共有

Chapter 142: Tulog na

作者: Author W
last update 最終更新日: 2025-07-09 11:09:44

"Cheers, mga beshies," nakangiting sabi ni Jane habang sinisilip ang bawat mukha sa lamesa.

Ngumiti ang lahat habang sabay-sabay nilang tinaas ang baso.

Habang nagtatawanan at nagbabalikan sa masasayang kwento ng college days, tahimik lang si Richard. Hindi siya uminom, ngunit inikot ang mata sa mga baso. Walang kakaibang kulay. Walang amoy. Walang mali sa texture.

"Wala sa alak…" bulong niya sa isip. "Ano bang pinaplano ng babaeng 'to?" sabay higop ng alak.

"Naalala n'yo ba nung nahuli tayong kumain sa pantry nina Ma'am Elvie? Grabe, halos lahat tayo hindi nakatapos ng plates noon," tawa ni Mica habang tinuturo si Troy.

"Ay! Oo nga! At ang dahilan ng lahat... si Troy!" sigaw ng isa.

"Eh crush n'ya kasi si Fae noon kaya sinusundan kahit saan," sabat pa ng isa.

Tumawa ang lahat, maliban kay Fae, na pilit na ngumingiti lang. Si Richard naman ay ngumiti rin ngunit patuloy na nagbabantay.

Sa bawat pagkakalahati ng baso, napapansin ni Richard na agad na sinasalinan ng waiter. Paulit-ulit.
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Zoey Jimenez
mga tanga tlaga
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 346: Casa Real de la Mesa

    Ilang sandali pa, isa-isa nang lumabas ang mga delegado mula sa conference room. Maraming matatanda at respetadong miyembro ang lumapit kay Micaela — ngumiti sila, nagbiro, at nagbigay ng payo."Ang swerte mo naman, Micaela," bungad ng isa, sabay kindat kay Fernando. "May napakabait at matalino kang ate. Pagbutihin mo lang ang sarili mo—baka balang araw, ikaw ang magiging kanang kamay ni Ms. Fae at tutulungan mo siyang palawakin pa ang Baker's."Parang kumunot ang buong mukha ni Micaela nang marinig iyon. Para sa kaniya, malinaw: tinuturing na ni Fernando—at ng mga respetadong miyembro—si Fae bilang ang hahalili at lider na magpapalago ng kumpanya. Halos sumabog ang kanyang galit, ngunit sa harapan ng marami ay pinilit niyang ngumiti at tumango, tinatago ang naglalagablab na poot.Makaraan ang ilang sandali, lumabas sina Fernando at Fae—magkasabay at magaan ang usapan. Lumapit sila kay Micaela at magaan na sinabi ni Fernando, "Oras na para kumain."Tumango ang babae at sabay-sabay sil

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 345: Handa na ang lahat

    Sa sumunod na araw. Conference Room, Baker's Holdings HeadquartersMataas ang kisame ng silid, balot ng makintab na kahoy at salaming dingding na tanaw ang buong Central Business District ng Cebu. Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo si Fae, nakasuot ng simpleng cream blazer, may mahinhing postura ngunit matatag ang tingin. Sa kanyang harapan ay nakabukas ang laptop, at sa malaking LED screen sa likuran niya, lumilitaw ang titulo ng presentation:"Digital Expansion Strategy for Baker's Holdings: Integrating Heritage with Technology"Tahimik ang mga miyembro ng board na nakaupo sa magkabilang gilid ng mesa. Sa pinakadulo, nakaupo si Fernando, ang kanyang ama — nakasandal, may mahinang ngiti, ngunit bakas ang matinding pagmamataas habang pinagmamasdan ang kanyang anak na nakatayo sa harapan."Good morning everyone," panimula ni Fae, kalmado ngunit malinaw ang boses. "Ngayong taon, naipasok na ng Baker's ang ilang pangunahing investment sa larangan ng technology and innovation, kabilang na

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 344: Assassin

    Cebu City, Villa Baker.Sa isang silid sa ikalawang palapag ng mansyon, galit na galit si Micaela. Nakaupo siya sa harap ng kanyang vanity mirror, mahigpit na nakahawak sa cellphone. Paulit-ulit niyang chine-check ang screen, ngunit wala pa ring sagot mula sa taong tinawagan niya isang buwan na ang nakalipas."Walang kwenta!" sigaw niya habang binabagsak ang cellphone sa kama.Mahigit isang buwan na siyang naiinis sa presensiya ni Fae sa bahay. Pakiramdam niya, bawat araw na dumaraan ay parang unti-unting inaagaw ni Fae ang lahat ng atensyon, pagmamahal, at respeto na dati ay kanya.Mas lalong sumidhi ang galit niya dahil ni minsan ay hindi pa rin nakakilos ang taong inupahan niyang pumatay kay Fae — dahil hindi ito makatyempo. Halos hindi umaalis si Fae sa villa. Kapag lumalabas man, laging kasama si Fernando — at kapag bumabalik, laging may dalang regalo o tawanan sa paligid.At para kay Micaela, iyon ang pinakamasakit.Si Fae, na dati'y walang alam sa pamilya, ngayon ay unti-unting

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 343: Lilipad din

    Gold Prime Enterprises, opisina ng presidente.Tahimik ang buong palapag, tanging mahinang ugong ng aircon at alingawngaw ng malayong kalsada sa ibaba ang maririnig. Sa gitna ng malawak at modernong opisina, nakatayo si Richard sa harap ng floor-to-ceiling window, tanaw ang magulong lungsod sa ibaba. Ang mga ilaw ng sasakyan ay nagsasayawan sa kalsada na tila mga alitaptap sa gabi. Saglit siyang tumingin sa kanyang relo, bago dahan-dahang bumalik sa kanyang upuan.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Kevin, bitbit ang makapal na folder at laptop. Diretso siyang lumapit sa mesa ng presidente, may ngiting halatang proud."Boss," bungad niya, "kumpleto na lahat ng report para sa tatlong major project natin this quarter. Yung housing development sa Tagaytay — fully sold na ang Phase 1, at naghahanda na ang team para sa Phase 2. Yung partnership natin sa Summit Holdings, naayos na rin, pumirma na si Chairman Vargas kahapon. At 'yung luxury eco-resort sa Palawan, sin

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 342: Laban sa mesa

    Napatingin si Fernando at agad na ngumiti."Oh, gising ka na pala, anak. Halika, mag-breakfast ka na," magaan niyang sabi.Hindi agad tumugon si Micaela, bagkus ay naglakad papunta sa tabi ni Fernando at naupo sa upuang katapat ni Fae. Tahimik lang siya sa una, ngunit kapansin-pansin ang malamig na tingin niya kay Fae—matulis, sinusuri mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat kung may karapatan ba talaga itong maupo sa mesa ng mga Baker."Wow," ani Micaela matapos ang ilang segundo, nakangiting pilit habang nakatingin sa pagkain. "Mukhang masarap 'tong breakfast. Hindi ko akalaing marunong ka palang magluto… nakakapagtaka lang, kasi hindi naman halata."Napatawa si Fernando, akala'y biro lang iyon. "Magaling talaga 'tong si Fae," aniya habang kumukuha pa ng pagkain. "Parang may natural talent sa pagluluto."Ngumiti si Fae, kalmado lang kahit ramdam niya ang tusok ng mga salita ni Micaela. "Ay, simple lang 'yan," magaan niyang sagot. "Pero kung gusto mo, turuan kita minsan. Para ne

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 341: Umagahan

    Nagpatuloy sa pag-uusap ang mag-ama hanggang sa inabot sila ng gabi. Mainit ang usapan nila—punô ng tawanan, kuwento, at mga pagbabalik-tanaw na tila binubura ang dalawampung taong pagkawalay nila sa isa't isa. Sa gitna ng kanilang munting pagdiriwang ng muling pagkikita, bumalik si Micaela kinagabihan. Amoy-alak ito, halatang galing sa isang party—magulo ang buhok, bahagyang namumungay ang mga mata, ngunit nakataas pa rin ang ulo na parang wala siyang ginagawang mali.Nasa kusina sina Fernando at Fae noon. Hinahain ng mga maid ang mga pagkain; nakaupo si Fernando sa main chair, at sa kanan niya ay si Fae—sa mismong upuang matagal nang bakante at walang ibang pinauupo roon.Nang pumasok si Micaela, napatigil siya. Nakita niyang abala si Fae sa pagtulong sa maid habang ang kanyang ama ay nakangiting nakamasid sa anak. May ngiti sa labi ni Fernando nang mapansin ang pagdating ni Micaela."Oh, nakauwi ka na," sabi ni Fernando sa magaan na tono. "Halika, sabayan mo kami ng ate mo kumain."

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status