Share

Kabanata 5

Penulis: Astherielle
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-20 15:16:22

Matagal na sandali ang lumipas bago nakatanggap ng tugon si Hendrix, at nag - isip ng ilang sandali, "Ayos lang ba sa iyo?"

Walang makikitang ekspresyon sa mukba ni Davron, "Ayos lang sa akin."

Sasagot na sana si Hendrix na tama lang iyon, ngunit umangat ang sulok ng labi ni Davron at ngumiti, "Tanungin mo siya kung gusto niya."

Hindi maiwasan ni Hendrix na bumuntong hininga, "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa iyo na may pakialam ka sa mga tao o wala."

Napaka-ganda ni Secretary Averilla at mayroong napaka-buting pag-uugali. Mayroon siyang magandang hubog at makinis na katawan, at mukha siyang isang tunay na nakakabighani kahit saan.

Nakakaawa na sinundan niya ang isang walang pusong hayop tulad ni Davron Zalderriaga.

Maraming taon nang magkakilala sina Hendrix Cojuangco at Davron Zalderriaga, at kilalang kilala na niya ito. Hindi ko pa nakita si Davron na  magkaroon ng totoong pagmamahal para sa ibang babae maliban kay Tiara Averilla.

Sa simula pa lang ay talagang mabuti na si Davron kay Tiara.

Ang babaeng minahal nito ng lubos ay ang babae na nagpahiwatig ng kanyang damdamin dito nang una silang magkakilala.

Inangat ni Davron ang kanyang mga kilay, walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nito, "Negosyo, hindi na mahalaga kahit kanino niya pa iyon gawin." magaan nitong sabi.

Nagbibiro lang naman si Hendrix, at hindi niya inasahan na magiging masyadong "mapagbigay" si Davron.

Pero mukhang hindi ito pangyayari na hindi inaasahan.

Palaging makatwiran si Davron.

"Mag-ingat ka at huwag mong hayaan na marinig ito ni Selene, kung hindi ay panigurado na malulungkot iyon at sasama ang loob." hindi maiwasang ipaalala ni Hendrix.

Mukhang tinatamad si Davron, sumimsim ng pulang alak, at ang boses niya ay bahagyang malamig at malayo.

"Hindi naman siguro." sambit niya sa tatlong salita na walang pagpapahalaga.

Ang pinakamalaking panganib na bagay sa paglalaro ng kaswal na relasyon ay ang mahulog sa pag-ibig.

Masyado itong mahirap.

Naniniwala si Davron na hindi naman ganoon katanga si Selene. At least masyado naman siyang naging matalino sa loob ng halos lumipas na anim na buwan.

Hindi siya magtatanong ng mga bagay na hindi niya na dapat tanungin, at hindi niya gagawin ang mga bagay na hindi niya dapat gawin. Alam niya ang kasalukuyang sitwasyon at naging sobra naman siyang disente.

Bahagyang nauusisa si Hendrix kung magagalit ba si Davron. Pagkalipas ng ilang sandali, naglakad ang lalaki patungo sa harap ni Selene na may hawak na isang bote ang alam sa kaniyang kamay at nakita nito na partikukar na namumutla ang mukha ni Selene.

Narinig ni Selene ang lahat. Pero ang maaari lang niyang gawin ay magpanggap na wala siyang alam sa pinag-usapan ng dalawa.

Malamig ang kanyang mga kamay at paa. Bahagyang namamanhid ang kanyang puso dahil sa sakit na nararamdaman.

Napaka-magalang ni Hendrix, "Miss Averilla, buti at nagkita tayo ulit."

Walang malay na  humakbang ng dalawang beses si Selene paatras, "Mr. Cojuangco."

Nang makalapit siya, nakita ni Hendrix na napakaganda nga nito talaga, may pinong features, tatlong bahagi ay malikot at tatlong bahagi na dalisay, at ang kanyang kagandahan ay talaga namang nakakapigil-hininga.

Talagang naantig ang kanyang puso kay Selene.

Ngumiti si Hendrix sa kanya. "May oras ba si Secretary Averilla nitong mga araw?"

Huminga ng malalim si Selene, "Sa kasamaang pala, abala ako ng kaunti."

Mahirap sabihin kung ang ekspresyon ba ni Hendrix Cojuangco sa mukha nito ay masama o mabuti, "Tsk, tulad pa rin ng dati si Secretary Averilla." makahulugan nitong sabi.

Malamig. Nagpapanggap na marangya.

Madiin na itinikom ni Selene ang kanyang mga labu at hindi nagsalita.

Talagang gusto siya si Hendrix. Maganda siya at mayroong magandang pigura. Presentable din siya at hindi kahiya-hiya.

Naglakad palapit si Davron sa kanilang dalawa. Inilagay ng lalaki ang kanyang mga kamay sa loob ng mga bulsa, may malamig at malayong tingin, na tila wala siyang kinalaman sa naging pag-uusap ng dalawa.

"Kamusta ang pag-uusap ninyo?" kaswal na tanong nito kay Hendrix.

Ngumiti si Hendrix, "Ni hindi ko pa naitanong, pero hindi na makapaghintay si Mr. Zalderriaga?"

Inangat ni Davron ang mga kilay. "Masyado kang nag-iisip."

Kinurot ni Selene ang kanyang palad, ginagamit ang mahinang kiliti na pakiramdam para manatiling gising, nagpapanggao na walang alam. Hindi maganda sa pakiramdam na maging topic ng usapan ng ibang tao.

Tinitigan ni Hendrix si Selene, at sinabi niya ng diretso ang kaniyang punto nang walang karagdagang paghahanda. "Nagtataka ako kung interesado ba si Secretary Averilla na gumugol ng ilang araw kasama ako?"

"Hindi ako interesado." saad ni Selene na may matigas na mukha.

"Maaari mong pangalanan ang presyo, naniniwala ako sa desisyon ni Mr. Zalderriaga." mapagbigay na sabi ni Hendrix.

Namutla ang mukha ni Selene, ngunit hindi niya ito ipinahalata, mukha pa rin siyang kalmado kung titignan. Gusto niya palaging isalba ang kanyang mukha at ang katawa-tawang pagpapahalaga sa sarili, at kusang nagpanggap na maging kakaiba. Wala siyang pakialam tungkol sa pakikipagpalitan na tila isang bagay. Wala siyang pakialam tungkol sa pagiging topic ng mga pag-uusap.

Ngumiti siya, "Hamak na mas mapagbigay si Mr. Zalderriaga, hindi pa ako nakakatanggap ng sapat mula sa kanya."

Bihirang magsabi ng mga ganitong klaseng salita si Selene, at parehong natigilan sina Hendrix at Davron.

Mula sa ekspresyon ni Davron.

Malamang ay nakita ni Selene na hindi nito nagustuhan ang pagsuway niya, at mukhang hindi maganda ang mukha ng lalaki, at maging ang ngiti na nakakabit mula sa sulok ng mga labi nito ay malamig.

Pagkatapos ng ilang segundo, ngumisi si Davron, "Ambisyosa pala si Secretary Averilla." walang ekspresyon nitong sambit.

Nakaramdam ng sakit si Selene sa kaniyang puso, at ang patuloy na matalim na sakit ay dumadaloy tulad ng isang makapal na malamig na hangin.

Pinilit niyang iangat ang sulok ng kanyang mga labi at ngumiti, "Oo naman."

Marahil ay kinabahan ang waiter, at nang nilagpasan siya nito, aksidente nitong naitapon ang alak sa kaniyang suot na palda.

Kitang-kita ang mantsa ng alak at hindi ito magandang tignan.

Nakaramdam siya ng pagka-pahiya, at agad na hinaklit ni Davron ang kanyang palapulsuhan. "May lounge sa itaas."

Mariing itinikom ni Selene ang kaniyang mga labi. "Pero hindi ako nagdala ng kahit anong damit."

Tumango si Davron. "May taong magdadala n'on." sambit nito sa mababang boses.

Walang tao sa guest room na nasa ikalawang palapag.

Mabilis na nagdala ang waiter ng isang malinis na palda. Dinakma ni Selene ang mga damit at umikot para magtungo sa banyo para magpalit ng damit. Awkward na na-stuck ang zipper sa kaniyang likuran.

Walang pagpipilian si Selene kundi utusan si Davron na nasa labas ng pinto para humingi ng tulong.

Wala namang sinabi si Davron. Napaka-laming ng mga daliri nito, at may kaunting lamig dito nang naidampi ang mga ito sa balat ng kaniyang likod.

Mahinang dumaan ang hininga ng lalaki sa manipis niyang balat sa likod ng kanyang tainga, mainit at namamanhid.

Tinulungan siya ni Davron na isara pataas ang zipper ng kanyang damit, kaswal na inagat ng mga daliri nito ang hibla ng mahaba niyang buhok, pinasadahan ng mfa mata nito ang kanyang buong katawan, "Sa totoo lang, hindi mo na kailangan pang magpalit ng damit." bigla nitong bulong.

Napakalapit ni Selene dito, namula ang kanyang mukha at hindi pa siya gumawa ng kahit anong reaksyon.

Kinulong ni Davron ang mga palapulsuhan niya at inilagay ang mga ito sa kaniyang likuran, at kinuha ang oportunidad na iyon para ibuka ang kanyang mga binti gamit ang mga tuhod nito habang ang kaniyang hininga ay malamig, "Kailangan mo nga lang itong alisin."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Tied With The Ruthless Billionaire   Kabanata 76

    Mga basang patak ng tubig ang nakasabit sa mga pilikmata ni Selene. Itinaas niya ang kanyang mga pilikmata gamit ang nanginginig na mga kamay. Sa pamamagitan ng malinaw na ambon, halos hindi niya makita ang ekspresyon sa mukha niya. Malamig siya at tila sobrang malayo at magalang.Katulad ng sinabi niya sa kanya, magalang siya.Pero matagal nang nakikita ni Selene ang tunay na pagkatao ni Davron. Mukhang mabait at kalmado siya sa panlabas, pero sa totoo lang, hindi niya gusto na labanan ng iba ang anumang desisyon na kanyang ginagawa. Kailangan niyang kontrolin ang lahat ng bagay nang mahigpit sa kanyang palad at hindi kailanman pahintulutan ang anumang bagay na makatakas sa kanyang kontrol.Naramdaman ni Selene na malamig ang buong katawan niya. Mahigpit niyang niyakap ang kanyang basang katawan at bahagyang nanginginig. "Lumabas ka na muna, gagawin ko ito nang mag-isa." saad niya na may namamaos na boses. Ibinaba ni Davron ang kanyang mga mata at kalmadong sinuri ang buong katawa

  • Contract Marriage: Tied With The Ruthless Billionaire   Kabanata 75

    Hindi alam ni Selene kung bakit bigla na lang nagwawala si Davron. Naipit siya sa sofa at halos hindi na makagalaw.Ang mga mata ni Davron ay kasing lamig ng yelo, parang mga pako na nakabaon sa kanyang mukha. Sinuri niya ang kanyang mukha, pulgada por pulgada, hindi binibitawan ang kahit na anong bakas. Nang makita niyang tahimik lang siya, nagkaroon ng kaunting galit sa kanyang mga mata.Medyo natatakot si Selene sa kanya kapag ganito. Ang pagtakas ay mas nagdulot ng hindi pagsang-ayon sa lalaki. Hinila nito ang buhok niya at marahas na hinila siya pabalik. "Magsalita ka." saad nito. Hindi sigurado si Selene kung ang "lalaki" na tinutukoy ni Davron ay ang kanyang tiyuhin o si Attorney Sanchez.Ayaw niyang malaman ni Davron na nakakulong ang kanyang tiyuhin, at mas lalong ayaw din niyang malaman nito ang tungkol kay Attorney Sanchez.Kahit na wala namang nararamdaman si Davron sa kanya ay medyo sensitibo siya sa bagay na ito.Ayaw niyang masyadong lumapit siya sa mga lalaking hin

  • Contract Marriage: Tied With The Ruthless Billionaire   Kabanata 74

    Akala ni Selene na dinala siya ni Davron sa Iloilo dahil kailangan siya sa trabaho, pero sa pagkakataong ito, pinatira lang siya sa hotel. Hindi niya kailangan ihanda ang mga dokumento, at hindi rin siya dinala sa meeting.Nag-enjoy naman si Selene sa kanyang bakasyon at hindi nababagot.Napakaaga nagising ni Davron kinaumagahan. Parang may pampatulog ang gamot para sa sakit na ininom niya kagabi. Parang hindi siya makapunta sa umaga. Nanginginig ang kanyang ulo. Parang naramdaman niyang tumayo ito, pero hindi niya maimulat ang kanyang mga mata.Bago umalis, parang yumuko ang lalaki at hinalikan ang kanyang mga labi, at bumulong sa kanyang tainga, na hilingin sa kanya na manatili sa hotel at huwag maglakad-lakad.Hindi naman ganun kamasunurin si Selene, at wala talagang pakialam si Davron sa ginagawa niya araw-araw.Ang tiyuhin ni Selene ay nagsisilbi pa rin ng kanyang sentensya at isang taon na lang ang natitira.Nag-set siya ng appointment sa abogado na namamahala sa kaso ng kanya

  • Contract Marriage: Tied With The Ruthless Billionaire   Kabanata 73

    Hindi matanggap ni Selene na sinabi ni Davron kay Tiara ang tungkol sa kanyang sugat. Para bang wala lang sa kanya ang nararamdaman niya. Pinigilan ni Selene ang kanyang hininga at hindi makapaglabas ng sama ng loob. Kinuyom niya ang kanyang mga ngipin at piniling manahimik. Isang makapal na usok ang tumaas sa kotse, at ang amoy ng tabako ay mapait. Inilahad ni Davron ang kanyang kamay, pinindot ang kanyang hinlalaki sa balat ni Selene, at pinihit ang kanyang mukha gamit ang isang puwersang hindi gaanong gaanong o mabigat. Parang pinipilit niyang tingnan siya at harapin. Nakita niya ang pulang mata at maputlang kutis ni Selene, at tahimik niyang nilunok ang masasakit na salitang nasa bibig niya. "Secretary Averilla, ayaw mo ba talaga kay Tiara?" "Hindi naman," sagot ni Selene. Pakiramdam niya ay sayang lang na gugugulin ang kanyang emosyon sa isang taong hindi naman karapat-dapat. "Pero ayaw ko talaga siyang makita. Sa tingin ko, makikita naman ni Mr. Zalderriagaiyon. Siguro

  • Contract Marriage: Tied With The Ruthless Billionaire   Kabanata 72

    Nalaman lang ni Tiara ang pagbubuntis ni Selene matapos niyang suholin niya ang doktor. Pagbalik ni Tiara sa Pilipinas ay nalaman niyang si Selene ang pinakasalan ni Davron, at halos madurog ang mga ngipin niya sa galit. Bakit kailangang siya pa? Parang multo na nakasunod sa kanya. Narinig ni Tiara na isang buwan at kalahati nang hindi pumapasok sa trabaho si Selene, at alam niyang may mali. Anong klase bang sakit ang nangangailangan ng ganito katagal na leave? Tinatanong din niya si Davron tungkol dito. Hindi naman siya hangal. Parang wala lang siyang sinabi at ginamit ang pangalan ng sekretarya ni Davron, pero hindi siya sinagot nito. Kaya nag-imbestiga si Tiara at gumastos ng malaking halaga para malaman kung saang ospital nagpapa-check up si Selene. Wala sa mundo na hindi mabibili ng pera. Hindi niya inaasahan na buntis pala si Selene. "Ano pa ang silbi ng pag-angkin mo sa titulo ng asawa mo?" Wala sa sarili na nagpunas ng kamay si Tiara, at idiniin, "Huwag kang magsisisi sa

  • Contract Marriage: Tied With The Ruthless Billionaire   Kabanata 71

    Malamig ang naging reaksiyon ni Selene. Walang emosyon na nakita sa mukha niya nang marinig niya ang tungkol kay Tiara.Pero ayaw niya talagang makita ito. "Mr. Zalderriaga, kaya mo bang pumunta mag-isa sa airport? Mukhang walang silbi kung sumama pa ako."Hinawakan ni Davron ang kamay niya ng walang sinabi. "Magkasama tayong pupunta. Sakto lang para sa hapunan."Magkalapit sila. Hindi siya gumagamit ng pabango, at may mahinang amoy ng damo at kahoy sa katawan niya, medyo mapait at medyo matapang.Karamihan sa oras, mahina siyang nagsasalita, walang gaanong pataas-baba.Habang nasa biyahe, nakatingin si Selene sa langit na unti-unting nagdidilim sa labas ng bintana. Inalis niya ang lahat sa isip niya at hindi na nag-abalang mag-isip ng kahit ano.Dinala siya ni Davron sa isang restaurant na hindi kalayuan sa airport.Hindi ito mukhang isang restaurant na bukas sa publiko.Tahimik na luho, pribadong piging.Nasa daan pa rin sina Adam at Tiara. Nagsalin ng isang baso ng maligamgam na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status