Share

CHAPTER 64

Author: kenkenrows
last update Huling Na-update: 2025-08-01 20:03:04

CHAPTER 64

Lagi na lang siya. Kailan ba magiging ako?

Masakit sa puso. Para na akong isang traydor sa sarili ko. Ayaw ko siyang payagan. Gusto kong dito lang siya sa tabi ko. Pero iba ang lumabas sa aking mga labi.

“Sige, Ninong. Sasabay ka bang kumain sa akin ng breakfast? Hindi pa kasi ako kumain,” pag-aaya ko sa kanya. My voice sounded so hopeful. Na kahit ang breakfast man lang ay ibigay na niya sa akin. Kahit ito na lang.

“Mikee’s mother cooked our breakfast already. Sabayan mo nalang muna ang Lola mo, okay? Don’t forget to drink your vitamins after you eat, hmm?”

Mapait akong ngumiti at tumango. Tinanggihan niya ako. Nang umalis siya sa tabi ko, ngumiti agad ito. Mga ngiti na kailanman ay hindi niya binigay sa akin. Mga ngiting nagsasabi sa akin kung ano ang tunay niyang nararamdaman.

Nakatuon lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa makarating siya sa tapat ng babae. Alanganing sumulyap sa akin si Mikee. Nag-uusap na silang dalawa pero hindi ko rinig ang mga boses nila.

Bago
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
bakit ang cold ng treatment?? sana di nalang nag pa fall kung di naman pala kaya panindigan..... hugot yarn hahahahaha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 91

    CHAPTER 91Naghihintay ako sa pagbabalik ni Ninong sa kwarto namin. Nakabantay lang ako sa mga anak ko. Ayaw ko silang mawala sila sa paningin ko dahil pakiramdam ko may mangyayaring masama sa kanila. “Pwede pakikuha ako ng tubig sa baba?” utos ko sa isang yaya ng anak namin. Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Sa kaba ko 'to.Lumabas ang inutusan ko upang kumuha ng tubig. Mga isang oras ata bago bumalik si Ninong sa taas. Buhat-buhat ko si Stella at ngayon ay pinapasuso ko dahil umiyak na kanina.“Nalaman niyo ba kung sino ang nagpadala nun?” tanong ko agad sa kanya nang makapasok na siya sa loob ng kwarto ng mga bata.“Yeah, it was your ex, Amelia.” sagot nito at nagtungo sa tabi ni Philip. Hinaplos niya ang noo ng anak namin at yumuko at pinatakan iyon ng halik sa noo. Pagkatapos niyang gawin iyon ay sa amin naman siya lumapit. Umupo siya sa aking tabi.“Si Emman? Pero paano? Paano nagawang makapasok nun 'di ba sinabi mong nakacheck ang bawat regalo na pumapasok dito?”

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 90

    CHAPTER 90Nabalot ng aking sigaw ang buong bahay. Kung pwede ko lang buhatin ang kambal ng magkasabay sa aking bisig ay kanina ko pa ginawa. Pakiramdam ko kasi kapag hindi ko sila hawak ay hindi sila ligtas. Dugo ba iyon ng ibon? O baka dugo na ng tao? Dumating si Ninong at agad itong pumunta sa aking tabi. Nanginginig na ang aking buong katawan dahil sa aking nakita. Dahil sa aking sigaw ay nagising si Stella at umiyak ito. Niyakap ko si Stella at marahang binaon sa dibdib ko ang mukha niya.Naging alerto na ang mga tauhan niya. Tinitingnan na ng mga ito ang bawat sulok ng bahay namin. Ang iba ay umakyat pa sa taas. Sa isang iglap ay napuno ng mga tauhan niya ang buong living area. “Let’s go upstairs, baby,” hindi ko namalayan na hawak na pala niya si Philip. Umiigting ang panga nito habang nakatitig doon sa kahon na ngayon ay inaalis na ng mga tauhan niya. Tinakpan ni Ninong ang harapan ko para hindi ko na iyon makita. Pero paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nakita ko.

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 89

    CHAPTER 89“Basketball team?” muntik na akong mapasigaw. Anong basketball team? Itong dalawa pa nga lang halos sumuko na ako tapos basketball team pa? Porke't marami siyang pera! Paano naman ako? Jusko! Gusto ko ng mag glow sa susunod na buwan! Tapos ang balak niya pala basketball team? Paano ko gagawin ang glow up niyan? “Yes, we have to achieve the basketball team. I dreamed of that for so long,” paliwanag nito. Napaawang ang aking labi. Ramdam ko pa ang sakit ng pagkababa3 ko pero siya anak na naman ang pinag-uusapan naming dalawa. Hindi ko ata kaya ang basketball team na pangarap niya. “Kung maka request ka sa akin parang ikaw ang mabubuntis ng siyam na buwan at manganganak, ah? Narinig mo ba ang sinigaw ko nung nanganak ako na ayaw ko na?” “I'm just kidding, baby. Of course, it's up to you. Ikaw na bahala kung ilang anak ang ibibigay mo sa akin,” nakangiting sabi nito.Nilapit ko sa kanya ang mukha ko upang patakan ng halik ang labi niya. Ilang segundong naglapat ang mga la

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 88

    CHAPTER 88“Anong babawi sa susunod na anak? Hindi pa nga ako nakakarecover sa panganganak ko 'yan na agad ang iniisip mo?” hindi makapaniwalang sabi ko. Parehas kaming napatingin kay Stella nang humikab ito. “Such a pretty girl,” namamanghang sabi ko. Maganda rin naman ako kaya sana man lang ako ang kamukha nung babae para hati kaming dalawa ni Ninong. Pero ang ending dalawa pa talaga sila? Kasunod ng hikab ni Stella ay napunit ang mukha nito. Sunod naming narinig ay ang kanyang pag-iyak. “Maybe she's hungry,” bulong ni Ninong. Hinawakan ko muna ang pisngi ni Philip bago ko tinaas ng kaunti ang aking damit. Tinulungan pa ako ni Ninong na itaas ang damit ko at mailabas ko ng maayos ang aking dibdib. “There…” nagtagumpay akong maipasok iyon sa bibig ng anak ko. Sa una ay naiilang pa ako.May gatas na ba ako? Pero sunod-sunod ang naging pagsipsip ni Stella doon at meron na nga siguro akong gatas. “Sunod naman si Philip,” nakangiting sabi ko. Hinaplos ko ang noo ni Philip na natut

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 87

    CHAPTER 87Pakiramdam ko dinaganan ng malaking truck ang katawan ko nang magising na ako. Kahit ata ang kuko ko ay masakit na rin. Nagising ako na nasa loob na ng kwarto namin. Ginala ko ang aking paningin sa buong paligid at napansin kong hindi ako nag-iisa. Nakita ko si Ninong na nakatayo sa gilid ng bintana. I instantly smiled when I saw him holding a baby. His humming a song that I am not familiar with. Bagay na bagay na kay Ninong ang may hawak na bata. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Tang ina parang hiniwa ang pagkababa3 ko. Napangiwi ako nang kumirot iyon. Hindi ko ma- imagine na may lumabas na bata doon sa butas ko. Paano ko ba sila nailabas? Basta pagkatapos kong mailabas ang babae ay hindi ko na maalala ang sunod na nangyari. Nahimatay na ata ako pagkatapos at ngayon lang ako nagising. “N-Ninong...” mahinang tawag ko. Halos hangin na lang ang lumabas sa bibig ko pero narinig niya pa rin ito. He smiled and went immediately at me. “Mommy is awa

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 86

    CHAPTER 86“Ohhh! Ahhh! Manganganak na ako!” Halos lahat ng tao sa bahay ay nakarinig sa lakas ng sigaw ko.Dito lang ako sa bahay manganganak. Limang doctor ang nagmomonitor sa akin at nakahanda na ang lahat ng mga gamit namin para sa panganganak ko. Kung sa labas ako manganganak ay natatakot kaming dalawa ni Ninong para sa mga anak namin. We can’t risk anything. Kaya ako lang din ang nagdesisyon na rito na lang manganak para sa kaligtasan nila. Kasi hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin nila si Emman. Kung nasa bahay lang ay mas ligtas ang kambal ko. Kaya naman ni Ninong na dalhin ang ospital dito. Limang doctor ba naman ang nakabantay sa panganganak ko. Kaya naging kampante lang din ako na rito na lang manganak.Kagabi pa lang ay medyo sumasakit na ang tiyan ko kaya nakatutok na sila sa akin. Wala na kaming tulog ni Ninong kagabi dahil sa madalas na pagsakit ng aking tiyan.Hawak-hawak ko ang aking tiyan at namimilipit na ako sa sobrang sakit. Sumabog na rin ang aking panubigan.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status