"Khu—KHUFF!" halos mabulunan si Ariel.Muntik na niyang ibuga ang kanin sa bibig pero naisip niyang sayang.Kaya't buong tapang niya itong nilunok… may kasamang tunog pa ng hirap."Langhiya ka talaga, Charlene," ani Ariel habang sinamaan ito ng tingin. "Kung 'yan ang magiging cravings ko, hay nako—kahit 'di na ako kakain habambuhay."Nagkatawanan sina Charlene at Fae, habang si Richard ay napailing pero hindi mapigilang ngumiti sa kalokohan nila.Ang pumasok?Hindi modelo.Hindi heartthrob.Kundi si Jonard.Ang janitor ng Everest Corp, maitim, payat, at kilalang bolero at ultimate asar-talo, lalo na kay Ariel.May dala siyang energy drink. Habang lumalapit, parang may background music na slow mo sa isip ni Ariel."Baby," sabay ngiti ni Jonard kay Ariel, "baka masyado kang pagod sa interview. Inumin mo 'to."Inangat niya ang energy drink, binuksan, at humigop sa straw…SLUUUURP.Bago nilapag mi
Napatigil din si Charlene, itinigil ang pag-check ng notes at tumingin kay Fae, sabay tango—naghihintay ng kwento."Oo nga, parang may spark, eh," dagdag ni Charlene, kalmadong nag-aabang pero kita ang excitement sa mata.Napabuntong-hininga si Fae. Alam niyang walang ligtas sa dalawang ito. Lalo na kay Ariel—na kung makausisa ay parang hindi marunong mag-move on."Fine, fine," ani Fae habang ibinaba ang hawak na tablet. "Si Troy... siya yung campus crush namin noon. As in literal, buong university may crush sa kanya. Lahat may poster niya, girl. Basketball player, dean's lister, complete package."Nagkatinginan sina Ariel at Charlene, sabay sabing:"OH MY GOD.""Tapos gusto ka niya?!" ani Ariel, kunwaring shock. "Taray mo naman, habang kaming lahat nagfa-fantasize, ikaw pala ang ini-stalk!"Tumawa nang mahina si Fae at tumango."Hinahabol niya ako noon... pero di ko siya pinatulan," aniya. "Focus ako sa pag-aaral, at hindi ko talaga siya type. Feeling ko dati... masyado siyang flashy
Nagulat si Troy nang makilala si Fae. Napalapit siya nang bahagya habang nakangiti, kitang-kita ang genuine na pagkatuwa sa mukha niya."Fae, matagal na," ani Troy, may halong saya sa boses. "Hindi ko alam na dito ka pala nagtatrabaho."Hindi agad alam ni Fae kung anong reaksyon ang ipapakita. Bahagya siyang nagkibit-balikat at nagpumilit na ngumiti."Well... di ko rin akalaing mag-aapply ka for Finance."Napatitig si Charlene sa pagitan nilang dalawa, halatang curious, habang si Ariel naman ay hindi na makapagsalita. Nakatingin siya kay Troy mula ulo hanggang paa, parang scanner na may laman agad na resulta.Si Troy ay may taas na humigit-kumulang 6'1", moreno, chiseled jawline, may neatly styled undercut na buhok, at suot ang isang light blue button-down shirt na bahagyang fitted—eksaktong eksakto para i-highlight ang broad shoulders at toned arms. Ang slacks niya ay maayos ang fit, at ang postura niya ay parang laging handang mag-model sa cover ng men's magazine. May bitbit pa siya
Bumukas muli ang pinto. Sa pagkakataong ito, isang babae ang pumasok. Mahaba ang buhok, maputi, naka-smart casual na beige blazer at black slacks. Maganda siya—yung tipong pang-commercial sa toothpaste, at halatang handa sa interview.Napaatras si Ariel sa upuan niya at kunwaring napasimangot."Ay, babae," ani ni Ariel sabay irap, "saan ka na naman galing at bakit parang ang kinis mo, girl? Pinanganak ka ba sa aircon?"Halos mapangiwi sa tawa si Fae, pinipigilan ang sarili habang tinatakpan ang bibig. Si Charlene naman, nagtagilid na lang at kunwaring nag-aayos ng papel para hindi mahalata."Bea Gomez, right?" tanong ni Fae, nagpupumilit na maging composed."Opo, Bea Gomez po," magalang na tumango ang babae."Bakit parang artista rin ang pangalan mo? May promo ba kayo ngayon?" ani ni Ariel, kunwaring seryoso. "Nag-apply ka ba talaga sa Finance o nagkamali ka ng building? Kasi parang pasok ka sa Fashion Week.""Sa Finance po," sagot ni Bea, natatawa na rin."May boyfriend ka na ba?" ta
EVEREST CORP – HR DEPARTMENTSa opisina ni Fae, makikita siyang abala sa kanyang trabaho. Tatlong buwan na ang lumipas mula nang nagkaroon sila ng dinner kasama ang mga directors at heads sa Cézanne Royale.Mula noon, nanahimik ang mundo ni Fae. Ayon sa balita, napilitang bayaran ni Jane ang buong konsumo ng luxurious dinner na umabot sa halos tatlong daang libo. Hindi kinaya ng personal savings niya, kaya't napilitan siyang lumapit sa kanyang tito Chase—na hindi rin natuwa sa nangyari.Pero sa kabila ng lahat, walang naging kilos mula kina Jane at Nina. Wala ring drama. Wala ring apology.Tahimik. Mapayapa. Halos nakakatakot ang katahimikan.Sa susunod na dalawang araw, gaganapin ang job interview para sa ilang bakanteng posisyon sa Everest, at isa siya sa mga panelist. Upang maging handa para sa araw ng interview, sinikap niyang matapos ang mga papeles at report nang maaga....ARAW NG INTERVIEW – 9:15 AMEVEREST CORP – MULTIPURPOSE INTERVIEW ROOMTatlong long tables ang nakahilera
Sa labas, sa kahabaan ng hallway patungo sa elevator, magkatabi ang lakad nina Richard, Fae, at Lexa. Tahimik ang paligid, tanging mga yabag lang nila ang maririnig.Napatingin si Richard kay Fae."Hon, bakit ka nasa opisina ni Mr. Wolf? Akala ko nasa private room kayo kasama ng ibang directors?"Saglit na nag-isip si Fae, parang iniisip kung saan niya sisimulan."Medyo magulo ang nangyari," bungad niya. "Nagsimula sa pag-aakalang si Jane ang VIP. Imagine mo, sobrang confident niya, inako niya agad yung atensyon, tapos nagpa-picture pa."Napakunot ang noo ni Richard, tumango habang nakikinig."Tapos, sabay-sabay silang sumipsip. Si Nina, si Feliz, lahat sila. Pero ayun, dumating si Mr. Wolf, pinatalsik si Feliz, sobrang napahiya. Tapos… inisa-isa ni Mr. Wolf ang mga sumipsip kay Jane. Para kaming nasa courtroom."Tiningnan siya ni Richard na parang aliw na aliw. "So, tito mo pala si Mr. Wolf dahil matalik siyang kaibigan ng mama mo?""Tama," sagot ni Fae bago tumango.Tahimik lang si