Mabilis na sumugod si Jane sa harap ni Fae, "Fae! Wala kang galang!" singhal niya, "Bakit mo tinatanong si Manager Morgan nang ganyan? Hindi ka pa nga empleyado, kung umasta ka, akala mo kung sino!"Tahimik pero madiin ang tingin ni Fae kay Jane, saka siya ngumiti ng mapanukso. "Jane, bakit ka na-eexcite? May mali ba kung humihingi ako ng opinyon mula sa isang manager? Hindi ba't mas maayos na may second opinion lalo na kung tungkol sa posisyon sa kumpanya? Well…" sabay tingin kay Morgan, "kayo na nga mismo ang nagsabi na magaling ako sa ilang bagay, so bakit hindi natin hayaang si Manager Morgan ang magdesisyon? Baka naman may ibang department na mas mapapakinabangan ako?"Natigilan si Jane. Hindi siya makapaniwala na ginamit mismo ni Fae ang sarili nilang pambobola laban sa kanila. Saglit siyang natameme, pero hindi siya papayag na mawalan ng kontrol sa sitwasyon.Napangisi siya at nagkunwaring kalmado. "Faerie White," sarkastikong tawa ni Jane, "masyado yatang mataas ang tiwala mo
Pagkalabas nina Morgan at Fae mula sa interview room, agad na nagsalita si Fae,"Sir Morgan, I just agreed to that offer para lang matahimik yung dalawang 'yon. Pero… may iba pa bang available na posisyon? Kasi honestly, I'm not after that title."Natigilan si Morgan, saglit na nag-isip habang naglalakad sila sa hallway.'Matagal nang gustong makuha ni Chase ang Director position,' naisip niya, 'pero hindi siya pwedeng ilagay doon. Abusado, mapagmataas… at alam niyang inoobserbahan pa siya kaya hindi nagmamadali.'Napabuntong-hininga si Morgan at nagpatuloy sa isip, 'Ang dami ring qualified na aplikante pero hindi ko kayang isugal ang ibang tao sa posisyong 'to, siguradong magiging target sila ni Chase. Pero si Ms. Faerie… she's different. Qualified siya — at asawa siya ng presidente. Ang gagawin ko na lang ay iulat ang kaganapan, at sigurado akong hindi tatahimik na lang ang president kung may ginawa si Chase sa madam. Kaya't wais ang ideya na ibigay sa kanya ang posisyong ito.'Tumi
Ilang minuto bago ang pagdating ni Fae.Sa loob ng opisina ng presidente, nakaupo si Richard sa malaking leather chair sa likod ng executive desk, habang si Kevin naman ay relax na nakaupo sa single sofa sa harap niya, may hawak na tablet at ilang papel."So far sir, maganda ang takbo ng Everest Corp. Tumaas ng 12% ang sales ng mga industrial equipment natin this quarter," ulat ni Kevin habang sinusuri ang tablet.Tumango si Richard, kaswal na nakasandal at naglalaro ng paperweight sa kamay."Good. Paano naman yung bagong project natin sa south? Yung construction equipment distribution?""Ayun sir, on track na. Kakapirma lang ng kontrata with two major contractors sa Cebu. They'll be getting 60% of their heavy equipment from us," sagot ni Kevin, sabay abot ng isang folder.Binuklat ni Richard ang folder at nagbasa-basa."Not bad. Gusto ko, Kevin, bantayan mo 'to. Siguraduhin mong walang sablay, lalo na sa delivery at after-sales service. Ayokong may bad feedback d'yan.""Yes sir. Naka
"Ma'am?" takang tanong ni Fae, sabay turo sa sarili. "Ako ba 'yung tinatawag mong Ma'am?"Muling inulit ni Kevin, halatang kabado."Ma'am, mali ang iniisip mo—" hindi niya naituloy ang sasabihin nang umubo at tumayo si Richard."Bakit mo ako tinatawag na Ma'am, Mr. Gold?" tanong ni Fae, nakataas ang kilay.Magsasalita pa sana si Kevin nang biglang umepal si Richard. "Mr. President, sa tingin ko tapos na ang pag-aayos ni Manager Morgan sa ibaba."Biglang may nag-click sa utak ni Kevin."Ah oo! Oo nga pala," sabay tawang sambit. "Naalala ko, kailangan ko pa palang i-check yung mga inayos ni Morgan."Tumingin siya kay Fae at Richard. "Richard, nandito na ang asawa mo… maiwan ko muna kayo, iche-check ko yung pag-aayos sa ibaba."Bago pa makapagsalita si Fae, sumingit na si Richard. "Okay, Mr Gold, salamat." sabay magalang na hinatid palabas ng opisina.Habang palabas si Kevin, mahina at may pagbabantang bumulong si Richard, "May kasalanan ka sa'kin."Tumingin si Kevin at nakita ang matali
Hindi pinahalata ni Richard ang galit at ngumiti na lang kay Fae."Good job, Mrs. Gold. I'm proud of you."Ngumiti si Fae at nagpatuloy sa pagsubo. Habang kumakain, hindi niya maiwasang mapasulyap kay Richard. Napansin ito ni Richard at bahagyang napakunot ang noo."May dumi ba sa mukha ko? Kanina ka pa sulyap nang sulyap," tanong ni Richard.Ngumiti si Fae. "Ang gwapo mo pala," ani niya.Biglang naging proud ang mukha ni Richard. "Lagi naman akong gwapo. Ngayon mo lang ba napansin?"Tumawa si Fae. "Alam kong gwapo ka, iba lang pagka-gwapo mo ngayon kasi good mood ako."Napailing si Richard. "Ah ganun pala? Depende ang pagka-gwapo ko sa mood mo?"Ngumiti lang si Fae bago iniba ang usapan. "By the way, gusto ko sanang i-celebrate 'tong simula ng magandang buhay natin…" Tumigil siya saglit, tila nag-iisip. "Saan mo gustong kumain?""Imperial Hotel," agad na sagot ni Richard.Halos mabilaukan si Fae habang sumubo ng kanin. Agad niyang kinuha ang baso at uminom ng tubig."Imperial Hotel?!
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Fae sa malamig na tono.Walang paalam na humakbang si Glenda papasok, kasunod si Geraldine. Pasimpleng nagbugaw ng kung anong imahinasyong langaw si Glenda habang lumilinga-linga."Ano ba naman 'yan, Fae," umpisa ni Glenda, "nagtitiis ka sa ganitong lugar? Kung umuwi ka na lang sa White Villa, edi sana naka-aircon ka pa. Hindi yung..." Tumingin siya sa paligid, kita ang pagtataas ng kilay. "...ganitong maliit at luma pang apartment. Diyos ko, ang sofa, parang vintage."Sumingit si Geraldine, nakatakip ang ilong habang tumitingin-tingin sa paligid."Oo nga, Ate. Sa Villa, hindi ganito ang lagay mo. Sukat lang yata ng walk-in closet ko 'tong buong apartment mo."Nakasimangot na lumapit si Fae, "Kung naparito kayo para pilitin akong bumalik, umuwi na lang kayo. Hindi ako uuwi, kahit anong pamimilit o pananakot pa ang gawin ninyo."Hindi man lang naupo sina Glenda at Geraldine, halatang iniisip na marumi o masisira ang kanilang branded outfits ng mga
"Kahit anong pilit mo sa akin ngayon," mariing sabi ni Fae habang nananatiling nakatitig kay Glenda, "hinding hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Mangarap ka ng gising, Glenda, dahil kahit kailan—hindi mangyayari ang binabalak mo!"Tumikhim si Glenda, tumingala nang bahagya at ngumisi ng malamig, parang isang kontrabidang sanay sa tagumpay ng pananakot."Akala mo ba, Fae, ikaw pa rin ang may hawak ng alas?" bulong niya. "Baka nakakalimutan mo, nasa kamay kita ngayon."Nagpatuloy sa pagpupumiglas si Fae, pilit kumakawala. "Bitawan n'yo ako!" galit niyang sigaw.Ngunit lalong humigpit ang hawak ng mga lalaki sa kanya.Napuno na si Glenda. Sa isang iglap, inabot niya ang mukha ni Fae.PAK!Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ng dalaga.Natigilan si Fae, gulat sa sakit at bigat ng kamay ni Glenda. Mariing kinagat niya ang kanyang ngipin, inipon ang lahat ng lakas bago muling tumingin kay Glenda."Wala kang mapapala sa ginagawa mo!" singhal niya. "Kahit pahirapan mo ako, hin
Ngumisi nang may panunuya si Glenda, "Akala ko kung sinong bayani na ang dumating, mukhang ang mahirap mong asawa lang pala," sarkastiko niyang sabi habang tutawa nang bahagya.Malamig ang tingin ni Richard sa dalawa at hindi agad nagsalita.'Mukhang ang dalawang ito ang half-sister at stepmom ni Fae. Tila naparito sila upang manggulo,' naisip niya habang pinipigil ang sarili.Humakbang siya palapit at sa isang iglap, sinipa ang isa pang lalaking may hawak kay Fae."Huwag mong hawakan ng marumi mong kamay ang asawa ko," anas niya, malamig at puno ng babala sabay hila kay Fae papalapit at itinago sa kanyang likod.Nag-cross arms si Glenda, hindi pa rin nawawala ang kayabangan."Napaka-tapang mo naman? Mag-isa ka lang, naglakas-loob kang labanan ang dalawang taong 'to?"Umiling si Richard, "Labanan? Nilayo ko lang sila sa asawa ko. Pero kung laban ang usapan…" Tumitig siya kay Glenda, isang napakalamig at nakakasindak na titig, "…hindi ako magpapakita ng awa."Nanlamig ang paligid. Halo
Malamig na tumingin si Lexa sa lalaki."June," aniya, walang kahit kapirasong saya o gulat sa kanyang tinig. Tila awtomatikong nanigas ang kanyang mga balikat, at ang dating ng kanyang mga mata'y malamig gaya ng hangin sa aircon ng café.Ngumisi ang lalaki, bahagyang tumingala't nilingon si Fae bago muling ibinalik ang mapang-akit ngunit bastos na tingin kay Lexa."Lexa, mahal kong fiancée," aniya, kunwa'y may lambing, pero halatang may banta ang bawat salita. "Lagi kitang hinahanap—hindi ko akalaing dito kita matatagpuan. Sakto, na-miss kita."Bahagyang sumimangot si Lexa, mariin ang paghinga. "Wala tayong usapan. Hindi ako pumayag sa ayos na 'yan. Ilang ulit ko na bang sinabi sa'yo—hindi ako sayo."Umirap si June at lumapit pa lalo sa mesa, halos sakupin na ng kanyang katawan ang personal space nina Lexa at Fae."Tigilan mo 'yan, Lexa," aniya sa mataas na boses na kumuha ng pansin ng iba pang mga customer. "Matagal nang naayos ang desisyong 'to. Ang mama mo at parents ko... Ayos na
Ang tumatawag ay walang iba kundi ang kanyang step mom, si Glenda.Napairap si Faerie. Hindi na siya nag-abala pang sagutin at agad na dinecline ang tawag. Tumungo siya sa contacts at hinanap ang pangalan ni Richard.Bago pa niya mapindot ang "call," muling tumunog ang telepono at nakitang tumatawag na naman si Glenda.Napabuntong-hininga si Fae. Ayaw niyang masira ang hapon, pero tila hindi siya titigilan nito. Sa huli, wala siyang nagawa at tinatamad na sinagot ang tawag."Anong kailangan mo?" malamig niyang tanong."Fae! Sinasabi ko sa'yo, umuwi ka sa bahay at pakasalan mo na si—"Hindi na tinapos ni Faerie ang pakikinig. Walang gana at suya na siyang pinindot ang end call. Wala siyang oras makinig sa kalokohan ng babaeng ito. Mas mabuti pang pabayaan na lang niya.Ngunit hindi pa man siya nakakahinga ay muling tumawag si Glenda.Decline.Isa, dalawa, tatlong beses pa ulit. Hanggang sa nainis na si Faerie at sinagot ulit ang tawag, ngunit ngayon ay mas malamig ang kanyang tinig."K
Sa gitna ng silid, mahinahong ngumiti ang lalaking nakasuot ng gray suit at pinaupo si Fae bago muling tumingin sa lahat. "Hello, everyone. For those of you who don't know me yet or are new here, I'd like to introduce myself. I am Mr. Alaric Yvez, the Head of Operations at Gold Prime Enterprises Headquarters. I'm excited to be with you today and I hope to contribute to the important discussions we'll have," wika nito habang tinitigan isa-isa ang mga naroon. "Naatasan akong magsagawa ng internal assessment dito sa Everest Corporation bilang bahagi ng ating restructuring and integration process."Tahimik ang buong silid. Lahat ay nakikinig. Lahat ay nakikiramdam.Isa-isa niyang tinanong ang mga department heads—malumanay ngunit prangka, bawat tanong ay may layuning sukatin hindi lang ang talino kundi pati ang integridad ng bawat isa.Nang si Jane na ang tinawag, saglit siyang napatayo na may bahagyang pagngiti—self-assured, tila ba inaasahan niyang ito na ang pagkakataong makakuha ng m
DING.49th floor.Bumukas ang elevator at dahan-dahang lumantad sa harapan ni Fae ang isang conference hall na tila inihanda para sa isang high-level board meeting. Malawak ang silid, may glass wall sa kanan kung saan matatanaw ang buong lungsod. Sa gitna, isang mahaba at eleganteng conference table ang nakaayos, napapalibutan ng mahahabang leather chairs. Ilang projector screens ang nakaabang, nagpapakita ng logo ng Gold Prime Enterprises.Pero hindi ito ang ikinagulat ni Fae.Ang buong silid ay punô ng mga taong hindi niya inaasahan—mga executive at department heads mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, suot ang mga pormal na uniporme na may logo ng Gold Prime. Nakatayo ang karamihan, nakikihalubilo sa isa't isa, ngunit kapansin-pansin ang tensyon sa ere—tila may malalim na usapan na nagaganap sa bawat grupo."Lexa Romero?"Isang lalaking naka-itim na blazer at may badge ng HQ ang tumawag mula sa may dulo ng conference hall.Napalingon si Lexa."Yes, sir?""Please come forward. You'r
Ang taong pumasok ay walang iba kundi si Chase. Ang Head ng HR ng buong Everest Corp, at tiyuhin ni Jane.Diretso ang lakad ni Chase patungo sa upuan sa harap ng desk ni Fae, tila ba siya ang may-ari ng lugar. Naupo siya na parang walang respeto sa espasyo ng iba, at hindi naiwasang magpaskil ng kakaibang ngiti sa kanyang mukha habang titig na titig sa dalaga.Tiningnan ni Fae ang lalaki mula sa kanyang desk at kaagad na kumunot ang kanyang noo."Mr. Chase," ani Fae, pilit itinago ang pagkasuklam. "Napabisita ka? Mukhang hindi ka abala sa opisina mo at nagawa mong bumisita rito?"Bahagya siyang ngumiti, "Parang mas gusto ko na lang tuloy maging Head ng HR, tamang travel lang sa buong kumpanya." Sarkastiko niyang sabi.Napahilig si Chase sa pagkakaupo at tumawa nang mahina, hindi nagalit sa sinabi ni Fae. Sa halip, pinagmasdan siya, mula mukha pababa—at ang mata niya ay tumigil sa dibdib ni Fae. Hindi iyon lihim. Lantarang pananakal ang tingin, at bahagya pa siyang ngumisi na para bang
Tumigil si Nina sa harap ng desk ni Fae, hinayaan munang gumalaw ang kanyang mga mata, mula ulo hanggang paa, na tila ba sinusukat ang bagong direktor ng HR. Walang ngiti at walang emosyon sa kanyang mukha, tanging isang malamig na pagtatasa lang.Iniabot niya ang mga papel."HR paperwork for the executive interns," aniya sa malamig na tono. "Naisip kong personal ko na lang dalhin para siguradong maayos."Tiningnan siya ni Fae, walang bahid ng tensyon sa mukha. Tahimik, kalmado, at propesyonal ang kanyang aura."Salamat. Pakilagay na lang diyan," sabay turo niya sa gilid ng desk.Ngunit hindi gumalaw si Nina. Nanatili siya sa kinatatayuan, tila may gustong patunayan.Tumango-tango siya at bahagyang ngumisi."By the way," panimula niya, "maraming nagugulat. Ang bilis mong umangat. Impressive… o baka sabihin nating… suspicious?"Mataas ang kilay ni Nina, ang tono niya'y matamis sa ibabaw pero puno ng lason sa ilalim."I mean," patuloy niya, "marami sa amin dito ang matagal nang naglilin
Opisina ng CharimanPagpasok ni Richard sa opisina ng chairman, bumungad sa kanya ang maaliwalas at eleganteng silid. Mabango ang halimuyak ng pinakuluang dahon ng tsaa. Sa isang antigong mesa, nakaupo si Bernard Gold, nakangiti habang dahan-dahang iniinom ang tsaa sa isang porselanang tasa.Tumango si Bernard nang makita si Richard. "Maupo ka, President Gold," magalang ngunit dama ang awtoridad sa tono nito, habang itinuro ang upuan sa tapat niya.Umupo si Richard, bumalik agad sa kanyang business composure. Sa likod, tahimik na nakapwesto si Kevin at si Alastair."Let's proceed," sambit ni Bernard, habang inilapag ang tasa. "The reason I called you in, Richard, is to brief you about a high-stake cooperation deal with Monarch Tech—based in Singapore.""Monarch Tech?" tanong ni Richard, nakakunot ang noo. "They specialize in AI-integrated cloud infrastructure, right?""Exactly," sagot ni Bernard. "They're expanding their network in Asia, and they want us to be their exclusive logistic
Isang pamilyar at pormal na tinig ang sumagot sa kabilang linya."Good morning, Mr. Gold. Si Alastair po ito," sambit ng butler at long-time assistant ng kanyang lolo."Alastair? May problema ba?" tanong ni Richard habang kumunot ang noo."Wala naman po, Sir. Pero pinapatawag po kayo ni Chairman Gold sa headquarters. Sinabi niyang 'urgently.'"Mabilis ang naging tugon ni Richard. "Sige. Pupunta na ako ngayon din."Pagkababa ng tawag, lumingon siya kay Kevin. "Pupunta tayo sa Gold Prime Enterprises. Pinapatawag ako ni Lolo.""Roger that, boss," mabilis na sagot ni Kevin.....Gold Prime Enterprises BuildingIsang imposibleng hindi mapansin na estruktura—tumatayong parang hari sa kalagitnaan ng financial district ng siyudad. Kumikinang sa sikat ng araw ang mala-salamin nitong panlabas, at may gintong GPE logo sa pinakataas na bahagi ng gusali. Ang front entrance ay may awtomatikong glass doors na bumubukas nang maayos habang tumutunog ang mekanikal na 'ding.'Sa ground floor, ang lobby
Sa loob ng opisina ng presidente sa Everest Corp, naglakad na si Richard papunta sa upuan na nasa executive desk. Mag-uumpisa na sana siyang umupo nang bigla siyang pigilan ni Fae."Hoy! Ano ka ba, Richard?" awat ni Fae, sabay hawak sa braso niya. "Mauuna ka nanaman? Dito ka nga lang sa tabi!"Napasinghap si Richard, napatingin kay Fae na parang nabunutan ng karayom. Samantalang si Manager Morgan at Kevin sa gilid ay parehong nagpipigil ng halakhak, nanginginig na halos ang balikat.Walang nagawa si Richard kundi umatras ng kaunti, sabay hikab na kunwari'y relax. "Aayusin ko lang ang uupuan ng presidente," palusot niya, saka marahang humakbang, maharlika ang kilos habang hinila ang swivel chair.Pagkatapos, tumingin siya kay Kevin sabay bigay ng isang matalim pero nakatawang tingin. "Mr. President, mangyaring maupo," aniya, sabay gesture na parang butler na inaanyayahan ang hari.'Mamaya ka sa akin, Kevin…' naisip ni Richard habang pinisil ang isang matalim na ngiti.Naglinis ng lalam