Share

CHAPTER 63

Penulis: kenkenrows
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-01 19:00:19

CHAPTER 63

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mahimbing pa ang tulog ni Ninong sa aking tabi nang iwan ko siya.

Nagpasiya akong maglakad-lakad na muna habang maaga pa.

Nagsuot lang ako ng simpleng dress na kulay puti bago bumaba ng kwarto namin.

Nagpasiya akong maglakad sa garden papunta sa basketball court.

Ang mga tauhan ni Ninong ay nakatayo pa rin sa kanya-kanya nilang mga pwesto. Nagkalat ang iba at tila hindi uso sa kanila ang pagtulog.

Sa bawat nadadaanan ko ay napapayuko sila. Kung nag-uusap man ay tumatahimik ito upang batiin ako.

Nakita ko si Mikee na tumatakbo na naman. Hindi niya ako napansin dahil nakayuko siya at may airpods sa tainga niya.

Kinausap ko na siya ng isang beses. Kung hindi niya pa kayang intindihin 'yon ay wala na akong magagawa. Kaya lang naman ng konsensiya niya ang pumatol sa may asawa.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at hindi ito pinansin. Ibang daan din ang tinahak ko para lang hindi kami magkasalubong.

Nak
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 66

    CHAPTER 66Nahawakan ni Jules ang aking bewang kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig. Ilang segundo kami nagtitigan bago ako tumayo ng tuwid.“T-hank you,” nauutal na sabi ko. Dalawang inches lang naman ang suot kong heels. He cleared his throat. Tinulak niya ang cart at mas naunang maglakad sa akin. Papunta na sana kami ng counter para magbayad. Natalisod pa ako sa harapan niya! Pagkatapos naming magbayad ay inaya ko na sila para kumain. Nakakita kami nf restaurant sa loob pero mas gusto kong kumain sa labas. Sa mga karenderya kaya iyon ang ginawa namin. Kasama ko lang silang tatlo. Sa paghahanap namin ng karenderya ay nagkwentuhan na kaming tatlo ni Mang Berto at at si Kuya Eduard. Pero si Jules ay tahimik lang, hindi ko pa rin naririnig ang boses nito.May nakita kaming karenderya kung saan wala masyadong tao kaya iyon ang pinili namin.“Magandang tanghali po! Pasok po kayo! May mga bago kaming luto na ulam at masasarap!” bati ng isang beki sa amin. Nakita ko kung paano

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 65

    CHAPTER 65Nawala na ang sigla ko, pero nagpatuloy pa rin ako sa pag-alis. Umalis pa rin ako para aliwin ang sarili ko. Mabuti na 'to at nakakalabas na ako. Jules was beside me in the car. Tahimik lang siya at nakatuon ang paningin sa daan. Bukod sa driver, may kasama pa kaming isang tauhan sa tabi nito. I tried to talk to Jules.“Matagal mo na bang kakilala si Ninong?” tanong ko sa kanya. Lumingon siya ng tatlong segundo sa akin bago dahan-dahang tumango.“Matagal na rin ba silang magkakilala ni...” nag-alilangan pa ako kung itatanong ko iyon. Pero hindi niya naman siguro mahahalata. “Matagal na ba silang magkakilala ni Mikee?” Nakita kong kumunot ang noo niya saglit.Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.Masyado ba akong naging halata? Dapat pala ay tinanong ko muna siya ng mga ilang bagay. Parang ang awkward naman at ganoon agad ang sinabi ko. “I'm sorry. I was just curious. Anyway, how old are you na pala? I think you are younger than Ninong,” saglit lang niya ako sinulyapan

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 64

    CHAPTER 64Lagi na lang siya. Kailan ba magiging ako? Masakit sa puso. Para na akong isang traydor sa sarili ko. Ayaw ko siyang payagan. Gusto kong dito lang siya sa tabi ko. Pero iba ang lumabas sa aking mga labi.“Sige, Ninong. Sasabay ka bang kumain sa akin ng breakfast? Hindi pa kasi ako kumain,” pag-aaya ko sa kanya. My voice sounded so hopeful. Na kahit ang breakfast man lang ay ibigay na niya sa akin. Kahit ito na lang. “Mikee’s mother cooked our breakfast already. Sabayan mo nalang muna ang Lola mo, okay? Don’t forget to drink your vitamins after you eat, hmm?” Mapait akong ngumiti at tumango. Tinanggihan niya ako. Nang umalis siya sa tabi ko, ngumiti agad ito. Mga ngiti na kailanman ay hindi niya binigay sa akin. Mga ngiting nagsasabi sa akin kung ano ang tunay niyang nararamdaman.Nakatuon lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa makarating siya sa tapat ng babae. Alanganing sumulyap sa akin si Mikee. Nag-uusap na silang dalawa pero hindi ko rinig ang mga boses nila. Bago

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 63

    CHAPTER 63Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mahimbing pa ang tulog ni Ninong sa aking tabi nang iwan ko siya. Nagpasiya akong maglakad-lakad na muna habang maaga pa. Nagsuot lang ako ng simpleng dress na kulay puti bago bumaba ng kwarto namin. Nagpasiya akong maglakad sa garden papunta sa basketball court. Ang mga tauhan ni Ninong ay nakatayo pa rin sa kanya-kanya nilang mga pwesto. Nagkalat ang iba at tila hindi uso sa kanila ang pagtulog. Sa bawat nadadaanan ko ay napapayuko sila. Kung nag-uusap man ay tumatahimik ito upang batiin ako. Nakita ko si Mikee na tumatakbo na naman. Hindi niya ako napansin dahil nakayuko siya at may airpods sa tainga niya.Kinausap ko na siya ng isang beses. Kung hindi niya pa kayang intindihin 'yon ay wala na akong magagawa. Kaya lang naman ng konsensiya niya ang pumatol sa may asawa. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at hindi ito pinansin. Ibang daan din ang tinahak ko para lang hindi kami magkasalubong.Nak

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 62

    CHAPTER 62Sumikip ang aking dibdib sa aking nakita. Imposible. Hindi galing sa kanya ang lipstick na nakita ko sa damit niya. Hindi naman siya naglalagay ng lipstick, 'di ba? My heart ached even more when he leaned in and kissed my cheek. They smelled the same. He smelled just like her.“You should go to sleep now. The doctor said you shouldn't stay up late, remember?” Hinaplos niya ang aking pisngi.Paano niya nagagawang umarte na parang walang nangyari? Parang walang kasalanan? Parang may bumara sa lalamunan ko, hindi ako makapagsalita. Umalis sila. Para hindi ako makaistorbo. Para hindi ko sila makita.“Hindi ako makatulog kakaisip sa’y na nasa labas. Hindi mo ako…” Natigilan ako. “Hindi mo ako tinext kaya nag-alala ako,” pagpapatuloy ko. Nag-aalangan pa ako kung sasabihin ko pa ‘yon dahil parang wala naman ata akong dapat ikabahala. Nag-enjoy naman siya sa lakad niya.I guess I should know my limits by now. Asawa niya lang ako sa papel. Pero ang totoo, may mahal na siyang iba.

  • Contract Marriage With My Billionaire Ninong   CHAPTER 61

    CHAPTER 61Sumubok akong aliwin ang sarili, pinilit na balewalain ang bigat sa dibdib. Sa veranda ako nanatili, ang mga oras ay unti-unting lumilipas habang hawak-hawak ang librong tila walang buhay sa aking mga kamay. Nagpapahatid lang ako ng pagkain sa kwarto dahil tinatamad akong bumaba. Ang mga mata ko ay nakatuon lang sa cellphone na nasa aking tabi, naghihintay, umaasa sa isang mensahe mula kay Ninong. Limang oras na ang nakalipas mula nang sila'y umalis. Text ko kaya sila?“Hi, Ninong! Kumusta kayo d’yan? Pasensya na at nakak-istorbo ako sa’yo. Nag-aalala lang kasi ako. Anyways, don’t forget to eat your lunch!” Tiningnan ko ng maigi ang aking mensahe bago sinend sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas at wala akong sagot na nakuha. Busy lang ata siya kaya hindi nakapag-reply agad. Baka nagkaroon ng problema sa kumpanya ni Ninong. I should not overthink. Trabaho ang ipinunta nila doon. At hindi ako pwedeng sumama sa kanila dahil delikado sa labas. Nang sumapit ang gabi ay hi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status