero bakit nga ba hindi na lang ito kumuha ng babaeng mahal nito at siyang pinakawalan. Wala bang babaeng may gusto sa kanya kaya hi-nire niya ako?
Medyo nakakaduda. Sa kisig at yaman nito, paniguradong pinag-aagawan ito ng kung sino-sinong babae.
Nawala si Georgina sa malalim na pag-iisip noong mapansin ang pagpasok sa malaking gate.
Isang magarbong mansyon ang pinasukan ng sasakyan. Maraming mga sasakyan rin ang nasa malawak na parking space ng lugar. Nang buksan ng driver ang pintuan ni Gregory ay maririnig ang malakas na tugtugan. Pinagbukas naman siya ng pinto ni Gregory at inalalayan sa pagbaba.
“Let’s get inside, relax and don’t forget to give them a good impression.” Bulong ni Gregory sa tainga ni Georgina, na nagdulot ng boltaheng kilabot sa huli.
Marami ang bumati kay Gregory sa pagpasok nila. Ang buong pag-aakala ng lahat ay girlfriend lang ng lalaki ang kasamang babae.
Makikita ang interes sa mga taong naroroon dahil sa pag-aakala ng lahat na kasintahan siya ni Gregory. Kung alam lang nila na higit pa roon ang label nila kahit hindi iyon totoo.
Alam ni Gregory na sa mga oras na iyon ay nasa kanya ang atensyon ng mga bisita ng kanyang ama. Palibhasa ay ngayon lang siya nagsama ng babae sa ganitong gathering. Paniguradong kaduda-duda iyon sa lahat.
Pansin agad ni Gregory ang tinging ipinukol sa kanila ng kanyang Uncle, ang nakababatang kapatid ng kanyang ama. At umaasa na maging CEO ng kumpanya kung sakaling papalya siya. Napangiti si Gregory sa naisip.
He’s already married. Wala na itong grounds para hanapan siya ng butas para maging CEO. He already made his part of the bargain. Kailangan niya na lang itong i-announce upang malaman ng pamilya niya.
Dahil nga sa ngayon lang siya nagdala ng babae sa ganitong selebrasyon. Kaya panigurang samo’t sari ang reaksyon ng lahat.
“Mom, Dad, this is Georgina Mendez.” Pakilala ni Gregory sa asawa. Sinadya niyang huwag sabihin kung ano ang namamagitan sa kanila dahil sa kanyang planong gawin mamaya.
“Gia, this is my Mom, Giselle Salvatorre and my Dad Romeo Salvatorre.
“Hello, hija. Are you somehow related to Mendez’ Food corporation?” Natigilan si Georgina sa tanong na iyon ng ama ni Gregory. Hindi niya alam kung anong sasabihin pero nakasagot naman siya
“Hindi po.” Mabilis na sagot ni Georgina. Bigla siyang nahiya.
“Dad…” sinuway ni Gregory ang ama niya.
“I was just wondering, hijo.” Sagot ni Romeo.
“Happy Birthday, Dad!” Ani Gregory na niyakap ang ama.
“Thank you, Greg.” Tugon nito.
“Oh, Greg, I’ve heard you went to US.” ani Giselle.
“Yes, for a business trip and a real quick escape to reality.” Tugon ni Gregory na napangiti. Napakabilis ng impormasyon dumating sa kanyang ina. Pero hindi nito alam ang totoo niyang ginawa roon.
Naagaw ang atensyon ng lahat sa pagtawag ng host sa kanyang ama. Kinantahan ito ng ‘birthday song.’
“Good evening, you know that now that I am 60 now, kaya nalalapit na rin ang aking retirement, and soon Salvatorre Hotels and Resorts will be under my one and only son.”
Tinawag isa-isa ang mga malalapit sa ama ni Gregory para magbigay ng mensahe matapos iyon ay tinawag si Gregory. Mabilis na umakyat si gregory sa maliit na entablado.
“Firstly, I would like to wish my Dad a happy birthday. May you enjoy more discounts Dad, kailangan mo pa ba iyon?” Tumawa si Gregory at nagtawanan rin ang lahat.
“Then I would like to introduce my wife to everyone.” Everyone in the party gasps. Especially the parents of Gregory.
Hindi alam ni Georgina kung gaano kalalim ang halik sa kanya ni Gregory, basta ang sigurado siya ay gusto niya ito. Ngayon niya lang iyon naranasan, at parang ayaw niya iyong matapos.Hindi pa sana matatapos ang malalim na halik na pinagsasaluhan nila kung hindi pa sumigaw si Marienne.“Tita, I think I have to go.” Kahit wala pa sa tamang pag-iisip si Georgina ay kitang kita niya ang matinding disappointment sa mukha ng babaeng papaalis.“Maaga pa, Marienne.” Habol pa ni Matilda.“I have some things to do at home, tita. Thank you for inviting me here.” Pagkasabi ng babae noon ay mabilis ang mga kilos na umalis ito.“Tita, do you still have doubts about our marriage?” Matigas na tanong ni Gregory sa tiyahin.“Hindi naman talaga ako nagdududa, si Marienne ang hindi kumbinsido nagpupumilit siyang tulungan ko siya.” Hugas kamay na pahayag nito, parang mauutal pa dahil bigla niyang binawi ang kanina niya lang sinasabing pagdududa.“If that’s it, may I excuse my wife.” Hawak ni Gregory ang
“Saan ba tayo pupunta at nakaayos pa ako ng ganito?” Nahihiyang tanong ni Georgina sa asawa. “Tita Matilda organized an event for us.” Pumalatak pa si Gregory noong sinabi iyon. “She’s really testing us. Sa palagay ko ay hindi pa rin siya kumbinsido sa atin. So please do your best to show her that we are real.” Paalala ni Gregory sa asawa. Tumango-tango si Georgina bilang sagot, kinakabahan siya kung paanong gagawin para hindi sila mapagdudahan. Ilang sandali lang ay nakarating sila sa isang exclusive subdivision. Huminto ang sasakyan sa malaking gate. Binuksan ni Kuya Rene ang bintana at sumenyas sa gwardia. Mabilis na binuksan ang gate at pinapasok sila. Malaki ang harap ng bahay, may nakapark na rin doon na limang sasakyan pero maluwag pa, siguro ay kakasya pa ang tatlo. Pinagbuksan ni Kuya Rene si Gregory ng pinto, palabas na sana ako noong bumukas rin ang pinto sa tabi niya. Iniabot na sa kanya ni Gregory ang kamay kaya tinanggap niya iyon. “Thank you.” Nahihiyang p
“Ma, sorry ang busy ko sa trabaho. Kumusta po kayo?” Ngiting ngiti ang ina ni Georgina noong makita siya nito.“Ang dami mo namang dala, anak.” Puna ng ina niya sa kaniya. Bago kasi siya pumunta sa bahay nila ay nag-grocery siya ng mga supplies para sa ina.“Kakasahod ko lang po kasi.” Nakangising sabi niya. Pero medyo nalungkot ang mukha ng kanyang ina.“Baka naman wala ka nang natira para sa iyo?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang ina sa tanong nito.“Stay in naman ako sa boss ko, libre pagkain ko. Malakas lang talaga ang kita ko roon kaya maluwag ako.” Palusot niya. Pero halata niya sa mukha ng ina na parang may halong pagdududa at pag-aalala iyon.Mabilis na nabanaag iyon ni Georgina kaya nagsalita agad siya upang depensahan ang pinakikitang emosyon ng ina.“Ma, ayos ako sa trabaho ko, wala kang dapat ikabahala, ang isipin mo ay ang mapagaling mo ang sarili mo. Susuportahan kita hangga’t gumaling ka. Okay po? Huwag ka na mag-alala.”pinisil niya ang balikat ng ina upang ipak
Ngalay ang braso ni Gregory noong magmulat siya ng mata. To his surprise, a warm body is so close to him. Hindi niya mapigilan ang mapangiti noong mapagtanto na asawa niya ito. The last time he checked, she was on the sofa. How come he doesn’t know that she was already beside him. Sobrang lalim ba ng tulog niya? He looked at her closely. This woman has this angelic face that any man who sees him will give her a second glance. Gaya na lang noong nakita niya ito sa labas ng Paper Vows office. Her beauty captured his eyes. Kaya nang makita niya ang larawan nito sa papel sa lamesa ay pinili niya ito. Kagabi lang ay kamuntik niya na itong sumggaban ng halik kung hindi lang nagring ang phone nito. Muling napadako ang tingin niya sa mapupula nitong labi. He wanted to kiss it badly. He felt his male member twitch. Gamit ang malayang kamay ay nasapo niya ang ulo. This woman has an effect on him. Matagal na rin mula noong nagkaroon siya ng fling and had sex. Siguro bago pa sila kinasal.
Gregory can’t stop himself from looking at the beauty who was an inch away from him. Sa totoo lang ay hindi siya magsisinungaling at aaminin niyang malakas ang dating ng babae sa kanya. Ngunit kahit asawa niya ito sa papel ay malinaw na off limits ito. Goergina’s eyes are now shut closed and her lips are pursed. Man, that was inviting. Nasa ganoong pag-iisip na si Gregory noong biglang may magring na phone. Napabalikwas ng bangon si Georgina at hinanap ang phone niyang tumutunog. “Hello, Ma? Kamusta?” “Opo, bisita po ako sa susunod na linggo. Medyo busy lang po ako sa trabaho.” Mahabang paliwanag ni Georgina sa kausap sa kabilang linya. Pilit umiiwas ng tingin si Georgina sa asawang nasa harapan dahil sa inakto niya kanina, konting-konti na lang e bibigay na siya at parang pahahalik pa rito. “Should we continue what we’ve started?” Malalim ang tinig na tanong ni Gregory. Biglang nag-init ang pisngi ni Georgina sa sobrang pagkapahiya niya. Habang si Gregory ay pilit pinipigil ang
Mabilis na bumitaw si Georgina kay Gregory sa pagkapahiya. “Hinihingi ng sitwasyon.” Kunot noong sagot niya. “Puwede na ba akong pumasok sa loob?” Magalang na tanong pa ni Georgina. “Hon, it’s our room.” nakaramdam ng kilabot si Georgina, bigla siyang kinabahan at gusto na lang na bumukod ng kwarto, kaso hindi naman maaari at baka ano pang masabi ng mga magulang nito. Binuksan ni Georgina ang door knob at pumasok. Namangha siya sa ayos ng kwarto nito. Ngayon lang siya nakapasok doon, at ang alam niya hindi pinapapalinisan iyon sa mga stay-out cleaner. Kaya nga maging siya ay ganun rin ang ginawa. Hindi niya pinapapasukan ang kanyang kwarto, para walang maging issue. Dire-diretso si Gregory sa isang pinto, natanaw ni Georgina iyon bilang walk in closet at mukhang naroroon rin ang kanyang banyo. Napaisip si Georgina kung anong gagawin niya roon. Hindi pa nga siya nakakabihis ng pantulog. Lumakad siya para sundan ang tinungo nito para magpaalam. Tama ang hinala niyang naliligo ang