Share

Chapter 3

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Subrang sakit ng ulo ko pati ang buong katawan ko. Para akong binugbog. Mariin akong napapikit nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala sa aking sarili na nagawa ko ang bagay na iyon... Na isinuko ko ang aking pagkababae sa isang estranghero.

Napabangon ako sa gulat nang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaki. Ngunit agad rin akong napahiga ulit at napa igik nang maramdaman ang sakit sa pagitan ng dalawang hita ko.

Lumapit siya sa akin na may pag alala sa mukha. Ganoon parin ang suot niyang damit kagabi. Lukot na iyon at may bakas ng mantsa. Nahihiya na napaiwas ako ng tingin nang makalapit siya sa akin.

"Na... Nasaan tayo? " mahinang tanong ko.

"Sa hotel. Hindi ko kasi alam kung saan kita ihahatid kaya dito nalang kita dinala, " aniya. "Yung nangyari kagabi--, "

"Sorry. Ano, wag mo ng isipin yun.

" What?"

"Sorry... Hindi ko lang talaga alam kung ano ang nangyari sa akin kagabi kaya ko iyon nagawa sayo, " sabi ko sa mahina na tono. Nakayuko lang ako dahil hindi ko kayang salubongin ang mga tingin niya. "Pasensya na talaga. Wag mo na lang isipin."

"Pero..." wala siyang maidugtong na salita. Hindi niya rin siguro alam kung ano ang sasabihin.

"Kagustuhan ko iyon," sabi ko at nag angat ng tingin sa kanya.

"Fine.." pagsuko niya. "By the way" may inabot siya sa akin na puting sobre " Tungkol doon sa payment na pinaguusapan-, "

"Hindi na, " pagtanggi mo. "Hindi na kailangan. Parehas lang tayo na kailangan ng may makausap. Kaya patas lang. Hindi mo ako kailangan bayaran doon. Mag banyo lang ako."

Kahit masakit pinilit kong tumayo. Suot ko na ang damit ko. Siguro sinuotan niya ako kagabi bago niya ako dinala rito. Wala na kasi akong matandaan pagkatapos naming mag... Piniling ko ang aking ulo nang maalala ang nangyari sa pagitan naming dalawa kagabi.

Nang makapasok ako sa loob ng banyo, hinubad ko lahat ng saplot ko sa katawan. Kailangan ko maligo dahil ang lagkit ko. Dagdag pang parang binugbog ang katawan ko.

Hindi ko maiwasang mag isip tungkol sa kaanyuan ng estrangherong lalaki na nakainig ko kagabi. Sa ginawa namin hindi ko maisip na isa siyang bakla. Kahit iyon ang unang pagkakataon na nangyari sa akin, masabi ko na magaling siya. Na para bang alam niya ang ginagawa niya. Na hindi lang iyon ang unang beses na ginawa niya sa babae.

Hindi ko man lang nakitaan ng pagkailang, pagkadisgusto ang kanyang mukha habang nasa ibabaw ko siya. Kahit pagtutol sa halik ko wala akong naramdaman na ganun. Para ngang nagustuhan niya ang ginawa namin kagabi.

Bakla ba talaga siya?

Nang makalabas ako ng banyo, naabutan ko siyang naka upo sa couch. Nakaharap sa pabilog na mesang babasagin. May pagkain ng nakahain doon. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

Napakislot ako nang mag angat siya ng tingin sa akin. Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko. Nagrigidon ang puso ko. Sa paraan ng pagtitig niya parang napapaso ako.

"It's almost 3 p.m already. I'm sure gutom ka na, " aniya.

"T-Teka, alas tres na? " pagkumperma ko. Tumango siya. " Yung trabaho ko.. "

Ganoon ba ako ka pagod para ganun ka haba ang tulog ko? Shit! Late na ako. Ayaw pa naman ni manager ang late. Automatic absent na iyon. Laglag ang balikat na hinalungkat ko ang aking sholder bag. Hinanap ko ang cellphone ko ngunit lowbat iyon. Paano na ako makapagpaliwanag sa manager ko nito?

"Hindi ko alam na may trabaho ka, " nabaling ang tingin ko sa kanya. "Kaya hindi kita ginising. Sorry. "

"Hindi... Ayos lang, " lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Isang maliit na sopa lang kasi ang narito kaya wala akong choice kundi ang tumabi sa kanya.

Hindi ako pamilyar sa pangalan ng mga pagkain. Pero ang bango ng mga ito at nakakatakam. Hindi ko na siya nagawang suwayin ng sandukan niya ang plato ko. Tahimik nalang akong kumain at ninamnam ang sarap na lasa nito.

Ngayon lang ako naka kain ng ganito ka sarap at mamahaling pagkain. Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil ang mga pamilya ko hindi man lang natikman ang kinakain ko ngayon. Ano kaya ang inuulam nila ngayon doon?

Hanggang sa matapos akong kumain ang kalagayan ng pamilya ko ang iniisip ko. Nahihiya rin kasi akong kausapin ang lalaking kasama ko. Tahimik rin siyang kumakain at taging kalansing lang ng kutsara at tinidor ang nagsilbing ingay sa buong paligid.

"Ihatid na kita sa inyo. "

Tapos na kaming kumain. Inaayos ko ang buhok ko na hindi ko nasuklay kanina. Nakamasid lang siya sa akin habang nakasandal sa malaking salamin ng bintana. Naiilang ako kaya binilisan ko ang pagsuklay ng buhok ko. Hinarap ko siya ng matapos ako.

"Hindi na, " pagtanggi ko.

"I insist, " at naunang maglakad palabas.

Nang masiguro na wala akong naiwan dito, sumunod ako sa kanya palabas. Nakabayad na siguro siya dahil patungong parking lot ang pinindot niya sa elevator.

Wala akong mahagilap na sasabihin sa kanya. Kung magpasalamat ba ako dahil siya ang nakasama ko kagabi at niligtas niya ako sa kapusukan ko. Nahihiya ako na ungkatin ang bagay na iyon. Kahihiyan na nga ang ginawa ko, dagdagan ko pa ng katangahan.

Big deal sa akin ang pagiging birhen hanggang sa maikasal ako. Pero wala na akong magagawa dahil wala na iyon sa akin na iningatan ko sa loob ng dalawampu't taon dahil sa lintik na alak na iyon. Iyon na ang una at huling inom ko ng alak. Hinding-hindi na ako uulit pa.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan. Patakbo siyang umikot sa kabila nang makasakay ako. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kilig. Ang gentleman naman niya.

Sinabi ko sa kanya kung saan ako nakatira. Sa likod ng bar sa may looban. Makapasok naman ang sasakyan doon. Wala ring mga tambay. Iyon nga lang medyo marumi ang lugar. Okay na iyon sa akin. Mura kasi dito kumpara sa iba. Malapit rin sa pinagtatrabahuhan ko.

"Salamat.. " saad ko ng huminto kami sa tapad ng bahay na inuupahan ko.

Dinig ko ang kanyang mabigat na paghinga. Nang magtagpo ang mga mata namin, hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Ano nga ulit ang pangalan mo? Nakalimutan ko yata itanong sayo kagabi, " saad niya.

I smiled, "I'm Ysabelle, " at nilahad ko ang palad ko sa kanya.

Tinanggap niya iyon. " I'm Zen. Nice meeting you, Ysabelle. Sana masundan pa ang pagkikita natin. Nag-enjoy akong ka-kwentuhan ka. "

Ngiti lang ang isinagot ko. "Salamat ulit, " saad ko at bumaba na.

Naglakad ako papasok sa bahay na hindi siya nilingon. Nang marinig ang pag andar ng sasakyan niya, napahawak ako sa aking dibdib. Bakit parang mabigat dito? Bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot?

Isinabit ko ang bag na dala sa likod ng pintuan. Matamlay na humiga ako sa katre na gawa sa kahoy na banig ang tanging sapin. Nang ipikit ko ang aking mata, ang mukha ni Zen kaagad ang aking nakita. Sa pagpikit ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa subrang ginaw. Mataas na ang sikat ng araw na tumatagos sa dingding. Nang kapain ko ang aking leeg, subrang init ko. Kaya pala ako giniginaw dahil nilagnat ako. Lalong sumakit ang buong katawan ko at hindi ko kayang bumangon. Hindi ako nakaramdam ng gutom kaya natulog nalang ako ulit at tumalukbong ng kumot.

Mabuti nalang at rest day ko ngayon. Nang magising ako ulit, pinilit ko ng bumangon kahit matutumba ako sa subrang sama ng pakiramdam ko. Nagluto ako ng noodles at nilagyan ko iyon ng itlog. Nilagyan ko rin ng sili para may anghang. Pagkatapos kung kumain uminom ako ng gamot at nagkapulo ng tubig upang gawing suob.

Sa ganitong sitwasyon, hinahangad ko na sana narito si Inay inaalagaan ako. Pero dahil malayo ako sa kanila natuto na akong alaagan na mag isa ang sarili ko kapag nagkasakit ako. Dahil walang ibang tutulong sa akin kundi ako lang.

Marami akong kaibigan pero wala akong matawag na best friend. Ayos na rin sa akin iyon dahil ako iyong tipo ng tao na mas gustuhing mag-isa kaysa mayroong kasama. Kasi minsan hindi lahat ng kaibigan mo kaibigan ang turing sayo. Minsan, sila pa mismo ang sisira sayo. Ang hihila sa iyo pababa.

Kinabukasan paggising ko maayos na ang pakiramdam ko. Medyo masakit pa ang ibabang parte ko pero kaya ko naman. Alas dose palang ng tanghali pumanhik na ako sa trabaho. Kailangan ko pa magpaliwanag kay manager kung bakit absent ako noong nakaraang araw.

Pagpasok ko ng bar, nagtataka ako dahil pinagtitinginan ako ng mga kasamahan ko, pati narin ang mga nag sideline bilang mga bayaran. Tingin na mapanghusga. Sanay na akong tinitignan pero sa puntong ito, naiilang ako. May nagawa ba akong mali?

"Gueene, I need to talk to you. "

Nagulat at kinabahan ako sa pagiging seryoso ngayon ni manager. Lagi naman siyang seryoso pero ngayon mukhang hindi maganda ang dahilan. Sumunod ako sa kanya sa counter area. Hindi pa open ang bar kaya kaming mga trabahante lang ang nandito nag aayos para mamaya.

"Bakit ho, manager? May problema ho ba? " kinakabahan na tanong ko.

"May nawawala na pera. Ikaw ang kahera ng gabing iyon bago mawala kaya iimbistigahan ka, " aniya na nagpalaki ng mata ko.

"Pero ma'am, wala ho akong kinuha na pera," depensa ko sa sarili dahil wala naman talaga.

"I-check lang namin ang bag mo nang ma komperma na wala ka ngang pera na kinuha. "

Pinagbigyan ko sila dahil wala naman talaga. Nakatingin ang lahat sa amin nang aabang. Kinuha ng bouncer ang bag ko ay inisa-isa iyong kinuha ang laman. Nanlaki ang mata ko at napako sa aking kinatayuan ng may mahugot siyang puting sobre sa loob ng bag ko. Nang buksan niya iyon, napatakip ako sa aking bibig nang makita ang laman. Libohing pera ang laman ng puting sobre.

Nangsinghapan ang mga nakakita. Pati si manager napa-iling, hindi makapaniwala at dismayado na tumingin sa akin.

"Ma'am, h-hindi ho ako nagnakaw...Kay... kay... Ano yan galing.. "

Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko nang mag-sink in sa aking isipan ang nangyari nang gabing iyon. Napasinghap ako. Hindi ako makapaniwala na pinagkaisahan ako si Shara. Siya lang ang may kayang gumawa sa akin nito. Alam niyang babayaran ako ni Zen kaya kinuha niya ang lahat ng sales ko. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit inilagay iyon doon ni Zen gayong tumanggi ako sa pera niya? Magkasabwat ba silang dalawa ni Shara?

"Hin..Hindi ho ako nagnakaw, ma'am. "

"Paano mo ngayon ipaliwanag 'to? " aniya tukoy sa pera na hawak niya ngayon. "Thirty thousand ang pera na nawala, Gueene. Sakto sa pera na hawak mo ngayon. Paano mo mapatunayan na hindi mo kinuha gayong hawak ko ang ebidensya? "

Hindi ko alam paano ipagtanggol ang sarili ko. Kahit magsabi ako ng totoo hindi nila ako paniwalaan. Wala si Zen dito para ikumperma niya na sa kanya nga talaga galing ang pera na ito.

Napayuko ako ng marinig ang bulungan sa paligid. Hindi man iyon totoo pero masakit sa loob ko. Masakit sa puso ang mga maling paratang nila.

"Hindi na ako mag-file ng case laban dito dahil nasauli mo naman ng buo ang pera. Hindi na rin ako magtatanong kung bakit mo ito ginawa dahil obvious naman na kailangan mo ng pera. Pasensya na pero hindi ka na pwedeng magtrabaho dito. "

Masama ang loob na nilisan ko ang bar. Biglang bumalik ang sama ng pakiramdam ko sa mga maling paratang nila. Wala doon si Shara kaya hindi ko siya matanong. Parang tinahi ang bibig ko na hindi ako makapangatwiran para sa sarili ko. Ang sama-sama ng loob ko. Ang sakit para sa akin na kasama ko pa ang mag-ta-traydor sa akin.

Paano na ako gayong wala na akong trabaho? Ang pamilya ko. Magsimula na naman ako sa umpisa na maghanap ng trabaho at puro rejection ang matatanggap ko.

Isang linggo na ang lumipas simula ng mawalan ako ng trabaho. Palagi kong inaabangan ang pagdating ni Shara pero mukhang umalis na siya sa bar. Umaasa rin ako na dadalawin ako ni Zen rito pero sarili ko lang ang pinapaasa ko.

Bago maubos ang naitabi kong pera napagdesisyunan kong umuwi nalang sa amin. Kaunti lang naman ang gamit ko kaya isang malaking bag lang ang bitbit ko. Magpaliwanag lang ako ng maayos sa mga magulang ko kung bakit nawalan ako ng trabaho.

Tahimik ang munting bahay namin nang makarating ako. Nasa eskwela pa siguro ang dalawa. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako dahil narito si Itay. Naka upo siya sa kawayan na upuan, nakayuko ang ulo at mukhang malalim ang iniisip.

"Itay.... "

"Bakit hindi ka namin matawagan?" Aniya na napapako sa paa ko sa aking kinatayuan. "Pinuntahan ka namin sa sinasabi mong pinagtatrabahuhan mo pero wala ka doon, " nag angat siya ng ulo at pinukol ako ng masamang tingin. "Hindi ka nila kilala. Pinagloloko mo ba kami?! "

" Itay..."

Nagtangis ang kanyang mga ngipin. Nag aapoy sa galit ang mga mata. "Yung mga kapatid mo pinatay! Saan ka nang mga panahon na kailangan ka nila?! "

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status