Share

Chapter 143: Bangungot

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-07-09 12:04:03

Gulp!

Napalunok nang mariin si Fae bago lumingon sa kanan.

Tumingin siya sa katawan ng lalaki—may pagtataka sa kanyang mga mata, sunod-sunod ang tibok ng kanyang puso.

Tumingala siya nang dahan-dahan. Inalis ang unan na nakapatong sa mukha ng lalaki, marahang parang natatakot sa kung anong matutuklasan.

Hanggang sa...

"Haaaah," napabuntong-hininga siya.

"Si Richard…" mahina niyang bulong, nakahinga siya nang maluwag.

Sa sandaling iyon, gumalaw ang katawan ng lalaki at dumilat ang mga mata.

Nag-unat si Richard at naupo sa kama.

"Good morning, hon," sabi niya, sabay ngiting parang walang nangyari.

Kaagad na hinila ni Fae ang kumot sa katawan niya—napagtanto niyang naka-bra lang siya at walang damit pang-itaas.

"Richard?" tanong niya agad. "Anong nangyari kagabi? Bakit... bakit nasa hotel tayo? At—bakit wala akong damit? May… may ginawa ka ba sa akin?" tanong niya, puno ng pag-aalinlangan at kaba.

Ngumiti nang mapaglaro si Richard. "Hindi mo ba talaga naaalala kung anong ginawa mo sa aki
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 170: Init

    Pumasok si Richard—basa pa ang buhok, at tanging puting tuwalya lang ang nakatapis sa kanyang baywang. Tumulo ang mga patak ng tubig mula sa kanyang ulo, bumabagtas sa matipunong leeg, dumadaloy sa malapad na balikat at humuhubog sa mga pandesal niyang abs.Lumingon si Fae. At natulala.Para siyang napako sa kinauupuan. Napakagat siya sa labi, biglang nakaramdam ng init sa kabila ng malamig na hangin mula sa bentilador. Tila nag-slow motion ang lahat—ang bawat patak ng tubig na gumuguhit sa dibdib ni Richard, ang pag-angat ng kamay nito para punasan ang buhok gamit ang tuwalya, at ang malalim nitong paghinga habang naglalakad papunta sa cabinet.Sa kabilang linya ng telepono, rinig pa rin ang boses ni Vivian."Fae? Babe? Hoy?!"Walang sagot si Fae. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makagalaw.Ang mata niya, halos hindi kumukurap habang sinisipat ang bawat detalye ng katawan ng asawa—ang hubog ng abs, ang hiwa ng obliques, ang makakapal at matipunong braso. Mapupungay na umikot ang

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 169: Nakakalokang Idea

    Nanatiling tahimik si Fae."Narito pa," bulong niya, halos parang lamok ang tinig.Sa totoo lang... na-imagine niya ang sarili niyang ginagawa ang ideya ni Vivian.Sa loob ng utak niya, biglang umikot ang eksena—naka-oversized white shirt siya, walang kahit anong suot sa loob. Bahagyang basa ang buhok, parang bagong ligo. Naupo siya sa harap ng salamin, nagsusuklay. Si Richard, nasa likuran niya, nakaupo sa kama, bagong ligo rin at naka-boxers lang. Tahimik itong nanonood habang dahan-dahan siyang nagsuklay, ang tela ng suot niya ay bahagyang humuhulma sa kanyang katawan.Napalunok si Fae sa sariling imahinasyon."Babe, hindi pa ako tapos!" sigaw ni Vivian mula sa kabilang linya, masigla.Nagpatuloy ito, "Ganito pa, imagine mo to. Nakahiga si Richard sa kama, pagod. Tapos ikaw, sis... ikaw naman biglang lalabas ng banyo. Pero hindi ka naka-pambahay. Naka-lingerie ka—black lace, yung manipis, yung halos walang tinatakpan kundi dangal. May robe kang manipis, pero hindi mo sinara. Naglal

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 168: Impotent

    Sinagot ni Fae ang tawag at itinapat ang cellphone sa kanyang tenga. Ngumiti siya."Vivian, bakit ka kaagad napatawag? Nakauwi ka na ba?""Yup! Kararating ko lang," sagot ni Vivian, medyo maingay ang paligid.Napakunot-noo si Fae. Narinig niya ang tuluy-tuloy na agos ng tubig."Bakit may bukas na gripo? Nasaan ka?" tanong ni Fae."Nasa banyo ako, girl. Nagpapaganda. Kasi feeling ko, baka bukas may mag-rescue ulit sa'kin, baka this time… si Superman naman," sagot ni Vivian, sabay tawa.Napatawa si Fae. "Nako, kung 'yan na naman ang iniisip mo. O sige nga, anong gamit mo? I-share mo na ang sekreto ng kagandahan.""Ay naku! Alam mo ba 'tong bagong serum ng Lucenté Glow? Promise, girl, ang ganda sa balat! Parang glowy pero hindi oily. Parang glass skin, pero walang effort.""Ah 'yun ba 'yung kulay pink na bote na parang pabango?" tanong ni Fae."Oo! 'Yun mismo! Ang bango pa niya. Tapos nilagay ko 'yung DermaWhite Toner bago noon, para mas masipsip ng skin ang serum. Hay nako, feeling ko a

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 167: Approved

    Napahinto si Greasy, na para bang pinindot ang pause button sa isang robot na walang langis. Dahan-dahan siyang lumingon, bakas sa mukha ang kaba, parang batang nahuling nagnanakaw ng turon sa tindahan."Lumapit ka." Kinawit siya ni Richard gamit ang dalawang daliri.Parang asong nalamigan, napayuko si Greasy at lumapit, kaluskos ang tunog ng tsinelas niyang may butas. "Bakit, boss?""Boss?" ulit ni Richard, sabay kunot-noo. "Wala akong pinapasahod, at lalo nang wala akong taong mukhang amoy mantikang inihaw na isda. Wag mo akong tawaging boss."Napakamot si Greasy sa mamantikang ulo, parang may iniipit pang mantika sa anit."Bayaran mo lahat ng nasira rito," utos ni Richard, sabay turo sa sirang mesa, upuan, at ang kumalat na sawsawan sa buong stall. "At pati na rin 'yung pagkalugi ni Manong.""W-wala akong pera, bo—este, sir." Halos maputol ang sinabi niya nang magtama ang tingin nila ni Richard.Nanlamig siya. Nanigas. Kinilabutan. At sa hindi maipaliwanag na dahilan… kinilig din.

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 166: Five Goons One Brain Cell

    "SIGE!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga goons, tila mga sabik na manok sa sabungan. Agad nilang pinalibutan ang mesa ng tatlo—si Richard, Faerie, at Vivian.Nakita ng ibang customer ang nalalapit na gulo, kaya't nagsialisan na agad ang karamihan. May iba pang hindi na nag-abalang magbayad—naka-libre pa ng barbecue habang nagkakagulo.Ang mga Thugs:Barbed Wire Guy – May tattoo ng barbed wire sa leeg. Nakangisi habang hinihimas ang leeg na parang gusto pa niyang dagdagan ang tattoo ng "Wanted Dead or Alive.""Boss, akin na 'yung isang babae. May ilalagay akong 'property of BWG' sa batok niya," sabay tawa na parang gago.Shades Guy – Naka-shades kahit gabi. Nag-aadjust pa habang madilim. Siya rin ang may tattoo ng pusang may espada sa leeg."Pucha, wala akong makita. Nasan ang kalaban?""Tanggalin mo kasi salamin mo!" sigaw ng isa."E aesthetic ko 'to eh!"Jacket Lang Guy – Walang t-shirt, jacket lang, naka-chew ng toothpick."Tangina parang sarap laruin ng dalawa, parang jackstone," saba

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 165: Cinderella and the Midnight Misfits

    Tumayo agad ang mga lalaki. Parang rehearsed na—nagkalas sa upuan, tumuwid ang katawan, sabay lakad nang astig. Ngunit natigilan ang isa sa kanila, medyo patpatin pero may tattoo ng pusang may espada sa leeg."Boss…" sambit niya, sabay kamot sa batok. "Wala tayong kotse."Halos sabay-sabay ang pag-facepalm ng tropa. Pak!Binatukan siya ni Greasy. "Idiot! Kunwari lang para astig!""Ay… okay, gets," sagot ng lalaki, sabay tagilid ng katawan na parang may invisible car sa harap niya. Tumingin siya sa paligid at saka ginaya ang pag-on ng sasakyan. "Vrrrm! Vrrrm! Okay na boss, na-start ko na ang makina!"Ngiting-ngiti si Greasy. Parang proud na proud sa performance ng kanyang low-budget henchman.Tumayo siya at lumapit kay Vivian. "Ngayong gabi," aniya sa mababa at maruming tono ng boses, "ipaparanas ko sa 'yo kung anong klaseng laro ang tinutukoy ko."Mula sa likod niya, sumingit ang isa pang lalaki na may barbed wire na tatoo sa leeg. "Tamang-tama boss, bihira na tayo makakita ng ganiton

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status