Share

Chapter 7

Isang bangungot para sa akin ang pagkamatay ni Itay. Hindi ako pinatulog. Isang buwan na ang nakalipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa sa aking isipan ang mga pangyayari.

Sa tulong ng mga kapitbahay dumating ang ambulansya para kay Itay upang dalhin siya sa hospital, ngunit hindi para sagipin siya. Dumating rin ang mga pulis ngunit wala kaming maisagot ni Inay sa mga tanong nila. Tikom ang bibig namin sa pagkabigla at takot sa bilis ng pangyayari sa hindi makatarungan na nangyari kay Itay.

May nakasaksi sa pangyayari, ngunit tikom rin ang kanilang mga bibig sa takot na baka sila naman ang balikan ni Juancho. Maski kami natatakot rin para sa kaligtasan nila dahil nakita mismo namin kung gaano ka hayop at walang awa si Juancho.

Nang araw din iyon inilibing namin si Itay sa tabi ng puntod ng mga kapatid ko. Subrang sakit ang pagkamatay ni Itay. Sa paghahanap niya ng hustisya namatay siya na hindi ito nakamit. Sinalo niya ang bala na para sa akin dahil may batang walang kamuwang muwang na madamay. Sa huling sandali ako parin ang iniisip niya.

Ang ginawa ni Juancho hindi na namin pinaabot sa pulisya. Nanatili iyong sekreto sa takot na baka isa na naman sa amin ang mawala. Hindi narin bumalik pa ang mga pulis para mag imbestiga.

Si Inay kahit alam kong nahihirapan at nangungulila siya hindi niya iyon pinapakita sa akin. Nanatili siyang malakas kapag kaharap ako. Ngunit gabi-gabi kong naririnig ang pag iyak niya. Ang mga salita niyang pagod na siya at hindi na niya kayang magpatuloy sa buhay dahil wala na si Itay sa tabi niya.

Hangga't maaari ayoko maging mahina. Ayaw ko maging pabigat kay Inay. Ang bigyan siya ng alalahanin. Ngunit kahit anong pilit ko hindi ko kayang magpanggap na okay ako. Dinamdam ko parin ang pagkamatay ni Itay. Sinisisi ko parin ang sarili ko. Sa araw-araw na nagdaan binalewala ko ang mga pagbabago ni Inay. Hindi ako umimik kahit gusto ko ng sabihin sa kanya na pwede na niya akong iwan.

Nabenta ang kalabaw namin para sa libing ni Itay. Kaya wala kaming magamit na pang araro sa bukid kaya natingga ang lupa. Mukhang wala ring lakas si Inay na magtrabaho pa. Para mapakinabangan ang lupa inunti-unti ko iyon nilinis para pagtaniman ng gulay. Ito nalang ang alaala na iniwan ni Itay. Kailangan ko itong alagaan.

"Anong ginagawa mo? " gulat na sambit ni Inay nang makita niya akong nagtatabas ng damo. "Bata ka! Buntis ka baka ma paano ka! "

"Nay, kaya ko ho. Hindi ako magtatrabaho kung hindi ko kaya. At saka nakakapagod ang walang ginagawa. Excercise na rin 'to, " saad ko at bumalik sa ginagawa.

"Hay naku! Ang tigas ng ulo mo! "

"Nay, hindi naman sumasakit ang tiyan at balakang ko. Alam ko po kung kailan ako titigil. Wag ka ng mag alala, " pangumbinsi ko.

"Bahala ka nga. Basta binalaan na kita. "

"Opo, Nay. " natatawa na sagot ko.

Ito lang ang paraan ko nang hindi masayang ang lupa. At para narin may pagkakitaan. Katuwang ko si Inay kaya napadali ang trabaho ko. Ang pera na naitabi ko ginamit kong pampuhunan. Kahit buntis ako at nahihirapan dahil malaki na ang tiyan ko kinaya ko parin.

Nagtanim kami ni Inay ng mga gulay na pwede ibenta. Nagluto rin ako ng mga kakanin at ulam at si Inay ang taga lako niyon sa mga kapitbahay. Sa paraan na iyon namin kinukuha ang panggastos namin araw-araw. At para narin sa kapanganakan ko. Sa awa ng diyos, kahit dalawa lang kami ni Inay naka survive kami.

Malungkot, oo. Nangungulila kay Itay at sa mga kapatid ko. Nasasaktan parin at hindi parin namin lubos na matanggap ang nangyari. Pero wala kaming choice kundi ang indahin lahat ng iyon dahil hindi kami makabangon kung manatili kaming lugmok. Naniniwala ako na balang araw hihilom ang sugat sa puso namin ni Inay. Matanggap rin namin ang mga nangyari. At aayon sa amin ang panahon para sa hustisya ng mga namayapa naming mga mahal sa buhay.

"Nay! Manganganak na yata ako. Ang sakit ng tiyan ko. "

Nitong nakaraang araw ko pa iniinda ang pananakit ng tiyan ko. Binalewala ko lang dahil nawawala naman siya kalaunan. Ngunit iba na ngayon. Subrang sakit sa tuwing hihilab.

"Sandali tatawag ako ng tulong, " tarantang wika niya.

Bitbit nito ang bag na hinanda ko. Lakad takbo ang ginawa niya palabas sa aming lupain papuntang daan kung saan naroon pa ang mga kapitbahay namin. Panay ang paghinga ko ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Naghanap ako ng matibay na kahoy upang gawin na tungkod. Dahan-dahan akong naglakad habang wala pa ang sasakyan na kinuha ni Inay.

Humihinto ako at mariin na napakapit sa tungkod na hawak ko sa tuwing hihilab ang tiyan ko. Subrang sakit. Parang mapugto ang hininga ko. Tagaktak na ang pawis ko. Si Inay hindi parin bumabalik. Sinikap ko parin na maglakad kahit hindi ko alam kung saan ang sumasakit sa tuwing hihilab ito.

"Anak, saglit lang ha. Kaunting hintay na lang," wika ko habang hinahaplos ang tiyan ko.

Para na akong mahimatay sa subrang sakit. Pinapalakas ko ang loob ko. Pinilit kong kayanin na huwag matumba kahit nanghihina na ang katawan ko. Pinilit kong huminga ng maayos kahit kanina pa ako kinakapos sa paghinga. Na buhayan ako ng loob nang makita ang paparating na trycicle.

"Kaunti nalang anak. Kaunting paghihintay pa. "

Mabilis na inalalayan ako ni Inay at ni manong na sumakay. Nakasandal ako kay Inay. Mariing nakapikit ang mata sa pag inda ng sakit. Parang lalabas na siya. Kahit hinahaplos ni Inay ang tiyan ko hindi parin nababawasan ang sakit.

"Nay, parang lalabas na siya, " nanghihina na usal ko.

"Saglit nalang, anak. Malapit na tayo sa hospital. "

Taimtim akong nagdasal na sana maka abot kami sa hospital. Na sana maging maayos kaming dalawa ng anak ko. Na maging maayos ko siyang ilalabas. Pero hindi ko na talaga kaya. Nang makarating kami sa hospital tuluyan nang bumigay ang katawan ko. Ang huling natandaan ko may bumuhat sa akin at ang pagtawag ni Inay sa pangalan ko.

Nagising ako na walang nararamdaman na sakit sa tiyan ko. Pinakiramdaman ko ang sarili. Napamulat ako sa kaba nang maramdamang maliit na ang aking tiyan. Ngananak na ako? Pero bakit hindi ko natandaan na ineri ko siya?

May swero ako sa kamay. Ngunit hindi ko parin kaya na bumangon, nanghihina parin ako. Nasaan ba si Inay? Kung nanganak na ako, nasaan ang anak ko? Dahil hindi ko kayang igalaw ang katawan ko, nanatili lang akong nakahiga. Maya-maya bumukas ang kurtina na nakatabon kung saan ako nakahiga. Si Inay. May dala itong plastik. Inilapag niya iyon sa maliit na mesa saka lumapit sa akin.

"May masakit ba sayo? Nauuhaw ka ba? Nagugutom? " aniya.

"Nasaan ang anak ko, Nay? Ayos lang ba siya? Malusog ba siya? "

Ngumiti siya at hinaplos ang tuktok ng ulo ko. "Nandoon siya sa nursery room. Lalaki ang anak mo. Subrang lusog niya. Ang sabi ng nurse doon raw muna siya hanggang bente kwatro oras. "

Binuksan niya ang plastik na dala niya. Mainit na lugaw iyon. "Hindi ko pa naitanong kung pwede ka kumain agad."

Nagtataka na tiningnan ko siya. "Bakit, Nay? At saka, Nay paano ko iniluwal yung anak ko? Hindi ko kasi matandaan na dinala ako sa delivery room. "

"Na Cesarian ka, Gueene. Hinimatay ka pagdating natin. Hindi nila mahintay ang paggising mo dahil overdue na ang anak mo. Kaya sabi ko i-cesarian ka lang. Basta maligtas lang kayong dalawa ng anak mo. "

"Nay... Ang laki ng babayaran natin.. " halos pabulong na sambit ko.

"Wag mo ng alalahanin ang pera. Ang mahalaga ligtas kayong dalawa."

"Pero, Nay.. "

"Isinangla ko ang lupa natin.. "

Napanganga ako kasabay ay pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Yung lupa na iniingatan ni Itay na sangla nang dahil sa akin.

"Alangan namang pabayaan ko kayo. Mahal kita e, " umupo siya sa plastik na upuan katabi ng higaan ko. "Mababawi rin natin ang lupa. Ang mahalaga ngayon pareho kayong ligtas ng anak mo, " napahikbi ako ng haplusin niya ang pisngi ko. "Tahan na. Baka mabinat ka."

"Salamat, Nay. Pangako po, babawi ako sa inyo. Babawi ako sa lahat ng sakripisyo niyo. Salamat, Nay. Mahal na mahal kita. "

Ngayon na isa na akong ina, naintindihan ko na ang salitang sakripisyo. Na handa kang mamatay, na handa kang isakripisyo ang iyong buhay alang-alang sa kaligtasan ng anak mo; sa iyong mga mahal sa buhay.

Nang sa sandaling hawak ko na ang anak ko, hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko. Naiiyak ako habang pinagmamasdan ko siya. Ang cute niya. Ang lusog niya. Ang masayang ngiti ko napalitan ng pait nang ma realize na habang tinitigan ko naging kamukha niya si Zen. Kuhang-kuha niya lahat at hitsura ng ama niya.

"Anong ipangalan mo sa kanya, Nak? "

"Zailem Yzane Aloquin. . . "

Kahit wala siyang kilalanin na ama. Naroon naman sa pangalan niya ang pangalan ng kanyang ama. Kahit doon man lang magkaroon silang ugnayan dalawa. Balang araw maintindihan rin ako ng anak ko kung bakit wala siyang ama katulad ng ibang bata.

"Ang ganda ng pangalan. Bagay sa pogi kong apo. Pogi rin siguro tatay nito. "

Napaiwas ako ng tingin. Kahit tunog pagbibiro lang iyon nakaramdam ako ng pagka ilang. Hindi ko pa nasabi sa kanya kung bakit nabuntis ako gayong wala naman akong nobyo na naipakilala sa kanila.

"Uuwi na tayo mamaya. Aayosin ko lang ang bill natin, " pag iba niya ng usapan.

Tumango lang ako. Hindi pa kasi ako handa na sabihin sa kanya ang nangyari sa akin sa Luminous at kung bakit ako umuwi na buntis. Hindi naman siya nagtanong ngunit madalas nagpaparinig lalo na kapag hawak niya ang anak ko.

Mabuti nalang at mabait ang pinagsanglaan namin ng lupa. Naintindihan niya ang sitwasyon namin. Kami parin ang nagtatrabaho sa lupa namin pero kailangan mayroon kaming ibayad sa kanila kada buwan. Ayos lang iyon sa amin. Malaking pabor iyon. Ngunit habang tumatagal kinukulang na kami sa pera.

Lumalaki na ang anak ko. Lumalaki narin ang gastosin namin at hindi na sapat ang kinikita ko sa mga tanim kong gulay at iba pang raket.

Sa anim na taon ang lumipas, tubo lang ng utang ang nababayaran namin. Hindi ako makaipon dahil kulang na kulang ang kinikita namin sa pagtatanim. Kaya napagpasyahan ko na mamasukan nalang bilang katulong sa Balibag.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo, anak? "

"Hindi natin matutubos ang lupa, Nay kung aasa lang tayo sa kakarampot na kita natin. Nag aaral na si Zailem."

"Pero mapalayo ka naman sa anak mo, Gueene. "

"Maintindihan niya naman siguro ako kung bakit ko ito gagawin, Nay. At saka sa Balibag lang naman ako. Sabi doon sa agency na pinag-applyan ko, sampung libo kada buwan ang maging sahod ko. May dalawang beses na rest day. Sayang din yun, Nay. Hindi natin kayang kitain ang sampung libo kada buwan. "

"Mabigat sa loob ko na magtrabaho ka, Gueene. Pero kung iyan ang gusto mo. Kung para sa anak mo, sige. Ako ang bahala sa apo ko."

"Salamat, Nay. "

Mahirap man na malayo sa anak ko at kay Inay kailangan ko magtrabaho sa malayo. Hindi pwede na ganito kami palagi. Kailangan kong tubusin ang lupa namin. Hindi iyon pwede mawala.

"Magpakabait ka ha? Wag pasaway kay Lola. Kailangan ni mama magtrabaho sa malayo, " naiiyak na paalam ko sa anak ko.

Niyakap niya ako. "Opo, mama. Promise po hindi ako pasaway kay lola. Good boy lang po ako. "

Niyakao ko siya ng mahigpit at h******n. "Mahal na mahal kita. "

Ayaw ko pa sana siyang bitawan ngunit narito na ang sundo ko. Umiiyak na kumaway siya sa akin. "Ingat mama. I love you. "

Sa huling pagkakataon niyakap ko siya. Niyakap ko rin si Inay. Mabigat ang loob na sumakay ako sa kotse. Panay ang pag iyak ko at kumakaway sa kanila hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa aming paroroonan. Panay ang pag iyak ko kaya hindi ko alam na narito na pala kami sa loob ng tahanan ng maging amo ko. Sa isang mansyon pala ako magtatrabaho.

Hinatid ako ng driver sa tapat ng malaki at mataas pintuan. Mabuti nalang at naayos ko ang sarili ko bago bumaba kanina sa sasakyan. May pinindot siya sa tapat ng pinto. Ilang sigundo lang bumukas iyon. Dahil nakayuko ako hindi ko alam kung sino ang nasa harapan ko. Hanggang sa nagsalita ang lalaki na nasa tapat ko na ikinagulantang ng buong sistema ko.

"Si Gueene pala, Ma. My fiance."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
colinabelinda
update po miss A. salmat
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status